공유

295

작가: Anoushka
last update 최신 업데이트: 2024-11-28 15:21:07

Ang mapanuyang tawa ay biglang narinig, at napatigil si Karylle sandali bago napagtanto—nasa tabi ni Bobbie si Harold.

Napatingin si Bobbie sa kanyang presidente, at nang makita niyang wala itong balak magsalita, nagmadali siyang sinabi kay Karylle, "Sige, noted."

Pagkatapos nito, ibinaba na niya ang tawag. Sandaling nag-alangan si Bobbie, saka muling tumingin kay Harold. "Mr. Sanbuelgo, sigurado po ba kayong hindi ninyo tatanggapin ang proposal ni Miss Granle?"

Punong-puno ng pangungutya ang mga mata ni Harold. "Hindi maganda ang plano, o baka si Karylle ang may problema. Ang babaeng 'yan, napagastos niya ako ng napakalaki. Kaya kung hindi ko siya kakasangkapan, swerte na siya."

Hindi na kumibo si Bobbie, pero malamig na sinabi ni Harold, "Alamin mo kung bakit siya bumalik sa Granle Clan."

"Noted, sir."

Samantala, agad na nag-vibrate muli ang telepono ni Karylle matapos maibaba ang tawag.

Pagkakita sa numero ni Alexander, agad niya itong sinagot.

Bago pa man siya makapagsalita, narin
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   588

    Muling kumalat ang kaguluhan sa loob ng Sanbuelgo Group.Ang payat na lalaki na marunong sa pananalita ay tila hindi nauubusan ng paraan—ipinagsigawan niya ang mga kwento na una nang sinabi ng matabang kasamahan, pero dinagdagan pa ng sarili niyang imbento. Sa bawat ulit ng kanyang kwento, tila lalong gumagaling siya sa pagpapalaganap ng intriga. Sa puntong ito, ang mga sinabi niya ay tila naging klasiko na—isang kuwento ng pag-ibig at pagkamuhi na ikinukuwento ng lahat.Unti-unting lumala ang tingin ng mga tao kay Karylle. Halos lahat ay may nasasabi laban sa kanya, at tila ba unti-unti na siyang itinataboy mismo ng buong Sanbuelgo Group.Sa gitna ng lahat ng ito, nanatiling tahimik si Karylle. Ilang araw na ang lumipas, ngunit ni minsan ay hindi niya sinubukang magpaliwanag.Habang papalapit na ang deadline ng bagong programa na dapat nilang i-develop, sinabayan ito ni Harold ng paggawa ng bagong system upang palitan ang orihinal na may leak. Dahil dito, napilitan ang kabilang panig

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   587

    Biglang ngumisi ang kabilang panig—ang babaeng si Lolita. Napakunot ang noo ni Adeliya, halatang hindi siya natuwa sa mapanuyang tawa nito. Pero hindi na rin siya nagtanong pa. Alam naman niyang malinaw ang kasunduan sa pagitan nila, kaya pinili na lamang niyang manahimik.Bago pa siya makapag-isip ng kung ano pa, muling narinig ni Adeliya ang malamig at mapanghamak na boses ni Lolita mula sa kabilang linya."Kung gano'n lang kadaling paikutin si Harold, eh 'di sana matagal ko na siyang nilaro sa palad ko. Why would I even waste time on him?"Napakagat-labi si Adeliya at pinili na lang tumahimik. Sa totoo lang, tama naman ang sinasabi ng babae. Kung batay lang sa isang pangyayari ay agad kang magdududa, kulang talaga iyon bilang ebidensya. Hindi rin naman niya kailangang magpakapagod nang husto para lang lituhin ang mga tao sa paligid.Tumango si Adeliya, saka mahinang tanong, “So, anong susunod na plano?”Sumagot agad si Lolita, “Ngayon, lahat sila ay nagdududa kay Karylle. Pero si H

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   586

    May isa pang netizen na nagkomento nang may halong biro ngunit halatang may pangmamaliit:Isang user ang nagsabi: “Alam mo ba kung ilang bilyon na ang halaga ng mga assets niya? Top-tier lawyer na, top hacker pa. Sa dalawang identity pa lang na ’yan, hindi na mabilang kung gaano karami ang kinikita niya. Tapos, anak pa siya ng dating may-ari ng Granle Group. Hindi pa ba sapat na naging asawa pa ni Harold dati? Aba, kung ganyan ka yaman at matalino, may karapatan ka pa bang alalahanin ng ibang tao? Kalokohan talaga.”Sunod-sunod ang pangungutya mula sa mga netizens. Pero may ilan na napansin ang tila pag-iwas sa paksa—na para bang sinasadya ng ilan na ilihis ang usapan para lumiit ang isyu. May nagsabi pa nga na ito raw ang layunin ng mga trolls: ang gawing maliit ang malaking bagay. Kaya hindi rin nagtagal, ibinalik rin ng iba ang usapan sa tunay na paksa.Muling binanatan si Karylle, tinawag siyang “bitch”, at kung anu-anong masasamang salita pa ang iniuugnay sa pangalan niya.Sa mga

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   585

    “Alam ko naman,” mahinahong sabi ni Alexander, sabay tingin kay Karylle. “Kaya nga naaawa ako sa’yo, Karylle. Kailangan mo ba talagang pagdaanan lahat ’to nang mag-isa?”Tahimik lang si Karylle habang nakatitig sa kanya. Hindi siya agad nagsalita.Seryoso ang mga mata ni Alexander—malalim at tapat ang tingin nito habang nakatuon sa kanya. Sa tagal nilang magkakilala, ngayon lang siya naging ganito ka-sincere, kaya’t napakurap si Karylle at nakaramdam ng kaunting pagkalito.Maya-maya, narinig niya ang banayad at kalmadong boses ng lalaki, na punô ng pagkalinga at pang-unawa.“Alam kong ayaw mong umasa sa ibang tao. Gusto mong ikaw mismo ang bumawi, ikaw mismo ang lumaban para sa pangalan ng ama mo. Gusto mong ikaw ang maghiganti, hindi ba? Pero sa ganitong paraan, ikaw lang din ang lalong napapagod. Friends are meant to help each other, bakit mo ako tinutulak palayo? Don’t you believe I’m sincere?”Bahagyang gumalaw ang mata ni Karylle, pero nanatiling tikom ang labi. Hindi niya alam k

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   584

    Pumasok si Karylle sa trabaho gaya ng nakasanayan.Pero ramdam niyang may bumabagabag sa paligid—maraming bulung-bulungan ang kumakalat.Pinatigil man ito ni Bobbie, at bagamat wala nang lantaran na usapan tungkol sa isyu, halata pa rin ang mga matang lihim na nakatingin sa kanya. Lalo na kapag siya ang dumaraan, kapansin-pansin ang mga kakaibang tingin at pakiramdam niya ay tila binabalatan siya ng mata ng mga tao sa paligid.Gayunpaman, hindi niya ito pinansin. Patuloy siyang nagtatrabaho at tinapos ang mga dapat niyang tapusin. Kahit pa may gumagawa ng paraan para sirain siya, hindi niya kayang pabayaan ang trabaho niya. Wala siyang kontrol kung maniwala man ang iba sa tsismis o hindi—ang mahalaga lang ay kung maniniwala ba si Harold.Oo, totoo na sinermunan niya si Harold at sinabing hindi niya ipagpapatuloy ang partnership nila kung hindi ito papayag. Pero sa totoo lang, kung tuluyan ngang masira ang kasunduan, parang mawawala rin lahat ng pinaghirapan niya. Para saan pa ang mga

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   583

    Walang emosyon sa mukha ni Harold habang malamig niyang sinabi, “Bahala kayo kung anong gusto niyo.”Pagkatapos niyang magsalita, tumayo siya kaagad at hindi na muling lumingon kay Joseph. Diretso siyang lumabas ng bahay.Napatingin si Lady Jessa sa kanyang apo na puno ng pag-aalala, ngunit sobrang bilis ng lakad ni Harold. Sa isang iglap lang, wala na ito sa paningin niya. Bigla siyang humarap kay Joseph at galit na bumanat.“Kapag nalaman kong nakipag-ugnayan ka na naman kay Karylle, makikipaghiwalay ako sa’yo! Sisiguraduhin kong hindi mo na ako makikita habambuhay!”“Lady Jessa!!” sigaw ni Joseph, halos pasigaw at puno ng galit.Ngunit hindi na siya nilingon ni Lady Jessa. Mabilis itong lumabas, iniwan siyang nagngingitngit.Bang!Malakas na ibinagsak ni Joseph ang palad niya sa ibabaw ng lamesa sa tindi ng galit.Samantala, malamig na tiningnan siya ni Harman, at sa kalmadong boses ay sinabi, “Oo, ikaw ang pinuno ng pamilyang ito. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo. Pero pa

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   581

    Samantala, sa lumang bahay ng Sabuelgo family…Sa loob ng den, kitang-kita sa mukha ng matandang si Lady Jessa ang matinding pagkadismaya at pagkagulat.“Hindi ako naniniwala!” mariin niyang sambit. “Hindi kayang gawin ni Karylle ang ganung klaseng bagay! Hindi siya puwedeng maging ‘Black-Hearted Chrysanthemum’! Imposibleng siya ang gumawa ng kalokohang ‘yon sa Sanbuelgo Group!”Biglang napangisi si Joseph, at may halong panunumbat ang tingin niya kay Lady Jessa.“‘Yan ang paborito mong apo? Tingnan mo nga ang pinaggagawa niya. Nilamon ng sistema. Traydor! Hindi marunong tumanaw ng utang na loob!” aniya sa masamang tono. “Pinakain mo ng maayos, minahal mo, pero anong isinukli sa'yo? Tignan mo sa Weibo! Basahin mo mga sinasabi ng tao!”Lalong dumilim ang mukha ni Lady Jessa. Halos pasigaw niyang sagot, “Kalokohan ‘yan!”Tumindig ang balikat niya sa galit. “Mabuti ako kay Karylle, at mabuti rin siya sa akin! Kung hindi dahil sa kaniya, baka hanggang ngayon, gapos pa rin ako ng nakaraan

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   580

    Akala ni Adeliya ay kilalang-kilala na niya si Karylle—na hawak niya ito sa palad, kaya hindi niya inasahan na ganito pala ito kalakas at katalino.Isang simpleng pekeng katauhan lang, pero nagawa nitong lituhin at paikutin sila. Sa simpleng galaw lang ni Karylle, nalinlang silang lahat. Talagang mahusay ang babaeng ito.“Karylle Ann!!” galit na sigaw ni Lucio habang nakatitig sa sahig, nagngangalit ang panga sa galit.Tahimik lang si Andrea sa gilid. Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita ng seryoso, “Kung si Karylle talaga ang may gawa nito… hahayaan na lang ba natin ‘to? Wala tayong gagawin?”“Hindi!” mariing sagot ni Adeliya habang nakadiin ang mga ngipin. “Bakit natin siya palalampasin?! Niloko niya tayong lahat—pinaglalaruan niya tayo! Pero natutunan ko na rin ngayon… Hindi puwedeng padalos-dalos. Kapag nagmadali tayo, siya pa ang panalo.”Napatingin siya sa kanilang dalawa, sabay sabing, “Mas mabuting sundan muna natin ang plano ng taong tumutulong sa atin. Sa ngayon, ep

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   579

    May biglang nagsalita mula sa mga tao, “Tingnan n’yo ‘yung reaksyon ni Miss Granle. Ibig sabihin ba niyan marunong mag-code si Miss Karylle? At mukhang magaling pa!”Agad na nagsalita si Adeliya, halatang nainis, “Hindi ko alam kung ano’ng pinagsasabi n’yo. Marunong lang gumamit ng computer ang kapatid ko, pero simple lang, ‘yung basic lang talaga. Wala siyang alam sa mga code-code na ‘yan. Wala akong idea kung anong pinaparatang n’yo, pero pakiusap, huwag n’yong dungisan ang pangalan ni Karylle.”Maayos at kalmado ang paninindigan ni Adeliya bilang isang kapatid. Buong puso niyang ipinagtatanggol si Karylle at hindi nagbigay ng kahit anong impormasyon sa media.Pero sa likod ng pagtatanggol na iyon, parang lalong pinagtibay ang hinala ng marami—na si Karylle nga ay may malalim na kaalaman sa computer, at posibleng isa ring top-level hacker.Dahil dito, hindi na nagpilit pa ang media. Kitang-kita kasi sa mukha ni Adeliya ang mga emosyon na hindi niya kayang itago. At minsan, ang mga g

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status