COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins

COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins

last updateLast Updated : 2025-11-21
By:  Lizzy WritesOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
303views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isabela "Isha" Vergara has it all - beauty, brains, and a future everyone envies. To the world, she's the daughter of a wealthy, respectable family living comfortably in one of Manila's richest cities. But behind the elegant façade is a home built on lies and fear. Her father, a desperate businessman drowning in debt, hides his failures behind charm and manipulation. A narcissist and a gaslighter, he gambles away what's left of their fortune while her mother, too afraid to lose the luxury she clings to, chooses silence over truth. One night, Isha overhears a phone call that shatters her world: a deal made in the shadows to settle her father's massive debt. The price? Her. Without her knowing, she's been sold... and the man who bought her is Kervin - her father's powerful business partner whose intentions go far beyond business. Now, trapped in a web of deceit and desire, Isha must face the darkest truths behind the perfect family portrait and decide how far she's willing to go to reclaim her freedom.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Tahimik ang buong mansyon. Pagpasok pa mo pa lang sa bahay, nakakabingi na ang katahimikan. Akala ng lahat masaya ang pamilyang may marangyang buhay kasi nagagawa lahat ng gusto. Oo, tama sila. Nagagawa namin lahat ng gusto maliban sa maging masaya.

Lumaki akong may “silver spoon in my mouth” kung tawagin. Amoy mamahaling pabango palagi ang bahay namin at gawa sa imported na kahoy mula pa sa Italy. Mamahalin ang kisame at may chandelier ang bawat kwarto. Bawat mesa naman ay may centerpiece na hindi pwedeng galawin. Kung titingnan mula sa labas ng bahay, mukha itong perpekto ngunit sa loob nito ay tila isang kulungan na ang pader at rehas ay gawa sag into.

“Nasa kwarto si Dad mo, Isha,” sabi ni Mama habang inaayos ang mga bulaklak sa flower vase. Hindi man lang sya tumitingin sa akin habang nagsasalita na tila ba parang ayaw nya akong makita. Ganyan sya palagi, abala sa gawaing bahay kahit may mga katulong naman kami na nakaassign sa ganyang gawain. Guston lang Talaga siguro ni mama na gampanan ang pagiging housewife at silbihan ang pamilya. Napansin ko na nanginginig ang kamay nya habang nag-aayos ng mga bulaklak.

“Oo, Ma.” Mahinahon kong sagot pero ramdam ko yung kaba sa dibdib ko kahit walang dahilan. Parang may mali palagi tuwing naririnig ko ang pangalan ni Dad.

Pag-akyat ko sa itaas, narinig kong may kausap si Dad kahit na nakasarado ang pinto. Parang galit na galit ang boses nya na para bang may halong kaba at pagkadismaya na di ko mawari.

Alam kong mali ang makikinig sa pag-uusap ng mga nakakatanda pero di ko maiwasang ma-curious kaya lumapit ako at inilapat ko ang tenga sa pinto.

“Hindi moalam kung gaano na ako ka-desperado, Kervin!” sigaw nya. “I can’t afford to lose this deal. Pinaghirapan ko ito at maraming oras at panahon ang ginugol ko para makuha ito. Gusto mo ng collateral? Fine. I’ll give you something more valuable.”

Napahinto ako. Rinig na rinig ko ang boses na nasa kabilang linya ng telepono dahil naka-loud speaker si Dad. Si Kervin Dela Vega ang kausap ni Dad, ang kanyang business partner. Kasing edad sya ni Dad at minsan kapag napagawi sya sa bahay naming ay iba ang ngiti at tingin nya sa akin.

“Manuel,” narinig ko ang boses ni Kervin, kalmado pero parang excited sa susunod na sasabihin. “You know what I want. You’ve been delaying payment for months. Hindi na pera ang gusto ko.”

“Fine!” sagot ni Dad. “Just… wag mo lang sirain ang pangalan ko. Hindi pwedeng malaman ni Lorna. Hindi pwedeng masira ang pangalan ng pamilya ko!”

Tumahimik sila ng mga ilang Segundo bago ko narinig ulit ang boses ni Dad na halos pabulong. “You’ll get what you want… soon.”

Kinilabutan ako kahit hindi ko alam kung ano ang ibig Nyang sabihin, pero nang marinig ko yun parang may kung anong bigat akong nararamdaman sa dibdib ko. Parang gusto kong kumaripas ng takbo na hindi ko alam kung saan ako patungo.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto saka ko naramdaman na safe ako. Naging comfort zone ko na ang room ko. Pagpasok ko sa kwarto, dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinext si Mama.

“Ma, narinig ko si Daddy. May utang ba Talaga tayo?”

Nag-seen lang sya ngunit hindi sya nagreply kaya dali-dali akong bumaba ulit.

Nadatnan ko sya sa kusina, nakaupo sa stool at umiinom ng wine kahit alas tres pa lang ng hapon. Suot nya pa rin ang pearl necklace na bigay ni Daddy noong anniversary nila.

“Ma,” mahina kong sabi.

Tumigil sya sa pag-inom pero hindi tumitingin sa akin.

“Anak, hind imo kailangang alalahanin yan. Hayaan mo na ang Daddy mo sa mga Negosyo nya.”

“Pero Ma, narinig ko sya na may kausap sa telepono kanina. Parang may kausap syang… may gusting kapalit sa utang. Hindi ko alam pero…”

“Isha.” Malamig ang tono Nyang pinigilan ang susunod ko pa sana na sasabihin. “Wag mo nang pakialaman kasi hind imo pa naintindihan ang mga bagay na yan.”

Gusto kong sabihin na naintindihan ko. Naintindihan ko yung takot at pangamba sa mga mata Nyang pilit Nyang itinatago sa likod ng kanyang mga false eyelashes. At sa bawat panginginig ng labi nya habang nagsasalita ngunit pilit din nitong tinatago sa likod ng mamahaling lipstick. At lalong naintindihan ko rin na mas pipiliin nya na manahimik na lang kaysa harapin ang katotohanan. Ganyan si mommy.

“Ma,”. Naluluha at basag yung boses dahil di ko mapigilan ang mag-overthink. Nabasa ko na kasi at napanood sa mga pelikula ang eksena kong saan sinakripisyo ang anak para mabayaran lang ang mga milyones na utang ng pamilya.

“what if… ako yung kapalit?” Sa wakas nasabi ko rin kahit parang may tinik sa lalamunan ko.

Napatingin sya sa akin at nagulat sa sinabi ko. “Anong pinagsasabi mo?”

“May sinabi si Dad… may gusto si Tito Kervin…”

Galit nyang binaba ang glass wine at lumapit sa akin. “Tama na yan, Isabela! Wag mo nang dagdagan ang problema ng pamilya natin! Kung gusto mong makatulong, tumahimik ka lang. Okay?”

Natamimi ako. Ang sakit pakinggan ng mga sinasabi nyang yun. Na para bang wala akong boses sa sarili kong pamamahay.

Tumalikod sya, humigop ng wine saka umalis at nagkukunwaring kalmado. Pero Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, o baka guni-guni ko lang din yun.

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Paulit-ulit na nag-replay sa isipan ko ang boses ni Daddy. “You’ll get what you want.” At di ko din maiwasan na ibalik sa isipan ko ang mga titig ni Tito Kervin sa akin na para bang gustong-gusto nyang patagusin sa kaluluwa ko ang mapaglarong titig nya tuwing napapagawi sya dito sa bahay.

Dahil sa di ako makatulog, bumangon ako at lumabas ng kwarto. Kukuha sana ako ng tubig sa kusina nang mapansin ko na bukas ang ilaw sa office ni Dad. Narinig kong may kausap sya ngunit mahina lang ang boses nya. Kaya lumapit ako at patagong nakikinig.

“Tomorrow night,” sabi nya. Sa private suite. Yes, okay! I’ll make sure she’s alone.”

Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Lalong lumakas ang pakiramdam ko na ako ang tinutukoy ni Dad.

At nang matauhan ako, tumakbo ako pabalik sa kwarto. Nanginginig habang hawak ko ang cellphone. Dina-dial ko ang numero ni mommy ngunit ilang beses na itong nag-ring pero hindi nya sinasagot. Kaya tinext ko sya.

“Ma, please. Alam ko na, narinig ko si Dad. Tulungan mo ako, please, Ma.”

Nagseen lang sya ngunit walang reply. Pagtingin ko sa orasan, alas dose na pala ng gabi. Narinig ko na may naglalakad sa hallway papalapit sa kwarto ko. Nagtakip ako ng bibig at huminga ng dahan-dahan para kunwaring tulog ako. Bumukas ang pinto.

“Isha?”

Boses ni Daddy, malambing kaya dahan-dahan akong lumingon. “Gising ka pa?”

Tumango ako at pinigilan ko na hindi manginginig. “O-opo, Dad. Hindi ako makatulog.”

Ngumiti sya pero hindi ‘yung ngiti ng isang mapagmahal na ama. Ang mga ngiting nakikita ko nagyon ay ngiti ng isang tao na sanay makuha ang kanyang gusto.

“Anak, bukas may event tayo, okay? Ayusin mo sarili mo. Make me proud.”

Ngumiti ako ng pilit. “Sige po, Dad.

Kinabukasan, habang nag-aalmusal kami, dumating si Tito Kervin. Nakaitim na suit, abot tenga ang ngiti sabay lapit sa akin, “Isha,” bati nya, “you’re blooming.”

Napangiwi ako pero pilit pa rin akong ngumiti. “Good morning po, Tito.”

“Tito?” tawa niya. “Call me Kervin. Were… friends now, right, Manuel?”

Tumawa si Dad pero alam kong pilit. “Of course.”

Tiningnan ko si Mama. Wala syang imik, nakatingin lang sa tasa ng kape niya na parang wala sya sa sarili.

Pagkatapos ng almusal, agad akong pumunta sa kwarto at nag-empake. Isang maliit lang na backpack at kunti lang ang mga damit na dadalhin ko, ID, phone, jacket, at of course pera. Nagpapasalamat ako sa sarili ko dahil mahilig akong mag-ipon at magagamit ko pala ito nagyon.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa harap ko si Mommy.

“Anong ginagawa mo?”

“Ma, aalis ako. Please, wag mo akong pigilan.” Tumulo ang luha ko. “Pinambayad ako ni Dad kay Tito Kervin, Ma. Alam mo yun, Ma! Alam mo yun!”

Nanginginig ang labi nya pero tumalikod sya saka nagsalita. “Hindi moa lam ang sinasabi mo. Anak, wag kang gumawa ng gulo.”

“Ma, please!” Hinawakan ko ang braso nya at nagmakaawa pero agad niyang inalis ang kamay ko.

“Isha, tahimik ka lang. Gagawan ng paraan ng Daddy mo ang lahat.”

Hindi na ako umimik. Alam ko na hinding-hindi ako tutulungan ni Mommy kaya umalis na ako sa harap nya at dali-daling bumaba ng hagdan habang pinipigilan ko ang hikbi. Paglabas ko ng gate naming, agad kong tinawagan si Jenny, ang bestfriend ko sa school.

“Jen, tulungan mo ako. Kailangan kong makaalis.”

“Ha? Bakit? Anong nangyari?”

Wala nang oras magpaliwang, pero promise ipapaliwanag ko ang lahat kapag makaalis na ako dito. Please. Kahit saan. Kahit sa barko, o sa probinsya, basta makaalis lang ako sa impyernong lugar na ito.” At tuluyan na talaga syang humikbi. Agad naman itong naintindihan ng matalik nyang kaibigan. Hindi nagtagal, may dumating na sasakyan. Si Jenny, tinulungan nya akong makarating sa Batangas port, ngunit hanggang dun lang ang kaya niyang gawin at wala din syang alam sa pasikot-sikot dito.

Hindi sapat ang pera na dala ko kapag ipambayad ko iyon sa pamasahe sa barko, kaya nag-isip ako ng paraan. At kahit anong available na barko ay sasakyan ko kahit saan pa ito patungo basta makaalis lang ako sa lugar na ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status