Matalino si Adeliya. Kahit hindi pa siya sinabihan, alam niyang darating din ang oras na sasabihin sa kanya ni Karylle ang lahat. At kapag nangyari 'yon, baka pa ito dagdagan at palalain ang kuwento—mas lalo lang siyang masasaktan!Pareho rin ng iniisip si Lucio sa sandaling iyon. Pangit ang ekspresyon ng mukha niya—madilim at punong-puno ng kabiguan. Pero wala siyang masabi. Hindi niya kayang pabulaanan ang sinabi ng anak nila.Kita ni Adeliya sa mga mata ng ama niya—tama ang hinala niya.Tama siya. Tama ang hula niya!Sana nga'y mali siya. Sana nagkamali lang siya ng iniisip.Pero ang mga reaksiyon ng kanyang mga magulang ay nagsilbing kumpirmasyon. Totoo ang kutob niya. Ibinenta nga ng kanyang ama ang bahay at inilabas ang lahat ng ari-arian nila, para lang kumuha ng taong kayang sirain ang sistema ng Sanbuelgo Group. Pero sa huli, nabigo rin ang lahat. Wala ni isang kusing ang bumalik!Sa isang iglap, nanginig ang mga pilikmata ni Adeliya. At sumunod, tuloy-tuloy nang pumatak ang
Ang isang papel na naglalaman ng divorce agreement ay itinapon sa harap ni Karylle, tumingin siya sa taong gumawa no’n. “Gising na siya, at nangako ako sa kanya na hangga’t buhay siya ay hindi mapupunta ang position niya bilang asawa ko sa ibang babae,” seryosong sabi ng lalaki. Tinuro niya ang papel na itinapon niya sa lamesa, sa harap ni Karylle. “Pirmahan mo ito, this is our divorce agreement.” Inasahan na ni Karylle na mangyayari ang bagay na ito dahil buwan na ang nakalipas nang magising ang pinsan niya. Itinaas niya ang tingin niya sa lalaki at nagsalita sa mapait na tono. “Hindi ka pa rin naniniwala sa akin ngayon?” Umismid si Harold at umingin kay Karylle na hindi natutuwa. "Simula pa lang noong una hanggang ngayon, you’re a vain woman. Ano pa bang meron sa’yo na paniniwalaan ko?” Huminto siya sa pagsasalita at tumingin ng seryoso kay Karylle. "Huwag mo na akong paulitin, Kar. Sign this paper, and this villa will belong to you. Ito ang huling ibibigay ko para sa dignidad
Ang sabi mo kahapon ay kahit ako hindi kukunin ang kaso, diba?” tanong ni Karylle, naglakad siya at umupo sa sofa, sa kabila ni Layrin. Tumango naman si Layrin bilang sagot. “Hmmm, let me hear about it,” dagdag ni Karylle. Nasa loob sila ng cafe."That's ......"Nang matapos ni Layrin sabihin ang sitwasyon sa kaso na iyon, ginalaw nang bahagya ni Karylle ang daliri niya na nakapatong sa kaliwang hita niya. Nanliit ang kanyang mga mata na tila ba sobrang interesado niya na sa kaso na binanggit ni Layrin. “It's a little interesting. Who are the two parties?”“Ikaw babae ka…I mean, wala ka namang mapapala kung aalamin mo pa.”Tinignan ni Karylle nang seryoso si Layrin na may pagtataka rin. Bumuntong hininga si Layrin at tumango, sinagot niya ang tanong ni Karylle. “Ang dalawang ito ay nangunguna sa industriya ng negosyo, and mas lalong lumaki dahil na rin sa pangalan nila. It is Mr. Handel, who wants to ask you for help, and his opponent is…”Huminga pa nang malalim si Layrin na tila b
Nang marinig ang sagutan ng dalawa, agad nabahala si Adeliya. Bumaling siya kay Harold na may pagalala at sinabi, “Babe, don’t be angry. Siguro ay may hindi lang siya naitindihan sa pagitan ninyong dalawa, huwag mo na siyang patulan and please, don’t hurt me.”Karylle looked at Adeliya with a bit of mockery, she never knew that her cousin was a drama spirit, and she was disgusted today.Bago pa makapagsalita si Harold, nagsalita muli si Karylle. “Hindi lang naman isang araw o dalawang araw pinagnanasaan ng mabait kong pinsan ang position ko bilang Mrs. Sanbuelgo, so it’s better for you to marry her as soon as possible para hindi na siya mag-aksaya ng oras na padalhan ako ng mga mensaheng ikakagalit ko in the future.”Nang marinig ni Adeliya ang salitang ‘mensahe’, nagbago ang kanyang reaksyon at agad na sinabi: “Karylle, ipinaliwanag ko na sa’yo ng maraming beses, I will not destroy your family; si Harold mismo ang nakaramdam na mabuti akong babae at he owe something to me. We really d
Tumango lang si Karylle na parang walang pakialam. “Hayaan mo na lang siya, mukha naman wala siyang balak na masama, baka nagkataon lang na nakasunod siyaat nasa iba ang pakay niya.” Pagkatapos ng nakakapagod na araw, nakatulog siya nang mahimbing sa gabing iyon. Dati ay nag-aalala at natatakot siya na mawala si Harold sa buhay niya, at ngayon ay nawala na nga ito sa buhay niya, pero tila ba nawalan siya ng isang mahalagang bagay. Napag-isipan niya iyon nang mabuti at tinanggap na lang kapalaran. ‘What I thought was a lonely pillow turned into a dreamless night.’ sa isipan niya. Pero kahit papaano ay nakaalis siya sa lalaking iyon. Maagang nagising si Karylle sa umagang iyon at sinimulan ang araw sa pamamagitan ng pag-aalmusal. Nasa maayos ang isip niya ngayon, tumingin siya sa nakahandang breakfast na para sa kanya at napangiti. She likes Pinoy breakfast, an egg with omelet, sopas soup and a hot coffee, but Harold doesn't like it, he is used to American-style breakfast, so
Habang si Harold naman ay nakatingin sa relong hawak niya. Hindi niya gusto ang relo noong una at basta na lang itinapon sa sahig, kaya nasira. Gayunpaman, hindi niya magawang itapon ito nang tuluyan, kaya kinuha niya isa-isa ang mga parteng nabasag.Alam niyang sira ang relo, ngunit para bang may kakaibang naramdaman siya para dito na pumipigil sa kanya na iwan ito.Napansin ni Harold na may nanonood sa kanya. Paglingon niya, nakita niya ang malamig at walang pakialam na mga mata ni Karylle. Ngumisi siya ng mayabang at itinapon ang relo sa dressing table, na para bang wala itong halaga."Bakit mo nilagay ang sirang bagay na 'yan dito? Sa tingin mo ba ang bahay ko ay basurahan?" tanong ni Harold na puno ng hinanakit.Napapikit si Karylle bago sumagot, "Kung ayaw mo, itapon mo." At sinimulan niyang maghanap ng kuwintas sa paligid, hindi man lang siya tumingin kay Harold.Halos magdilim ang paningin ni Harold. Noong una, sobrang halaga ng relo na iyon para sa kanya, ngunit ngayon, parang
Narinig ni Karylle ang sinabi ng matanda, kaya't hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay at isang biglaang gulat ang bumalot sa kanyang mukha. Alam ba talaga ng matanda ang lahat?’ Nagtataka siya habang hinila siya ni Lady Jessa papunta sa isang upuan.“Wala kang dapat ikabahala!” madiing sabi ni Lady Jessa habang pinaupo siya. “Kung magtangkang manatili sa labas ‘yang Harold na ‘yan ngayong gabi, tiyak mapapahamak siya! Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na sumuway siya sa akin!” dagdag pa niya, galit na galit.Bahagyang napapikit si Karylle, nanginginig ang pilikmata habang napagtanto niyang alam pala talaga ng matanda ang sitwasyon niya. Ngunit tila ang alam lang nito ay ang tungkol sa kanyang hirap, hindi tungkol sa kanilang paghihiwalay.Napansin ni Lady Jessa ang mukha ni Harold na tila puno ng lungkot at galit kaya’t nagsalita siya ng padabog. “Ano ba ‘yan, Harold! Kailangan ko bang magmakaawa para lang makauwi ka at sabay tayong kumain?” galit niyang tanong
Agad na napaangat ang tingin ni Karylle at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita. Para siyang natuliro sa mga nangyayari. Samantala, si Harold, na may tampo sa mukha, ay naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang mapansin ni Lady Jessa na nananatiling nakatayo si Karylle na parang nawawala sa sarili, agad niyang itinulak ito nang bahagya at nagsalita, "Anak, ano'ng ginagawa mo diyan? Sumakay ka na sa kotse!" Huminga nang malalim si Karylle at ngumiti nang may pilit. "Lola, gabi na. Mas mabuti pang bumalik ka na sa loob. Pauwi na rin kami." Alam niyang kailangan nilang umalis agad para makaiwas sa patuloy na pagkukunwari. Sa isip-isip niya, makakahanap siya ng pagkakataong bumaba ng kotse at mag-taxi na lang pauwi. Pero sa totoo lang, naiisip din niyang dapat na talaga siyang bumili ng sarili niyang kotse para hindi na siya umaasa sa iba. Tahimik lamang si Harold, ngunit kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang muk
Matalino si Adeliya. Kahit hindi pa siya sinabihan, alam niyang darating din ang oras na sasabihin sa kanya ni Karylle ang lahat. At kapag nangyari 'yon, baka pa ito dagdagan at palalain ang kuwento—mas lalo lang siyang masasaktan!Pareho rin ng iniisip si Lucio sa sandaling iyon. Pangit ang ekspresyon ng mukha niya—madilim at punong-puno ng kabiguan. Pero wala siyang masabi. Hindi niya kayang pabulaanan ang sinabi ng anak nila.Kita ni Adeliya sa mga mata ng ama niya—tama ang hinala niya.Tama siya. Tama ang hula niya!Sana nga'y mali siya. Sana nagkamali lang siya ng iniisip.Pero ang mga reaksiyon ng kanyang mga magulang ay nagsilbing kumpirmasyon. Totoo ang kutob niya. Ibinenta nga ng kanyang ama ang bahay at inilabas ang lahat ng ari-arian nila, para lang kumuha ng taong kayang sirain ang sistema ng Sanbuelgo Group. Pero sa huli, nabigo rin ang lahat. Wala ni isang kusing ang bumalik!Sa isang iglap, nanginig ang mga pilikmata ni Adeliya. At sumunod, tuloy-tuloy nang pumatak ang
“You…”Isang salita pa lang ang nasambit ni Adeliya pero agad niya rin itong pinigilan. Mahina lang ang boses niya, halos hindi marinig dahil sa lakas ng boses ni Andrea habang nagsasalita.“Nagluto ako ng paboritong ulam ng lolo mo ngayon—braised vinegar fish! Tikman mo, sabihin mo kung masarap!” masayang sambit ni Andrea.Huminga nang malalim si Adeliya. Forget it, sabi niya sa sarili. Pinilit niyang kontrolin pa ang sarili, kahit papaano, hintayin na lang niyang matapos silang kumain.Si Lucio naman ay tila interesado. “Ayos ‘yan, tikman ko nga,” aniya habang nakangiti.Wala na sa mood si Adeliya para kumain, pero dahil ayaw niyang magutom ang mga magulang niya, pinilit pa rin niyang kumain. Sa totoo lang, parang pinipilit niyang lunukin ang pagkain habang bugso ng emosyon ang nilalabanan niya.Sa wakas, matapos ang tila walang katapusang pagkain, natapos din ang hapunan.Bumaba ng kaunti ang balikat ni Adeliya habang ibinaba niya ang hawak na kutsara’t tinidor. Tiningnan niya ang
Ayaw na talagang makipag-usap pa ni Karylle kay Adeliya. Sa palagay niya, sapat na ang mga nasabi niya para magdulot ng kaba at magtulak kay Adeliya na mag-imbestiga pa nang mas malalim.Alam niyang matalino ang pinsan niya. Malamang ay nakakahalata na ito. At kapag nagkaharap sila mamaya sa bahay, siguradong may matitibay na sagutan. Sa oras na iyon, baka mas marami pa ang mabunyag.Ngumiti si Karylle. Hindi siya komportable kapag masyadong kampante ang kalaban. Kailangan laging may nararamdamang pangamba.Naalala pa niya, ilang linggo na ang nakalipas, ilang beses na rin nadawit si Adeliya sa imbestigasyon ng pulis. Sa sobrang dami ng kinasasangkutan nito, halata na ang takot at pagkalito sa kilos nito—maging ang tila depresyon na unti-unting sumisiksik sa katauhan ng pinsan niya. Iyon ang dahilan kung bakit siguradong hindi siya binabalitaan ni Lucio. Para kay Karylle, inosente pa rin siya sa mga nangyayari, at ito ang pinaka-ayaw ni Adeliya—ang hindi niya alam ang buong kwento."A
Sa araw na iyon, wala si Harold kaya kampante si Karylle sa pananatili niya. Kasama niya si Nicole na laging nasa tabi niya. Paminsan-minsan ay nagkukwentuhan at nagtatawanan ang dalawa, at kung minsan ay pinipilit pa ni Nicole si Karylle na matulog.Pagsapit ng hapon, ngumiti si Nicole kay Karylle. "Baby, what do you want to eat?""Anything. Kahit ano, okay lang sa akin," sagot ni Karylle, na hindi naman mapili sa pagkain."Okay, I'll go prepare!""Thank you for your hard work.""Ayy, hard fart! Lahat ng effort ko, tandang-tanda ko 'yan ha! Kapag nakaluto ako ng ilang beses para sa'yo, ikaw naman ang magluluto para sa’kin next time!" ani Nicole. "Alam mo ‘yung kasabihan na 'The grace of dripping water is returned by a spring'? Ganun din tayo. I call someone to do it, and then you cook for me next time, okay?"Natawa si Karylle. "That makes sense."Napangiti rin si Nicole. Ilang ulit na rin niyang naagaw ang pagkain ni Karylle noon, kaya sanay na siya. "Okay, okay. I’ll just have som
Ngayon, wala pa ring alam si Adeliya. At kahit pa gusto niyang malaman ang totoo, hindi rin siya makakatiyak kung makikita niya ang sagot sa kumpanya.Lalong lumalalim ang gabi.Ngunit may ilang tao na hindi pa rin natutulog.Sa loob ng kanyang kwarto, kakaligo lang ni Harold. Bagama’t presko na ang pakiramdam niya, hindi pa rin naaalis ang inis niya kay Karylle. Tahimik ang ekspresyon ng mukha niya, pero halatang may galit pa rin sa loob.Tumunog ang cellphone niya. Isang numerong walang pangalan ang lumitaw sa screen.Gaya ni Karylle, hindi rin siya nagse-save ng mga contact. Pareho silang may photographic memory at kabisado ang mga numero ng taong mahalaga sa kanila. Kaya agad niyang nakilala kung sino ang tumatawag—si Bobbie.“Mr. Sanbuelgo,” ani Bobbie sa kabilang linya, “pinasilip ko na ang sitwasyon. Medyo malalim ang pinagtataguan ng mga taong ‘yon. Mahirap silang ma-trace ngayon.”Malamig ang tono ni Harold nang sumagot. “'Yan na ba ang sagot mo sa akin?”Napalunok si Bobbie.
Hindi maipaliwanag ni Lolita ang lahat sa ngayon, kaya’t malamig niyang sinabi sa tawag, “Hindi ko pa puwedeng sabihin sa’yo ngayon. Pero malalaman mo rin. Buhay pa si Karylle.”Maganda ang boses ni Lolita, malambing at banayad, pero may kasamang malamig na hangin sa tono nito—tila ba sapat para palamigin ang likod ng sinumang makarinig.Pero si Adeliya ay wala nang pakialam sa ganoong mga pakiramdam. Hindi na niya pinansin ang tono, dahil mas nangingibabaw ang inis at pagkabahala niya. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone at mariing sinabi, “Kailan pa siya mamamatay?!”Sandaling natahimik ang kausap, bago sumagot sa malamig ngunit walang pakialam na tinig, “Hindi na magtatagal. Hindi kita paghihintayin nang matagal.”At pagkatapos niyon, binaba na ang tawag.Nainis si Adeliya habang ibinababa ang telepono. Napakunot ang noo niya, halatang puno ng pangamba at pagkadismaya.“Bakit ba pakiramdam ko ay hindi talaga mapagkakatiwalaan ang taong ‘yon?” bulong niya sa sarili habang patulo
Nang mapansing gising na si Karylle, ngumiti si Nicole. "Ayan, alam kong gising ka na. Sakto talaga timing ko, oh! Come on, baby, inumin mo na 'tong sabaw. Pampalakas!"Tatayo sana si Karylle at inangat ang kumot niya, pero agad siyang pinigilan ni Nicole. "Ay, huwag! Hintayin mo ako, tutulungan kita! May sakit ka ngayon, dapat paalaga ka naman kahit minsan!"Tahimik lang si Karylle. Napakunot ang noo niya habang pinagmamasdan si Nicole.Ngunit bago pa man makalapit si Nicole, nauna nang bumangon si Karylle at umupo ng normal, parang walang nararamdamang sakit.Napatingin si Nicole, halatang hindi makapaniwala. "Ano 'to? Nagkunwari ka lang na masakit kanina para kaawaan kita? Akala ko pa naman hirap ka gumalaw!"Napatawa si Karylle. "Hindi ah."Napabuntong-hininga si Nicole, sabay iling. "Hay naku... ikaw talaga. Sobra kang matatag. Minsan, dapat nagpapakita ka rin ng kahinaan."Habang sinasabi ito ni Nicole, bumalik na si Harold sa unit. Nasa loob pa rin ng kwarto sina Karylle at Nic
Medyo lumamig ang ekspresyon ni Harold. "Hanggang kailan ka magmamatigas?" tanong niya, may halong inis sa tinig.Napatingin si Karylle sa kanya, halatang nabigla. "Anong problema mo?"Napakunot agad ang noo ni Harold. Sa totoo lang, ni hindi rin niya maintindihan kung ano bang problema niya.Walang nakitang mali si Karylle sa sinabi niya, kaya kalmado niyang tugon, "Kaya ko naman. Sige na, lumabas ka na."Tumayo na siya habang nagsasalita, at kahit may sugat ang balikat, maayos at mahinahon ang kilos niya. Kung hindi lang nakita ni Harold ang dugo sa dating maputing balikat ni Karylle, iisipin niyang hindi ito nasugatan.Kaya niyang kumain gamit ang isang kamay, at mukhang walang balak humingi ng tulong. Ramdam ni Harold na kung mananatili pa siya roon, baka hindi na siya umalis kaya tumalikod na siya, tahimik.Pero sa totoo lang, punong-puno siya ng inis at inip sa sarili.Sinundan siya ng tingin ni Karylle. Kahit hindi na siya nasorpresa sa pabago-bago ng ugali ni Harold, napansin
Karaniwan, kapag ang ibang babae ay nasugatan, umiiyak sila sa sakit o kaya’y nagpapaka-dramatiko. Pero si Karylle, hindi gano’n.Wala siyang reklamo. Para sa kanya, parang wala lang nangyari. Wala ring kahit katiting na pagdepende sa iba.Pagkatapos gamutin ang sugat niya, tumayo siyang mag-isa—parang hindi siya nasaktan.Napatingin ang doktor sa kanya na may gulat sa mukha. “Miss Granle, kayo na yata ang pinakamalakas na pasyente na nakita ko.”Ngumiti si Karylle. “Thank you.”“Walang anuman. Gawin n’yo lang po ang mga paalala: huwag basain ang sugat, palitan ang benda araw-araw, iwasan ang mga mabibigat na galaw, at huwag muna kumain ng maanghang. Dapat balanseng pagkain lang.”Tumango si Karylle. “Okay po.”Sabay-sabay silang lumabas ng clinic. Nang lalapit na sana si Harold para buhatin siya, agad nagsalita si Karylle. “Okay lang ako, kaya kong maglakad.”Napatingin si Harold sa suot niyang mataas na takong—halos sampung sentimetro. Hindi na siya nag-abala pang magsalita. Basta’t