INICIAR SESIÓNSi Adrian Alexander Montenegro ay isang makapangyarihan at napakayamang bilyonaryo. Gwapo, matalino, dominante at sanay makuha ang lahat ng gusto. Para sa kanya ang pag-ibig ay kahinaan lamang. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Isabella Rose Villareal. Si Isabella ang babaeng nagpatibok sa malamig na puso ni Adrian. Minahal niya ito ng buong puso, ngunit isang planadong pagtataksil ang sumira sa kanilang relasyon. Dahil sa mga kasinungalingan pinaniniwalaan niya, itinaboy ni Adrian si Isabella nang hindi man lamang binibigyan ng pagkakataong mag paliwanag. Wasak ang puso ni Isabella ng tuluyan siyang umalis sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Limang taon ang lumipas, bumalik siya sa Manila bilang isang matagumpay na negosyante, kasama ng dalawang anak na matagal niyang inalagaan mag-isa sina Alexander at Alessandra. Ngunit hindi niya inaasahan muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Nang makita ni Adrian ang kambal hindi niya maiwasang mapansin ang pagkakahawig ng mga ito sa kanya. Nagsimula siyang maghinala at mag-imbestiga hanggang sa unti-unting mabunyag ang katotohanang kayang magpabago sa buong buhay niya. Ang kambal na hindi niya kailanman kilala at maaaring sarili niyang mga anak. Ngunit hindi na ang dating Isabella ang kanyang kaharap, ang babaeng minsan niyang sinaktan ay natutong mabuhay nang wala siya at hindi na basta magpapadala sa kanyang mga pangako. Ngayong nais ni Adrian mabawi ang pamilyang hindi niya alam na mayroon siya, kakailanganin niyang harapin ang kanyang mga pagkakamali at tuklasin ang katotohanan sa likod ng kanilang paghihiwalay. Mapapatawad Kaya siya ni Isabella, o tuluyan ng mawawala sa kanya ang pamilyang minsan niyang itinaboy?
Ver másLimang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa alaala ni Isabella Rose Villareal ang gabing tuluyang nagbago sa buhay niya.
Gabing pinili ng lalaking pinakamamahal niya na paniwalaan ang lahat, maliban sa kanya.
At ngayon, limang taon matapos siyang itaboy ni Adrian Alexander Montenegro, babalik siya sa mundong minsan niyang pinangarap na maging bahagi ng buhay niya.
Pero hindi na siya ang dating Isabella na handang magmakaawa para lang manatili sa piling ng isang lalaki.
This time, she had something more important to protect.
Her children.
At hindi niya hahayaang sirain muli ni Adrian ang buhay nila.
MONTENEGRO INTERNATIONAL GROUP, MAKATI CITY
“Miss Villareal, Mr. Montenegro is ready to see you now.”
Napatingin si Isabella sa assistant na nakatayo sa harap niya. Bahagya siyang ngumiti bago tumayo at inayos ang suot niyang cream blazer.
“Thank you.”
Huminga siya nang malalim bago humarap sa malaking p***o ng conference room.
Hindi niya inaasahang babalik siya sa lugar na ito.
Limang taon na ang nakalipas nang huli siyang tumapak sa opisina ng Montenegro International Group. Noon, hindi niya kailangang magpa-appointment para makita ang lalaking namumuno sa kompanyang ito.
Dahil noon, siya ang babaeng minamahal ni Adrian Montenegro.
Ngayon, isa na lamang siyang business partner na kailangang humarap sa pinakamakapangyarihang CEO sa bansa.
At wala siyang balak na hayaang mahalata nito ang kaba niya.
“Good morning,” bati niya nang makapasok.
Nasa dulo ng mahabang conference table ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Nakatuon ang atensiyon nito sa mga dokumentong nasa harapan niya habang may kausap sa cellphone.
“Move the meeting to Friday. I don't care if they have other commitments. Tell them I'll be there at ten.”
He ended the call without another word.
Dahan-dahang itinaas ni Adrian ang kanyang mga mata.
At sa sandaling iyon, nagtagpo ang kanilang mga tingin.
For a moment, neither of them spoke.
Hindi nagbago ang hitsura ni Adrian. Mas tumikas lamang ang tindig nito, mas naging matalim ang mga mata, at mas lalong lumalim ang awtoridad na dala ng bawat kilos niya.
He was still the same man.
The man she once loved.
The man who broke her heart.
“Isabella.”
Iyon lamang ang sinabi nito.
Walang ngiti. Walang pagtataka. Walang kahit anong bakas ng emosyon sa mukha nito.
“Mr. Montenegro,” magalang niyang sagot.
Bahagyang gumalaw ang panga ni Adrian.
“Sit.”
Umupo si Isabella sa upuang nasa tapat nito at inilabas ang mga dokumentong dala niya.
“We're here to discuss the proposed partnership between our companies. I reviewed the contract your legal team sent, and there are a few terms I'd like to clarify.”
Adrian leaned back in his chair.
“You've become very professional.”
Hindi siya tumingin sa kanya.
“I have a business to run.”
“Clearly.”
May kung anong lamig sa paraan ng pagsasalita nito na nagpapaalala sa kanya ng nakaraan.
Pero hindi na siya ang babaeng madaling masaktan sa bawat salitang bibitawan ni Adrian.
At least, iyon ang gusto niyang paniwalaan.
“Page twelve,” sabi niya habang inilalapag ang dokumento sa mesa. “The exclusivity clause needs to be revised. My company won't agree to a contract that limits our ability to work with other partners outside this project.”
Adrian glanced at the page.
“That's a standard clause.”
“Not for this type of agreement.”
“Then perhaps you should reconsider whether your company is ready to work with us.”
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Isabella.
“I didn't build my company by agreeing to everything a powerful man tells me to do.”
Tumahimik ang buong silid.
Maging ang assistant ni Adrian na nasa gilid ay bahagyang napatingin sa kanila.
For the first time that morning, Adrian's expression changed.
Hindi ito sanay na may babaeng sumasagot sa kanya nang ganoon.
Lalo na kung ang babaeng iyon ay si Isabella.
“You seem to have developed quite a personality,” malamig niyang sabi.
“And you seem to have developed a habit of underestimating people.”
Nagtagpo muli ang kanilang mga mata.
Sa loob ng ilang segundo, tila bumalik sa nakaraan ang lahat.
Pero si Adrian ang unang umiwas ng tingin.
“Leave the revised proposal with my assistant. We'll review it.”
Tumayo si Isabella at inayos ang mga dokumento.
“Thank you for your time, Mr. Montenegro.”
Nang paalis na siya, muli itong nagsalita.
“Isabella.”
Huminto siya ngunit hindi lumingon.
“Why did you come back to Manila?”
Napahawak siya nang mahigpit sa folder na dala niya.
Marami siyang gustong sabihin.
Na bumalik siya dahil may sarili na siyang negosyo. Na may buhay na siyang binuo nang wala ito. Na sa wakas, natutuhan niyang hindi kailangang umasa sa isang lalaki para maging buo ang sarili niya.
Pero wala sa mga iyon ang tunay na dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Dahil sa unang pagkakataon matapos ang limang taon, muli niyang narinig ang boses ni Adrian.
At ang pinakakinatatakutan niya ay ang posibilidad na hindi pa pala ganap na naghihilom ang sugat na iniwan nito.
“I have my reasons,” sagot niya.
Then she walked out.
Hindi na niya hinintay ang susunod nitong sasabihin.
FIVE YEARS AGO
“Isabella, tell me this isn't true.”
Nakatayo si Adrian sa harap niya, hawak ang ilang dokumentong hindi niya maintindihan kung saan nanggaling.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.
Inihagis nito ang mga papel sa mesa.
“Don't play innocent with me.”
Napatigil si Isabella nang makita ang mga dokumento. May mga email, financial records, at ilang kopya ng confidential files ng Montenegro International Group.
Hindi niya alam kung bakit naroon ang pangalan niya.
“Adrian, I don't understand. Saan mo nakuha ang mga 'to?”
“From someone who apparently knows more about your little arrangement than I do.”
Umiling siya.
“Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa'yo niyan, pero hindi ako ang gumawa niyan.”
“Your access credentials were used to retrieve the files.”
“Someone could have used my account!”
“Convenient excuse.”
Napaluha siya.
“Adrian, please. Kilala mo ako. Hindi ko kayang gawin sa'yo 'to.”
For a moment, she thought he would listen.
Inabot niya ang kamay nito, ngunit umatras si Adrian.
That small movement hurt more than any insult.
“Don't touch me.”
Napabitaw si Isabella.
“Are you really going to believe this without even asking me what happened?”
“I gave you everything.”
“And I gave you my trust!”
“Then why does everything point to you?”
Wala siyang maisagot.
Hindi dahil guilty siya, kundi dahil hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang sarili laban sa isang kasinungalingang maingat na binuo.
Lumapit si Adrian, his expression colder than she had ever seen.
“Get out of my house. And don't ever come back.”
“Adrian…”
“I said get out!”
Nanginginig ang mga kamay ni Isabella habang pinupulot ang bag niya.
Umaasa pa rin siyang pipigilan siya nito.
Na sasabihin nitong mag-usap muna sila.
Na kahit minsan, pipiliin nitong pagkatiwalaan siya.
Pero walang nangyari.
At nang tuluyan siyang lumabas ng p***o, wala siyang narinig kundi ang pagsara nito sa likuran niya.
That night, Isabella lost the man she loved.
And Adrian lost the chance to hear the truth.
PRESENT DAY
“Mommy!”
Napangiti si Isabella nang makita ang dalawang batang tumatakbo papunta sa kanya.
Pagkatapos ng mahabang araw ng business meetings, wala nang ibang mas mahalaga sa kanya kundi ang makauwi at mayakap ang kambal.
“Easy, babies!” natatawang sabi niya habang lumuluhod upang salubungin sila.
“Mommy, you promised we'd eat pizza tonight!” masayang paalala ni Alessandra.
“I remember, sweetheart.”
“And extra cheese?” dagdag ni Alexander.
“Extra cheese for my little monsters.”
Nagtawanan ang kambal.
Habang nakasakay sila sa kotse pauwi, sunod-sunod ang kuwento ng mga bata tungkol sa kanilang araw sa school.
Nakikinig si Isabella habang paminsan-minsang sumasagot sa mga tanong nila.
Ito ang buhay na ipinaglaban niya.
Simple. Tahimik. At malayo sa mundong puno ng kapangyarihan at kasinungalingan na iniwan niya limang taon na ang nakalipas.
Pero may isang tanong na matagal nang iniiwasang sagutin ni Isabella.
Isang tanong na unti-unting nagiging mahirap itago habang lumalaki ang kanyang mga anak.
“Mommy?”
Napalingon siya kay Alexander na nakaupo sa tabi ng kanyang kapatid.
“Yes, baby?”
“Why don't we have a daddy like the other kids?”
Biglang natahimik si Isabella.
Maging si Alessandra ay tumigil sa pagkukuwento.
Hindi ito ang unang pagkakataong tinanong siya ng anak niya tungkol sa kanilang ama, pero hindi pa rin niya alam kung paano sasagutin ang isang inosenteng tanong na nagbubukas ng isang masakit na alaala.
She reached for Alexander's hand.
“Every family is different, sweetheart. But Mommy will always be here for both of you.”
“Does our daddy know us?” tanong ni Alessandra.
Napapikit si Isabella.
Kung alam lamang nila.
Kung alam lamang nila kung gaano kahirap ang bawat gabing mag-isa niyang hinarap ang lahat.
Kung alam lamang nila na may isang lalaking minsang nangakong hindi siya iiwan, ngunit siya rin ang unang tumalikod.
“I'll tell you when you're older,” mahinang sagot niya.
Hindi na nagtanong ang kambal.
Ngunit nang humarap siya sa bintana, hindi niya napigilang mapaluha.
She had spent five years protecting her children from a man who never knew they existed.
And she had no intention of changing that.
Kinabukasan, maagang dumating si Adrian sa kanyang opisina.
Hindi niya maintindihan kung bakit mula nang makita niyang muli si Isabella, hindi na siya mapakali.
He had met countless women in his life. Women who wanted his attention, his money, and his name.
But Isabella had never been like them.
She was the only woman who had walked away from him without asking for anything.
At iyon ang bagay na hindi niya kailanman lubos na naunawaan.
“Sir, here's the background report you requested,” sabi ng kanyang assistant habang inilalapag ang folder sa mesa.
Napatingin si Adrian.
“I asked for the updated business profile.”
“Yes, sir. This includes her company's records and public information.”
Binuksan niya ang folder.
Nandoon ang mga detalye tungkol sa negosyo ni Isabella, ang mga bagong partnership nito, at ang address ng kumpanyang pinamumunuan niya.
Then he saw a photograph.
Isabella was standing beside two children.
A little boy and a little girl.
Pareho silang nakangiti sa camera. Hawak ni Isabella ang kamay ng batang babae habang ang batang lalaki ay nakasandal sa kanyang tagiliran.
Hindi niya alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam niya.
“Who are they?” tanong niya.
“Her children, sir. Twins. Alexander and Alessandra Villareal.”
Children.
May mga anak na si Isabella.
For some reason, the thought irritated him.
He couldn't explain why. Wala na siyang karapatan sa buhay nito, at malinaw namang wala na siyang pakialam kung sino ang kasama nito o kung paano ito namumuhay.
At least, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya.
He turned to the next page.
Date of birth.
Limang taon na ang nakalipas.
Napahinto si Adrian.
Muli niyang tiningnan ang litrato.
The boy's eyes.
The shape of his face.
Even the way he frowned slightly at the camera.
Something about the child felt strangely familiar.
“Sir?” tawag ng assistant niya.
Hindi siya sumagot.
Kinuha niya ang cellphone at muling tiningnan ang litrato.
For the first time in five years, isang posibilidad ang pumasok sa isip niya—isang posibilidad na ayaw niyang paniwalaan, ngunit hindi rin niya kayang balewalain.
What if those children were his?
Biglang tumayo si Adrian.
“Cancel my meetings this afternoon.”
“Sir, your schedule is fully booked.”
“I said cancel them.”
Napayuko ang assistant.
“Yes, sir.”
Muling tumingin si Adrian sa litrato.
Hindi pa siya sigurado.
Hindi pa niya alam ang buong katotohanan.
But he knew one thing.
Hindi niya hahayaang manatiling palaisipan ang pagkakahawig ng mga batang iyon sa kanya.
Kailangan niyang makausap si Isabella.
At sa pagkakataong ito, hindi siya aalis hangga't hindi niya nalalaman ang totoo.
Ngunit bago pa man niya makuha ang pagkakataong iyon, may isang mensaheng dumating sa kanyang cellphone mula sa isang hindi kilalang numero.
“Kung gusto mong malaman kung bakit ka iniwan ni Isabella, huwag mong paniwalaan ang lahat ng makikita mo sa mga dokumento.”
Napakunot ang noo ni Adrian.
Sinundan iyon ng isa pang mensahe.
“At kung iniisip mong mga anak mo ang kambal, mas mabuting alamin mo muna kung sino talaga ang sumira sa inyong dalawa limang taon na ang nakalipas.”
Nanlamig ang kanyang mga kamay.
Dahil sa ibaba ng mensahe ay may kalakip na lumang litrato.
Litrato nilang dalawa ni Isabella noong gabing itinaboy niya ito.
At sa likuran nila, halos hindi napapansin sa dilim, may isang taong nakatayo at nakatingin sa kanila.
Isang taong pinagkakatiwalaan niya hanggang ngayon.
Hindi mapakali si Adrian Montenegro habang nakaupo sa loob ng kaniyang opisina. Nasa harap niya ang dokumentong ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip. Paulit-ulit niyang binabasa ang bawat linya, lalo na ang pirma sa ibabang bahagi.Pirma iyon na kahawig ng kay Isabella.Ngunit ayon sa dating kasintahan niya, may mga bagay na hindi niya alam tungkol sa nangyari limang taon na ang nakalipas.Napahawak si Adrian sa kaniyang sentido.Limang taon siyang naniwalang si Isabella ang may kasalanan sa pagkasira ng kanilang relasyon. Ngunit hindi niya ito pinakinggan,hindi niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Sa halip, hinayaan niyang manaig ang galit at tuluyan niya itong itinulak palayo.Pero ngayon, may mga dokumentong hindi nagtutugma. May mga mensaheng hindi nakarating sa kani-kanilang destinasyon. At may isang rekord na nagsasabing may pahayag si Isabella tungkol sa pagbubuntis nito tatlong araw bago niya ito palayasin.Kung totoo ang dokumento, bakit hindi ito kailanman nabang
Hindi mapakali si Adrian habang nakatitig sa litrato ng kambal sa kaniyang cellphone.Hindi niya alam kung sino ang kumuha ng larawan, ngunit malinaw ang mensahe. May taong sumusubaybay sa mga bata at handang gamitin ang mga ito upang pigilan siya sa paghahanap ng katotohanan.Hindi na ito simpleng usapin ng nakaraan.Buhay ng mga bata ang nakataya.Agad niyang tinawagan si Daniel.“Daniel, kailangan kong malaman kung nasaan si Celeste.”“Bakit? May bago ka bang nalaman?”“May nagpadala sa akin ng litrato ng mga bata. Alam ng taong iyon kung saan sila pumapasok sa paaralan.”“Ano? Adrian, kailangan nating kumilos nang maingat. Huwag kang basta susugod kay Celeste. Kung talagang may kinalaman siya rito, posibleng may mga kasabwat siya.”“Wala akong pakialam kung ilan sila. Hindi ko hahayaang may manakit sa mga bata.”“Hindi mo pa nga alam kung anak mo talaga sila.”Natigilan si Adrian.Alam niyang tama ang sinabi ng kaibigan niya, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lam
“Mom, what did you do?”Iyon ang huling tanong ni Adrian bago tuluyang maputol ang tawag mula sa kaniyang ina.Ilang segundo siyang nakatitig sa cellphone. Sinubukan niyang tawagan muli si Victoria, ngunit hindi na ito sumagot.“Damn it!”Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniyang ina, pero malinaw sa kaniya ang huling sinabi nito.Alam ko ang nangyari sa mga anak mo bago pa sila isilang.Mga anak niya.Ibig sabihin, alam ng kaniyang ina ang tungkol kina Alexander at Alessandra. Ngunit bakit ngayon lamang ito nagsalita? At ano ang ibig nitong sabihin sa mga salitang iyon?Habang nagmamaneho, sunod-sunod ang mga tanong na gumugulo sa isip ni Adrian.Limang taon niyang pinaniwalaang ipinagkanulo siya ni Isabella. Limang taon niyang itinuring na isang taksil ang babaeng minsang minahal niya nang higit pa sa kaniyang sarili.Ngunit paano kung mali ang lahat?Paano kung may mga taong sadyang gumawa ng paraan para pagh
Hindi agad nakauwi si Adrian nang araw na iyon.Nananatili siya sa loob ng kanyang sasakyan habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi ng lalaki mula sa laboratoryo.Victoria Montenegro.Ang sarili niyang ina ang nagtatanong tungkol sa mga anak ni Isabella.Bakit?At paano nito nalaman ang tungkol sa kambal?Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang ina. Ilang ring muna bago ito sumagot."Adrian, darling. Is something wrong?""Where are you, Mom?""I'm at home. Why?""I need to talk to you.""Can it wait? I'm expecting guests for dinner.""No. I'll be there in thirty minutes."Hindi na niya hinintay ang sagot nito bago ibinaba ang tawag.Sa unang pagkakataon, may pagdududang naramdaman si Adrian sa babaeng buong buhay niyang pinagkatiwalaan.At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.MONTENEGRO MANSION"Adrian? What a surprise."Nasa sala si Victoria nang dumating ang kanyang anak. Nakasuot ito ng eleganteng damit at may hawak na tasa ng tsaa."You said you needed to talk," sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.