Tanggalin ang kwintas? Bakit? At para saan? Ano naman ang pakialam ng lalaking ito sa suot niyang kwintas, hindi naman ito nang aano. Hindi napigilan ni Lyca ang matawa nang marinig niya ang sinabi ni Andrei. Sa totoo lang, alam niyang napaka possessive na lalaki Andrei. Kahit noong kasal pa sila. At kahit hindi siya nito minahal bilang babae o asawa, alam niyang ayaw nito na may ibang lalaki na umaaligid sa paligid niya. Kaya noong mag-asawa pa sila, lagi siyang nag-iingat at iniiwasang makipag-ugnayan sa ibang lalaki. Dahil ayaw niya na magalit ito sa kanya at magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Ngunit ngayon… Hiwalay na sila. Anong karapatan nito para utusan siyang alisin ang kwintas na suot niya. Bakit kailangang utusan siya ng dating asawa na alisin sa leeg niya ang regalong ibinigay ng isang taong humahanga sa kanya? Tumingin si Lyca kay Andrei, seryosong nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki. Walang ano mang emosyon na mababanaag sa kanyang magandang mukha.Tahimik lang
“Paano magawang magsuot ng pormal na damit ng isang babae buong araw?” tanong ni Lolo Andres sabay tingin kay Lyca. Saka naman nito ibinaling ang tingin kay Andrei. "Huwag mi nang patagalin pa ito, hijo. Dalhin mo si Lyca sa mall bukas na bukas din para pumili ng mga bagong damit na bibilhin para sa asawa mo," anito sa apo. Natigilan si Andrei dahil sa sinabi ng kanyang Lolo at akmang tatanggi sana siya rito, ngunit naunahan siya ni Lyca. "Lolo, may trabaho pa akong kailangang tapusin bukas sa opisina," nakangiting wika niya. Hindi pa man tumanggi si Andrei, ay nauna na siyang tumanggi. Kita niya ang bahagyang pag-igting ng mga panga nito. "You can put off work for now. I’ll take you to the Sandoval Grand Mall to buy clothes tomorrow,” seryosong saad ni Andrei. Ang Sandoval Grand Mall ay isang high-end luxury brand na pagmamay-ari ng pamilya Sandoval. It is a high-end luxury brand ranked high in the Philippines and even in the world. Pati na rin ang mga sikat na mga celebrities n
Even though she knew that she was being forced by her ex-husband at the moment. After being with him for three years na pagsasama nila bilang mag-asawa, ay hindi ganoon kadaling mabura ang nararamdaman niya para sa dating asawa. At this moment, Lyca only felt her heart beating fast and chaotic. Ramdam niyang papalapit na si Andrei, ngunit hindi niya magawang tumingin dito. Naramdaman na lamang niya ang maiinit na labi nito na lumapat sa kanyang sentido, at ang mainit na buga ng hininga nito sa kanyang tainga na nagpatayo sa kanyang balahibo. Bahagyang siyang kinilabutan, at ang kanyang katawan ay tila nawawalan ng lakas. Sinubukan niyang itulak muli sa dibdib ang lalaki gamit ang kanyang mga kamay, ngunit nanatili itong nakatayo at hindi man lang natinag sa ginawa niya. "Andrei, wake up!" nanginginig ang boses ngunit malinaw niyang saway sa lalaki. Subalit hindi siya pinansin ni Andrei at patuloy na idinampi ang ang mga labi nitl sa balat niya habang pabulong na nagsabi. "So
“Hindi ka naman ‘ata masyadong busy sa buhay mo,” ani ni Lyca sa binata. Tamad na nag-unat ng katawan si Dean sa sasakyan niya at napatitig kay Lyca. "Huwag mong sabihin na hindi ka natulog buong gabi kakahintay sa akin. Hindi ko paniniwalaan 'yan," wika ni Lyca at napahalukipkip na sinalubong ang mga tingin ng binata. Napailing naman ng ulo si Dean. Pagkatapos ay lumingon siya sa likod ng sasakyan kung saan naroon ang isang kahon na may lamang mga dokumento. Mga dokumento na kailangan niyang bashin at pag-aralan nang mabuti. Bago pa lang kasi siya sa kanilang kumpanya at batid niyang marami pa siyang kailangang pag-aralan. "You really do understand me,” wika ni Dean. Tinapik-tapik ni Dean ang manibela ng kotse gamit ang kanyang mahahabang daliri. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Dean. Magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang marka sa leeg ni Lyca na bahagyang nakalitaw. Subalit ramdam niya ang pagiging ilang ni Lyca sa mga sandaling iyon dahil sa tingin
CHAPTER 16. Kakagaling lang niya sa mansyon ng pamilya Sandoval kanina, tapos ito, kasama niya si Dean sa sarili nitong lugar. Ang secret base na lugar ni Dean. Paano kaya nahanap agad ni Andrei ang lugar na ito? Kung hindi siya sinusandan ng dating asawa, ano kaya ang ibig sabihin nito? Hindi na maipinta ang mukha ni Lyca. No, maybe it wasn’t surveillance, but a tracker was intalled on her early in the morning. At ang tanging bagay na puwedeng lagyan nito ay ang cellphone niya. Tama! Marahil nilagyan ng lalaki ng tracker ang cellphone niya. Dahil hindi naman nito malalaman agad-agad ang kinaroroonan niya kung hindi dahil doon. Isa pa isa itong secret place na pagmamay-ari ni Dean. Kaya impossible na agad siyang matunton ni Andrei. Binuksan ni Lyca ang handbag na dala niya at kinuha niya sa loob ang kanyang cellphone at tumingin kay Andrei. "Nandito ang tracker, tama ba ako?" aniya sa dating asawa sa seryosong mukha. Hindi naman makasagot si Andrei sa tanong niya. Kaya naman
CHAPTER 17. “Sa totoo lang, Andrei is also innocent,” mahinang sambit ni Lyca at napayuko ng ulo. “What happened that night was really just an accident. Malaki ang naitulong niya sa akin noong pinakasalan niya ako. Pero sa unang araw pa lang ng kasal namin, sinabi niya sa akin na may iba na siyang mahal at na maghihiwalay rin kami balang araw,” aniya at muling umangat ng tingin. Tinitigan siya nang malalim ni Paolo. "Alam kong inosente si Andrei, pero kung titingnan natin nang mabuti, bilang asawa, mali ang lahat ng ginawa niya. Ngayon, buntis ka at dinadala ang anak niya,” anang lalaki. Tahimik lang si Lyca habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Dr. Alcantara. "Ms. Lopez, nasa iyo pa rin naman ang desisyon kung ano ang plano mo. Kung nais mo bang ipagpatuloy ang pagbubuntis mo o hindi. Ang sinasabi ko lang ay pag-isipan mo ito nang mabuti at gumawa ng desisyon na hindi mo pagsisisihan sa bandang huli,” dagdag pa ni Paolo. Dr. Paolo Alcantara is a man who hates evil. Noong kaba
CHAPTER 18. "Manager Lopez, hindi mo ba alam kahapon na nagkamali na naman ang bagong sekretarya na si Trixie? Mali ang nailagay niyang decimal point sa report ng mga amount. Buti na lang, naging maingat kami sa pag-rereview nito at hindi namin ginamit ang kontratang iyon para pirmahan. Kung hindi sigurado na malaki ang mawawala sa pamilya Sandoval,” sumbong kaagad ng isang empleyado sa kanya pagpasok niya sa opisina. Nang makita siya ng empleyado ay agad siya nitong binati at hindi na nga nito napigilang banggitin sa kanya ang kapatid niyang si Trixie. Sa pagkakataong ito, hindi na nito tinawag pa si Trixie na secretary, tulad ng dati. Marahil iniisip nito na pareho sila ng apilyido ni Trixie, at kaya siguro ganun ang tawag nito sa kapatid niya para hindi naman nakakainsulto sa kanya. Kaagad na uminit ang ulo ni Lyca dahil sa mga balitang narinig niya. Talaga bang wala ng gagawing tama ang kapatid niya? Puro na lang kasi ito kapalpakan. "Tama ka, iniisip siguro niya na palagi ma
CHAPTER 19. Tanging si Cristy lang kasi ang may lakas-loob na kausapin si Andrei ng ganito. Tila ba wala man lang itong pakialam at hindi man lang natitinag kay Andrei. "Talaga ba Kuya, you’re still cheating your wife even though you’re married? Have you also picked up the bad habits of the industry?” parang hindi na alam ni Cristy ang mga salitang sinasabi nito dahil sa pagkabigla sa mga nalaman. "Kuya, paano mo nagawa ang ganitong kalseng gawain? Parang hindi naman kapani-paniwala na may ganitong klaseng pag-uugali ang pamilya natin. Ang sama ng ugali mo, kuya,” wika ni Cristy, hindi na kasi nito napigilan pa ang sarili na magsalita ng ganun dahil sa inis sa lalaki. Hindi binigyan ni Cristy ng pagkakataon si Andrei na sumagot. Sunod-sunod itong nagbitaw ng mga sarkastikong salita laban kay Andrei. Matalim ang mga matang tinitigan ni Andrei si Cristy, at winarningan ito sa pamamagitan ng kakaibang tingin. “Cristy, try talking nonsense again,” may diing wika ni Andrei. "No! I’m
"Dean alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" kunot-noo na tanong ni Trixie kay Dean at ang kanyang boses ay puno ng galit at sama ng loob. Pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan at parang sasabog ang kanyang dibdib. Ang sakit sa kanyang puso ay umabot na sa sukdulan. Akala niya ay walang tunay na pagmamahal sa pagitan nina Dean at Lyca. Akala niya ay magagalit si Dean kapag nalaman niya ang lahat. Inakala niya na si Lyca ang pagbubuntunan ng galit nito! Pero nagkamali pala siya. Ipinakita ni Dean sa kanya ang lahat. At lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Lahat ng ito ay isang palabas lamang. "Bakit?" bulong ni Trixie sa kanyang sarili. "Bakit nagkakaroon ng ganoon kagaling na lalaki si Lyca nang hindi man lang gumagawa ng kahit ano?" dagdag pa nya at naikuyom na lamang nya ang kanyang kamao sa galit. Hindi matanggap ni Trixie ang lahat ng ito! "Nagpakasal na siya noon. At ang lalaki niya noon ay si Andrei!" sigaw ni Trixie na halata mong galit na galit na. "Ano ang
Nanatili lamang na kalmado si Lyca , sa kabila nang nakikita niyang galit sa mukha ng kanyang ama. Isang banayad na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi at tahimik na nakatingin sa kanyang ama na si Robert. Makikita naman sa isang tabi si Trixie na bahagya ring nakangiti at nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatingin kay Lyca at Dean. Hinihintay marahil ng babae kung kailan magagalit si Dean at iiwan si Lyca roon. Aliw na aliw si Trixie na tila ba nanonood siya ng isang magandang palabas at naghihintay ng isang nakaka-excite na eksena. Tumagilid si Dean at seryosong tumingin sa gawi ni Lyca. "Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa kanila kahit na kaunti?" tanong ni Dean na nakangiti, pero ang isang ngiti na malamig at walang sigla. Bahagyangn napayuko naman si Trixie dahil sa sinabi ni Dean kay Lyca at palihim na ngumiti. Iniisip na nagtatagumpay na ang plano niya. "Mr. Dean, mabuti pa siguro kung umuwi ka na muna,” malamig na saad ni Robert. "Ako na ang bahala sa anak k
Unti-unti na dumilim ang mga mata ni Andrei na halos namumula na habang hindi niya mapigilan ang sarili na magpadala ng mensahe kay Lyca sa messenger. [Lyca, talaga bang wala ka ng pakialam pa kay Lolo?] Habang itinatype ito ni Andrei ay naramdaman niyang napakababa iyon para sa kanyang sarili at nakakahiyang gawain. Para bang ginagamit niya ang kanyang Lolo para pigilan si Lyca. Pero alam niya na matapos nilang magkaroon ng relasyon ay hindi na tama ang ganitong klase ng mensahe para sa dating asawa. Ibinalik ni Andrei ang tingin sa mga salitang iyon sa kanyang cellphone. Matapos ang mahabang pag-aalinlangan ay dahan-dahan din niyang binura ang mga ito. ******* BIGLA namang tumigil na ang malakas na ulan na iyon. Habang si Lyca ay nakatanaw mula sa malalaking bintana ng Grand Hilton Presidential Suite. Sa totoo lang ay may kaba siyang nararamdaman hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at nakita niya na tumatawag ang kanyang ama na si Robert
Nakabalik na pala sa kumpanya ni Andrei ang half sister niya. At bakas sa mukha nito ngayon ang saya at pagmamayabang. Ang paraan ng mga tingin nito kay Lyca ngayon ay parang tumitingin siya sa isang asong ligaw. Malamig naman na tinitigan ni Lyca si Trixie na walang bahid ng anumang emosyon. Mapang-uyam na ngumiti si Trixie pabalik, ngiting may halong pang-aasar. Para bang siguradong-sigurado siyang natanggal na si Lyca sa trabaho pagkatapos ng meeting with all the shareholders and CEO. Kalmado naman na mahinang tinapik-tapik ni Lyca ang mesa gamit ang kanyang mga daliri bago dinial ang numero ni Andrei. Walang makikitang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Mabilis naman na sumagot si Andrei sa tawag. Ramdam ang lamig sa kanyang boses. "Anong kailangan mo?" bungad na tanong ni Andrei mula sa kabilang linya. "Hindi ba’t sinabi mong papalitan mo ang pinto ng opisina ko?" direktang tanong ni Lyca kay Andrei. Kung hindi lang talaga kinakailangan ay ayaw na niyang banggitin pa
Nananatiling nakatitig ang mga mata ni Andrei kay Lyca na tila ba hinihintay niya ang sagot nito. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lyca bago ito nagsalita. “Kung gusto mo, syempre walang problema. Pero kung gusto mo talaga ng ganung klase ng pen ay kailangan mong maghintay nang kaunti pa,” ani Lyca kay Dean. “Basta’t makakatanggap ako ng regalo na gawa mo, handa akong maghintay kahit gaano pa katagal,” nakangiting sagot ni Dean at hinawakan ang kamay ni Lyca. Hindi naman pinansin ni Andrei ang dalawa, hindi rin siya nagsalita. Tahimik lang niyang kinuha ang naiwan na cellphone at saka umalis doon. Nang makapasok siya sa elevator ay bigla na nga lamang siyang napahinto saka sumandal sa metal na dingding at huminga nang malalim na para bang pinapakalma nya ang kanyang sarili. Sumunod naman sa kanya ang ilang shareholders na kanina pa naghihintay. Pinalibutan siya ng mga ito at hindi tumitigil sa pagsasalita tungkol sa kung gaano kalaking kita ang maibibigay ng pakikipag-ug
SAMANTALA, nakahinga naman nang maluwag si Lyca sa kanyang kinauupuan nang umalis si Andrei at ang mga board members. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" tamad na tanong ni Lyca kay Dean, na para bang wala itong pakialam sa kanyang suspensyon. "Tara magbakasyon muna tayo. May bagong hot spring hotel sa East District. Gusto mo bang magbabad muna tayo sa hot spring?" tanong ni Dean at hinawakan ang kamay ng kanyang bagong nobya. Sa pagkakataong ito ay hindi naman umiwas pa si Lyca. "Magbababad sa hot spring ngayong tag-init?" nakataas ang isang kilay na sagot ni Lyca, halatang may binabalak na naman si Dean. "Tomorrow is my birthday. Anong regalo ang ibibigay mo sa akin?" pilyong tanong ni Dean habang maingat na hinahaplos ng kanyang mga daliri ang makinis na bahagi ng pulso ni Lyca, may bahid ng pananabik sa kanyang boses. Tumingin si Lyca kay Dean. Bahagya siyang ngumiti sa binata. Hinawakan din naman ni Lyca ang kamay ni Dean "Dean sandali lang, gusto mo ba talagang mag hot sp
Bakit nga ba si Dean agad ang pinili niya pagkatapos ng kanilang divorce? Bakit gano’n siya kabilis na bumitaw sa kanya? Paano kung ito ang pagmamahal ni Lyca sa kanya? Bakit ganun kababaw ang pag-ibig niya? Mga katanungan na nasa isip ni Andrei ang siyang gumugulo. "Ano?" balik-tanong ni Lyca kay Andrei. Hindi niya maintindihan ang tanong nito na tila ba may nais pang iparating. Ngunit si Dean ay naiintindihan naman ito. Lumapad pa ang pagkakangisi nito at pumalakpak habang tumatawa ng marahan. "Dahil magkapareho kami, ganun lang kasimple," sagot ni Dean nang malinaw upang klaro na marinig ni Andrei. Ang totoo nyan ay kaya nagawa ni Lyca na aminin ang ganitong relasyon ay dahil na rin sa patibong ni Dean. Kaya inilatag na niya ang kanyang alas. Sa sitwasyong ito ay siya ang pinakamainam na pagpipilian ni Lyca. Walang dahilan para hindi siya piliin. At higit sa lahat ang bawat hakbang na ito ay sinadya at maingat na plinano ni Dean. Tinitigan naman ni Lyca si Andrei. Kitang-
“Kung may gusto kayong itanong ay itanong n’yo na,” ani Dean habang naka-dekwatro pa ang kanyang mga binti at relaks na relaks na nakaupo na para bang wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang kanyang kampante na kilos ay tila nagbigay ng ginhawa kay Lyca. Dahan-dahan siyang sumandal sa upuan at naglaro ng kanyang cellphone gamit ang mga daliring may bahagyang kulay rosas sa dulo. Napatingin si Andrei kay Lyca. Ang kanyang mga mata ay nagtatanong. Hindi umiwas ng tingin si Lyca rito. Sa halip ay isang maliit na ngiti ang lumitaw sa sulok ng kanyang labi na tila ba nagsasabi ng maraming bagay na hindi niya binibigkas. Hanggang na si Andrei na mismo ang kusang nagbawi ng tingin sa dating asawa. Nagkatinginan naman ang ilang mga shareholder. At isa nga sa kanila ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. “Ano ba ang relasyon niyong dalawa?” seryosong tanong ng isang shareholders na naroon. Napangiti naman si Dean at para bang natutuwa pa ito sa tanong na iyon. Humarap si Dean kay
Nang dahil sa ginawa na iyon ni Dean ay naging senyales iyon ng isang laban sa pagitan ng dalawang lalaki. Itinaas naman ni Lyca ang kanyang malamlam na tingin. Walang bahid ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit ang tahimik niyang pagtitig kay Andrei ay parang patalim na tumatarak sa katahimikan. Sa dahan-dahang pag-angat ng sulok ng labi ni Lyca ay isang makahulugang ngiti ang lumitaw. Ngiti na animo’y nagbibigay ng babala. Tila naunawaan naman ni Dean ang pahiwatig na iyon ni Lyca. Kaya sinadya niyang ipulupot ang braso niya sa baywang ni Lyca. Bahagya namang naramdaman ni Dean na tila nanigas ang katawan ni Lyca kaya nanatili siyang nakahawak dito at hindi bumitaw. “Kung bumagsak man ang langit ay ako ang sasalo para sa 'yo,” bulong ni Dean kay Lyca. “Hindi kita kailangan sa ngayon,” malamig ang tono na sagot ni Lyca kay Dean habang hindi nya inaalis ang mga mata nya kay Andrei. “Kahit na bumagsak pa ang langit ay kaya ko pa ring tumayong mag isa,” dagdag pa nya. Sa mga