After more than one month na pananatili ni Andrei sa ibang bansa, sa wakas ay umuwe na ito sa pilipinas. ‘Yan ang balitang agad na natanggap ni Lyca. Pero ang higit na nagpagulat sa kanya ay nang iabot sa kanya ng asawa nya ang isang papel na naglalaman ng diborsyo. “Let’s get the divorce,” malamig na sambit nito sa kanya. “Okay,” tanging tugon ni Lyca. Sabay abot sa papel sa kanyang harapan. After the divorce, hindi maiwasan ni Andrei na makita ang dating asawa na masaya sa piling ng iba. Naging matagumpay na rin sa larangan ng business industry si Lyca na noon ay sunod-sunuran lang sa kanya. Hanggang sa muling nagkasalubong ang kanilang mga landas at muli ay hiniling ni Andrei sa dating asawa ang mga katagang…. “Please come back to me, baby.”
View More“Bumalik na si Andrei.”
Habang iniinom ni Lyca ang gamot niya, kasabay niyon ay binuksan niya ang kanyang cellphone. At iyon kaagad ang mensaheng tumambad sa paningin niya mula sa kanyang matalik na kaibigan. Sandali siyang natigilan sa kinatatayuan. Pagkatapos ng isang buwan na pananatili ng kanyang asawa sa ibang bansa ay nakabalik na pala ito sa pilipinas. Ni hindi manlang nagsasalita ang kanyang asawa at ni hindi ko alam na nakabalik na pala ito. Ilang sandali pa ang lumipas at muli na naman siyang nakatanggap ng mensahe sa chat. "Bumalik siya at sa pagkakataong ito hindi siya nag-iisa, kundi may kasama siyang isang batang babae." Iniscroll pa niya ang pataas ang mensahe at sa ibaba nito ang nakita niya ang isang larawan. Larawan na kamukhang-kamukha niya ang batang babae. "Trixie." Si Trixie. Ang kapatid niyang babae sa ama. Ipinadala ito sa ibang bansa para doon palakihin at pag-aralin, ngayon ay nagbalik na ito. Patuloy sa pagpapadala bg mensahe ang matalik niyang kaibigan ngunit hindi na niya ito binigyang pansin pa. Bagkus ay nagpaalam na muna siya rito. Napatingin si Lyca sa bote ng gamot na kanina lang ay ininom niya. Ilang araw ng mataas ang lagnat niya na inabot ito ng tatlong magkakasunod na araw. Patunay ang mga marka ng karayom sa likod ng kanyang kamay na namumula at namamaga. Palibhasa sariwa pa ito dahil kahapon lamang siya na-discharged mula sa hospital. Matapos niyang magpaalam sa matalik na kaibigan ay agad niyang ini-off ang kanyang cellphone. Muli siyang humiga sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa muli siyang nakatulog muli. Muling nagising si Lyca at halos mag alas diyes na pala ng gabi. Mukhang napahaba ang tulog niya at hindi niya namalayan na gabi na pala. Hindi na siya nagulat nang pagbaba niya sa sala ay agad niyang nadatnan doon ang kanyang asawa na si Andrei. Agad namang natuon ang paningin nito sa kanya. Ngunit tulad ng dati ay napakalamig ng tinging ipinupukol nito sa kanya. Agad na tumayo si Andrei at nang makalapit sita rito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo naman na hindi ko ginusto ang matali tayo sa isa't-isa. At alam mong matagal ko ng gusto makawala sa kasal na nakakasakal. Kaya hindi na ito dapat na magpatuloy pa," malamig pa sa yelo na wika ni Andrei sa kanyang harapan. Mahinang napabuntong hininga si Lyca. Alam naman niya noon pa na ang kontrata ng kasal sa pagitan nilang dalawa ni Andrei ay hindi ginusto ng lalaki. Mula sa umpisa ay napilitan lamang itong pakasalan siya. Dahil sa isang gabing aksidente na nangyari kaya pinili nitong panagutan siya. Ibinaba ni Lyca ang paningin sa hawak na kapirasong papel ng lalaki. Dahan-dahan siyang tumango rito. "Okay, kung iyon ang gusto mo at ang nais mo, hindi kita pipigilan pa," sagot niya na tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. "Isa lang ang tanging hiling ko bago ko pirmahan ang divorce paper. Gusto kong muling makuha at mapasaakin ang bahay ang nanay ko," aniya. Ang bahay na iyon ay iniwan sa kanya ng kanyang ina, ngunit kalaunan ay napunta sa pamilya Sandoval nang ibenta ito noon. At tungkol naman sa kanyang trabaho. Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa kumpanya na pagmamay-ari ng kanyang asawa at pamilya nito. Imposible naman sigurong alisin siya sa kanyang trabaho dahil lamang sa hiwalayan na magaganap sa pagitan nilang dalawa ni Andrei. "Okay, kung iyang ang hiling mo, walang problema, mapapasayo muli ang bahay ng nanay mo," tugon ni Andrei na walang halong pagtutol. "May iba ka pa bang gusto at ibibigay ko agad sa 'yo?" dagdag pa nito. "Nothing," maikling sagot ni Lyca at iniling ang ulo. "Sabihin mo lang kung may iba ka pang gusto. Dahil ayoko na magkaroon pa tayo ng anumang ugnayan sa isa't-isa pagkatapos ng diborsyo," wika ni Andrei. "Don't worry, wala na akong ibang kailangan pa maliban sa bahay na hiniling ko," nakangiting sagot ni Lyca at pilit na itinatago ang sakit sa mga mata. Muli pa sanang magsasalita si Andrei nang biglang tumunog ang cellphone nito. Pero bago nito iyon sagutin ay bumaling muna ito sa kanya. "May mga gagawin pa ako. Kakausapin ka na lang ng abogado ko tungkol sa divorce natin." Hindi nagtagal at umalis na si Andrei sa kanyang harapan ngunit siya ay nanatiling nakatitig sa kawalan. Malalim na ang gabi ngunit hindi makatulog si Lyca. Binuksan niya ang cellphone at tumingin sa kanyang social media. Doon ay nakita niyang magkasama ang kanyang asawa at si Trixie. Tila masama itong panaginip para sa kanya. Noon ang kanyang ina ay kayang tiisin ang lahat. Pero nang malaman niya ang tungkol sa kanyang kapatid na si Trixie ay kinausap at pinilit niya ang kanyang ama kasama ang kanyang ina, na ipadala ito sa ibang bansa. Subalit hindi pa man natatapos ang dalawang taon matapos mamatay ang kanyang ina, ay muling nagpakasal ang kanyang ama sa ibang babae. Talaga nga namang mapagbiro ang tadhana, sino ang mag-aakala na ang kapatid niya sa labas ang siyang babaeng matagal ng nasa puso ni Andrei mula noong bata pa ito. Kinabukasan ay nagising si Lyca na medyo maayos na ang kanyang pakiramdam. Nakipagkita sa kanya ang abogado ng asawa niya at ipinaliwanag mulu sa kanya ang kasunduan ng kanilang divorce papers. Hindi naman siya trinato ng masama ni Andrei, maliban sa hindi siya nito mahal. Maliban sa bahay ng kanyang ina na naibalik na sa kanyang pangalan ay binigyan pa siya nito ng isang real estate. "Ms. Lopez, kung wala ka ng pagtutol tungkol sa diborsyo, maaaring pakipirmahan na lamang dito," anang abogado. Mabilis na tumango di Lyca at agad na pumirma ng walang pag-aalinlangan. "Ms. Lopez, dalawang araw lamang ang hihintayin mo para makuha ang certificate," anang abogado. "Okay, attorney. At pakisabi kay Mr. Sandoval, my ex-husband," may diing sambit niya sa huling salita. "Kung hindi siya abala, kunin niya agad ang certificate, hindi maganda kung ito ay ipagpaliban pa," aniya. Tumango ang abogado at umalis na. Nang araw na lumipat siya sa bahay ng kanyang ina, ay nabalitaan agad ni Althea ang tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa dating asawa. Inaya siya nito na magkape sa labas. "Alam mo ang tungkol kay Trixie di ba? Pinaalis siya ng nanay mo noon, at nag-aral siyang mabuti sa ibang bansa. Pumasok siya sa isang sikat na unibersidad. At sa hindi inaasahan ay naroon si Andrei sa University para magbigay ng mensahe. Aksidente nabangga nila ang isa't-isa. Ngumisi si Althea at napailing. "Nabalitaan ko na hinahangaan ni Trixie si Andrei. Masipag at inspirational ang babae. Not to mention na si Trixie ang illigitimate child na pinakaayaw niya. Humiling siya na sana hindi ito totoo, pero hindi niya sineryoso. "Tapos na ang lahat," ani ni Lyca at ngumiti ng mapakla. "Bukod sa kasal, wala kaming nararamdaman ni Andrei sa isa't-isa. Napayuko si Lyca at bahagyang ipinikit ang kanyang mga mata. Biglang sumagi sa isip niya ang unang pagkakataon na nakilala niya si Andrei. Ang unang taon na iyon pagkatapos mamatay ng kanyang ina. "Kasal, umalis ka sa aking karera," hiling niya na naging makatotohanan, dahil ayaw na niyang matali pa sa kasal na hindi siya kayang mahalin. Kahit pa nangako rin noon sa kanya si Andrei. Kinabukasan nang bumalik siya sa kumpanya ay nalaman niyang inilipat na pala siya mula sa pagiging secretary hanggang sa isang manager ng departamento ng isang proyekto.Ginawa ni Dean ang lahat para lamang matupad ang kanyang hangarin. Subalit ang kanyang assistant na si Zen ay hindi pa rin talaga makapaniwala. Pakiramdam nito ay hindi naman niya dapat ginawa iyon. At tingin nito kay Lyca ay wala ring awa. “Mr. Dean, gusto mo ba na makita kung ano ang ginawa ni Manager Lyca ngayong gabi?” tanong sa kanya ni Zen. Mukhang nagpipigil pa itong magsalita pero sa huli ay nais din nitong ipaalam sa kanya ang ginawa ni Lyca sa runway. Hindi pa kasi talaga napapanood ni Dean ang video nito kaya naman nagkaroon siya ng interes. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang ginawa ni Lyca ngayong gabi. Ipinadala naman kaagad ni Zen ang video kay Dean at agad itong pinanood ni Dean. Sa screen ay bumungad sa kanya ang imahe ni Lyca at ang maitim nitong buhok na sumasayaw sa hangin. Kahit bahagyang malabo ang mukha nito sa dilim ay hindi natatakpan ang likas nitong kagandahan. "Ang ganda niya, hindi ba?" tanong ni Dean kay Zen. Hindi naman sumagot si Zen, pero
Marahan na pinunasan ni Lyca ang luha sa sulok ng kanyang mata."Ayos lang ako kuya. Huwag mo na akong alalahanin pa. Medyo malungkot lang talaga ako ngayon," sabi ni Lyca, saka sya bumuntong hininga. "Simula ngayon, ay wala na akong kahit anumang kaugnayan kay Andrei. Pinili ko na si Dean, at siya lang ang pipiliin ko sa hinaharap,” saad pa ni Lyca kay Kyrie.Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya naman agad niya itong kinuha at nakita niyang si Dean pala ang tumatawag sa kanya."Nasa bahay ka na ba?" tanong ni Dean mula sa kabilang linya sa medyo paos na boses.“Nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay,” sagot ni Lyca.Bahagya naman na natawa si Dean.“Yca, gusto kong lang marinig ulit. Ako talaga ang pinili mo, tama ba?”Hindi na siya nagkunwari ngayon. Malinaw niyang sinabi kay Lyca na may tao siyang inilagay sa paligid nito para magbantay rito, dahil kung wala….paano niya malalaman na umalis na si Andrei.**************“Hindi pa ba sinabi sa’yo ng mga tauhan mo na nasa paligid
“Ang tanging lalaki siyang mahal ko at kinikilala ng puso ko na siyang alam ng lahat ay walang iba kunsi si Dean,” wika ni Lyca ng harap-harapan kay Andrei. Laming pasalamat niyang hindi siya pumiyok sa mga salitang binitawan niya. Kakaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa kasal nina Lyca at Andrei. Tanging ang pamilya Sandoval lang at ang ilang pamilya mula sa mataas na lipunan ang nakakaalam ng kasal na iyon. Simple at hindi magarbo ang ginanap na kasal nilang dalawa ni Andrei. At ang kanilang wedding photo ay karaniwang larawan lamang ni Andrei habang nakasuot ito ng pang araw-araw na suit. Walang pakialam ang iba sa relasyon nilang dalawa. Wala rin naman kasing pakialam si Andrei sa kasal nila noon, kaya marahil na wala ring pakialam ang iba. Kaya sa loob ng tatlong taon ng pagiging kasal kay Andrei, ni minsan ay walang tumawag sa kanya bilang Mrs. Sandoval. Para sa lahat ay isa lang siyang sekretarya ng asawa niya. Tinitigan niya ni Lyca si Andrei. Tahimik lang din ang dat
At si Antonio?Dahil naglakas-loob ito na tanggapin ang utos ni Arthur, ay nararapat lang na magbayad ito.At ito ang dahilan kung bakit pinalitan ni Lyca ang manuscript ng peke sa huling sandali. Dahil kung si Dean ay umaarte, kaya niya rin itong sabayan.Pareho silang tuso na dalawa. Pareho nilang alam ang kahinaan ng isa’t isa. Ngunit sa halip na magbanggan ay tahimik nilang itinulak ang lahat ng kasalanan kay Arthur at Antonio.Kung hindi kasi dahil sa kasakiman at kalupitan ni Arthur, ay hindi naman na kailangan pang gawin ni Dean ang bagay na iyon. Hindi sana ito nasasaktan ngayon sa tinamong aksidente.“Lyca, palaging nagsisinungaling si Dean, hindi mo siya matatalo sa bagay na iyan,” may diing wika ni Andrei.Tumaas ang isang kilay ni Lyca sa narinig. “Ang importante sa akin ay hindi ako sinasaktan ni Dean. At kung sino ang tunay na naglalaro ay makikita na lamang natin sa huli, “ sagot ni Lyca. Pagkatapos ay hinawi ang buhok sa kanyang balikat gamit ang mahahabang daliri. “A
"Ano ang ibinigay sa'yo ni Lolo?" walang ligoy na tanong ni Andrei kay Lyca habang walang emosyon ang mga titig nito. Nameywang naman si Lyca habang may bahid ng panunukso ang tingin niya kay Andrei. “Ang ibinigay sa akin ni Lolo Andres ay hindi pag-aari ng pamilya ninyo. Siguro naman ay naiintindihan mo na wala namang dahilan para alamin mo pa kung ano iyon hindi ba?” balewalang sagot ni Lyca kay Andrei. “Kung sa iyo man talaga o hindi ang bagay na iyon ay dapat mong tandaan na kapag ang isang bagay ay napunta na sa kamay ng matanda ay hindi na iyon basta-basta mababawi pa. Kahit pa sa iyo ang bagay na iyon,” babala ni Andrei kay Lyca habang nanatili nga na malamig ang tingin niya rito. Dahil sa sinabi na iyon ni Andrei ay biglang naningkit ang mata ni Lyca at unti-unti na naglalaho ang ngiti sa kanyang labi. “Kung gayon, kaya ka lang pala pumunta rito, ay para lang ipaalala sa akin ang bagay na ‘yan, Mr. Sandoval?” ani pa ni Lyca kay Andrei at bahagya pang tumaas ang isang sul
Tahimik na nakaupo lang si Kyrie sa sofa at abala sa pagbabasa ng mga kontrata ng Harmony Corp. Sa totoo lang ay hindi niya balak pigilan ang relasyon ng dalawa. Dahil kung si Dean ang napili ni Lyca ay wala siyang magagawa roon at wala rin siyang balak na hadlangan ang mga ito. Alam naman kasi ni Lyca ang ginagawa niya. At kung si Dean ang gusto nito at kahit gaano pa ito kapilyo at mahilig sa laro ay sino ba naman siya para makigulo sa ang mga ito? Isa pa mukhang tila nagkakasundo talaga ang dalawa sa kakaibang paraan. Naiintindihan ni Dean ang ugali ni Lyca. At si Lyca naman ay may kakayahang pigilan o kontrolin si Dean sa mga gawain nitong maduming laro. Hindi man sila maituturing na perpektong magkapareha, pero sila naman ay mga taong tila pinagtagpo ng tadhana. Ngunit sa mga mata ng isang nakatatandang kapatid na kagaya ni Kyrie ay hindi niya maiwasang mabahala. Hindi siya bilib sa mga lalaking mahilig magpatawa, manggulo at umasta na parang batang spoiled. Pero kung ito an
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments