NAPABUNTONG-HININGA si Khevin, hindi siya mapakali. Napapamura siya sa isip, ginugulo ni Agatha ang isip niya. No! Hindi ang gaya ni Agatha. Pilit niyang nilalabanan ang bumabangong damdamin para sa dalaga. Pumikit siya para pilit na burahin ang imahe nito sa isipan. "Damn!" Napatayo siya mula sa higaan saka hinagilap ang cellphone. Idinayal ang numero ng dalaga. Mabuti na lang pala at makapal ang mukha nitong ipilit na i-save sa phone niya ang numero nito. Nagriring pero hindi sinasagot. Hindi siya mapakali. Lumabas na siya ng silid para pumunta sa mini-bar na nasa ikalawang palapag ng mansyon. "Aling Lydia!" tawag niya sa mayordoma. Tumalima naman ito. Napabuntong-hininga ang binata. Paano ba magtanong ng hindi siya pag-iisipan ng kung ano pa man dahil sa nakita nitong pakikipaghalikan niya kay Agatha? "Sir?" "Nevermind," Binalingan niya ang baso ng alak. Palihim na napangiti si Aling Lydia, kilalang-kilala niya na ang amo. Alam niyang may gumugulo sa isipan nito. "Si Agatha h
"KHEV's sweetheart, iniiwasan mo ba ako?" Maarteng pinagsalikop ni Cassey ang mga braso. Nakatitig sa screen ng cellphone habang kausap si Khevin. "Busy ako Cassey," pagdadahilan niya. Pero ang totoo, naging abala ang isip niya kay Agatha sa hindi niya malamang dahilan. Okupado ng dalaga ang isipan niya kahit nasa opisina siya. Naiinip na ang binata at gusto niya ng tapusin ang usapan pero wala siyang magawa kundi kausapin ito. Tila nakahalata naman ang girlfriend niya na nagpaalam na. Nakahinga ng maluwag si Khevin, bakit tila mas namimiss niya pa si Agatha kaysa sa girlfriend niya?Ano bang meron sa babaeng 'yun? Hinahanap-hanap niya ang kakulitan at presensya nito. Palihim siyang naaaliw ng mga katangahan ng dalaga. Tila nakakalimutan niya kung saang lusak ito nagmula.Mahihinang katok ang nang-abala sa malalim niyang pag-iisip. "Surprise!" Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang babaeng naging laman ng isip niya sa hindi niya malamang dahilan. "Agatha?!" Nakadama siya ng tuw
HUMUGOT muna ng malalim na hangin si Agatha saka binagtas ang eskinita papasok sa looban. Ang kahabaan ng Agapita Street sa Valenzuela ay may napakalaking bahagi ng kabataan niya noon. Dito siya madalas habulin ng pamalo ng kaniyang inay kapag pinauuwi ng tanghali. Sa pasikot-sikot ng bawat sulok ng eskinita siya madalas maglaro at tumambay kasama ng mga kababatang naging palaboy din sa lansangan sa murang edad. "Hoy Agatha! Napasyal ka ah!" Bati ng kapitbahay nila na si Mang Temyong. "Papasyalan ko ang itay," sagot ni Agatha, saka hinagisan ito ng stick ng yosi. "Nakaraket ka ba? Mukhang maayos na ang buhay mo ah!" "Malapit na!" sagot niya saka nagpatuloy sa paghakbang. Walang ipinagbago ang looban kung saan siya lumaki. Dikit-dikit at tagpi-tagpi pa rin ang mga bahay ng mga nakatira. Nagkalat ang mga batang nanlilimahid habang ang mga nanay nasa umpukan at abala sa pakikipagtsismisan. May iilan na alak naman ang inaatupag. Pangkaraniwan na sa Agapita ang senario na iyon. "Inay!
"SALAMAT Sir Khev ha," Nakangiting saad ni Agatha. Nilapitan ito ng dalaga na umiinom sa mini-bar.Bahagya lang siya nitong sinulyapan saka nagpatuloy sa pag-inom."Sir Khev, sabi ko thank you." ulit ni Agatha. Muli itong nilingon ni Khevin saka napailing. Kukulitin na naman ba siya nito?"Okey na Agatha, sige na iwan mo na 'ko." Kahit hindi niya pa tiyak kung bakit ito nagpapasalamat. "Ayaw mo ng kasama Sir Khev? Masarap akong ka-bonding." tudyo ni Agatha rito. Napailing si Khevin, makulit na nga malandi pa."Agatha please... Leave me alone!" asik niya rito. Natigilan si Agatha saka ngumiti. "May pinagdadaanan ka Sir?" Napabilis ang pag-inom ni Khevin ng alak. Hinding-hindi siya mananalo sa isang Agatha. "Alright, samahan mo na lang ako." talunang saad niya na ikinangiti ng dalaga. Komportable na itong umupo malapit sa kinauupuan ni Khevin. Himalang 'di na ito tila nandidiri sa kaniya."Kwento ka na," feeling tropa na wika ni Agatha. Nangalumbaba pa ito na tila handa ng makinig
"Arayyy! T*ng-ina!" sigaw ni Agatha. Napabilis ang paghakbang ni Khevin papasok ng silid. "Anong nangyari?" Tanong ni Khevin sa dalaga, nakasalampak ito sa floor ng bathroom at napapangiwi. "Nadulas ako Sir," ani Agatha habang hinahaplos ang paa. Napailing si Khevin, ang lampa talaga ni Agatha. "Tatawagan ko si Mang Emil," "Sir naman, mamamatay na ako ipapa-rescue mo pa talaga ako sa driver?" Umingos si Agatha na naluluha. "Huwag kang over-acting. Sprain lang 'yan Agatha hindi cancer," "Eh, tulungan mo na ako Sir Khev." hirit ng dalaga.Kumunot ang noo ni Khevin, inuutusan ba siya nito?"Hintayin mo si Mang Emil, ipapabuhat kita." Akmang tatalikod na si Khevin para iwan ito."Sir Khev, masaaaakittt nga!" tili ni Agatha. Inis na tiningnan ito ni Khevin. "Huwag kang mag-inarte, Agatha-" "Bakit mo ako natitiis Sir Khev?" Nagpahid ng luha si Agatha. Natigilan si Khevin, ngayon naman may paiyak-iyak pa. Talaga ba? At kung bakit naaawa naman siya rito? Napilitan siyang lapitan ito
"UMUWI?!" Nagsalubong ang kilay ni Khevin, inaasahan niyang madadatnan si Agatha pag-uwi ng Mansyon ngunit nagday-off daw ito. "M-masama raw po ang pakiramdam, Sir Khev." sagot ni Aling Lydia. "Bakit hindi n'yo dinala ng ospital?" Alam niyang doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni Agatha. Iniinda nito ang sprain sa paa at ang pagitan ng mga hita. Nakadama siya ng awa para sa dalaga. Kagagawan niya ang huli. "Ipasundo kay Mang Emil si Agatha, ngayon din." Mariing utos niya, lihim na napangiti ang mayordoma. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na nagkakaroon na ng special na damdamin ang boss niya kay Agatha. "S-sige po, Sir Khev-" Nawalan na ng ganang kumain si Khevin, sa halip ay umakyat na lang sa silid upang magpahinga. Hindi siya sanay na hindi nakikita ang dalaga. Dama niya na nagiging bahagi na ito ng buhay niya.Napabuntong-hininga ang binata nang mapagmasdan ang kamang saksi kung paano niya natuklasan na birhen si Agatha. Ginulo na nito ang utak niya, pero bakit til
"SURPRISE!" Bungad ni Cassey sa boyfriend na natigilan.Ang pagdating ni Cassandra tila katapusan na rin ng pangarap ni Agatha. "Sweetie! Hindi mo man lang ba ako namiss?" Prim & proper, at social ang bawat galaw ni Cassey, kabaligtaran ito ni Agatha. Magkaiba rin ang taglay nilang ganda. Humugot ng malalim na hangin si Khevin, naikukumpara niya ang girlfriend niya sa babaeng nagmula sa club. Pero bakit mas nagugustuhan niya ang ugali at personalidad ni Agatha sa kabila ng pagkatao nito?"Hindi ka nagpasabi na darating ka-" Matamlay niyang sagot. Walang makapang tuwa sa damdamin ang binata. Ang ngiting ibinigay niya rito, udyok ng pagiging boyfriend na ayaw masaktan ang kasintahan."Kasi nga gusto kitang i-surprise sweetie." Yumakap na si Cassey sa binata saka mabilis na hinalikan sa labi ang binata. Eksenang bumungad at nadatnan ni Agatha. Pero sa halip na masaktan, matamis na ngumiti ang dalaga. Napatingin rito si Khevin. Palihim na nadismaya sa reaksyon ni Agatha. Mas gugustuhin n
"HAYAAN mo na sa ibang katulong 'yan Agatha, magpahinga ka na lang sa kwarto." utos ni Aling Lydia. "Kaya ko naman ho," Mabigat sa loob na sagot ni Agatha. Isa siyang palaban, pero bakit tila nanlalambot sa nasaksihan? Si Cassey lang ba ang titibag ng tatag niya? Hindi! Magiging akin si Khevin. Sigaw ng bahagi ng ambisyosa niyang utak. Napabuntong-hininga si Aling Lydia, saka matamang tinitigan si Agatha. "Agatha, minsan kailangan nating tanggapin ang masakit na katotohanan. Sige na, magpahinga ka na." Dama ng mayordoma na may damdamin na ang dalaga sa binatang boss. Aminin man ni Agatha o hindi, tila ang kilig na nararamdaman nito para sa gwapong CEO, nahuhulog na sa pag-ibig. Natigilan si Agatha, sa kauna-unahang pagkakataon gusto niyang makinig sa ibang tao. Mukhang hindi niya nga kakayaning makita si Khevin na kasama si Cassey. Nakakapanghina ang taglay na kagandahan ng girlfriend ni Khevin. Dyosa din kasi! Tarag*s!Sa silid na ibinuhos ni Agatha ang emosyon. Ang pagpatak ng pin