"HINDI mo kayang bayaran 'yan, kaya 'wag mo ng hawakan baka mabasag mo pa." Kalmado pero may diing turan ni Mr. Tolentino.
Napaawang ang bibig ni Agatha. Hindi naman kagandahan ang glass figurine na hindi niya pa maintindihan ang disenyo pero mamahalin? Talaga ba?"Sa Italya ko pa nabili 'yan." Nilampasan nito si Agatha. Nalanghap ni Agatha ang Men's perfume na gamit nito na tila lalong naging mas mabango dahil nasa katawan nito."Ayoko ng inuulit ang mga sinasabi ko." Nang malingunan nitong hawak pa ni Agatha ang figurine. Mabilis namang ibinalik ni Agatha sa estante, saka inirapan ang dekorasyon na para sa kaniya ay pangkaraniwang palamuti lang."Milyon ang halaga niyan-" bulong ni Ashley na nakalapit na pala."M-milyon?!""Hampas-lupa ka kasi kaya di mo alam 'yun." Inirapan pa ni Ashley ang dalaga na akala mo hindi niya ito kapantay sa estado ng buhay."Medyo makapal ka sa part na sa'yo pa galing ang salitang hampas-lupa 'no?" Ganting-irap ni Agatha. Lamang siya kung pagmumukha lang naman ang pag-uusapan sa kaharap. Pero pareho silang naninilbihan sa Mansyon. Pareho silang alipin ng gwapong CEO. Sino ito para magyabang sa kaniya?Kapwa sila natigilan nang mapansing sa kanila na nakatingin si Mr. Tolentino. Parehong mabilis na nagpalit ng anyo naging tila anghel na hindi makabasag-pinggan."Ashley, iwan mo muna kami ni Agatha." Utos ni Mr. Tolentino rito na ikinatuwa ni Agatha. Mabilis namang sumunod ang katulong na sumimple pa ng irap kay Agatha.ANG luwang ng pagkakangiti ni Agatha nang mapagsolo sila ng binata. Pagkakataon niya ng maipakita ang alindog niya. Aniya sa isip."Hindi ko nagugustuhan ang mga ikinikilos mo." Malamig nitong turan."Ho?!""Hindi ako tanga para sa mga gold-digger na kagaya mo. Kilala ko na ang mga katulad mo.""Mapanghusga ka din Sir 'no?" Malumanay ngunit nagtitimpi lang na ilabas ang tunay na kulay na saad ni Agatha. Babaeng-bayaran siya at tuso."Pwede kitang palayasin pero hindi ko gagawin."Napatitig si Agatha sa magagandang pares ng mga mata nito, bumaba ang tingin niya sa matangos na ilong at napalunok nang mapatitig sa mapupula nitong labi. Parang Goddess Greek sa kagwapuhan ang lalakeng malamig pa sa yelo. Lalo lang siyang nagkakainteres sa misteryosong pagkatao ng binatang amo."Hindi ako pagkain-""Agatha Sir, Agatha ang pangalan ko." Ngumiti ng matamis ang dalaga. Wala siyang mabasang emosyon man lang. Parang buhay na estatwa na perpekto ang pagkalilok ang gwapong CEO.Lumapit si Agatha sa Boss na nakaupo na sa couch. Kumunot ang noo nito."Anong ginagawa mo?!""Maglilinis Sir," Yumukod siya para punasan ang lamesang malapit rito. Sinasadyang ipakita ang punong-dibdib.Naiiling na iniwas ni Khevin ang paningin, nakakasuka ang kalandian ng bago nilang katulong. Gusto niya ng sisantehin ngunit si Aling Lydia pa rin ang inaasahan niya sa paghandle ng mga katulong. Napansin niyang kakaiba ang ganda ng dalaga ngunit iniisip niya pa lang na mababa ang uri ng pagkatao nito, nandidiri na siya. Palibhasa, lumaki siya sa gitna ng mga disente at nasa mundo ng alta-sosyedad."ALING LYDIA!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Mr. Tolentino, mabilis namang nakalapit ang mayordoma."Sir?""Ang tanga ng bagong katulong." Naiinis na saad nito.Napatingin sa itinimplang kape ang Mayordoma saka napailing. Ayaw na ayaw nito na dinadalhan ng kape at ipinapatong sa ibabaw ng lamesa na katabi ng mga mahahalagang papeles."Kasalanan ko, paumanhin." Mabilis na inalis ni Aling Lydia ang tasa ng kape sa lamesa nito."Sisantehin mo." Mariing utos nito."Sir?""May problema ba?""Mahihirapan ho tayo maghanap ng bagong katulong, uuwi ang dalawa ng probinsya." Paliwanag nito.Napaubo si Agatha na kanina pa nakatayo sa tapat ng pintuan. Matamang nakikinig."Hindi ka ba marunong kumatok?" Tanong ni Mr. Tolentino. Tinapunan ng masamang-tingin si Agatha. Lalong kumunot ang noo nang mapansin ang mababang neckline nito. Sinasadya ba nitong hindi isara ang dalawang butones ng uniporme? Halos lumuwa ang kalahating-dibdib nito."P-pasensya na po Sir, akala ko po kasi pinapatawag n'yo ako?" Nagmamaang-maangan nitong sagot."Agatha, ako na bahala. Sige na-" ani Mayordoma. Napatingin rin sa dibdib ni Agatha saka napailing."Agatha, nakalimutan mong isara ang butones ng blusa mo." Paalala ni Aling Lydia."O-oo nga po, pasensya na." Parang Maria Clara na isinara naman ni Agatha. Umalis na ito para bumalik sa kusina kaya napagsolo sila ni Mr. Tolentino."Wala ka na sa Club," mahina ngunit malinaw sa pandinig ni Agatha ang sinabi nito. Napatingin siya sa gwapong Boss saka napangiti. Natatandaan pala siya nito?"Ay naaalala mo ako Sir?" Ang luwang ng ngiti ni Agatha. Wala siyang nakuhang sagot pero dama niya na wala itong pakialam sa pinagmulan niya at tila okey lang naman na magtrabaho siya roon. Mabuti naman pala kung ganon, aniya sa isip."Makakaalis ka na, bumalik ka na sa trabaho mo."Umimbay ang balakang ni Agatha habang papalabas ng silid. Sana mapansin na ni Pogi na biniyayaan siya ng magandang hubog ng katawan. Binibilang niya na sa isip kung gaano karami ang pera ng CEO na nagmamay-ari lang naman ng naglalakihang Hotel sa bansa. Nasa Boss niya na ang lahat ng swerte, asawa na lang ang kulang. At titiyakin niya na siya 'yun.Hindi niya na nakita ang pag-iling nito saka natawa ng mapakla at parang nasusuka sa nahahalata naman nitong pang-aakit niya rito. Hindi ang gaya ng isang prosti-gold digger ang titibag ng paninindigan ng isang Tolentino.SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BUMUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint