Share

 AKALA KO WALA NG IKAW  By: Roselyn
AKALA KO WALA NG IKAW By: Roselyn
Author: ROSELYN

AKALA KO WALA NG IKAW By: Roselyn

KABANATA-1

Lynne! lynne! asan ka? nagising ako sa malakas na tawag ng tito ko, napabalikwas ako at mumungat mungat na tumayo, nagmamamdaling bumangon at pababa na ng hagdan para salubungin sya, naka idlip ako ng hindi ko namamalayan kaninang ala una, pagkatapos ko kasi mananghalian nagligpit ako ng mga tupiin ko sa kwarto, buti at wala pa ang kapatid ko sobrang kalat din kasi ng kama nito at kabinet isinali ko na din sa pagliligpit, kasama ito ng tito ko sa pagtitinda ng prutas, madaling araw pa lang umaalis na sila para umangkat ng paninda, at dadalhin nila sa pwesto namin sa palengke.

'tan Joe bakit? ang aga mo atang dumating?

"magmadali ka magbihis ka at sundan mo dun kapatid mo, umuwi muna ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, iidlip lang ako."

Aynaku! parang alam ko na yang pag idlip mo baka pag uwi namin dito mamaya wala ka na naman!

"madalas kasi itong magkunwari na iidlip lang pero pagnakapagpahinga didiretso na yan sa sugalan tong-its ang madalas na nilalaro nila ng mga kasugalan nya, sobrang inis ko pag naiisip ko yan, kasi lahat ng pinaghihirapan namin laging nawawala na parang bula, ni hirap na hirap nga itong bilhan kami ng bagong damit.

"Hindi ahh wala ngang benta panu ako magsusugal" sagot nya, sige na sundan mo dun kapatid mo uwi kayo mamayang alas otso ibargain nyo nalang yong mga lumang prutas para maging pera pa, pagkasabi nya deretso na nga sya sa kwarto nya.

Wala na nga akong nagawa kundi magbihis na at nagmamadali na ako para maayos ko pa mga paninda dun, magaling naman magtinda ang kapatid ko kahit nga mag isa lang sya kaya niya, naawa lang ako kasi alam ko dun sa palengke hindi ka pwede magisa, lalo na pag minsan madaming mamimili o kaya meron loloko loko ako agad ang humaharap ayoko kasing napapaaway ang kapatid ko kasi talagang makikipagpatayan yon, malaki ang katawan nya dahil sa pagbubuhat nya ng mabibigat, gwapo naman sya pero sobrang pihikan sa babae at over protected din sakin, naalala ko pa nga meron gusto umakyat ng ligaw sakin binara nya agad "sige tol kung kaya mong magbuhat ng dalawang kaing na mangga papunta sa pwesto namin sa palengke walang problema papayagan kita." haha napatawa ako ng di ko namamalayan dahil dun sa alaalang yon panu kasi bigla nalang namutla hahaha.

ohh anong nginingiti ngiti mo dyan bat di ka pa magmadali, sabi ng tito ko na may pagtataka, hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya sa kwarto namin ng kapatid ko, wala may naalala lang ako sagot ko, naku ha baka lalaki na yan, lagot ka sa kapatid mo pag nalaman nun na may nanliligaw na sayo, napailing nalang ako. Oh bat di ka pa natutulog sabi ko, inaantay mo lang ako umalis at pupunta kana sa opisina nyo sabay erap ko. Ang opisina na tinutukoy ko ay ang sugalan nila.

Bakla sya at sya na ang naging ina at ama naming magkapatid simula ng mamatay ang mga magulang namin ang lolo at lola na namin ang nagpalaki saaming magkapatid sa probinsya, at ng mamatay nga sila lola at lolo kinuha nya kaming magkapatid, siya ay kapatid ng ina namin ni Brex, dito nga sa Maynila kung saan sya namalagi na, simula ng umalis sya sa aming probinsya para maghanap ng trabaho hindi na sya nakauwi at dito na sa Caloocan nanirahan, sa katunayan nga nyan ginave up nya ang kanyang pag-aaral nun ng pagka teacher para lang suportahan kaming magkapatid sa aming mga gastusin habang nandito kami sa lolo at lola namin. Simula kasi ng mamatay ang nanay namin problemado na siya kung paano kami bubuhayin ng mga lolo at lola namin

kaya sa totoo lang malaki talaga ang utang na loob namin sa tiyuhin namin na to. Naputol ang pag iisip ko nang bigla ako tawagin ng kaibigan ko na si Rey, uyyy Lynne saan punta mo? tanong nya, habang sinabayan nya ako ng lakad, e di saan pa sagot ko, susundan ko dun ang kapatid ko sa pwesto namin umuwi si Tan Joe ko, yan na ang tawag namin sakanya simula pagkabata lahat ng mga kaibigan namin ng kapatid ko yan na din ang tawag sakanya. iniwan sya dun dugtong ko. Ahh alam ko na malamang na mapapasabak na naman sa tong-its yang Tan Joe mo, hahaha

sabi nya hindi daw wala daw benta kaya wala daw sya pang tong-its, hay naku maniwala ka dun tawa nya, alam na alam na ng mga kaibigan ko ang karakas ng tito ko. Napatawa nalang din ako habang sinasabi nya yon.

Ito namang si Rey ang best friend kong lalaki, sya ang ka tropa ko sa lahat ng oras, kahit anong oras pa yan lagi yan tatawag sakin at magaayang kumain sa labas sa paresan dun ang bonding namin.

ohh paano mag isa kang pupunta dun sabi nya habang naglalakad kami, oo sanay na ako sagot ko, sya sige dito na ako lynne, sige sagot ko..

Nakarating na nga ako sa sakayan ng dyip papuntang bayan ng Malabon dun ang pwesto namin na palengke. Pagdating ko sa palengke natanaw ko nga ang aking kapatid na nagaayos ng aming mga paninda, may bumili siguro kaya nagulo ang pagkakaayos ng mangga. Oh te dito ka na pala sabi nya ng nakalapit na ako, wala kang dalang meryenda? wala sagot ko, maaga pa para sa meryenda alas dos pa lang, hindi ka ba nananghalian? tanong ko, kumain naman ako kala ko lang may dala ka, gutom ka na nga, bili nalang ako gusto mo? hayaan mo nalang ate mamaya lang pagdating ni Manang. Si Manang na tinutukoy nya ang natitinda ng bananaque.

KABANATA-2

Habang nag-aayos ako ng mga paninda namin at tinutumpok ko na isa isa ang mga lumang mangga para ibargain, nagpaalam saakin ang kapatid ko na pupunta muna daw siya sa Mercury at may titignan lang siya.

Maya pa nagulat ako ng may maramdaman akong umupo sa likuran ng upuan ko, inisip ko na kapatid ko kaya, tinanong ko siya habang inaayos ko parin paninda namin "ohh ang bilis mo naman ata ano ba tinignan mo dun? tanong ko, pero wala parin akong nakuhang sagot kaya lumingon ako at gulat ako kasi titig na titig siya sakin at parang ang lalim ng iniisip, si Landro pala to, napakunot ang noo ko na lumapit sakanya at pinitik ko mga daliri ko sa mukha nya para tumunog at napukaw ko atensyon niya nagulat pa ito ng makita akong nakapamewang sakanya, napatawa ito bigla sabay sabing " wala! sobrang namis lang kita!" napa erap ako dito dahil sa pambobola nito, "uy tigilan mo nga ako wag mo na akong isama sa mga collection mo hindi uubra sakin yang mga pambobola mo sabay talikod dito. Nagulat pa ako ng hawakan nya kamay ko, collection saan mo naman nakuha yan bat ganyan iniisip mo sakin?

Wala! sagot ko alalahanin mo palengke to dami chismosa dito sabay hawi ng kamay ko sakanya. Pero sa  totoo lang hula ko lang yon, hindi ko kasi maiwasan isipin na wala tong ibang babae kasi gwapo to matipuno matanggad sa totoo lang kung hindi ko pa to nakikitang nagtitinda ng baboy sa palengke di ko iisipin na hindi to mayaman dahil sa tindig at awra nito na sobrang lalim para nga itong artista e.

Buti nalang wala dito yong kapatid mo noh malaya kitang matitigan, sabay tawa nito na para may laman ang pagkakasabi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bernadette Borbon
Three little guardian angels pls.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status