Share

KABANATA - 3

LANDRO

Sa totoo lang matagal ko nang sinusubaybayan si Lynne De Mesa simula pa lang ng makita ko ito sa opisina ko, hindi na maalis sa isip ko mukha nya, dahil sa taglay nitong ganda, mapapansin mo agad ang mata nitong parang laging nakangiti, ang labi nitong maliit na parang ang sarap halikan, ang mukha nitong napakaliit at napakaamo, unang kita ko palang sakanya na love at first sight na ata ako, totoo nga talaga ang love at first sight kasi tinamaan ako.

Papasok na sana ako ng opisina ko ng mapukaw ang atensyon ko sa kausap ng isa kong empleyado iniinterview siya, nagtaas kasi ito ng boses at di sinasadyang natitigan ko ito habang pagalit na nagtatanong sa nag iinterview sakanya, pangalawang loan ko na ito bakit naman nung una kong loan wala naman hiningi na ganyan? at isa pa nabayaran ko naman na! wala naman na akong balance, dapat nga nasa listahan nyo ako as good payer e! "Pasensya kana Miss De Mesa yan kasi rules ng company sa mga nagloloan, kailangan may maipakitang documents na pag-aari mo o pamilya mo bilang kolateral mo, bukod pa dito sa business permit mo.

Napataas naman ang kilay ko sa nag iinterview kaya inutusan ko si Bruno na iassist si Miss De Mesa at ako na ang kakausap. Tumalima ito agad.

Excuse me sainyong dalawa, Bryan stop it na, si Mr. Mijares na ang kakausap sakanya, nabigla ito sa narinig at biglang namutla. This way Miss, tumayo naman agad ito at sumunod kay Bruno.

Kumatok si Bruno sa opisina ko bago nya buksan, kasunod na nito si Miss De Mesa, pinaupo sya ni Bruno sa katapat ng upuan ko paharap sa table ko. 

Ano nga yong concern mo Miss? tanong ko sakanya. Sir kasi mag rerenew sana ako ng loan ko for emergency sa fund ng business ko, kaya lang nagulat ako kasi hinihingian pa ako documents para sa kolateral daw sabi nung kausap ko kanina, kung kelan tapos na ako sa unang loan ko saka naman ako papahirapan, nag update naba kayo ng mga documents na para sa mga nagrerenew? kasi wala naman yan sa listahan ng binigay saakin na requirements, tanong nito, titig na titig naman ako sa maamong mukha nito na kahit galit na mukha paring nakangiti, nagaantay ito ng sagot ko kaya lang daming tumatakbo sa isip ko kaya nakatitig lang ako sakanya. Sir naririnig nyo ba ako? tanong nya nung hindi agad ako nakasagot, ok tapos ka naba mag salita Miss? ang nasabi ko at bigla itong nanahimik na parang nahihiya na, " ahh pasensya na Sir naiinis kasi ako dun sa kausap ko feeling ko napaka unfair nya" sabi nya, Ok Miss De Mesa fill upan mo na yong form na hawak mo then isubmit mo na sakin ako na bahala dyan, nabigla pa ata sa sinabi ko at nanlaki ang mata na biglang ngumiti ng napaka tamis sakin na pakiramdam ko tuloy nagpapa cute pa siya saakin.

Oh my god thank you sir! anas nito. Sige  na Miss De Mesa tapusin mo na yan para mareview ko na dugtong ko. Sige po Sir fill upan ko lang sa labas, no! dugtong ko dyan kana mag fill up para mabilis na matapos, sinadya ko talaga yon para matitigan ko pa siya ng husto, may nunal ito sa may baba niya na lalong bumagay sa maamo nitong mukha, wala itong ka make up make up napaka natural ng ganda nito, pansin din ang labi nito na natural ang kulay rosas, napa pikit ako sa tumatakbo sa isip ko, baka may asawa o boyfriend na ito, aalamin ko ito sa interview pagkatapos nya ma fill upan ang form.

Nang matapos siya inabot niya agad ito, medyo nabigla pa ako kasi baka mahuli niya aking nakatitig sakanya. Miss may anak, asawa kana ba? nagulat ito sa tanong ko bigla akong napa isip na baka magisip ito ng masama sa tanong ko, kaya dinugtungan ko ng, kasi kailangan ko malaman ang dependents mo, saka lang ito sumagot "ahh wala kapatid ko yang dependent ko dyan, dahil may kasamang insurance ang loan kaya malaya kong nalaman ang mga gusto kong malaman at sa totoo lang natuwa ako ng malaman ko na wala itong boyfriend man lang.

Hanggang sa ito na nga andito ako ngayon sa palengke sinusundan siya, Ako ang ang CEO ng ALANDRO MIJARES MARKETING OF LENDING AND BANKING FINANCE, pero andito ako ngayon sa palengke nagpapanggap na nagbusiness ng mga karne at ako din mismo ang tindero nito lintik na buhay to.

Sa totoo lang kahit gaano ka pa kayaman pagtinamaan ka ni kupido gagawin mo lahat masilayan mo lang ang mahal mo.

Napag alaman ko kasi na galit ito sa mayayaman at sinusumpa nya, dahil dun sa nangyari sa Tan Joe nya, muntik na itong atakihin ng lait laitin daw ng costumer nila, ito ang humarap sa lalaki at pinagsalitaan sya kahit akitin pa daw nya ito hinding hindi siya papatulan dahil sa katayuan nito sa buhay, kung alam ko lang kung sino ang lintik na yon babasagin ko mukha nun. pagpupuyos ko sa galit, dahil sakanya kailangan ko pa tuloy magpanggap.

Natuwa ako ng makita nya ako na kausap ng kapatid niya dahil hindi man lang ako natandaan nito, pinakilala ako na vendor din daw ng karne, inalok ko kasi ang kapatid nya na maging tindero ko ng baboy, pero tumanggi ito dahil meron na nga daw silang prutasan, na alam ko naman.

" Boy ano trabaho mo gusto mo maging tindero ng karne ko kasi sayang isa kong pwesto" pagkukunwari ko, at tumanggi naman ito, pero kunwari pinilit ko pa siya. "hindi Bro kasi meron din akong pwesto prutasan naman ang akin" sabi nya. itinuro niya pa ang pwesto nila at nakita ko nga si Lynne na nagaayos ng paninda nila, sino yong tindera mo asawa mo pagkukunwari ko, hindi! kapatid ko yon sagot nya, ayganun pakilala mo naman ako Bro para siya aalukin ko sa karne ko, sabi ko pa. Saka na Bro baka maging mortal na kaaway pa kita pagnakita mo kapatid ko, wika nya, nabigla pa ako sa narinig ko, over protected na kapatid, mukhang mahihirapan ako nito, sa isip ko. Kailangan ito muna kaibiganin ko hanggang matulungan ako ng kapatid nya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status