Share

Chapter 2

Nang makarating  sa airport si Ale ay ipinarada niya ang sasakyan at iniwan ang susi sa loob. He doesn't care if someone steals his car away. All they need to do is pay the parking ticket dahil hindi nila mailalabas ang kotse kung hindi bayad 'yon. He doesn't have a sentimental bone in his body. Naniniwala siya na temporary lang ang lahat sa mundo. At katulad ng kotse niya, kahit mawala 'yon ay wala siyang pakialam. He can always buy a new one. 

He would have booked his ticket online but there was a better chance that he would get a ticket this way. He approached the ground stewardess at the counter. She's slightly older than him but nevertheless, pretty.

"Good evening. One way ticket to Manila, please." 

"Good evening, Sir. I would have to check as we have a lot of passengers tonight. It's peak season." She started typing while looking at the computer screen. Ale waited patiently.

"I'll triple the fare if someone would give up their seat. I need to leave tonight," dagdag pa niya. Wala siyang pasensiyang maghintay. People want money. At walang tatanggi sa pera— not when they can triple the amount of money they have without doing anything. They can always take the next flight anyway kung hindi nagmamadali.

"I'm sorry, Sir. The flight is full. Would you like to take the next flight if no one gives up their seat? I will try my best but I can't promise anything. However, there is one seat left at the economy." Pormal ang pakikipag-usap ng babae sa kaniya. Ale saw that the woman is married. She's wearing a wedding ring. Kaya siguro wala s’yang appeal dito.

"I don't like waiting. If no one would give up their seat, then I'll take what's left." Gusto na niyang makaalis sa New York. Bawat sandaling itinitigil niya rito ay parang napapaso siya. 

One of the ground stewardesses came in to help at nagtanong ito sa mga pasaherong naroon sa first class. No one wanted to take the next flight. May pera rin ang mga ito at kahit pa yata gawin niyang ten times ang amount ay tatanggi pa rin. Mahina siyang napamura. All he wanted was to have a relaxing flight. Pati ba naman sa eroplano ay pinahihirapan siya ng langit?

Ale had no choice but to take the economy flight. Sa tangkad niya at haba ng biyas, abot ang tuhod niya sa upuan sa unahan. Bukod doon ay nasa gitna ang upuan niya. That would mean he has to excuse himself each time he needs to use the washroom. Napatanong tuloy siya sa sarili kung ano kayang kasalanan niya sa nakaraang buhay at ganito ang nararanasan niya?

Sa halip na sa gitna ay pinili niyang umupo siya sa aisle seat. Kapag dumating ang pasahero ay makikipagpalit siya at dodoblehin niya ang fare nito. Unlike the passengers from first class, ang mga pasahero sa economy ay panay middle class. They wouldn't say no to money. Sumandal si Ale at pumikit. Ang kaniyang bag ay nailagay na niya sa overhead compartment. 

"Excuse me, Sir. You're on my seat."

Kaagad na kumunot si Ale pero hindi siya nagmulat. That voice. Narinig na niya 'yon.

"Sir? You're on my seat. I need you to move,” ulit nito at halata ang inis sa boses nito.

The thought of pretending to be asleep crossed his mind, pero para siyang napaso nang tapikin siya ng babae sa braso. 

"I know you're not asleep. Move." Mas matigas na ang boses nito. "Pambihira naman. Pati sa flight nandito rin ang buwisit na 'to,” bulong ng babae.

Napabuntong hininga si Ale at saka nagmulat. Hindi siya nagkamali. Ito ‘yong babaeng bumangga sa dibdib niya kaninang umaga. "Can we just switch seats? I don't like sitting in the middle." Baka madadaan pa niya sa diplomasya ang babae at walang masamang sumubok.

Humalukipkip ito. "You pretended to be asleep. Now you're demanding we switch seats?" Halos magdikit ang kilay ng babae. "We're not even friends, so tough luck, macho man. I don't like sitting in the middle either. Move."

"I'll double the amount you paid for this flight." Hindi pa rin sumusuko si Ale.

The woman smirked. "You think I need money?" 

"Do you?" balik tanong ni Ale. 

"Unbelievable,” mahinang bulong nito. Halatang na-dismaya sa inasal niya. “MOVE."

Inirapan siya ng babae habang hinihintay siyang tumayo at lumipat sa upuan niya. Kinuha pa nito ang cellphone sa bulsa at nagtipa roon. Nakakunot ang noo nito habang nagtatype pero nang makakuha ng reply ay tumawa. Narinig pa niya ang tunog ng notification nito. 

Nilingon ni Ale ang nasa gilid niya nang marinig ang pagtikhim nito. Nasa singkwenta anyos na ang edad ng babae at Pilipina ito. "Lumipat ka na at mukhang naglilihi na 'yang asawa mo," mahinang wika nito sa kaniya. 

"Asa—" Napahilamos is Ale sa kaniyang mukha.  Napagkamalan pa silang mag-asawa!

"Ganiyan talaga kapag naglilihi. Mainitin ang ulo. Sige na,” dagdag pa nito.

Walang nagawa si Ale kung ‘di ang lumipat ng upuan. It's bad enough that he's on an economy flight— nasa gitna pa ang upuan niya, at katabi niya ang nakaiiritang babae for seventeen hours! It's a fucking long flight and he has to endure it. It’s not like he has a choice either. Naupo ang babae sa aisle seat at saka inilagay ang seatbelt. 

"Sinusundan mo ba ako?" tanong niya sa babae.

Tumaas ang isang kilay nito. "Napaka-humble mo talaga, kaya tuwang tuwa ako sa 'yo." Her eyes were on fire at kulang na lang ay tustahin siya nito. The woman has a smart mouth too! Ale wondered what else that mouth can do. 

"Well, you bumped into me at the park. Now we're on the same flight. Ano ang gusto mong isipin ko?" Ale does not believe in fate. Fate is for foolish people. Tao ang gumagawa ng sariling buhay nila at walang kinalaman ang kapalaran. 

The woman finished typing on her cellphone at saka ini-lock 'yon. She faced him and Ale realized that her face was bare. Natural na makapal ang maamo nitong kilay. Matangos ang ilong at mapula ang labi na lip balm lang ang nakalagay. Natural na malantik at makapal ang pilik-mata ng babae at bumagay 'yon sa mga mata  na ngayon ay nanlilisik na nakatingin sa kaniya. Damn her for waking up his buddy. 

"That you're so full of shit." Ale was taken a back. Wala pang babaeng sumagot sa kaniya nang ganito. Those women he met before her begged for his attention, pero ang isang ito ay walang interes sa kaniya. "Don't look at me and stop talking to me,” dagdag pa nito.

Friendly ito sa park kanina at sinabi pa ang pangalan. Iisang letra kaya paano niya makalilimutan. It was P. He kept quiet but his eyes didn’t leave her face. At nang maramdaman nito ang pagtitig niya ay inis siyang nilingon.

"Seriously. What is your problem?" mataray nitong tanong sa kaniya, bagamat mahina ang tinig. 

"What does P stand for?" tanong ni Ale sa babae.

Ito naman ang natigilan at kumunot ang noo. Ale tried to read her mind pero pabago-bago ang expression ng mga mata nito. The woman is driving him crazy every second. And the fucking plane hasn't even taken off yet. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano
nagsama ba Naman Ang parehong mapera at matapang ..pero sure suko ka Jan ale
goodnovel comment avatar
manika36
ahaha.. makulit ka ngang talaga P..... naku Ale, madami ding pera yan kaya Sorry ka nalang talaga.. ahahha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status