Share

Chapter 1

Author: Raven Sanz
last update Last Updated: 2023-04-20 00:53:02

BROOKLYN, NEW YORK

Years later…

Ale was out for his early run at McCarren Park. Sa dami ng ipinagagawa ng kapatid sa kaniya ay ngayon lang siya nagkaroon ng oras para sa sarili. At twenty-nine, he still lives at home. Pero ang bunsong kapatid niya na si Anton ay nakabukod na. May pamilya na ito at isang anak. Naunahan pa silang dalawa ni Alejandro na mag-asawa. Ganoon yata kapag walang masyadong responsibilidad. Madalas, ang apple of the eye ng ina ay ang bunsong anak at ang panganay naman ay sa ama. Sa malas, Ale is the middle child at naaalala lang siya ng mga ito kapag may kailangan.

"Fuck!" sambit niya sa gulat. Bumangga sa dibdib niya ang isang petite na babae at kung hindi maayos ang panimbang niya ay pareho silang lumagapak sa concrete. Tumingala ito sa kaniya at kunot noong tumitig. Her dark eyes looked lost pero kaagad din 'yong kumislap.

"Sorry. Are you hurt?"

Hinaplos ng babae ang dibdib niya and Ale didn't know what to do with her. Dapat ba siyang makaramdam ng insulto? Sa liit nito ay imposibleng masaktan siya. He is six feet tall at ang babae ay halos hindi umabot sa balikat niya. But man, his manhood reacted instantly and she's not even trying.

"I'm fine," padaskol niyang sagot sa babae.

"I'm P. What's your name?" Ang ibang babae ay kaagad na natatakot kapag magaspang ang pakikipag-usap niya, pero ang babaeng ito ay ngumiti pa.

"Not interested."

Gabriella is arriving tonight and he is planning to ask her out for a date. She's a model at kasalukuyan itong nasa Paris para sa isang fashion show.

Kumunot saglit ang noo nito at saka tumawa. Somehow, she reminded him of his friend, Taylor.

"Napaka-humble naman pala ng lalaking 'to. Hiyang-hiya ako," pabulong na komento ni Pietra. But their distance was so close that even with her mumbling, he can hear what the woman said just fine.

Ale smirked. "Hindi kita gustong ma-offend. It's just that I'm taken and—" Napansin niya kaagad ang pagtingin ng babae sa mga kamay niya. Tinitingnan nito kung may suot siyang singsing. Ale cleared his throat.

"Nagsasalita ka ng Tagalog?" Wala sa loob na tumango si Ale sa tanong ng babae. Napangiwi si Pietra. "Just for the record, it's not my habit to introduce myself to strangers but I bumped into you dahil hindi mo ako nakita. Lutang ka habang tumatakbo." Kumunot ang noo ni Ale at napaisip kung ang sinasabi ng babae ay kasalanan pa niya ang pagkakabangga nito sa dibdib niya. "Anyway, I just thought you looked familiar, but I doubt it's you. Bye!"

Tumakbo na ito nang mabilis at naiwan siyang nakanganga. She's petite but all curves were in the right places. She's wearing a hot pink sports bra and black running shorts. Kung gaano ka-amo ang mukha ay siyang tabil naman ng bibig. P ang pangalan. Pilya siguro ang ibig sabihin. Nailing si Ale saka ipinagpatuloy ang pagtakbo.

***

Nang gabing 'yon, pakiramdam ni Ale ay namatay siya. Nagkakasiyahan ang lahat sa hardin pero siya ay hindi makuhang ngumiti. He was holding a glass of scotch at padalawa na niya 'yon. Nagpakabihis-bihis pa siya dahil may darating na bisita ngayong hapunan, iyon pala ay may kakaibang pagdiriwang sa tahanan nila.

His mom told him that Gabriella would be joining them-- only to find out that they will be having dinner to celebrate their union. Alejandro just married Gabriella in Paris. It was a civil wedding. He wasn't even aware that they were dating! Ang kuya niya ay papalit-palit ng babae. He had his fair share of women pero si Gabriella ang hinihintay niya. Tuwing papasyal ito sa kanila ay palaging sinasabi na wala pa itong balak makipagrelasyon dahil ang gusto ay unahin ang career. He patiently waited for her. Wala rin naman nabanggit ang kuya niya na interesado ito kay Gabriella kaya hindi niya maintindihan ang nangyari.

And now Ale felt betrayed. Ano ba ang kasalanan niya at walang pumipili sa kaniya? He was no one's favorite. Si Taylor nga lang ang malapit na kaibigan niya. Oh, Tor and Estefan were on the list too. He tried to be close to Alejandro and Antonello but they were very... formal. Pakiramdam niya ay may pader sa pagitan nila. At kung hindi pareho ang apelyido nila ay iisipin niyang hindi niya kapatid ang mga ito.

But tonight, he's done… with everything including this family.

Ale had killed so many men in the past. He did the dirty work for Alejandro because it is what is expected of him. Ni wala siyang papuri na narinig sa ama. And all he got from his brother was a nod. That's it. Ano ba 'yong salamat? Mas maiksi pa nga 'yon sa thank you kasi dalawang salita. He realized now that it will never change, and now he doesn’t want to do things for them anymore. Kung pwede lang magpalit ng apelyido, ginawa na rin niya.

Pumasok siya sa loob ng bahay at nakasalubong ang ina.

"Where do you think you're going?" Kumunot ang noo nito. "Nagkakasiyahan sa labas ay narito ka sa loob. Your brother just got married and you gained a sister. Ayusin mo ang sarili mo at humarap ka sa pamilya."

Bago pa siya nakasagot ay nakalabas na ang ina sa pinto papunta sa garden. Hindi nito alam ang damdamin niya kay Gabriella dahil hindi naman ito nag-abalang magtanong. No one asks him about anything. No one is interested to know him. Ale is fine gaining a new sister as long as it isn't Gabriella. All his life, ang babaeng 'yon lang ang itinangi niya. And now she's in the arms of his brother. Kasal na ang mga ito at hindi niya ugali ang mang-agaw kahit gaano pa niya kagusto ito.

Nang makarating siya sa silid ay naglagay siya ng pamalit sa backpack. He took his passport and a bunch of cash. Sinigurado rin niya na dala niya ang kaniyang mga ATM. With his job, kalat ang kinaroroonan ng mga perang naipon niya. Ale is going to take a trip. Ang tanong nasaan ang taong pupuntahan niya?

***

"Hello," sagot nito mula sa kabilang linya matapos ang ilang ring.

Ale called Taylor. Kahit bihira silang magkita ay hindi sila nakalilimot sa isa't isa.

"Where are you?"

"Pinas," maiksing sagot nito.

"Text me your address. I'm coming to see you."

Nang matapos ang tawag ay isinukbit ni Ale ang backpack saka bumaba ng hagdan. Walang nakapansin sa kaniya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ng kotse. When he started the car, pinagsawa niya ang tingin sa bahay na kinalakihan niya. For thirty years, it was his home. But it was also his prison cell.

And now he's got nothing. He is on his own.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
manika36
wag kanang ma sad Ale, may ibang nkalaan para sau.. hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ALESSANDRO GAMBINO (The Black Sparrow Society)   Finale

    The smell of ammonia was what woke him up. He found himself still on the floor and P was on the bed waiting for him to open his eyes. Ang doktor na tinawag niya ay nagpunta sa bahay para i-check si P. May kasama rin itong isang nurse. Umupo muna siya sa sahig at kahit hilo ay tinangka na lumipat sa kama. Hinaplos ni P ang pisngi niya saka siya ginawaran ng halik sa labi."What happened?" Tumawa si P. "Hinimatay ka." He made a sour face. "I meant—""I'm pregnant. I need to get an ultrasound done but the doctor is thinking I'm about five to six weeks along." He was so happy he couldn't speak. He is going to be a father... Hindi siya marunong humawak ng bata. Paano ba magpalit ng diaper? Okay naman siya sa pagpupuyat. Kahit huwag na siyang matulog sa pagbabantay at—"Ale?" His train of thoughts were suddenly stopped when he heard P's voice."Sorry. You were saying?"Tumikhim ang doktora. "We will give you a few minutes before we take your blood samples." Lumabas ito ng silid kasunod a

  • ALESSANDRO GAMBINO (The Black Sparrow Society)   Chapter 66

    P was very patient with him and held his hand every step of the way. Ang hindi niya lang ginawa ay ang pagkonsulta sa doktor. He doesn't need it. What he needs is someone who will listen to him. He realized how he bottled up everything inside and now he's paying for it. He told P every single memory he has growing up— good or bad. P is the only therapist he needs. "So he wasn't always bad to you?" Umiling siya. "He is not really. It's hard to explain. Think of it as I will never be good enough as his son.""Well, that's because you're not his." They were out in the balcony and it's been a couple of months since Alejandro and Gabriella's death.May routine sila ni P na uminom ng tsa sa gabi sa balcony at saka mag-uusap. They had talks before but never like this. This time, he's pouring everything out. Mas madaling maging masaya kapag ni-let go na niya ang lahat ng masasamang pangyayari sa buhay niya. Hindi niya makakalimutan, pero hindi rin niya kailangang alalahanin pa at pabigatin

  • ALESSANDRO GAMBINO (The Black Sparrow Society)   Chapter 65

    Hindi matanggap ni Gabriella ang kapalaran na sinapit niya kay Alejandro. They were friends. They grew up together. She can't believe that after everything, he would do such a horrible act to her. It wasn't even because he loved her. Love isn't selfish. Love doesn't envy. Alejandro was blinded by his hate and jealousy to Alessandro. At his young mind, it was instilled that he has to do better so he would be Don someday. He gained it by birthright, but even that wasn't real. "I want a divorce." Gabriella's voice was firm. Napatawa si Alejandro. "You really think you'd be free from me, Gabriella?" "I will do whatever you want, just set me free. I will not tell a soul about your family's secret." She was hoping she would be able to persuade him. Ayaw na niyang makisama sa asawang hindi niya kayang pagkatiwalaan. Masyadong mahaba ang habambuhay. At kung hindi siya pakakawalan nito ay mas nanaisin pa niyang wakasan ang buhay niya. Sa imp'yerno rin naman ang tungo niya. How her life

  • ALESSANDRO GAMBINO (The Black Sparrow Society)   Chapter 64

    He and Pietra flew home to the Philippines, but didn't take their original flight. TJ arranged something else for them and made sure they are safe. He asked Pietra for some time before they talk about what happened at ilang araw pagkatapos nilang makabalik sa Pilipinas ay hindi na ito nakatiis sa pananahimik niya."Ale, I know you're grieving your family but sometimes, it helps when you talk about it. I will not hold it against you. I am here to listen," bulong nito sa kaniya matapos yumakap. Ever since they came home, he's been keeping to himself. Aside from spending a few hours in the restaurant, uuwi siya sa bahay para makasama si P. He would prepare meals for the both of them. Inaalagaan niya ito. Pero pagdating ng gabi, nahihirapan siyang matulog. Kahit sa panaginip ay nakikita niya ang pagbangga at pagsabog ng kotse ni Alejandro. Pati ang pagkamatay ni Gabriella ay sumasagi sa isip niya. "If you don't want to talk to me, talk to someone. Please, Ale. I don't want you to get sic

  • ALESSANDRO GAMBINO (The Black Sparrow Society)   Chapter 63

    The family is in chaos and he is nowhere near the Gambinos. He followed his instinct and went to New Jersey where P would be. Sana lang ay nadala ito roon nina Rob. Surprisingly, TJ owns a home there at ibinigay niya kay P pati na kay Rob at Magnus ang address nito kung sakaling magkaroon ng problema sa pagbabalik niya. He has never been there so he doesn't know what it's like. Baka nasa isang secluded na lugar ang bahay nito katulad sa headquarters nila sa San Servando. Deep inside he hoped that he wasn't going to use it. He drove despite being tired. His only goal was to see P and be with her. Bahala na kung ano ang kasunod na mangyayari. Driving thru the city was brutal until after what seemed like forever, he reached a family neighbourhood. Bergen County has contemporary homes and the one on the right side at the end of the street was the one he was looking for. It's not secluded at all. In fact, it was a beautiful home if only it's occupied by a couple and their children. Pero

  • ALESSANDRO GAMBINO (The Black Sparrow Society)   Chapter 62

    "I'll take my chances."Kung gaano siya kabilis dumating ay ganoon din siya kabilis na tumalikod sa kapatid at nilisan ang restaurant na 'yon. Magnus and Rob are with P at hindi pababayaan ng dalawa ang fiancee niya. Narinig niya ang pagpukpok ni Alejandro sa kamao nito sa mesa at hindi natutuwa sa ginawa niya. "No wonder you were the least favorite in the family, Alessandro. You've always been different and yet Dad kept you."Alejandro's father only kept him to serve a purpose and that's to bury a secret. He has yet to find out what it is but he already knew that he is not going to like it— whatever it is. "That's fine. I don't care," sagot niya sa kapatid at hindi man lang ito nilingon. His brother knew fully well not to create a scene in public that would tarnish the business. Kaya nga siya ang inuutusan nito noon para magligpit ng kalat. Alejandro doesn't have it in him— he is simply... weak.He started calling P but she wasn't answering. He tried Rob and Morgan but they did not

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status