Share

Chapter 3

She didn't answer him and Ale felt irritated. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang reaction niya sa babaeng ito. Granted— she's pretty. Very pretty. But she is the most annoying woman he has ever met!

Naiinis ba siya sa babae dahil hindi ito interesado sa kaniya? Is it because she wounded his ego? 

Nagpakawala si Ale nang isang malalim na hininga at isinandal ang likod sa upuan. The other passengers were still trying to get into their seat at dahil punuan ay crowded ang aisle. The overhead compartment remained open for the others to put their carry on. Sapul sana sa ulo ang masungit na babaeng katabi niya kung hindi siya naging maagap na masalo ang backpack ng isang pasahero. Inis na ibinalik 'yon ni Ale sa lalaki. 

"I'm sorry, Miss. Are you okay?" apologetic na wika ng isang foreigner kay P. 

"I'm fine." Ngumiti si P sa estranghero at iyon ang nagpakunot ng noo ni Ale. Halos magdikit ang mga kilay nito sa inis. How can she smile at that careless man, pero sa kaniyang sumalo ng bag na dapat ay tatama sa ulo nito ay napakasuplada? Ni hindi rin ito nagpasalamat! 

"Thanks to me!" sarkastikong singit ni Ale kahit hindi naman siya kasama sa usapan. 

"Thanks, man. I owe you." The man smiled, but Ale gave him a scowl at kaagad itong tumiklop. Matapos nitong ilagay ang gamit sa itaas ay nagpunta na sa upuan nito. 

Humalukipkip si Ale at ipinikit ang mga mata. Pero ramdam niya ang titig na ibinibigay ng katabi niya. Nang magmulat siya ay hindi nagkamali ang kaniyang hinala. P is looking directly at him and she is not happy. 

"What now?" tanong ni Ale sa babae. Wala na yata siyang gagawin na maganda sa paningin nito. 

"You didn't have to be rude to him. Hindi naman niya sinasadya." Nakakunot ang noo ng babae.

"Do I look like I care if his feelings were hurt?" He can't stop being sarcastic pero ang babae ay napakadaling inisin siya. Hindi pa rin ito nagpapasalamat sa kaniya. Anim na letra lang naman ang thanks pero hirap na hirap itong bigkasin. 

***

Napanganga siya. The man has been driving her nuts since this morning at the park. Pero kaninang umaga, kahit may pagkasuplado ito ay hindi naman ganitong mainit ang ulo. Daig pa nito ang nabigo sa pag-ibig. Pero bakit ba siya magtataka? Walang babaeng tatagal sa gaspang ng ugali nito. 

"If you were a woman, iisipin kong nireregla ka kaya ka iritable. Or maybe your woman left you for someone else." Inirapan niya ito at saka naglagay ng earphones sa tainga. Sumandal rin siya sa upuan at saka pumikit. 

***

Pikon na pikon na siya sa babae. Kulang na lang ay makipagpalit siya ng upuan sa matanda para hindi niya ito makatabi pero lalo siyang mahihirapang lumabas para gumamit ng washroom. Ginaya niya ang ginawa ng babae at sinubukang ikalma ang sarili. But even with his eyes closed, the woman was able to invade his thoughts. Nakikita niya ang magandang mukha nito sa kanyang balintataw. The only difference is that she's smiling at mukhang hindi makabasag-pinggan. Malayo ito sa babaeng mistulang dragon sa tabi niya ngayon. 

Sa wakas ay dinalaw siya ng antok. Mababaw siyang matulog at matagal na ang apat na oras. Bukod doon, hirap siya talagang antukin. He would tire his eyes out from reading articles or watching a documentary. Pero ngayon, madali siyang inantok at sinamantala niya 'yon. Maybe it was because his heart was aching. Losing the woman he cared about to his brother was a big blow. Sana sa ibang lalaki na lang ito nagpakasal at hindi sa kuya niya. He did not see that coming at all. 

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog pero naalimpungatan siya nang maramdaman ang bigat sa may partengg dibdib at pangangalay sa braso. The first thing he saw was P. Tulog na tulog ito at bahagya pang nakaawang ang mga labi. His arm is around her at nakasandig ito sa dibdib niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ito. Tunay na napakaganda ng babae. Mas higit itong maganda kay Gabriella at hindi niya 'yon maamin sa sarili nang makita ito sa park. It's probably the reason why he felt irritable. Hindi niya matanggap na may iba pang nakakuha ng atens'yon niya bukod kay Gabriella. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang babae kahit wala naman silang naging relasyon. 

Get a grip, Ale. Tanggalin mo na ang braso at isandal mo sa upuan niya.

But he didn't want to. When he glanced at the time, mahigit limang oras na pala siyang tulog. Anong mayroon sa babaeng ito at naghahatid sa kaniya ng kapayapaan kapag tulog? Kapag gising naman, kulang na lang ay maganap ang World War III.

He decided to stay as is. Lalong sumiksik sa gilid niya ang babae at ibinaon pa nito ang mukha sa may leeg niya. Hindi niya namalayan, pero napangiti siya. Ginawa pa siyang unan nito. He grabbed the blanket and covered the both of them. Mukhang nilalamig din ito.  Nang masamyo niya ang buhok nito ng isang beses ay inulit pa niya ng ilang beses. Peonies. She smelled like peonies. Hindi ito masangsang sa ilong. He fell asleep in no time habang yakap si P.

*** 

Naalimpungatan lang ang dalawa nang magbukas ang ilaw sa cabin dahil magseserve na ng pagkain. Nagkatinginan si P at Ale at saglit na natulala. P didn't realize she was hugging him. Ang buong akala niya ay unan ang yakap niya. Isang matigas at mainit na unan. She felt cold earlier at nang maramdaman ang init nito ay kaagad siyang sumiksik. Pagod siya sa tinapos na trabaho. She did that para hindi siya magambala sa bakasyon niya.

"Manyakis!" She hissed at him. Sinabi n'ya 'yon para tabunan ang pagkapahiya. She can't believe she hugged him. A stranger.

And for the first time, Ale laughed. Nagtaka siya dahil ang inaasahan niya ay magagalit ang lalaki. He hasn't been nice to her all day, pero ngayon ay tawa ito ng tawa kahit sinabihan niyang manyakis. Hindi niya maintindihan ang lalaki. May sira yata ito sa ulo.

"What is so funny?" Hindi na niya napigilan ang gigil kaya tinanong niya ito.

"You. Ikaw ang nangyakap sa akin at nagsumiksik, pero ako ang tinawag mong manyakis. But I forgive you. My body heat is at your disposal anytime." Kinindatan ni Ale ang babae at kaagad itong namula. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano
hahaha para paraan din P para matago Ang hiya..ala eh ale dimo pa cya na gf napag iinitan kana how about pa kaya pag buntis na.
goodnovel comment avatar
manika36
mauutas ka yata kay P, Ale.. ahahha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status