Malamyos na tugtugin ang nangingibabaw sa loob ng malawak na silid. Ang mamahaling chandelier na hugis higanteng bulaklak ang siyang nagsisilbing ilaw nito. Mula sa salaming pader ay makikita ang marangyang kabuuan ng silid pati ang mga camera sa bawat sulok ng silid.
Mula sa gitna ng bulwagan ay may sampung katulong na nakasuot ng puting uniporme na maayos na nakahilera. Ang kanilang mga kamay ay may suot na puting gwantes. Hawak ng bawat isa sa kanila ang mga itim at mamahaling kahon na walang takip kaya makikita ang naglalakihang mga diamante at mamahaling alahas. Ilang sandali pa, mula sa pintuan ay pumasok si Mrs. Almira Foster. Napakaganda nito at mukha siyang kagalang-galang sa suot na cherry and white business attire. Sa kanyang likuran ay ang tatlong babaeng tagasunod na pawang nakapusod ang mga buhok sa pinakamataas na bahagi ng kanilang mga ulo. Tuwid na tuwid ang kanilang mga likod habang ang mga mata nila ay nakapako lang sa i-isang direksyon. Sa kanang bahagi ni Mrs. Foster ay isang silahis na lalaki, na nakasuot ng kulay kremang barong na gawa sa pinya. Isa siyang sikat na fashion designer ngunit kilalang magaling na negosyante. Patunay nito ang mga kumpanya niya na kasalukuyang namamayagpag. Isa siya sa pinagkakatiwalaan na business partner ng mga Foster. “Oh my…. Hindi ako makapaniwala na ganito na karami ang mga collection mo Tita.” Maarte nitong pahayag na siyang ikinatawa ng Ginang. Hindi maikakaila ang pagkagiliw nito sa reaksyon ng kanyang bisita. Namimilog ang mga mata nito na bahagya pang nakawaang ang bibig, habang ang namimilantik nitong mga daliri ay nakatakip sa kanyang bibig. “Alam mo naman ako Iho, bata pa lang ako ay ito na ang libangan ko.” Magiliw na sagot ng Ginang, kasabay nito ang pagtigil ng kanilang mga paa sa tapat ng nasa unang katulong. Kapwa sila nakatitig sa gintong kwintas, subalit agaw pansin ang kakaibang disenyo ng pendant nito. Isa itong kulay pink na bato na hugis tala, ngunit kapansin-pansin mula sa loob nito ang kulay lilac na bato. Kay ganda ng kanilang mga ngiti, habang pinagmamasdan ang pinakamahal na alahas sa buong mundo. Pagkatapos sa unang alahas ay nagsimula sila sa marahang paghakbang habang sinisipat ng tingin ang bawat alahas na matapat sa kanila. “Halika, Raymond, iho, tingnan mo ang mga bagong collection ko, siguradong mas lalo kang magugulat.” Magiliw na saad ni Mrs. Foster. Nakangiti na sumunod ang kanyang bisita. Hindi maikakaila mula sa masaya nitong mukha ang labis na kasiyahan at pananabik dahil tulad ng Ginang ay mahilig din ito sa alahas. Sabay-sabay na isinara ng mga katulong ang kanilang mga hawak na kahon, umatras saka umabante ang bagong hilera na mga katulong mula sa likuran ng naunang grupo. Tulad ng inaasahan ay higit na namangha ang kanyang bisita ng masilayan ang bago niyang mga alahas. Subalit, pagdating sa ikatlong alahas ay lumalim ang gatla sa noo ng kanyang bisita. Tumigil sa paghakbang ang mga paa nito, saka masusing sinipat ng tingin ang alahas sa kanyang harapan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay wari moy may inaalala. “Ang necklace na ‘yan ay nagkakahalaga ng sixty thousand dollars. Iyan ang kauna-unahang alahas na iniregalo ng pinakamayamang sultan sa kanyang sultana.” Masayang paliwanag ni Mrs. Foster habang nakatitig din sa nasabing kwintas. Ang kwintas ay disenyo mula sa simbolo ng walang hanggang pag-ibig, ang mas nakaagaw pansin ay ang kulay pula at kambal na dyamante mula sa pendant nito. “Saan mo nakuha ang isang ‘yan, Tita?” tila naguguluhan na tanong ng kanyang bisita, ang ekspresyon ng mukha nito ay wari moy nahimasmasan mula sa malalim na pag-iisip. “Nakuha ko ‘yan mula sa isang subasta.” Nagtataka na sagot ni Mrs. Foster, naguguluhan siya sa nakikita niyang reaksyon ng kanyang bisita. Sandaling nanahimik ang lalaki habang isa-isang sinisipat ng tingin ang mga sumunod na alahas. May isang oras na ang lumipas simula ng umalis ang negosyanteng bisita ni Mrs. Foster, ngunit nanatili pa ring nakatulala ang Ginang sa kawalan. Maya-maya ay kumilos siya, pinindot ang telepono. Pagkatapos ng pagdial ay dinala ang handle nito sa tapat ng kanyang tenga. “In my office.” Tipid ngunit makapangyarihan ang pagbigkas nito ni Mrs. Foster— “Naudlot ang tangkang pagpirma ni Lanie sa isang dokumento dahil sa biglaang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina. Hindi na maipinta ang kanyang mukha, pinukol niya ng isang matalim na tingin ang pintuan. “My god Ness! Sinabi ko na sayo na ayokong inaabala ako!” Mataray niyang saad sa mataas na boses, ang tinutukoy ay ang kanyang sekretarya. Subalit, natigilan si Lanie ng pumasok ang isang hindi inaasahang bisita. Mula sa kulay khaki na sapatos ng ginang ay naglakbay ang tingin ni Lanie sa mamahaling kasuotan nito. Hanggang sa napako ang kanyang mga mata sa seryosong mukha ni Ginang Foster. Dagling naglaho ang irretableng reaksyon sa mukha ni Lanie, at mabilis na lumitaw ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Subalit ang Ginang ay nanatiling seryoso. “M-Mrs. Foster? Amiga, ginulat mo ako. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka pala ngayon? Para naman naipakansel ko ang lahat ng appointment ko ngayong araw. Come in, please take a seat.” Kandautal na saad ni Lanie habang natataranta na tumayo mula sa kanyang kinauupuan. May pagmamadali na nilapitan niya ang Ginang at iginiya ito paupo sa pang isahang upuan. “Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa, Lanie. Nandito ako upang magkaroon ng closure sa ating dalawa.” Lumalim ang gatla sa noo ni Lanie, halatang naguluhan sa sinabi ni Mrs. Foster. “Sa loob ng maraming taon naging mabait ako sayo, Lanie. Itinuring kita ng higit sa isang kaibigan. Ibinigay ko ang buong tiwala ko sa inyong mag-asawa. Kaya naman hindi ko lubos na maisip kung paano na nagawa mo pa rin akong lokohin.” Seryoso ngunit may bahid hinanakit ang tinig ni Mrs. Foster. Natigilan si Lanie, bahagyang namutla ang kanyang mukha at wala sa loob na biglang nalunok ang sariling laway. “Tita, hindi ito ang totoong eternity necklace ng Sultan.” Pahayag ni Raymond sabay harap kay Mrs. Foster. Naglahong bigla ang masayang awra ni Mrs. Foster ng marinig ang sinabi ng kanyang bisita. “Ano ang ibig mong sabihin? Dahil sa pagkakatanda ko ay sinuri itong mabuti kaya sigurado ako na hindi peke ang kwintas na ‘yan.” Matatag na pahayag ni Mrs. Foster. “No Tita, hindi ko sinabing peke ang kwintas na ito, pero hindi ito ang totoong kwintas ng Sultan. Minsan ko ng nakita ang kwintas na iyon, kaya alam ko kung totoo ba itong kwintas sa harap ko. At patunay na wala ang simbolo sa likod ng necklace na ‘to.” Mula sa isipan ni Mrs. Foster ay narinig niya ang mga sinabi ng kanyang bisita. Dala ng galit ay mariing naglapat ang kanyang mga ngipin, tumalim din ang tingin niya sa kanyang kaharap. “H-hindi kaya alam na niya ang tungkol sa mga alahas?” Kinakabahan na tanong ni Lanie mula sa kanyang isipan. “Yes, tama ka ng iniisip Lanie. Hindi mo na maitatago sa akin ang lahat, ang lahat Lanie, lahat, lahat.” Mariin ang pagkakasabi nito ni Mrs. Foster. Nahintakutan si Lanie ng sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mabagsik na ekspresyon ng mukha ni Mrs. Foster. “P-Pasensya na, Amiga. Dahil sa kagustuhan kong pasayahin ka ay naisip ko na gawin ang bagay na ‘yun.” Mapagpakumbaba na paliwanag ni Lanie, sinisikap na mapaamo ang galit na ginang. “Huh? Sa tingin mo ba ay ganun lang magpatawad Lanie? Hindi lang tiwala ko ang sinira nyo ng asawa mo, kundi pati ang kumpanya ko. Nagkamali ako ng pagkatiwalaan ko kayo. Sa laki ng perang nawawala sa kumpanya ko ay hindi sapat ang kita ng kumpanya nyo para maibalik ang ninakaw ninyong pera mula sa akin”— Mahabang litanya ni Mrs. Foster subalit sandali itong huminto sa pagsasalita ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang kwadradong larawan na nakapatong sa ibabaw ng isang puting kabinet. “I’m sorry Mrs. Foster, pakiusap bigyan mo kami ng panahon para maibalik ang perang nawala sayo.” Pagsusumamo ni Lanie, sa isang iglap ay nagbago ang awra nito. Nagmukha siyang isang maamong daga sa harap ng isang leon. “Hindi mo kailangan na makiusap Lanie, dahil kung papayag ka na maikasal ang anak mo sa anak ko ay kakalimutan ko ang lahat ng panloloko niyo sa akin.” Matatag na pahayag ni Mrs. Foster habang nakatitig sa litrato. Nagliwanag bigla ang mukha ni Lanie, natuwa sa naging pahayag ni Mrs. Foster. Paano nga ba siyang hindi matutuwa sa sinabi nito? Gayung isang malaking pabor ito para sa kanyang pamilya. Ang anak niyang si Lara ay kasalukuyang nobya ng nag-iisang anak ni Mrs. Foster, Alexander Foster. Naisip niya na sa oras na maikasal ang dalawa ang kanyang anak ay magkakaroon ng karapatan sa lahat ng mamanahin ni Alexander. “Kung iyon ang nais mo Amiga, papayag ako, hindi ako tututol. Alam naman natin kung gaano kamahal ng anak mong si Alexander ang anak kong si Lara.” Masayang pahayag ni Lanie, ang puso niya ay parang sasabog na dahil sa labis na kasiyahan. “Hindi si Lara ang gusto kong maikasal sa anak ko, Lanie, siya.” Seryoso ngunit makapangyarihang pahayag ni Mrs. Foster. Natigilan si Lanie, saka lang niya napansin ang tinititigang larawan ni Mrs. Foster. Dagling naglaho ang ngiti sa mga labi ni Lanie ng makita kung sino ang tinutukoy ni Mrs. Foster. Si Hannah Homer, ang bunsong kapatid ni Lara na kasama mismo nito mula sa larawan.“What happened to my wife?” Kinakabahan na tanong ni Alexander sa doktor na tumingin sa kanyang asawa. Narinig niya na namuntong hininga ito bago sumagot sa kanyang tanong. Kinakabahan si Alexander sa magiging sagot ng doctor pero narun pa rin ang kuryosidad na malaman ang malalim na kondisyon ng kanyang asawa.“Mr. Foster, ang nangyari sa iyong asawa ay isang nervous breakdown. May hinuha ako na hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ito ng asawa mo.” Malungkot na pahayag ng doktor, ramdam ni Alexander na hindi lang ito ang malalaman niya mula sa doctor dahil nababasa niya sa mga mata nito ang maraming katanungan. Mukhang maging ang doktor ay naguguluhan sa kondisyon ng kanyang asawa. Marahil nagsisimula pa lang siya na tuklasin ang totoong kondisyon ng pasyente.“What do you mean?” Hindi makapaniwala na tanong ni Alexander, batid niya na tama ang sinabi ng doktor subalit hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mga eksena sa pagitan nilang mag-asawa bago ito tuluyang mawalan
“No! Hindi ko pipirmahan ang papel na ‘yan!” Tiǐm bagang na pahayag ni Alexander, naniningkit ang kanyang mga mata dahil sa pinaghalong sakit at galit. Para siyang nakatanggap ng isang bomba na bigla na lang sumabog sa kanyang harapan. Labis niyang ikinabigla ang naging desisyon na ito ng kanyang asawa.“Tell me Hannah, ni minsan wala ka man lang bang naramdaman sa akin? Ni minsan ba ay hindi mo man lang ba ako minahal?”Madamdaming tanong ni Alexander, naisip niya na idaan sa isang panunuyo ang lahat at baka sakaling muling bumalik ang dating pakikitungo sa kanya ni Hannah. Natulala si Hannah sa mukha ng kanyang asawa, ni hindi kumukurap ang mga mata nito. Nagtaka si Alexander kung bakit hindi na ito kumikibo, napaka tahimik nito na wari mo ay kay lalim ng kanyang iniisip. Hindi lingid sa kaalaman ni Alexander na isa-isang lumilitaw sa isipan ni Hannah ang bawat eksena mula sa nakaraan. Ang kanyang pagsisinungaling, na tinutugon naman ni Hannah ng isang halik. Nahigit ni Hannah
“Sa nakikita namin, masyado ka pang bata para sa isang mabigat na responsibilidad. Una ay wala ka pang karanasan, pangalawa ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman upang pangasiwaan ang kumpanya.” Napatiǐm bagang si Alexander dahil pakiramdam niya ay iniinsto ng lahat ang kanyang asawa. Ano ang karapatan ng mga ito!? Mula sa mukha ng mga board member ay lumipat ang tingin niya sa mukha ng kanyang asawa. Namangha si Alexander, dahil imbes na mainsulto o magalit ay parang nakikinig lang ng mga payo si Hannah. Bahagya pa nga itong tumatango habang pinakikinggan ang sinasabi ng lahat. “I see, lahat ng sinabi nyo ay may katotohanan, don’t worry nauunawaan ko ang inyong mga saloobin.” Nakangiti pang saad ni Hannah habang pinapaikot ang isang ballpen sa kanyang mga daliri. “My apologies, hindi ko kayo nainform na ang aking ama ay nag resigned na sa kanyang posisyon. At inihahayag ko sa inyong lahat na ako na ngayon ang bagong CEO ng kumpanya.” Ang lahat ay nabigla, maging si Mr. Larr
Parang naestatwa ang lahat dahil sa paglantad ng anak ni Mr. Larry. Habang ang mag-inang Lanie at Lara ay labis na naghihimagsik ang kanilang mga kalooban. Humigpit sa pagkakakuyom ang mga kamay ni Lara habang pinapatay niya si Hannah sa pamamagitan ng matalim na tingin. Nang-aasar na ngumiti si Hannah ng makita niya ang pagdaan ng inggit mula sa mga mata ni Lara. Hindi maikakaila na labis na ikinagalit ni Lara ang malaking kalamangan sa kanya ni Hannah. Hindi lang sa ganda kundi maging sa malamodelo nitong katawan. “Ano ang ginagawa mo dito Hannah?” Seryosong tanong ni Alexander ng makabawi sa labis na pagkabigla. Makikita sa mukha niya ang pagnanais na lapitan ang asawa at ipasok ito sa loob ng kanyang damit upang walang ibang lalaki na makakita sa ganda ng kanyang asawa. “Bakit nandito ang asawa ko? Gayung mahigpit kong bilin sa mga katulong na huwag itong hahayaan na makalabas ng silid?” Nagtataka na tanong ni Alexander mula sa kanyang isipan. Pagkatapos kasi ng insidente
Mula sa entrance ng Logistic company ay dumating si Alexander kasama ang kanyang mga tauhan. Sa kanang bahagi niya ay ang kanyang abogado, habang sa kaliwang bahagi ay ang sekretarya nito. Samantalang sa likuran niya ay tahimik na nakasunod ang personal assistant nito at ang ikalawa niyang abogado. Natigil sa kanilang ginagawa ang mga empleyado ng Logistics Company at nagtataka na lumingon ang mga ito sa kanyang direksyon. “Ano ang ginagawa ni Mr. Foster sa kumpanya ng mga Homer?” Ito ang katanungan mula sa kanilang isipan habang nakasunod ang tingin ng mga ito sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Kilala siya bilang isang workaholic at halos hindi siya mahagilap dahil sa sobrang abala niya sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya. Kaya naman labis nilang ikinagulat ang biglaang pagdating nito. Walang pakialam na nagpatuloy lang sa paglalakad si Alexander, hindi alintana ang espesyal na atensyon na natatanggap mula sa mga kababaihan. Ramdam niya kung gaano siyang hinahangaan ng mga it
Tulala at parang wala sa kanyang sarili si Alexander habang nakaupo sa kanyang swivel chair dito sa kanyang opisina. Patuloy na pinaikot-ikot ang isang mamahaling ballpen sa kanyang mga daliri habang ang mga daliri sa kanyang kaliwang kamay ay patuloy na ikinakatok sa ibabaw ng lamesa. Hannah is no longer existing into this world. And I will do everything para bawiin ang lahat ng nawala kay Hannah. Kung kinakailangan na burahin ko kayong lahat ay gagawin ko. Ibabangon kong muli ang kanyang dignidad na niyurakan mo.” Halos paulit-ulit itong naglalaro mula sa kanyang isipan, habang nangingibabaw ang tanong na kung “bakit ? at ano ang nangyayari sa kanyang asawa? Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Mula kagabi hanggang ngayon ay hindi nawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nilang mag-asawa. Aminado naman si Alexander na malaki ang kasalanan niya kay Hannah, at walang ibang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili. Isang narahas na buntong hining