ALTERS [Book 2]

ALTERS [Book 2]

last updateLast Updated : 2025-07-29
By:  Dragon88@Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Sampalin mo ako ng kasinungalingan Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre. Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita. Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik. Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga… Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya? Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”

View More

Chapter 1

Chapter 01: Prologue part 1

“Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.”

“Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen."

“Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.”

“Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen…

“Nakapikit, habang taimtim na binigkas ang panalangin na ito, kasama ang puso na may kapanatagan ng loob.

Alas sais na ng hapon at ngayon ay malapit ng matapos ang aming rosary. Ganito ang ganap sa loob ng kumbento na kung saan ay malapit na akong maging ganap na madre.

Oo, buong buhay ko ay iaalay ko sa Diyos, hanggang sa dumating ang araw na bawiin niya ang buhay na ipinahiram niya sa akin.

Walang pagsidlan ang matinding kasiyahan sa puso ko dahil sa nalalapit ng maganap ang aking Perpetual Vows.

Sa araw na ‘yon ay tuluyan ko ng isusuko ang buhay ko sa Panginoon.

Bata pa lang ako ay umiikot na ang buhay ko sa loob ng kumbento. Dito ako nanirahan kasama ng mga madre, at sa edad na bente ay nakapagtapos ako ng Bachelor of Education. Ang aking karunungan ay ginagamit ko sa pagtuturo ng mga salita ng Diyos.

Kung saan-saang lugar din ako nadedestino para magserbisyo sa mga komunidad kaya halos naikot ko na ang buong Pilipinas.

Nang matapos ang aming pagrorosaryo ay muli kong ipinikit ang aking mga mata para sa pansariling dalangin.

Huminga ako ng malalim, kasunod ang paglitaw ng magandang ngiti sa aking mga labi. Sa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan ko ang maaliwalas na mukha ng mga kasama ko.

“Sister Hannah, may mga bisita ka at naghihintay sila ngayon sa parlour.” Pagbibigay alam sa akin ni Sister Ally. Ang tono ng kanyang pananalita ay napakalambing, at siguradong mapapangiti ka rin sa oras na masilayan mo ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.

“Salamat, Sister Ally.” Nakangiti kong sabi saka tinahak ang direksyon patungong Parlour.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng lumitaw ang imahe ng aking ama mula sa aking balintataw. Kasunod nito ang pagbugso ng matinding pananabik sa puso ko.

Pagdating sa pintuan ng parlour ay nagliwanag ang aking mukha ng masilayan ko ang gwapo at malakastilang mukha ng aking Ama. Sabik na tinawid ang aming pagitan at buong pananabik na niyakap ang may katabaan nitong katawan.

“Papâ!” Masigla kong sambit, habang nakapikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na gumanti siya ng mas mahigpit na yakap.

“Kumusta na ang aking magandang anak?” Nakangiti na tanong ni Papa habang inilalayo ang sarili sa aking katawan.

“Masaya ako Papâ na nagkaroon kayo ng pagkakataon na bisitahin ako. Maayos naman ang kalagayan ko dito at natutuwa akong sabihin sa inyo na malapit na akong maging isang ganap na Madre.” Masaya kong anunsyo habang isa-isang tumitingin sa mukha ng aking ama, sunod sa mukha ng aking ina.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o baka dinadaya lang ako ng aking paningin?

Bahagya kasing sumimangot ang mukha ng aking mga magulang ngunit mabilis lang ‘yun dahil kaagad na nanumbalik ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

“Anak, hindi na ba mababago ang desisyon mong ‘yan? Alam mo naman na dalawa na lang kayo ng ate Lara mo na inaasahan ko sa ating mga negosyo. Hindi mo ba kayang pagbigyan ang kahilingan ko? Matanda na ako Hannah.”

Malungkot na pahayag ng aking ama. Unti-unting naglaho ang ngiti sa ’king mga labi, lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.

Tuluyan ko ng binitawan ang kamay ni Papa. Ngumiti ako, ngunit hindi ito umabot sa aking mga mata.

“Pakinggan mo ang iyong Papâ, anak, ikaw na lang ang inaasahan ng ating pamilya na siyang magsasalba sa ’ting mga negosyo”-

“Lanie!” Sawata ng aking ama sa matigas na tinig dahilan kung bakit biglang naudlot sa pagsasalita ang aking ina. Kaya naman gumuhit ang pagtataka sa mukha ko.

Nanahimik naman ito at pilit na ngumiti.

“Nakikita ko na masaya ka sa iyong desisyon anak at hindi ko hahayaan na ako pa ang maging hadlang sa mga pangarap mo.” Ani ni Papa na siyang umantig sa puso ko.

Muling nanumbalik ang masayang ngiti sa mga labi ko. Kahit na labag sa kalooban ng aking ama ang napili kong landas ay malugod pa rin niya itong tinanggap. Ramdam ko pa rin ang suporta nito sa mga desisyon ko.

“Salamat, Papa.” Maluha-luha kong wika. Isang matipid na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.

“Yanu ring hindi na mababago ang iyong desisyon, maaari mo bang pagbigyan ang kahilingan ko na makasama ka para sa kaarawan ng iyong kapatid?” Ani pa ng aking ama sa tono na tila naglalambing.

Minsan lang maglambing ang aking ama, magagawa ko ba itong tanggihan?

Huli na bago ko pa napagtanto ang sinabi ng aking ama. Bigla akong nakunsensya dahil nakalimutan ko ang kaarawan ng aking kapatid.

Sa tuwing sasapit ang kaarawan ni ate Lara ay nagpapadala na lang ako ng regalo para sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakalimutan ko ang bagay na ‘yun dahil sa nalalapit kong perpetual vow.

Nakaramdam ako ng hiya sa aking pamilya, dahilan kung bakit walang pag-aalinlangan na pinagbigyan ko ang kahilingan ng aking ama.

“Patawad Papâ, kung nakalimutan ko ang kaarawan ng aking kapatid. Sandali lang at magpapaalam ako sa aming Superior..” may pag-aatubili kong saad bago mabilis na pumihit patalikod.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang malaking villa na merong malawak na bakuran.

Ilang sandali pa ay humimpil ang sasakyan sa tapat ng aming bahay.

Natigilan ako dahil sa kakaibang damdamin na umusbong sa dibdib ko. Dapat ay masaya ako, ngunit bakit pakiramdam ko ay kay bigat ng loob ko sa bahay na ‘to?

Nang huminto ang mga paa ko sa tapat ng malaking pinto na gawa sa narra ay tila bumigat ang dibdib ko.

Bakit ganun? Ang kasiyahan na nararamdaman ko’y dagling naglaho. Napalitan ito ng kakaibang kabâ. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, sumikdô ito kasunod na wari moy tinatambol ang dibdib ko.

Sa totoo lang ay hindi na bago sa akin ang pakiramdam na ‘to. Madalas ko itong maramdaman sa tuwing tatapak ang aking mga paa sa bahay na ‘to.

“Hannah?” Nagtatanong na tawag ni Papâ na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatulala sa nakasaradong pintuan. Marahil ay nainip ang aking ina kaya siya na mismo ang nagbukas ng pinto.

Sa pagbukas ng pinto ay umihip ang hangin, naramdaman ko na dumampi ito sa aking mukha. Dahilan kung bakit kusang pumikit ang aking mga mata.

Tahimik na humakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng bahay.

Bakit pakiramdam ko ay parang may mga kadena ang aking mga paa? Napakabigat ng mga ito at tila labag sa aking kalooban ang pumasok sa tahanang ito.

“Ano ba ang nangyayari?”

Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Napaantada pa ako bago sinimulang umusal ng isang panalangin.

Kalaunan ay lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko. Tunay na makapangyarihan ang panalangin dahil kahit papaano ay napawi nito ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko.

“Alam ko na pinananabikan mo ang silid mong ito, anak. Halos labing-apat na taon ka ng hindi umuwi dito sa atin.” Magiliw na saad ng aking ama. Nang nasa tapat na kami ng pintuan nang silid ko ay nakangiti na hinarap ko si Papâ.

“Marahil ay tama ka Papâ at matatagalan bago pa ako muling makabalik dito. Kaya susulitin ko na ang bawat sandali na kasama kayo.” Malambing kong wika. Iginiya ako ni Papa papasok sa loob ng aking silid.

“So paano Iha, mamaya na lang ulit tayo mag-usap may kailangan lang akong asikasuhin.” Nakangiti na saad ni Papâ.

Natigilan ako ng napansin ko ang kakaibang awra ng aking ama. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay mukha naman siyang masaya. Subalit, iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.

Lungkot, takot at tila nakukunsensya, Ilan lamang ito sa mga nakikita ko mula sa kanyang mga mata. Biglang lumihis ng tingin si Papa, kasabay nito ang mabilis na pagtalikod.

Mas lalo akong naguluhan ng tahimik na humakbang ito patungo sa pintuan, hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng silid.

Nang tuluyang sumara ang pinto, nangibabaw ang nakakabinging katahimikan.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko, ilang segundo ang hinintay saka ito pinakawalan. Mula sa nakabukas na bintana ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid.”

Ilang sandali pa…

Bumukas ang pinto, kasunod ang ilang mga yabag ng paa mula sa mamahaling sapatos na suot ng isang lalaki.

Dahilan kung bakit muling nilingon ni Hannah ang pintuan. Akala niya ay ang kanyang ama, kaya nakangiti na pumihit paharap sa pinto.

Subalit, labis niyang ikinabigla ng masilayan ang isang morenong lalaki na matikas na nakatayo sa bungad ng pintuan.

Matangkad ang lalaki at may seryosong mukha. Matalim kung makatingin ang kanyang mga mata na wari moy inaarok ang kanyang buong pagkatao. Mariin na nakalapat ang kanyang mga labi, halatang nakatiǐm ang mga bagang nito.

Hindi maikakaila ng mamahaling kasuotan na nagmula ang binata mula sa isang mayamang angkan.

Nakasilid ang isang kamay nito sa bulsa ng kanyang mamahaling itim na slacks. Tanging ang suot nitong mamahaling relo ang makikita mula sa kanyang palapulsuhan.

Nagtama ang kanilang mga mata, tila pareho pa silang nagulat ng masilayan ang mukha ng isa’t-isa.

“Sino ang estrangherong lalaki na ‘to?”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status