Home / Romance / ALTERS [Book 2] / Chapter 05: Mr. Homer’s secret affairs

Share

Chapter 05: Mr. Homer’s secret affairs

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2025-08-07 22:42:06

“S**t…” mariin na may panggigigil na sambit ni Lanie habang nakatitig sa kanyang mga mahjong tiles. Kasunod nito ang kanyang panlulumo, habang ang isang matandang babae na may suot na maraming alahas ay kasalukuyang kinakabig palapit sa kanya ang maraming chips na milyon ang halaga.

Samantalang sa magkabilang bahagi naman ng kwadradong lamesa ay nanlalaki ang mga mata ng dalawang Ginang. Hindi sila makapaniwala sa malaking halaga na natalo mula kay Lanie.

Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Lanie bago naghanda ng isang magandang ngiti para sa kanyang mga kalaro sa majhong.

“Well, mukhang sinalo mo na yata ang swerte ngayong araw, Amiga.” Anya sa maarteng tinig. Kung iyong susuriin ay tila hindi siya apektado sa malaking halaga na natalo sa kanya ngayong gabi.

Pagkatapos sabihin ‘yun ay tumayo na sya at walang lingon-likod na iniwan ang mga kasama niya sa lamesa.

“Three million halos ang nawala sa kanya pero mukhang balewala lang ito sa kan’ya.” Namamangha na turan ng isang Ginang sabay sulyap sa papalayong si Lanie.

“Well, hindi na ako magugulat sa bagay na ‘yan. Barya lang sa pamilya niya ang halagang ‘yan.” Sagot naman ng isa na sinundan pa ng tawa.

Bago pa man tuluyang makalayo si Lanie ay malinaw niyang narinig ang usapan ng mga ito. Lumitaw ang matalim na ngiti sa kanyang mga labi, at taas noo na naglakad palabas ng casino. Well, natalo man siya ng milyong halaga ay naisalba naman ng estado niya sa buhay ang kanyang dignidad.

Nang humimpil ang sasakyan ni Lanie sa tapat ng Villa ay bumaba siya ng sasakyan. Tumayo sa gilid nito at sandaling tumitig sa malawak na bakuran. Tumigil ang kanyang mga mata sa marangyang Villa na nakatayo sa gitna ng malawak na lupaing ito.

Matapos ang ilang segundong pagsipat sa kanyang paligid ay nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. Napakabigat nito, habang ang kanyang isip ay inililipad sa kung saan.

Humakbang ang kanyang mga paa papasok sa loob ng bahay, habang sa kanyang likuran ay naiwan ang dalawang tauhan na nagsisilbi niyang bodyguard.

Bumukas ang pinto, binasag ng tunog nang kanyang mga takong ang pananahimik ng bahay.

“Oh, look who decided to show up.” Ang malagôm na boses ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Sarkastiko ang pagkakasabi nito at ang kanyang tinig ay tila kariringgan mo ng matinding pagod.

Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Lanie. Mula sa mataas na hagdanan na gawa sa puting marmol ay lumipat ang mga mata nito sa mukha ng kanyang asawa.

Nakaupo si Mr. Larry Homer sa pang-isahang upuan. Sa kanang kamay nito ay hawak ang isang maliit na baso na may laman na mamahaling whisky. May katandaan na ang mukha ni Mr. Larry at ang ilang gatla sa kanyang noo ang nagpapatotoo nito.

Subalit, hindi kumukupas ang kakisigan nito dahilan kung bakit sa ganitong edad ay may mga babae pa rin na naghahangad na makuha ang kanyang atensyon.

Nagliwanag ang seryosong mukha ni Lanie, lumapit sa asawa at yumukod upang hagkan ito sa mga labi. Subalit, tumagilid ang mukha ni Mr. Larry kaya naman naiwan sa ere ang mga labi ng kanyang asawa—halatang umiiwas.

Natigilan si Lanie, dumilim ang kanyang mukha. Kasabay nito ang mariin na pagkuyom ng kanyang mga kamay. Nainsulto siya sa ginawa ng kanyang asawa, pakiramdam niya ay pinandidirihan siya nito. Dahilan kung bakit nagpupuyos ang kanyang kalooban.

Ilang taon na ba ang lumipas simula ng sila ay nagsama? Ni minsan ay hindi niya naranasan kung paano magkaroon ng asawa.

Sandaling lumitaw mula sa kanyang isipan ang mga panahon na masaya pa silang nagsasama ng kanyang asawa. Mga alaala na kung saan ay handa itong ialay ang lahat sa kanyang paanan.

“Paanong nauwi sa tila pandidiri nitong pakikitungo sa kanya ang lahat? Saan ba ako nagkamali? Ginawa ko naman ang lahat upang maging masaya ang aming pagsasama pero bakit ba biglang nagbago ang aking asawa?“ Ilan lamang ito sa mga katanungan mula sa isipan ni Lanie habang nakatitig sa gwapong mukha ng kanyang asawa.

Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga, saka tumayo ng tuwid.

“Tell me Lanie, ilang milyon na naman ba ang nilustay mo ngayong gabi?” Matigas na tanong ni Mr. Larry. Ang kanyang tinig ay mahihimigan mo na nagpipigil ng galit.

“Bakit ako ang tatanungin mo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo!? kung ilang milyon na ba ang inubos mo sa babae mo!?” Balik tanong ni Lanie sa kanyang asawa sa galit at mataas na boses.

Mabilis na tumayo si Mr. Larry saka marahas na hinaklit ang kaliwang braso ni Lanie.

“Huwag mong ibalik sa akin ang lahat ng kalokohan mo.” Nanggigigil na saad ni Mr. Larry. May ilang hibla ang layo ng mukha nito sa mukha ng kanyang asawa.

Sarkastiko na natawa si Lanie, kalaunan ay parang baliw na ito na tumawa ng malakas. Wari moy tinakasan ng katinuan. Hindi alintana ang mahigpit na pagkakahawak ni Mr. Larry sa kanyang braso.

Nagtataka na binitawan ni Larry ang braso ng kanyang asawa habang nakatitig sa mukha nito.

“Pak!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Mr. Larry mula kay Lanie. Sa lakas ng sampal ay nag iwan ito ng marka sa kanyang maputing pisngi.

Bumaliktad ang sitwasyon, ngayon ang mga mata ni Lanie ang nang-uusig, habang ang mga mata ni Mr. Larry ang siyang nagtatanong.

“Hindi ako manhid, Larry!

Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ako nagkaganito? Huh? Akala mo siguro ay hindi ko malalaman ang tungkol sa babaeng kinababaliwan mo? Tell me Larry, ilang milyon kada araw ang nilulustay mo sa babaeng ‘yun? Kung ilang milyon ang itinatapon mo sa babaeng ‘yun ay ganun din ang perang itatapon ko!”

Galit na saad ni Lanie, habang ang kanyang mga mata ay hilam na sa luha. Pagkatapos sabihin ‘yon ay padabog na tinalikuran niya ang asawa, diretso paakyat ng hagdan. Pagdating sa sariling silid ay pabalagbag na isinara ang pinto.

Nakakabinging katahimikan….

Napabuga ng marahas na buntong hininga si Mr. Larry. Niluwagan niya ang kanyang kurbata dahil tila hindi na siya makahinga.

Malaki ang kanilang bahay pero pakiramdam niya ay para siyang nasa loob ng isang nakasaradong kahon, masikip at talagang nakakasakal.

Imbes na pumanhik ng hagdan ay humakbang ang mga paa ni Mr. Larry palabas ng bahay.

Sumakay sa kotse at tuluyang nilisan ang kanilang tahanan.

Makalipas ang halos kwarenta minuto ay humimpil ang sinasakyan niyang kotse sa tapat ng isang magarang apartment. Tahimik na bumaba siya ng sasakyan.

Pagdating sa tapat ng pinto ay ipinatong niya ang key card sa isang electronic device. Nagclick ang pinto, tanda na bumukas ang pinto.

Tahimik na pumasok siya sa loob ng bahay habang ang pinto ay kusang sumara.

Madilim ang kabuuan ng bahay, at tanging ang ilaw mula sa labas ang nagsisilbing ilaw ng munting salas.

Mula sa gitna ng salas ay tumayo ang isang babae. Maharot na humakbang ang mga paa nito palapit kay Mr. Larry, habang ang matambok nitong balakang ay wari moy umiindak sa tuwing humahakbang ang kanyang mga paa.

Nang tuluyan itong nakalapit sa kanya malambing na yumakap ang may kapayatan nitong mga braso sa leeg ni Mr. Larry.

“Hmmm…” isang ungol ang nanulas mula sa bibig ni Mr. Larry ng lumapat ang balingkinitan na katawan ng babae sa kanyang katawan.

Pumulupot ang mga braso ni Mr. Larry sa maliit na bewang ng babae, at buong pagsuyo na hinaplos ang malambot nitong balat.

Dahilan kung bakit nagliyab ang apoy ng pagnanasa…

Sinong di mababaliw sa maganda at batang babae na ‘to. Para kay Mr. Larry, maihahalintulad ito sa isang ginto na dapat itago at ingatan.

Mula sa dilim ay kuminang ang mamahaling bato mula sa suot nitong singsing. Isang diamante na nagkakahalaga ng halos milyong halaga, isang patunay kung gaano kahalaga ang babaeng ito sa buhay ni Mr. Larry Homer.

Buong pananabik na naglapat ang kanilang mga labi. Nilamon ng ilang mga ungol at halinghing ang payapang gabi. Sa isang iglap ang lahat ng problema ni Mr. Larry ay naglahong bigla.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 06: Kasunduan…

    Malamyos na tugtugin ang nangingibabaw sa loob ng malawak na silid. Ang mamahaling chandelier na hugis higanteng bulaklak ang siyang nagsisilbing ilaw nito. Mula sa salaming pader ay makikita ang marangyang kabuuan ng silid pati ang mga camera sa bawat sulok ng silid. Mula sa gitna ng bulwagan ay may sampung katulong na nakasuot ng puting uniporme na maayos na nakahilera. Ang kanilang mga kamay ay may suot na puting gwantes. Hawak ng bawat isa sa kanila ang mga itim at mamahaling kahon na walang takip kaya makikita ang naglalakihang mga diamante at mamahaling alahas. Ilang sandali pa, mula sa pintuan ay pumasok si Mrs. Almira Foster. Napakaganda nito at mukha siyang kagalang-galang sa suot na cherry and white business attire. Sa kanyang likuran ay ang tatlong babaeng tagasunod na pawang nakapusod ang mga buhok sa pinakamataas na bahagi ng kanilang mga ulo. Tuwid na tuwid ang kanilang mga likod habang ang mga mata nila ay nakapako lang sa i-isang direksyon. Sa kanang bahagi ni M

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 05: Mr. Homer’s secret affairs

    “S**t…” mariin na may panggigigil na sambit ni Lanie habang nakatitig sa kanyang mga mahjong tiles. Kasunod nito ang kanyang panlulumo, habang ang isang matandang babae na may suot na maraming alahas ay kasalukuyang kinakabig palapit sa kanya ang maraming chips na milyon ang halaga.Samantalang sa magkabilang bahagi naman ng kwadradong lamesa ay nanlalaki ang mga mata ng dalawang Ginang. Hindi sila makapaniwala sa malaking halaga na natalo mula kay Lanie. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Lanie bago naghanda ng isang magandang ngiti para sa kanyang mga kalaro sa majhong. “Well, mukhang sinalo mo na yata ang swerte ngayong araw, Amiga.” Anya sa maarteng tinig. Kung iyong susuriin ay tila hindi siya apektado sa malaking halaga na natalo sa kanya ngayong gabi. Pagkatapos sabihin ‘yun ay tumayo na sya at walang lingon-likod na iniwan ang mga kasama niya sa lamesa. “Three million halos ang nawala sa kanya pero mukhang balewala lang ito sa kan’ya.” Namamangha na turan ng

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 04: payong kaibigan…

    “Abot langit ang ngiti ko habang isa-isang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ng mga batang nakapila dito sa harap ko. Ngayong araw ay nagaganap ang feeding program dito sa bahay ampunan. Pagkatapos kong magpakain sa mga bata ay meron akong schedule ng bible study sa isang public school. Halos araw-araw akong abala sa iba’t-ibang aktibidad na naka assign sa akin. Sa totoo lang ay nakakapagod ang ganitong trabaho, pero kung bukal sa puso mo ang ginagawa mo at tapat ang iyong hangarin sa paglilingkod sa Diyos, lalasapin mo ang biyaya ng pagpapala. Masarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa, at iyong pakiramdam na hindi kayang tumbasan ng anumang materyal na bagay. Pagkatapos kong salinan ng pagkain ang pinggan ng sumunod na bata ay natigilan akong bigla ng maramdaman ko na parang may nakatitig yata sa akin. Nag-angat ako ng tingin at sinipat ang paligid. Mula sa mukha ng mga kasamahan ko na abalâ sa kanilang mga ginagawa ay lumipat ang tingin ko sa mukha ibang tao. Wala

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 03: Mensahe…

    “Nang umihip ang sariwang hangin ay kusang pumikit ang aking mga mata. Napakaaliwalas ng paligid. Ang ingay na nagmumula sa kalikasan ay nagbibigay ng kapayapaan sa aking isipan. Huminga ako ng malalim, pinuno ko ng sariwang hangin ang dibdib ko. Ilang segundo kong pinigil ang aking paghinga habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang pinapakawalan ang hangin na naipon sa dibdib ko. Makalipas ang ilang minuto, nagdesisyon ako na imulat ang aking mga mata. Subalit, namangha ako sa aking nakita… Ilog? Malawak na ilog, ito ang nasilayan ng aking mga mata. Paano na napunta ako sa gitna ng isang ilog na may rumaragasang tubig!? Nagpanik ako, sapagkat ako’y sakay ng isang maliit na balsa. Isa lang itong pinagtagpi-tagping kawayan na halos isang dipâ ang lapad. Iniisip ko kung paano kong masisigurado ang aking kaligtasan gamit ang munting kawayan na aking kinauupuan. Nabahala ako ng magsimulang lumabo ang tubig,

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 02: Prologue part 2

    Bumukas ang pinto, umihip ang malamig na simoy ng hangin. Parang slow motion ang bawat hakbang ng mga paa ng lalaki papasok sa loob ng silid ni Hannah. Kasabay nito ang pagpihit ng katawan ni Hannah paharap sa pintuan. Tuluyang nagkaharap ang dalawa, kapwa natigilan. Nagtama ang kanilang mga mata, nagkatitigan na para bang may mahika. Pilit na sinisino ang isa’t-isa. Tanging ang pintig ng kanilang mga puso ang naririnig ng mga sandaling ito. Ang magandang ngiti sa mga labi ni Hannah ay unti-unting nawala. Kumunot ang kanyang noo, nagtatanong ang mga mata na nakatitig sa mukha ng lalaki. Bumuka ang malarosas niyang mga labi. Sinundan ito ng mga mata ng binata, napalunok pa ng wala sa oras. “Sir, ano ang maipaglilingkod ko sayo? At bakit pumasok ka sa aking silid ng walang pahintulot?” Natigilan ang lalaki ng marinig ang malamyos na tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay para siyang na nanaginip. Ipinikit ng tatlong beses ang kanyang mga mata, wari moy namamalikmata sa k

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 01: Prologue part 1

    “Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen." “Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.” “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death. Amen… “Nakapikit, habang taimtim na binigkas ang panalangin na ito, kasama ang puso na may kapanatagan ng loob. Alas sais na ng hapon at ngayon ay malapit ng matapos ang aming rosary. Ganito ang ganap sa loob ng kumbento na kung saan ay malapit na akong maging ganap na madre. Oo, buong buhay ko ay iaalay ko sa Diyos, hanggang sa dumating ang araw na bawiin niya ang buhay na ipinahiram niya sa akin. Walang pagsidlan ang matinding kasiyahan sa puso ko dahil sa nalalapit ng maganap ang aking Perpetual Vows. Sa araw na ‘yon ay tuluyan ko ng isusuko ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status