Home / Romance / ALTERS [Book 2] / Chapter 09: Madre

Share

Chapter 09: Madre

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2025-08-11 23:52:31

“No, Mama! Hindi ako papayag na maikasal sa babaeng ‘yun!” Nanggigigil kong wika, abot langit ang pagtutol ko sa mga desisyon ng aking ina.

“Calm down Alexander, dahil kahit magwala ka pa dyan ay hindi na magbabago ang desisyon ko.”Matatag na sagot ni Mamâ bago nito iniurong ang upuan, tumayo at tumalikod upang iwan ako. Ni halos hindi pa nga niya nagagalaw ang kanyang pagkain. Marahil ay nawalan na ito ng ganang kumain dahil sa pakikipagtalo nito sa akin.

“Tell me Mama, bakit gusto mo na maikasal ako sa babaeng ‘yun? Pagkatapos ng panloloko nila sa pamilya natin ay nagawa mo pa ring makipagkasundo sa pamilyang Homer!?” Hindi makapaniwala na tanong ko habang pilit na inaarok ang mga tumatakbo sa isipan ng aking ina.

Minsan talaga ay napaka weird mag-isip ng aking ina. May mga desisyon ito na kay hirap unawain.

Pagkatapos kong makipaghiwalay kay Lara ay kaagad kong pinuntahan sa Mansion ang aking ina. Nadatnan ko siya dito sa dining room at kasalukuyang kumakain ng kanyang dinner.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 12: ikalawang pagkikita

    Naningkit ang mga mata ni Alexander ng tuluyang mahantad sa paningin niya ang mukha ng anak ni Mr. Homer. Mariin na naikuyom niya ang kanyang mga kamay, bahagya pa nga itong nanginginig dahil sa matinding tensyon na bumabalot sa kanyang buong sistema.Hindi siya makapaniwala na ang madreng hinahanap niya at ang babaeng ipinagkasundong ikasal sa kanya ay iisa. Bigla siyang pinanghinaan ng loob na akala mo ay nalugi ng milyon sa kanyang mga negosyo. Nang mga oras na ito ay hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya ay isang malaking pagkabigô ang muli nilang pagkikita ng babaeng ito. “Bakit ikaw pa…” paanas na lumabas sa bibig ni Alexander ang mga salitang ito. Ang tinig niya ay may halong panghihinayang. Minsan lang niya naramdaman kung paano na magmahal sa maikling panahon, ngunit sa maling babae pa. Bahagyang nangunot ang noo ni Hannah. Narinig niya na may sinabi ang binata sa kanyang harapan subalit hindi ito malinaw sa kanyang pandinig. Pasinghal na natawa si A

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 11: ang muling paghaharap…

    “Naiinis na binuksan ko ang pinto ng sasakyan, at halos pabagsak ko itong isinara. Nahahapo na isinandal ko ang aking likod sa sandalan ng upuan bago ko ipinikit ang aking mga mata. Panglimang simbahan na itong pinuntahan ko, subalit bigo pa rin ako na makita ang taong hinahanap ko. Lungkot at matinding panlulumo ang nararamdaman ko ng mga oras na ‘to. Sa ilang araw na paghahanap ko sa magandang madre ay halos naikot ko na ang lahat ng mga establisyemento na malapit sa lugar kung saan una ko siyang nakadaupang-palad. Gabi-gabi na lang akong hindi pinapatulog ng maganda nitong mukha. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang long distance relationship dahil sa matinding pananabik na muli kaming magkita. Alam ko na isang kahibangan ang lahat dahil tanging ako lang ang umaasa sa wala. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Para na akong nawawalan ng pag-asa, dahil minsan ko ring naisip na itigil na ang kahibangan kong ito, ngunit ang baliw kong puso ay labis

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 10: Panaginip…

    “Naabala ang mahimbing kong pagtulog ng maramdaman ko ang isang presensya ng tao mula sa paanan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sa una tangka ay medyo malabo pa ang imahe na aking namulatan, kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata. Sa pangalawang pagmulat ay unti-unti ng luminaw ang aking paningin, nagulat ako ng masilayan ko ang isang imahe ng babae sa aking harapan. Nakatayo siya sa bandang paanan ng kinahihigaan kong kama habang nakatunghay sa akin ang namumungay nitong mga mata.Namangha ako ng matitigan ko ang mukha ng babae. Kakaiba ang hugis ng kanyang mga mata, hindi ito literal na singkit pero nagmukha lang itong singkit dahil sa pahaba nitong hugis. Maging ang kanyang mga kilay ay tila perpektong iginuhit. Malayo ito sa mga babae na kailangan pang gumamit ng eyeliner upang maging maganda ang kanilang mga kilay.Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang pinong buhok nito sa mukha na mas lalong nakadagdag ganda sa malagatas nitong balat. Ang kanyang balat

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 09: Madre

    “No, Mama! Hindi ako papayag na maikasal sa babaeng ‘yun!” Nanggigigil kong wika, abot langit ang pagtutol ko sa mga desisyon ng aking ina. “Calm down Alexander, dahil kahit magwala ka pa dyan ay hindi na magbabago ang desisyon ko.”Matatag na sagot ni Mamâ bago nito iniurong ang upuan, tumayo at tumalikod upang iwan ako. Ni halos hindi pa nga niya nagagalaw ang kanyang pagkain. Marahil ay nawalan na ito ng ganang kumain dahil sa pakikipagtalo nito sa akin. “Tell me Mama, bakit gusto mo na maikasal ako sa babaeng ‘yun? Pagkatapos ng panloloko nila sa pamilya natin ay nagawa mo pa ring makipagkasundo sa pamilyang Homer!?” Hindi makapaniwala na tanong ko habang pilit na inaarok ang mga tumatakbo sa isipan ng aking ina. Minsan talaga ay napaka weird mag-isip ng aking ina. May mga desisyon ito na kay hirap unawain. Pagkatapos kong makipaghiwalay kay Lara ay kaagad kong pinuntahan sa Mansion ang aking ina. Nadatnan ko siya dito sa dining room at kasalukuyang kumakain ng kanyang dinner.

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 08: bigkis

    “Blag!” Ang malakas na lagabog ng pinto ang nagpaigtad sa katawan ni Lara. Kasalukuyan siyang nakaupo sa mahabang sofa habang nakapatong ang mga paa sa center table. Kararating lang niya galing sa isang okasyon kasama ang kanyang mga kaibigan. Dahilan kung bakit hanggang ngayon ay suot pa rin niya ang kanyang red mini dress na ginamit niya mula sa party. Komportable siyang nakaupo, walang pakialam kahit litaw na ang kanyang pulang panty at ang maputi niyang mga singit. Mabilis ang ginawa niyang paglingon sa pintuan ng pumasok ang isang matangkad na lalaki sa loob ng kanyang condo. Nakasuot pa ito ng itim na slacks at light blue na long sleeve, halatang kagagaling lang nito sa trabaho. Hindi iyon maikakaila ng pagod sa kanyang mukha. “Where have you been, Lara!? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.” Matigas na tanong nito. Matalim na nakatitig sa kanya ang itim nitong mga mata. Habang ang makapal niyang mga kilay ay kulang na lang magdikit dahil sa lalim ng p

  • ALTERS [Book 2]   Chapter 07: “you need to break up with him.”

    Nang pumasok ang mag-inang Lanie at Lara sa entrance ng lobby ay mabilis na nag siyuko ng kanilang mga ulo ang mga empleyado. Samantalang ang mag-ina ay taas noo na naglalakad patungo sa elevator. Ni hindi man lang binigyang pansin ang mga empleyadong bumabati sa kanila. Nang tuluyang nawala ang presensya ng mag-ina ay saka pa lang tumayo ng tuwid ang mga empleyado. Balewala na nagsibalik sa kani-kanilang mga trabaho. Walang permiso na bumukas ang pinto dahilan kung bakit mabilis na nag-angat ng kanyang mukha si Mr. Homer ang CEO ng Logistics merchandise company. Lumitaw ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ng masilayan ang magandang mukha ng mag-ina. Tumigil ang kamay sa pagpirma sa isang papel, saka ibinaba ang hawak na ballpen. “Hi Dad!” Masayang bati ng anak nilang si Lara. Napakaganda ng ngiti nito ang kanyang mga mata ay nagniningning na nakatingin sa mukha ng kanyang ama. Mabilis ang mga hakbang na tinawid nito ang pagitan nilang mag-ama. Pagkatapos na yumakap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status