Share

33.

Author: Batino
last update Huling Na-update: 2025-07-23 04:27:14

"Na-nababaño na ako, Madam... Okay lang po ba na dito na lang ako magbanyo?" palusot ng bodyguard ni Dark habang pinipilit itago ang kaba sa boses niya. Nakangiti siya ng pilit at panay ang tapik sa tiyan, kunwari’y naiipit na.

Ngunit ni isang sulyap mula kay Mrs. Villamonte ay hindi niya nakuha. Nakataas lang ang kilay nito habang nakatungo sa hawak na tasa ng tsaa, tila wala siyang pakialam sa kaharap. Nanigas sa kinatatayuan si Guard. Alam niyang palpak ang alibi niya.

"Ahmmm... Paano ba ako makakaalis dito nang hindi ako halata? Kailangan kong matawagan si Sir Dark," pabulong niyang usal habang palihim na pinipilit abutin ang cellphone sa bulsa, ngunit ang bawat galaw niya’y parang kinukuryente ng tensyon.

Samantala, nag-alab na ang boses ni Mrs. Vellama sa gitna ng katahimikan ng sala.

"Sabihin niyo na sa akin kung nasaan ang anak niyo! At kung saan niya dinala ang anak namin—si Dark?!" sigaw niya habang nakaturo kay Aling Beth. Ang mga mata nito’y parang lagablab na apoy, p
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   34.

    "Kailangan na po nating mag-umpisa, Sir Dark. Lumalalim na po ang dapit-hapon," sambit ng pari habang palihim na pinisil ang tiyan niya. Halatang gutom na at gustong matapos agad ang kasal bago siya sumanib sa kapayapaan ng hapunan. "Narinig mo ba ang pari?!" sabay hawak ni Dark sa kamay ni Roxane. "Tara na. Sumama ka na sa akin. ‘Wag ka nang umangal pa, Roxane—alam kong hindi mo pagsisisihan ang pag-'Oo' mo sa akin." Napatingala si Roxane sa langit, parang naghihintay ng UFO na susundo sa kanya. Wala na siyang choice. "Sige... pumapayag ako. Pero sa isang kondisyon." Agad na napalingon si Dark. Parang batang sinabihan ng “may prize ka pero huwag kang makulit.” "Ano 'yon?!" tanong niya, todo ngiti pa, akala mo lalabas ang fireworks sa tenga. "Bawal ang kiss. Bawal ang yakap. At bawal—na bawal—magkadikit ang ating mga katawan!" "WHAAHAHAHA!" Halakhak ni Dark na parang nanalo sa sabong. Napatingin ang pari at ang kasama ng pari na chismosa sa rin sa gilid ng pari. Tagahawa

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   33.

    "Na-nababaño na ako, Madam... Okay lang po ba na dito na lang ako magbanyo?" palusot ng bodyguard ni Dark habang pinipilit itago ang kaba sa boses niya. Nakangiti siya ng pilit at panay ang tapik sa tiyan, kunwari’y naiipit na. Ngunit ni isang sulyap mula kay Mrs. Villamonte ay hindi niya nakuha. Nakataas lang ang kilay nito habang nakatungo sa hawak na tasa ng tsaa, tila wala siyang pakialam sa kaharap. Nanigas sa kinatatayuan si Guard. Alam niyang palpak ang alibi niya. "Ahmmm... Paano ba ako makakaalis dito nang hindi ako halata? Kailangan kong matawagan si Sir Dark," pabulong niyang usal habang palihim na pinipilit abutin ang cellphone sa bulsa, ngunit ang bawat galaw niya’y parang kinukuryente ng tensyon. Samantala, nag-alab na ang boses ni Mrs. Vellama sa gitna ng katahimikan ng sala. "Sabihin niyo na sa akin kung nasaan ang anak niyo! At kung saan niya dinala ang anak namin—si Dark?!" sigaw niya habang nakaturo kay Aling Beth. Ang mga mata nito’y parang lagablab na apoy, p

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   32.

    Habang abala ang lahat sa kaguluhan sa Vellamonte, tahimik na tinatahak nina Roxane at Dark ang daan patungo sa hindi niya alam na destinasyon. "Sir... ano po ba talaga ang balak ninyo sa akin?" mahina ngunit puno ng tensiyon ang tinig ni Roxane habang pinipigilan ang panginginig ng kanyang damdamin. "Ilang araw pa lamang po akong nagtatrabaho sa inyo, ngunit pakiramdam ko’y pinahihirapan niyo na ako ng husto. Wala naman po akong laban sa inyo… at alam niyo po ‘yan." Mababanaag sa kanyang mukha ang pagkalito, ang bahagyang luha na pilit niyang pinupunasan upang hindi mahalata. Samantala, si Dark ay nanatiling tahimik habang hawak ang manibela, tila nag-iisip ng malalim. Ilang sandali pa, agad niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Seryoso niyang hinarap si Roxane at tinitigan sa mga mata—matatag, walang pag-aalinlangan. "Mahal kita… at gusto kitang maging asawa," mahinahon niyang sambit, ngunit bawat salita’y may bigat at lalim na tila bumabalot sa kanyang buong katawan.

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   31.

    Habang tumatakbo si Dark, tila bumagal ang lahat sa kanyang paligid. Para bang siya lamang at si Roxane ang gumagalaw sa isang mundong biglang naging tahimik at mabagal.Pakiramdam niya’y nasa slow motion ang bawat hakbang nila. Ang higpit ng pagkakahawak ni Roxane sa kanyang kamay ay tila isang kumpirmasyong totoo ang lahat ng ito—na hindi lamang ito panaginip."Ito na ba ang pakiramdam ng tumatakbo sa tabi ng taong mahal mo?" tanong ni Dark sa kanyang isipan, habang ang puso niya’y kumakabog nang walang kapantay. Kahit may mga humahabol, kahit nasa gitna sila ng kaguluhan, parang wala siyang ibang iniintindi kundi ang dalagang kasama niya.Sa kabila ng adrenaline at ingay ng mga bodyguard na sumisigaw mula sa di kalayuan, nangibabaw pa rin sa kanya ang kakaibang saya—at ang ideya na, sa sandaling iyon, si Roxane ay pumayag na ring pakasalan siya.Mabilis ang naging pangyayari—tila isang eksenang hango sa pelikula lang nagaganap. Agad na nakasakay sina Dark at Roxane sa kotse, naiwan

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   30.

    "Anong gagawin ko?" bulong ni Roxane sa hangin, nanginginig ang kanyang tinig habang ang kaba sa dibdib niya ay halos hindi na niya makayanan. Nakaharap sa kanya si Dark—nananatiling nakaluhod, hawak pa rin ang maliit na kahon ng singsing. Saksi ang lahat ng naroroon—pawang mga pusong naniniwala sa pag-ibig—sa isang eksenang tila hango sa pelikula. Biglang hiyawan ang mga tao sa paligid. May kilig. May gulat. May sabay-sabay na paghihintay sa kanyang magiging sagot. "Hindi mo ba ako kayang sagutin? Simple lang naman ang tanong ko," ani Dark, mariin ang kanyang tingin habang pilit pa ring kalmado ang boses. "Will you marry me?" tanong niya muli, mas malambing na ngayon, ngunit mas seryoso—parang bawat salita ay may kalakip na panalangin. Ngunit si Roxane ay nanatiling tahimik. Napapikit siya sandali, pinipigilan ang pag-agos ng luha. "Ayoko na ng ganito," mahinang bulong niya. "Kung tutuusin, gusto na kitang patulan." Napakagat siya sa labi, sabay tingin kay Dark. "Alam mo ku

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   29.

    Imbes na abutin ni Roxane ang kamay ni Dark, nagpatihunang naglakad ang dalaga—hindi alintana ang suot niyang kupas na daster na pantulog. Maluwag ito, gusot-gusot, at halatang pinaglumaan na ng ilang taon ng labada. Ngunit sa kabila ng itsura niya, dere-deretso ang lakad niya, taas-noo—tila ba hindi siya nahihiyang nasa publiko nang ganoon ang itsura. Napangiti si Dark habang nakasunod lang sa kanya. May kakaibang saya sa kanyang mga mata—parang tuwang-tuwa siyang makita ang babaeng ito sa kanyang pinakasimpleng anyo. Hindi gaya ng mga babaeng palaging naka-make-up o nakabihis ng mamahaling brand, si Roxane ay... totoo. Samantala, hindi namamalayan ni Roxane ang sunod-sunod na mapanuring tingin ng mga kababaihang nasa paligid. Yung iba’y yakap ang mga nobyo, pero pansamantalang nabaling ang atensyon sa lalaking sumusunod sa kanya—matangkad, gwapo, matikas—na para bang kakatapos lang mag-shoot ng perfume commercial. “Grabe! Kung ako lang siya, malamang hinding-hindi ako magpapakipo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status