ANMELDENSa isipan ni Drick, unti-unting bumibigat ang katotohanang kahit anong pilit at kahit anong sakripisyo pa ang gawin niya, maaaring hindi na niya muling makita ang anak nila ni Lyka—ang munting sanggol na ngayon ay kilala na bilang Aleah Integrio. Sa bawat bayang puntahan niya, sa bawat pantalan na tanungin niya, iisa lamang ang sagot na paulit-ulit niyang naririnig: “Dinala na po sa Amerika ang bata.” “Sa USA na po siya lumaki.” “Pag-aari na po siya ng pamilyang Integrio.” Parang paulit-ulit na hinihiwa ang kanyang dibdib sa bawat salitang iyon. Nang tuluyan niyang matuklasan ang buong katotohanan—na dinala si Aleah sa USA upang ipagkasundo sa pamilyang Wulkman—parang gumuho ang mundo niya. Isang sanggol. Isang inosenteng bata. Ipinagpalit sa isang kasunduang hindi man lang nito naintindihan. Sa mga gabing nag-iisa siya sa mumurahing silid sa mga pantalan, hawak ang lumang panyo ni Lyka at ang munting kumot na minsang binalot kay Aleah, paulit-ulit niyang tinatanon
Makalipas pa ang ilang taon, tuluyan nang lumaki sina Roxiel at Clairox na may sapat nang kaalaman sa mundo. Hindi kailanman nagkulang si Lyka sa pag-aaruga sa kambal. Sa edad na sampu, sanay na silang gumawa ng halos lahat ng gawain sa isla. Si Roxiel ay likas na maliksi—ang bawat galaw ay tila isang batang sundalo na sinanay sa disiplina at bilis. Samantalang si Clairox naman ay tahimik at mapagmatyag; kapag ayaw niyang magpakita, para siyang aninong bigla na lamang nawawala sa paningin. Isang hapon, habang naglalaro sila sa tabing-ilog, may napansin silang maliit na bangkang palutang-lutang, unti-unting tinatangay ng mahinang agos. “MAMA!” malakas na sigaw ni Roxiel, sabay takbong nilapitan ang bangka. Paglapit niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang lalaking nakahandusay sa loob ng bangka—duguan ang balikat, basang-basa ang damit, at walang malay. “Papa…” mahinang bulong niya, saka biglang napasigaw, “PAPA!” Si Drick nga ang nasa bangkang pandagat. Agad
“Mama!” sabay na sigaw nina Roxiel at Clairox habang humahagibis ang kanilang maliliit na paa sa buhanginan. Limang taong gulang na ang kambal. Payat ang kanilang mga braso at binti, bakas ang hirap ng buhay sa isla. Mula nang dalhin sila roon ng barko ni Don Integrio, doon na sila lumaki—sa Isla Molave, malayo sa sibilisasyon. Ang suot nila’y mga lumang damit na paulit-ulit nang tinahi ni Lyka, at kung minsan, kapag wala nang masuot, mga dahong pinagdikit-dikit na lamang. “Mama! Mama!” hingal na hingal na tawag ni Roxiel. “May nakita kaming puno ng niyog sa banda ro’n!” dagdag ni Clairox, kumikinang ang mga mata sa tuwa. Agad na iniwan ni Lyka ang hinahawakan niyang lambat at mabilis na lumapit sa mga anak. Lumuhod siya at mahigpit silang niyakap, wari’y takot na takot pa ring mawala ang mga ito sa kanyang paningin. “Talaga ba?” mahinang tanong niya, pilit na ngumingiti kahit punô ng pag-aalala ang dibdib. “Ingat kayo sa paglalakad, ha? Huwag lalayo nang hindi ako kasama.”
Nagpatuloy ang paglalakad ni Drick sa makipot na kalsada ng D’Bridge, bitbit ang mabigat na sako sa kanyang balikat. Sa bayan na ito, kilala siya bilang si Bryan—isang tahimik na kargador sa pantalan, walang pamilya, walang nakaraan, walang tanong. Sa bawat hakbang, kasabay ng bigat ng kargamento ang bigat ng kanyang konsensya. Sa pantalan, abala ang mga tao. May mga barkong dumarating at umaalis, may sigawan ng mga tindero, may halakhakan ng mga mandaragat. Ngunit para kay Drick, tila napakalayo ng lahat. Para siyang multo sa gitna ng mga buhay—naroroon, ngunit walang tunay na umiiral. “Hoy, Bryan! Dito muna!” sigaw ng matandang tagapangasiwa. Tumigil siya at agad lumapit, ibinaba ang sako sa tabi ng mga kahon ng isda. “Dalhin mo ’to sa bodega sa dulo. Bilisan mo, parating na ang susunod na kargamento,” utos nito. “Opo,” maikli niyang sagot. Muli niyang inangat ang sako. Kumirot ang balikat at likod niya, ngunit hindi siya umimik. Mas sanay na siya sa sakit—pero mas mas
“Mga anak…” mahinang bulong ni Lyka sa magkapatid na kambal. Mahimbing na ang tulog ng mga ito, tinangay na ng matinding pagod matapos ang mahabang paglalakad sa buhanginan upang marating lamang ang kakahuyan sa isla na kanilang napadpadan. Madungis na ang mga bata—punô ng alikabok at putik—gayundin siya. Gusot ang buhok, nangingitim ang mga kamay at paa, bakas sa buong katawan ang hirap at takot na kanilang pinagdaanan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang noo ng isa, saka napabuntong-hininga. “Nasaan na kaya ang ama ninyo… at ang bunso ninyong kapatid?” pabulong niyang tanong, nanginginig ang tinig. Nasa gilid sila ng lumang barkong sumadsad sa pampang. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at huni ng hangin ang maririnig. At sa gitna ng dilim, pinilit ni Lyka na pigilan ang pagluha, ayaw niyang magising ang kanyang mga anak—kahit ang puso niya’y halos durog na sa pag-aalala. Kailangan ko pang ilayo ang barko mula sa dagat para hindi ito muling tangayin ng alon… at para
“N-nagawa ko…” bulong ni Drick nang maramdaman niya ang malamig na hanging bumaba mula sa ibabaw papasok sa underground. “Nabuksan ko na… makakaalis na ako.” Napahinto siya sandali, saka napayuko. “Pero paano ang anak namin? Nasaan ko siya hahanapin?” Gumapang siya palabas sa makitid na lagusang gawa sa lupa. Ang sahig ay basa at may halong putik, at ang ilang bahagi ay may mga tapakang semento na unti-unting lumulubog sa bawat hakbang niya. Kahit pilitin niyang dahan-dahanin ang paglakad, patuloy pa rin siyang nababaon. Sa huli, nagpasya na lamang siyang bilisan ang galaw, umaasang makalalabas na siya bago pa siya tuluyang maipit. Pag-ahon niya, tumambad sa kanya ang isang maliit na bahay-kubo. “Ang bahay na ’to…” bulong niya. “Ito ang kubo ng mag-inang tumulong sa akin.” Madilim pa ang paligid; madaling-araw pa lamang. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya napansin ang isang bagay sa kanyang daraanan. Bigla siyang napatapilok. “Aaah!” sigaw niya. Pagtingin ni







