Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?! Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte. Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari. At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago— Siya pa ang nagpumilit magpakasal! “Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!” Ngayon, si Roxane ang natataranta. Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?! Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark? May pag-ibig na ba talagang nabubuo? O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo? Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!
Lihat lebih banyak"Oy! Nabalitaan mo na ba yung kumakalat na chismis rito sa atin?" bulong ni Lyka na parang isang secret agent na nagkukuwento ng top secret na balita. Halos pinipigil niyang sumabog ang excitement niya.
"Ano naman 'yon?" tanong ni Roxane, na parang gustong magpanggap na walang pake, pero halatang nakikipagbunyi sa loob ng kanyang utak habang abala sa paglalaba. Pilit niyang pinipigilan ang mata na kumurot sa inis dahil sa kung anu-anong pinapalipad ng kaibigan niyang si Lyka. Halatang walang choice si Roxane kasi childhood friend na silang dalawa—at alam niyang kapag hindi siya nakinig, may mangyayaring nakakahiya. Kaya nag-effort siyang magmukhang abala, kahit sa totoo’y nakikinig siya na parang nakasubsob sa sabon. "Haynaku, Lyka," buntong-hininga niya habang hinihila ang damit na parang may sariling buhay, "kung hindi rin naman pagkakaperahan 'yang magandang balita na 'yan, 'wag mo na lang sabihin. Kita mo naman, abala ako dito sa paglalabada. Gusto mo, tulungan mo na lang ako, para may kasama ako sa paghuhugas — kasi seryoso, baka mas malakas pa ang bulungan mo kaysa tunog ng washing machine ko!" "Ito naman, kontra-barata ka na naman!" sabi ni Lyka na may halong asar pero nakangiti pa rin. "Baka magsisi ka kung huli mong malalaman. At isa pa, pagkakaperahan 'to, jusko, Roxane!" Napailing si Roxane at napabuntong-hininga. "Grabe ka talaga, Lyka. Parang radyo ka na puro chismis ang palabas." "Uhmmm, OA ka!" "Eh ano? Kung hindi ito pagkakaperahan, ano pa?" biro ni Lyka. Ngumiti si Roxane. "Sige na nga, game na ako. Pero kapag nasira ako dito, ikaw ang sasabihin kong may sala!" "Diyos ko, Maryosep! Wala pa nga akong sinasabi, may sala na agad? Grabe ka aa... kaloka 'tong babaeng 'to!" saad ni Lyka sa kaibigan, halatang napikon pero may ngiti pa rin sa labi, parang sinasabi, “Anak ng pera, seryoso ba ’to?” "Hahahaha, joke lang," sabi ni Roxane, nakangiti pero seryoso ang tingin. "Pero ano ba talaga ’yung balita mo? Parang sobra ka nang excited, hindi ka na makapagpigil." "Haynaku, ito na nga!" sigaw ni Lyka, halos sumabog ang puso sa sobrang excitement. Tumulo ang pawis sa pisngi niya habang namumula ito sa tuwa. "Darating ngayong araw 'yung anak nina Don at Donya Villamonte — 'yung pinaka-astig, pinaka-mayaman sa buong mundo! Kilala mo ’to, Roxane, ’yung batang ’yun na palaging naka-designer clothes at laging may bodyguard na parang artista!" "Ahh, si DN?!" napataas ang kilay ni Roxane, sabay buntong-hininga. "Ano naman kung darating siya? Hindi naman niya tayo kilala, eeh!" saad niya habang tuloy-tuloy sa kanyang ginagawang paglalaba, mas madiin pa ang pagkukusot, na parang damit ang sinisisi niya sa inis. Halatang hindi siya interesado sa balita ng kaibigan. "At paano mo nasabing pagkakaperahan 'yung DN na 'yun, ha?" dagdag pa niya, sabay irap kay Lyka. Tila napawi ang matinding excitement sa mukha ni Lyka nang mapansin ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang kaibigan. Parang may bigat sa hangin na hindi niya maintindihan. "Ahmmmm, bakit?" tanong niya, may halong pag-aalangan. "Galit ka ba kay DN? Dahil ba iniwan ka niya nung mga bata pa tayo?! Hindi ka niya pinaglaban sa mga magulang niya?!" dagdag pa ni Lyka, na para bang nasa isang teleserye ang eksena. Napahawak pa siya sa dibdib, tila tinatamaan ng sariling drama. "Luka-luka ka talaga!" sagot ng kaibigan niya, sabay irap. "OA mo! Paano naman kami magkakakilala o naging magkababata ng taong 'yon, eeh hindi ko pa nga 'yon nakikita ng harapan! At saka — wala akong balak mag-asawa, no!" Madiin ang tono nito, bakas ang inis ngunit halatang may bahid ng pagtatago ng tunay na damdamin. Okay... andito na tayo sa bahagi na ayaw mong mag-asawa. Pero ito talaga ang dapat mong malaman — pagkakakitaan talaga 'to. Alam mo ba na balak nilang kumuha ng tatlumpung kataong katulong sa mala-palasyong tahanan ng mga Villamonte? Grabe 'no? Para kang pinapaalalahanan sa sarili mo na hindi basta-basta ang laban na ito. Parang ang dami nilang plano, ang laki ng pondo, at sa likod ng mga ngiti, may tinatagong ambisyon. "Kailan ba ang hiring sa Villamonte?!" masayang tanong ni Roxane, na may halakhak at ningning sa mga mata, habang ikinangisi naman ni Lyka ang sagot sa tanong na iyon. "Saktong-sakto! Sabay tayong mag-a-apply sa mala-palasyong tirahan nila!" sagot ni Lyka, bahagyang nanginginig ang tinig sa excitement, na para bang nararamdaman na nila ang pagbabago sa buhay nila. "O siya, sige na! Samahan mo na muna ako rito sa pagbanlaw ng mga nilabhan ko," nakangiting sabi ni Roxane, halatang may kasamang saya at konting kaba sa boses niya. "At pagkatapos ko rito, saka tayo pupunta sa palasyo ni DN!" (Dark Nathaniel Villamonte) "Aah, nakalimutan ko, meron pa pala akong gagawin sa bahay. Sowe, bestfriend!" sabay halakhak ni Lyka—yung masiglang tawa na parang batang nakatakas sa sermon—at dali-daling tumakbo palayo sa kinaroroonan ni Roxane. "Madapa ka sana," pabulong pero may ngiting pilya na sabi ni Roxane habang pinapanood ang kaibigang papalayong tumatakbo. "Aaaaarayyyy!" malakas na sigaw ni Lyka. "Bruha ka talaga, Roxane! Nag-wish ka na naman noh? Kaya ayan, nadapa na naman ako!" reklamo ni Lyka habang pilit na pinapagpag ang nadumihang tuhod. Simula pa nung mga bata pa sila, ganyan na talaga ang takbo ng pagkakaibigan nila—kulitan, asaran, pero punô ng malasakit. Hindi naman talaga totoo na dahil sa hiling ni Roxane ay nadadapa si Lyka. Medyo lalampa-lampa lang talaga si Lyka. Pero sa tuwing nagsasalita si Roxane ng gano’n, laging parang tinutukso ng tadhana ang kaibigan niya. Coincidence man o hindi, tila ba may sariling biro ang mundo para sa kanilang dalawa. Napabuntong-hininga si Roxane matapos niyang maisampay ang lahat ng labada ng kanyang ina. Pinagpag ang damit saka kinuha ang mga batya at mga pinaggamitan niya sa paglalaba. Iniligpit na niya ito bago siya nagpaalam sa amo ng kanyang ina at umalis patungo sa bahay ng kanyang bestfriend. Tinignan ni Roxane ang oras sa kanyang cellphone. Saktong-sakto lang ito; hindi na siya dapat mag-aksaya ng panahon dahil kung si Lyka nga ang nagkakalat ng tsismis, tiyak na totoo iyon. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya, dala ang halo ng pananabik at kaba sa darating na mga pangyayari. Masayang naglalakad si Roxane sa paraangan—isang daanang tinatawag ding highway na dinaraanan ng lahat ng sasakyan papasok sa Vellamonte Village. Ngunit habang tinatanaw niya ang mga maliliit na bahay na parang mga display lang sa paanan ng mga malalaking palasyong nakatayo sa itaas, hindi niya maiwasang maramdaman ang kakaibang lungkot. Sa kabila ng karangyaan ng pamilyang Vellamonte, ang mga kabahayang iyon ay tila maliit at payak, na para bang palamote lamang sa kahabaan ng daan na dinadaanan nila.“Pinulong ko kayong muli dito sa Bulwagan—dito mismo sa pusod ng ating kapangyarihan—sapagkat may isang mahalagang bagay akong ipahahayag,” mariing panimula ni Master Ama Clinthon, kasabay ng mabigat na pagbagsak ng kanyang baston sa marmol na sahig, na nagbigay ng malakas na alingawngaw sa buong bulwagan. “Dahil sa biglaang pangyayari noong nakaraang buwan, napilitan akong ikansela ang nakatakdang Pagtatalaga. Ngunit ngayong araw na ito, aking inihahayag at ipinag-uutos sa harap ninyong lahat… na ang aking apo, si Carolina Clinthon, ang siyang karapat-dapat at itatalaga kong bagong uupo sa aking Trono!” Biglang itinaas ni Ismeralda ang kanyang kamay bilang tanda ng pagtutol, matalim ang tingin at mariin ang boses, “Mawalang galang na Master Ama Clinthon. Hindi ba’t dapat unahin muna ang kapakanan ng mga nakaupo bago ang susunod na pinuno ng CC?!” Saglit na natahimik ang lahat. Ang mga mata’y nagsalubong, ang tensyon ay dumaloy sa bawat sulok ng silid. Ramdam ni Carolina ang i
“Hindi ako dapat magpadala sa takot ko! Alam kong kakampihan ako ni Master Ama kapag sinabi ko ang nangyayari sa anak niya! Hindi ako pwedeng manahimik lang sa tabi habang unti-unti nilang pinapatay ang anak ng Boss ko!” madiin na wika ng isang tauhan ni Ama Clinthon, kasabay ng mariing pagkuyom ng kamao. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng dibdib pero hindi siya uurong—kahit pa buhay niya ang kapalit. Kahit kanina lang ay natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya. Biglang narinig niya ang mabigat na yabag na papalapit. “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan? Diba dapat nasa labas ka at nagbabantay?” malamig na tanong ng isa pang tauhan, na alam ng lahat ay tapat na alagad ni Benjie. Matalim ang titig nito, wari bang binabasa ang laman ng kanyang isipan. Saglit na natigilan ang tauhan ni Ama Clinthon, pero agad siyang nagkunwaring kalmado. Pinilit niyang itago ang kaba at ang apoy ng kanyang paninindigan. “Ah—eh, wala… napadaan lang ako dito. Nagpapahinga saglit. Gusto ko lang sigu
“Wag kang mag-alala sa kambal, ako na ang bahala sa kanila,” wika ni Mrs. Vellama habang aliw na aliw sa pag-aalaga sa dalawang sanggol. “Napaka-cute ng kambal ng anak ko,” bulong pa niya sa sarili, kasabay ng malambing na paghaplos kay Roxiel na masayang nakangiti habang nakadantay sa kanyang mga bisig. Biglang sumabat ang isang malamig ngunit matatag na tinig. “Anong kaguluhan ito? Bakit narito kayo, at bakit nauna pa kayong nakarating kaysa sa amin?” madiing tanong ni Mr. Nathaniel, asawa ni Mrs. Vellama, habang nakakunot ang noo at halatang naguguluhan. Hindi nagpatinag si Mrs. Vellama at agad siyang bumaling sa asawa. “Anong balita sa lakad mo?” mahinahong usisa nito. Mariin namang sumagot si Mr. Nathaniel, “Hindi ko nakita si Dark. Ngunit ano itong pinagtatakhan ko—bakit may mga sanggol dito? At hindi lang isa kundi kambal pa?!” Sa halip na sagutin ang tanong, ngumiti lamang si Mrs. Vellama at maingat na iniabot si Roxiel sa asawa. “Oh, sige na. Kargahin mo ang apo mo,”
Sa loob ng opisina ni Mr. Nathaniel Villamonte… Tahimik ang buong silid, tanging mahinang tikatak ng malaking orasan sa dingding ang maririnig. Mahigpit ang titig ni Mrs. Vellama kay Lyka, halatang puno ng pagdududa at kaba ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang lumapit sa lamesa ng asawa niya at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw nito, bago nagsalita sa malamig at awtoridad na tinig. Vellama: “Dahil wala rito ang aking asawa… ako muna ang papalit na magtatanong sa inyo. At uunahin kita, Lyka.” Umayos ng upo si Lyka, mahigpit ang hawak sa laylayan ng kanyang damit. Kita sa kanyang mukha ang tensyon ngunit pinilit niyang huminga ng malalim. Vellama; “Unang tanong—bakit ka biglang nawala sa Villamonte? Wala kang iniwang paliwanag, wala kang pasabi… parang bula kang naglaho.” Napalunok si Lyka, nanginginig ang kanyang tinig nang sumagot. Lyka: “Dahil po sa isang misyon, Madam…” Agad kumunot ang noo ni Mrs. Vellama. Ang kanyang mga mata ay kumislap sa galit at pagt
“GRABEee! MAY ASAWA KA NA AT KAMBAL NA ANAK MO TAPOS ANG ASAWA MO BAK—” halos pasabog na bungad ni Maxine, nakapamewang pa at nanlalaki ang mata, para bang nakakita ng multo. “OA KA! Umalis ka nga d’yan!” agad na sabat ni Lyka, sabay irap at pagtabig kay Maxine. “Kung makadaldal ka akala mo ikaw ang nanay ng kambal!” Mabilis na pumasok si Lyka at Rockie sa loob ng Villamonte Mansyon, karga nila ang kambal. Napasinghap si Maxine, sunod-sunod ang turo kay Lyka. “Ay grabe! Yan na ba ang tinatawag na instant mommy package? Kambal agad ang dala, wala man lang lampin! Diyos ko, baka isipin ng tao nag-shopping ka ng baby, buy one take one!”tapos ang tatay bak-.. “Psssstttt!” biglang harang ni Rockie sa bibig ni Maxine gamit ang dalawang daliri, parang naglalagay ng mute button. “Kung wala kang magandang sasabihin, umayos ka! Bakla man akong matatawag…” tumuwid pa ng tindig si Rockie, parang beauty queen na nag-iintroduce ng sarili, “…mas maganda pa rin ako sa’yo, noh!” Halos malaglag
Naging mabilis ang mga pangyayari at halos hindi na nila namamalayan na nakarating na sila sa Airport. “Umalis na kayo bago pa kayo makita ng mga tauhan ni Ama Clinthon!” sigaw ni Gerald habang pawis na pawis sa pagmamadali. “Ako na ang bahalang iligaw ang mga tauhan ni Benjie!” dagdag pa niya, kasabay no’n ay mariin niyang inapakan ang silinyador ng sasakyan para makalayo. Ramdam ang kaba at tapang sa bawat pagpihit ng manibela, lalo na nang masilayan niyang papalapit na ang mga armadong tauhan ng Clinthon. Si Yaya Rhia, Yaya Meme, at ang kambal na sina Clairox at Roxiel na karga-karga nila ay mabilis na si silang nakapasok sa loob ng airport. Dala nila ang kaba at pag-asa, habang pilit nilang itinatago ang kanilang paghinga para hindi na sila matunton ng mga kalaban. Sa wakas, nakahinga sila ng maluwag nang tuluyang maisara ang pinto ng paliparan sa kanilang likuran. … Sa loob ng Eroplano. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina ng eroplano ang naririnig. Ngunit hindi ma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen