Napilitan si Ramona Clemente na ibenta ang sarili sa isang estranghero lalaki sa club. Wala siyang ibang hangarin kundi makaligtas sa problemang kinakaharap niya, ngunit ang isang gabing iyon ay nag-iwan ng marka na hindi na mabubura. Limang taon ang lumipas, dala ni Ramona ang isang lihim na bunga ng gabing iyon. Hindi niya inasahan na muling babalik ang lalaking iyon sa buhay niya, ngayon bilang bago niyang boss—si Conrad Montrose. At ang unang trabahong iniatas sa kanya ay hanapin ang babaeng nakilala raw ni Conrad limang taon na ang nakalipas… ang babaeng siya mismo.
view more“Pasensya ka na sa abala, wala talaga mapag-iwanan kay Braeden,” nakanguso kong sambit sa matalik kong kaibigan na si Kai. Nasa boutique niya ako ngayon habang hinahabilin ang anak ko. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview ko.”
“Ano ka ba, Ramona, wala namang problema. Ako na ang bahala sa anak mo. Huwag mo siya masyadong isipin,” nakangiting tugon ni Kai at mahinang tinapik ang balikat ko. “Focus ka muna sa interview mo. Galingan mo,” dagdag pa niya bago inilahad ang kamay sa anak ko at nginitian ang bata.
Marahan akong tumango, saka nagpaalam na sa kanilang dalawa para pumunta sa interview ko ngayon.
Halos malula ako sa lapad at tayog ng gusali nang makarating ako sa building na pupuntahan ko. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses ko na nakita ang gusaling ito, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako sa laki nito.
Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-applyan ko. Ngayong araw lang mismo ng job interview ko nalaman na isa pala sa nangungunang real estate companies ang MONTROSE. At kapag malaki ang kompanya, maganda rin ang benefits at malaki ang sweldo.
Huminga ako nang malalim at taimtim na nanalangin na sana ito na ang hinihintay kong blessing; na ito na ang ginhawang matagal ko ng hinahangad.
“Lord, nasa matanggap ako. Ibigay mo na sa akin ‘to, please? Para sa anak ko,” taos-puso kong bulong bago tuluyang pumasok sa loob at dumiretso sa 37th floor dahil doon gaganapin ang interview.
Habang paakyat ang elevator ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Sumisipa na rin ang epekto ng pagod at puyat ko, sumasakit na ang ulo ko at kaybigat ng talukap ng aking mga mata. Pasimple kong kinurot ang sarili at pilit na idinilat ang aking mga mata. Pakonti nang pakonti ang mga tao sa elevator habang pataas ito nang pataas. Hanggang sa ako na lang talaga ang natira.
Doon na kumabog nang husto ang dibdib ko. Pati tuhod ko ay nangangatog na rin. Hindi ko tuloy mapigilang murahin ang sarili. At nang marinig ko ang tunog ng elevator kasunod ng pagtigil at dahan-dahang pagbukas nito, isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa ko para kahit papaano ay kumalma ako.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang isang babaeng nakatayo sa isang maliit na cubicle. Agad akong lumapit dito. Tiningnan ko ang nameplate sa desk ng babae.
“Good morning. Pwede bang magtanong?” magalang kong sabi sa babae.
Matamis naman siyang ngumiti sa akin. “Ano ‘yon?”
“Saan ang final interview ng mga secretary applicants?”
“Oh, you must be Ramona Clemente?” aniya bago may tiningnan sa computer niya. “Please follow me. Ihahatid kita roon.”
Tumango lang ako at sinundan siya.
Pagpasok namin sa isang malaking pinto ay sinalubong ako ng isang malawak na opisina. Puti at itim ang interior ng paligid. Una kong nakita ang malawak na office living room kung saan may nakaupong isang lalaki na sa tingin ko’y nasa mid to late fifties.
“Sir Aaron, this is Ms. Clemente,” pagpapakilala sa akin ng babae.
“Thank you, Benita. You may leave,” maawtoridad na sambit ng lalaki. Mas lalo tuloy tumindi ang kaba ko dahil pakiramdam ko’y strikto ito. Bumaling siya sa akin, “Sit down, Ms. Clemente.”
Mabilis akong umupo sa katapat nitong upuan. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pansin ko ang pagsipat nito ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Did you bring the documents we asked you?”
“Yes, sir,” kabado kong sagot sabay abot dito ng envelope. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko naitanong ang pangalan nito.
“Mabuti kung ganon. Can you start working today?” tanong niya sa akin.
Nabingi yata ako sa narinig ko. Ilang beses akong napakurap ng mata.
“P-Po?”
“Didn’t you hear me?” masungit nitong sambit. “I said, can you start working today?”
“Ano po—”
“You’re hired,” putol nito sa sinasabi ko. “You’re the first one to arrive so you get the job,” dagdag nito bago siya tumayo at inilahad ang kamay sa akin. “Congratulations.”
Hindi man ako makapaniwala ay tumayo na rin ako at inabot ang kamay niya.
“Thank you, sir,” tugon ko at matamis na ngumiti. “And yes po, I can start right away,” dagdag ko at pilit na pinigilan ang pamumuo ng mga luha ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sobrang saya ko. Mamaya, pagkatapos ng trabaho ay dadaan talaga ako sa simbahan para magpasalamat. Sa wakas, dininig na rin ang matagal ko ng panalangin.
“Let’s proceed with the contract signing,” aniya bago ako pinaupo ulit. Pagkatapos ay may tinawagan siya sa cellphone at sinabihan na dalhin ang kontrata.
“Congratulations,” mahinang sabi nito nang makalapit siya sa akin. Tumingin siya sa akin. “Let’s go?”
“Saan po?” takang tanong ko.
“To meet your boss,” tugon niya at ngumiti sa akin.
Napatitig na lang ako rito.
So hindi pala siya ang boss ko?
“This way,” aniya at naunang naglakad. Doon ko lang napansin na may isa pa palang pinto sa loob.
At pagkabukas ni Sir Aaron nito, nakita ko ang isa pang mas malawak na opisina na itim at puti rin ang interior. Pero agad na dumiretso ang mga mata ko sa lalaking nakaupo sa gitna ng opisina at abala sa ginagawa. Nakayuko ito at mukhang may pinipirmahang mga papel.
‘Conrad Montrose,’ basa ko sa nameplate na nasa gitna ng mesa.
“Good morning, Mr. Montrose,” bati ni Sir Aaron dito. “I present to you your new secretary,” aniya bago pumagilid para ipakilala ako.
“G-Good morning po,” magalang kong bati at hinintay na mag-angat siya ng tingin.
At nang gawin niya iyon, natulala na lang ako. Tila ba tumigil ang lahat, pati na rin ang pag-ikot ng mundo.
That face.
Hindi ko man alam ang pangalan niya ay hindi ako pwede magkamali. Kilala ko ang itsura niya.
It may have been five years since I last saw that face. It may have just been once, but I will never forget it. Never. Because how could I ever forget the face of the man who didn’t just take my virginity, but also left me with a heavy responsibility?
Paano ko makakalimutan ang mukha ng ama ng anak ko?
Nanigas ako nang tumingin sa akin si Conrad Montrose. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. The hatred, the pain, the struggles, everything came to me all at once.
Nanginig ang mga kamay ko sa tindi ng emosyong nararamdaman. I clenched my teeth to control the surge of emotions inside me. I couldn’t afford to make a scene here.
“You,” matigas niyang sambit habang malamig na nakatingin ang kanyang kulay-abong mga mata. “Sort these documents. Start from the oldest to the most recent,” dagdag pa nito at itinulak ang makapal na mga papel sa mesa niya.
Nagising ang diwa ko sa malakas na boses niyang iyon.
“Do your best, Ms. Clemente. I’ll take my leave now,” sabi ni Sir Aaron, bago nagpaalam kay Conrad.
“Ano, tatayo ka na lang ba riyan?” matigas na sabi ni Conrad.
“On it, sir!” tarantang sagot ko bago kinuha ang mga papel at dinala sa kabilang mesa na tingin ko’y magiging pwesto ko.
Habang inaayos ko ang mga papel, hindi ko maiwasang mapaisip. Nakikilala ba ako ni Conrad o ganoon na talaga ang ugali nito sa akin, o hindi na niya ako naaalala at ganon na talaga ang ugali nito?
But either way, never in my wildest dreams did I imagine that I would see him again pagkatapos ng nangyari sa amin noon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.
Should I tell him the truth, or just keep acting as if I didn’t know him and that I didn’t remember everything that happened between us?
Apat na araw pa lang akong nagtatrabaho kay Conrad, pero kitang-kita ko na agad kung paano niya tratuhin ang mga empleyado niya. Akala ko masungit na siya noong una, pero mas masungit pa pala. Para siyang dragon na may apoy sa bibig. Lahat ng nakikitang pumapasok sa opisina niya ay halatang kinakabahan, namumutla, o nakikisuyo na lang para ibang tao ang mag-abot ng dokumento sa kanya. Wala talagang empleyado na hindi takot sa kanya. Their reactions say it all. Conrad is an awful boss, a tyrant. Wala siyang pakialam sa mga empleyado niya.Kung hindi lang siguro dahil sa benefits, baka matagal na silang nagsialisan dito. At marahil dahil matagal na rin sila sa kompanya bago pa siya ang humawak nito.“Ms. Clemente!”Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses niya sa intercom. Nasa labas ako ng opisina niya, sa sariling desk na ibinigay sa akin. Nasa gilid ng desk ang speaker.“I sent you my schedule for this week. Fix them. Ayaw ko ng masakit sa mata. Make sure walang overlappi
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ang lalaking pakakasalan ko lang ang siya ring makakaangkin ng katawan ko.Sex after marriage has always been my principle. Pero hindi ko lubos inakalang ako mismo ang babali sa paninindigan kong iyon. Hindi ko naisip na iaalay ko ang sarili ko sa isang lalaki bago pa ako ikasal. At ang mas masakit? Hindi ko man lang siya kilala. A stranger. Yes, a total stranger was my first.Pera ang naging dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Wala na akong ibang pagpipilian. Sabi ng iba, may mas mabubuting paraan. Trabaho? Hindi sapat. Kailangan ko ng malaking halaga para mabayaran ang balance ko sa tuition, or else hindi ako makakasali sa listahan ng mga magtatapos.All those sleepless nights, all my hard work, lahat mawawala kung hindi ako makakabayad. Ang sumiping at ibenta lang ang katawan ko ang nakita ko noong paraan para makalikom ng pera sa maikling panahon.Kapag hindi ko natupad iyon, hindi lang sarili ko ang mabibigo. Pati na rin ang mama kong pumanaw n
Hindi pa rin ako makapaniwala sa muling pagtatagpo namin ni Conrad, matapos ang limang taon. Hindi ko maiwasang bumalik sa araw nang malaman kong buntis ako. Halos gumuho ang mundo ko noon. Pakiramdam ko ay ayaw ng tadhana na maramdaman ko ang kahit kaunting ginhawa. Mas pinabigat pa nito ang problema ko.Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin noon. Naisip kong ipalaglag ang bata, pero hindi ako ganon kapusok ng puso. Naintindihan ko rin na may bahagi ako sa nangyari. Naive ako. Sobrang kampante ako nung gabing iyon, hindi ko inakala na mangyayari ito. Pero may responsibilidad din si Conrad. Siya ang naglagay ng semilya niya nang hindi ko inaasahan.“Done?”Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Conrad. Nang tingnan ko siya, sinalubong ako ng malamig niyang titig at magkatingalang kilay.“M-Malapit na, sir,” sabi ko habang pinapabilis ang ginagawa ko.“Hurry up,” matigas niyang sabi bago muli na ibinalik ang atensyon sa laptop niya. “You’re supp
“Pasensya ka na sa abala, wala talaga mapag-iwanan kay Braeden,” nakanguso kong sambit sa matalik kong kaibigan na si Kai. Nasa boutique niya ako ngayon habang hinahabilin ang anak ko. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview ko.”“Ano ka ba, Ramona, wala namang problema. Ako na ang bahala sa anak mo. Huwag mo siya masyadong isipin,” nakangiting tugon ni Kai at mahinang tinapik ang balikat ko. “Focus ka muna sa interview mo. Galingan mo,” dagdag pa niya bago inilahad ang kamay sa anak ko at nginitian ang bata.Marahan akong tumango, saka nagpaalam na sa kanilang dalawa para pumunta sa interview ko ngayon.Halos malula ako sa lapad at tayog ng gusali nang makarating ako sa building na pupuntahan ko. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses ko na nakita ang gusaling ito, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin ako sa laki nito.Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-applyan ko. Ngayo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments