Share

38.

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-26 20:22:12

"Nasaan ang mga magulang ko? Nasaan ang pamilya ko!" humahagulgol na sigaw ni Roxane habang dumudulas sa tuhod sa gitna ng putikan at nagkalat na gamit nila.

Nanginginig ang katawan niya—hindi sa lamig kundi sa matinding pangamba at kawalang-laban. Parang sinasaksak ang puso niya sa bawat iglap ng katotohanang wala na ang tahanan nila. Giba ang bubong. Nakasampay sa alambre ang ilang damit na basang-basa, at ang iba’y nililipad na ng hangin.

Kitang-kita ng mga tao sa paligid ang matinding pagguho ng damdamin ni Roxane. Ngunit sa halip na damayan, ang ilan ay nagsimulang magbulungan…

"Kasalanan din naman niya 'yan."

"Aba, sino bang may lakas ng loob na pasukin ang mundo ng isang bilyonaryo? Siya rin ang may gusto niyan."

"Tingnan mo ngayon, iniwanan. Kawawa pero mayabang."

Bawat salita ay parang matatalim na kutsilyong tumataga sa likod niya. Ngunit hindi siya sumagot. Hindi siya nagtaas ng ulo. Sa halip, pinilit niyang lunukin ang lahat—ang sakit, ang hiya, ang pagdurusa.

Mabil
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   46.

    Pasado alas singko na ng umaga nang magising ang buong Villamonte Mansion—mapa-maid, driver, o hardinero, gising na’t abalang-abala sa kani-kanilang gawain. Pero sa master's bedroom… “Good morning, Honey… Kumusta ang gising mo?” malambing na tanong ni Dark habang dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata. Nasa harapan niya ngayon si Roxane—ang dalagang kagabi lang ay kaaway niya sa kama, pero ngayon ay nakayakap na sa kanya na parang stuff toy. Nakasampay pa ang isang hita nito sa kanyang binti, at ang mukha ay nakabaon sa kanyang dibdib. Muntik na siyang mapasinghap—hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa lapit ng tuhod ni Roxane sa kanyang ‘mala-dragon’ na alaga na, sa kasamaang-palad, mukhang nagising na rin. “Eto na naman tayo…” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sarili. Pero si Roxane? Walang kamalay-malay. Sa halip na magising, mas lalo pa siyang dumagan kay Dark na para bang sinasabing, ‘Huwag mo akong babangunin, wala akong pakialam kung sumikat na ang

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   45.

    "Ayyyyyy! Ano ba ‘yan, nalaglag nga! Pulutin mo, dali!" sigaw ni Roxane habang mabilis na tinakpan ang mukha niya — pero may siwang pa rin ang mga daliri niya para makasilip. "Ang laki ng nasa harapan mo! Diyos ko po! May sariling anino!" Tumilapon sa sahig ang twalya ni Dark, dahan-dahang gumulong na parang may slow-motion effect pa. Samantalang si Roxane, nanlaki ang mata. Parang nakita niya ang hinaharap... o 'yung dahilan ng GOLDEN SPERM scandal sa buong Vellamonte Mansion. "Hindi ko sinasadya!" sabi ni Dark, sabay talikod para kunin ang twalya. "Hindi mo sinasadya?! Eh parang may plano siya tumakas eh! Para siyang kabayong sumugod sa giyera nang walang paalam!" reklamo ni Roxane habang halos himatayin sa kahihiyaan at kilig. "Ayan na naman siya… akala mo hindi pa niya nakita 'yan dati." bulong ni Dark habang pilit ikinakabit muli ang twalya, pero ayaw makisama. "Sabihan mo ‘yan ha, huwag siyang sumasabay sa drama. Baka mamaya maglabas ‘yan ng totoong Golden Sperm!"

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   44.Golden Sperm VS Silver Sperm 🤣

    Dumating na ang hindi inaasahan ni Roxane—ang gabing kailangan nilang magsama ni Dark sa iisang silid. Parang may nagmartsa sa dibdib niya. Halos hindi siya makahinga sa kaba habang nakatayo sa gilid, hawak-hawak ang laylayan ng kanyang bestida na tila gusto niyang gawing invisible cloak. Biglang nagsalita si Mr Nathaniel. "Maaga tayong aalis bukas patungo sa isang sikat at mahusay na ospital dito sa Pilipinas,Ang hospital na iyon ay pagmamayari ng isa sa mga sikat kung mga kaibigan na tiyak kung aasikasuhin tayo" seryosong saad ni Mr. Nathaniel habang nakatingin sa dalawang nagkakahiyaan pa. "Sa iisang silid na lang kayo matulog. Hindi naman siguro kayo... gagawa ulit ng GOLDEN SPERM, dahil tiyak na mai-e-examine ito bukas.”nakangat pa ang kilay ni Mr Nathaniel habang sinasabi iyon. Sabay ang malalagkit na tingin niya sa dalawa—na parang sinisiyasat kung sino ang may malikot na konsensya. Napasinghap si Roxane at parang gusto niyang maglaho sa sahig. Namula ang pisngi niy

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   43.

    “Anong klaseng rescue 'to?! Bakit parang sinugod ako ng sarili kong misis?!” reklamo ni Dark habang hinihimas ang noo. Waring hindi na niya alam kung siya ba’y na-rescue o nasagasaan ng babaeng asawa niyang may sariling mundo't diskarte. Si Roxane naman ay nakahandusay pa rin sa malamig na sahig ng kwarto—gulo ang buhok na parang sinabunutan ng hangin mula sa electric fan na nilagay sa “typhoon mode.” Balot ng pawis, gusot ang blouse, pero may ngiting tagumpay sa mga labi na parang nagsasabing: "Mission accomplished. Asawa na talaga kita, kahit bintana pa ang daan ko." “Ang galing ng ginawa mo kanina, Honey! Buntis ka na ba talaga? At ako ang—” “Psssstttt!” mabilis na sabat ni Roxane habang nilapit ang sarili kay Dark, hawak ang labi nitong muntik nang magsalita. “Hindi ‘to ang tamang oras para sa ganyan! Hindi mo ba naririnig? Mukhang narinig tayo sa labas!” pabulong pero puno ng kaba niyang sabi. Marahan siyang tumayo—pahid ng pawis gamit ang laylayan ng blouse, habang i

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   42.

    Hindi ako makakapayag na mapunta lang si Dark sa katulong na iyon! Matigas ang tinig ni Levie habang nakaupo sa veranda ng kanyang silid—isang guest room na hindi kalayuan sa kwarto ni Roxane. Ang postura niya'y parang isang reyna sa trono ng hinanakit at galit. "Gagawa ako ng paraan para pigilan ang pag-aangkin niya kay Dark!" Sumisiklab ang inis sa kanyang mata, kasabay ng pagkuyom ng kanyang palad sa armrest ng upuan. Bigla siyang tumayo, parang may pinindot na switch sa likod niya. "I need to talk to that b*tch!" Masungit na bulong niya, sabay tadyak ng tsinelas at lakad-pasugod papunta sa kwarto ni Roxane. Para siyang kontrabidang ready nang rumampa sa showdown. "Yaya! Open the door!" Sigaw niya, halos mabutas ang pinto sa lakas ng boses niya. Galit na galit. Parang may emergency, kahit ang totoo, selos lang talaga ang emergency niya. Pero... ilang segundo ang lumipas. Wala. Tahimik. Walang Roxane na nagbukas. Walang yaya. Wala kahit alingawngaw ng tsinelas. Nakakabingin

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   41.Golden Sperm!

    "Yes!" "Tagumpay ang plano ko!" sigaw ng isip ni Roxane habang nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Mrs. Vellama, patungong ospital na binanggit nito kanina. “Seryoso ba talaga si Madam Vellama? Magpapa-ospital talaga siya?!” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigil ang tawa. “Grabe, ang lakas ko maka-highblood! Pwede ko na 'tong gawing career!” Pero bigla siyang natahimik nang marinig ang seryosong tinig ni Mr. Villamonte. "Kung gano’n, kailangan kong makasiguro na nagdadalantao ka nga talaga, at kung anak nga ba ni Dark ang sinasabi mong... golden sperm." Napamulat si Roxane. Golden sperm?! Seryoso si Sir binangit pa talaga niya ulit?! "Pumasok ka na sa tahanan namin at magpahinga ka. Bukas ng umaga, ipapatawag ko ang family doctor namin para masuri ka agad.” Tumalikod ito at may pa-grand entrance pa habang nilapitan si Maxine. “Miss Maxine, samahan mo si Roxane sa kwarto ng mga bisita. Itrato n’yo siya na parang Villamonte na rin, dahil sabi nga niya—ipinagbu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status