Share

Chapter 0010.1

Agad naman na sumagot si Lucas. “Mom bakit ba pinipilit mo kaming gumawa ng bagay na hindi pa kami handa para lang hindi ka mapahiya? Sapat na ba iyong dahilan?” kunot na kunot ang noong tanong nito sa ina.

“Wala kang magagawa at ipipilit ko kung ano ang gusto ko. Pagkatapos ng tatlong buwan at wala pa rin ay pupunta tayo sa ospital.” sabi nito at mabilis siyang binalingan. “Bantayan mo siya at kung hindi siya gumawa ng paraan para hindi makipagkooperasyon sa pagkakaroon niya ng anak sa lalong madaling panahon ay sabihin mo lang sa akin at ako ang bahala sa kaniya.” sabi nito.

Nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay kasing pula na ng hinog na kamatis ang kanyang mukha at mabilis siyang tumango rito.

Samantala si Trisha ay hiyang-hiya na ng mga oras na iyon dahil tila ba sinadya ng ina ni Lucas na sabihin ang mga iyon sa harap niya para insultuhin siya. Kuyom na kuyom ang mga kamay nito ng mga oras na iyon. Nagtiis siyang marinig ang mga iyon kahit na kating-kati na ang kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status