I Won't Fall For You Again

I Won't Fall For You Again

last updateLast Updated : 2026-11-12
By:  whimsypinkfairyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
33Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa loob ng limang taon, naniwala si Allara Martinez na sapat ang pagmamahal niya para malampasan ang lahat ng sakit. Kahit na nawala ang kambal na anak nila ni Theo Martinez, kumapit pa rin siya sa pag-asang balang araw, maibabalik nila ang dating pagmamahalan. Akala niya, pareho silang nagluluksa. Akala niya, kailangan lang nila ng panahon para maghilom. Pero habang siya ay unti-unting namamatay sa sakit ng pagkawala ng mga anak nila, si Theo naman ay bumubuo na pala ng panibagong pamilya—kasama ang babaeng minsan niyang iniligtas, sinuportahan, at pinagkatiwalaan. Ang babaeng itinuring niyang kapatid ay siya palang magiging dahilan ng pagkawasak ng kanyang pamilya. Ngayon, wala nang ibang hangad si Allara kundi ang makipaghiwalay, bawiin ang lahat ng pinaghirapan niya, at panagutin ang babaeng sumira sa kanyang buhay. Pero hindi ganoon kadaling talikuran si Theo. Makapangyarihan ito, may koneksyon sa lahat ng tamang tao, at may isang hukbo ng mahuhusay na abogado na kayang durugin ang sinumang lalaban sa kanya. Pero paano kung ang babaeng dati niyang handang gawin ang lahat para sa kanya ay wala nang natitirang pagmamahal? Paano kung sa pagkakataong ito, hindi na siya ang babaeng magmamakaawa na manatili ang asawa niya? At paano kung ang pinakamalaking sikreto sa kanilang pagsasama ay hindi pa rin niya natutuklasan? Minsan, ang pinakamalupit na paghihiganti ay hindi ang saktan ang taong nanakit sa'yo—kundi ang iparamdam sa kanya kung gaano kasarap mabuhay nang wala siya. Akala ni Theo, kahit ilang beses niya itong saktan, hindi siya kailanman iiwan ni Allara. Pero ngayong tuluyan na siyang bumitaw... Hahabulin pa kaya siya ng lalaking minsang nagparamdam sa kanya na siya ang buong mundo nito?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Isang mainit na gabi ng tag-init.

Sa loob ng madilim na master bedroom, bahagyang lumulubog ang malaking kama sa bigat ng dalawang katawan.

Marahang sumasayaw ang manipis na kurtina kasabay ng malamig na liwanag ng buwan. Naghahalo ang kanilang mga hininga habang nagtatagpo ang kanilang mga anino sa dingding.

Nakainom ang lalaki kaya hindi siya naging banayad sa pagkakataong iyon. In fact, may bahid pa ng galit at tila may halong pagpaparusa ang bawat kilos niya.

Nakapikit lamang si Allara Martinez habang tahimik na tinitiis ang ginagawa ng lalaki.

"Allara, open your eyes. Tumingin ka sa akin."

Bigla siyang hinawakan ng lalaki sa baba. Napangiwi siya sa sakit nang marinig ang malalim at paos nitong boses sa ibabaw niya. May halong pagkainis ang bawat salitang binitiwan nito.

Dahan-dahang iminulat ni Allara ang mga mata.

Saktong tumama ang sinag ng buwan sa matalim at perpektong gilid ng mukha ng lalaki.

Sandaling natigilan si Allara.

Parang bigla siyang bumalik sa nakaraan.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang huli silang magkita sa sementeryo at maghiwalay nang hindi maganda.

Araw iyon ng death anniversary ng kambal nilang anak—isang lalaki at isang babae.

Pero sa halip na samahan siya at damayan sa araw na iyon, malamig lamang siyang sinabihan ng lalaki.

"Busy ako. Wala akong oras para samahan ka sa kabaliwan mo."

Pagkatapos ay umalis ito.

At sa loob ng isang buong buwan, hindi na muling umuwi ang lalaki.

Isang biglaang kirot sa may collarbone ang nagbalik sa kanya sa kasalukuyan.

Napatingin siya sa lalaking kaharap niya at muling sinalubong ang madilim nitong mga mata.

"Focus."

Paos ang boses nito. Mas lalong nadagdagan ang iritasyon sa tono nito.

Bahagyang kumurap si Allara. Biglang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Theo..."

Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay. Gamit ang malamig niyang mga daliri, marahan niyang hinaplos ang bahagyang nakakunot na noo ng lalaki.

Nanginginig ang boses niya nang magsalita.

"Magkaroon na lang ulit tayo ng baby... Please."

Biglang natigilan ang lalaki.

Ang madilim nitong mga mata, na kanina'y puno ng pagnanasa, ay nanatiling nakatitig sa kanya.

"Allara, seryoso ka ba?"

Hindi sumagot si Allara.

Sa halip, pinalibutan niya ng mga braso ang leeg ng lalaki at bahagyang itinaas ang mukha upang halikan ito.

Bahagyang naningkit ang mga mata ng lalaki. Isinuksok nito ang mahahaba nitong daliri sa buhok niya at mahigpit na hinawakan ang likod ng kanyang ulo.

Ngunit bago pa tuluyang magtagpo ang kanilang mga labi, bahagya nitong ibinuka ang bibig.

Mainit ang hininga nito, pero napakalamig ng sumunod nitong mga salita.

"Allara, kailan ka pa huling tumingin nang maayos sa sarili mo sa salamin?"

Natigilan siya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.

At sa repleksiyon ng madilim na mga mata ng lalaki, nakita niya ang sarili niyang mukha.

Payat na payat. Maputla. Naninilaw.

Halos hindi na niya makilala ang sarili.

Biglang kumalas ang lalaki sa kanya.

Bumangon ito sa kama, kinuha ang bathrobe na nakapatong sa gilid at basta na lamang itong isinuot. Nakatalikod sa kanya, walang kahirap-hirap nitong itinali ang sinturon sa baywang.

"Sa lagay mong 'yan, huwag ka nang mangarap na makapanganak. Kahit nga mabuntis ka, malabo pa."

Sandaling napahinto ang paghinga ni Allara.

Napatitig lamang siya sa lalaki, hindi makapaniwalang narinig ang mga salitang iyon.

Malapad ang mga balikat nito, makitid ang baywang, at matalim ang gilid ng mukha.

Hindi man lamang ito lumingon sa kanya.

"At kahit mabuntis ka nga, sa kondisyon ng katawan mo ngayon, hindi rin ako naniniwalang kaya mong gampanan nang maayos ang pagiging isang ina."

Hindi siya tiningnan ng lalaki.

Para bang wala lang sa kanya ang bawat salitang binitiwan niya.

Ngunit para kay Allara, bawat isa sa mga iyon ay parang matalim na kutsilyong paulit-ulit na humihiwa sa puso niya.

Ang kaunting lakas ng loob na matagal niyang binuo para sabihin ang kagustuhan niyang magkaroon ulit sila ng anak ay tuluyan na namang nadurog.

Bago pa siya makapagsalita, pumasok na si Theo Martinez sa banyo.

Isinara nito ang p***o.

Maya-maya, narinig niya ang sunod-sunod na patak ng tubig mula sa loob.

Samantala, nanatiling nakahiga si Allara.

Para siyang isang katawang wala nang kaluluwa.

Nakatitig lamang siya sa kisame. Wala ni katiting na emosyon sa kanyang mga mata.

Makalipas ang ilang sandali, tumigil ang agos ng tubig.

Bumukas ang p***o ng banyo at lumabas ang lalaki na nakabalot ng tuwalya sa baywang.

Hindi man lamang nito muling sinulyapan si Allara na nakahiga sa kama.

Diretso itong pumasok sa walk-in closet upang magbihis. Nang maging maayos na ang itsura nito, tuluyan na itong lumabas ng kuwarto nang hindi man lang lumilingon.

Maya-maya, mahina niyang narinig ang tunog ng umaandar na sasakyan mula sa ibaba.

Umalis na naman si Theo.

Muling binalot ng katahimikan ang buong kuwarto.

Dahan-dahang hinila ni Allara ang kumot upang takpan ang payat niyang katawan.

Pumihit siya patagilid.

Tumama ang malamlam na liwanag ng buwan sa kanyang likod. Kitang-kita ang bawat umbok ng kanyang gulugod sa ilalim ng manipis niyang balat.

Hindi maikakaila.

Sa kasalukuyang kondisyon ng kanyang katawan, talagang malayo siya sa pagiging isang malusog na ina.

Sa loob ng limang taon, hindi siya tinigilan ng mga bangungot.

Sa sobrang dalas ng mga ito, unti-unti siyang naging dependent sa mga gamot. Halos wala nang pagkaing nananatili sa kanyang tiyan dahil mas marami pa ang naibabalik niya kaysa sa naipapasok.

Sa taas niyang 170 centimeters, 40 kilograms na lamang ang kanyang timbang.

Dahan-dahang inalalayan ni Allara ang sarili upang makabangon mula sa kama.

Inalis niya ang kumot sa kanyang katawan at naglakad papunta sa walk-in closet.

Huminto siya sa harap ng full-length mirror at tahimik na pinagmasdan ang sarili.

Kahit ang pinakamaliit na size ng pambahay niyang damit ay maluwag pa rin sa kanyang katawan.

Payat na payat siya. Naninilaw ang mukha, lubog ang mga mata, at tila wala nang buhay ang kanyang buong pagkatao.

Nanginginig ang kanyang mga daliri nang marahan niyang haplusin ang tuyo at magaspang niyang buhok.

Dati, palaging sinasabi ni Theo na gustong-gusto nito ang mahaba niyang buhok.

Maging ang mga shampoo at conditioner na ginagamit niya noon ay personal pang hinahanap at ipinapa-order ng lalaki mula sa ibang bansa. Mga specially customized na produkto para lamang sa kanya.

Noong mga panahong iyon, halos lahat ng magkakaibigan nila ay naiinggit sa kanya.

Palagi nilang sinasabi na napaka-swerte niya kay Theo.

Dahil sa sobrang pag-aalaga nito sa kanya, maging ang bawat hibla ng buhok niya ay tila pinaglaanan ng espesyal na atensyon.

Pero matapos mawala ang kambal nilang anak, gumuho ang lahat ng magagandang bagay na minsan nilang pinagsaluhan.

Dahan-dahang hinaplos ni Allara ang lubog niyang pisngi gamit ang nanginginig na mga daliri.

Hindi na niya napigilan ang sarili.

Napaupo siya sa sahig, niyakap ang payat niyang katawan, at tuluyan nang humagulgol.

Sa wakas, inilabas niya ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim.

…

Kinagabihan, bigla siyang nilagnat nang mataas.

At sa gitna ng kanyang mahimbing na pagkakatulog, muli niyang napanaginipan ang dalawa niyang anak.

Isang linggo na lang sana at sasapit na ang kanilang due date.

Pero dahil sa isang kidnapping incident, hindi na nila nagawang isilang nang buhay ang kambal.

Namatay ang mga ito sa sinapupunan niya.

Sa panaginip ni Allara, unti-unting lumaki ang dalawang bata hanggang sa maglimang taong gulang.

Kamukhang-kamukha ng batang lalaki si Theo, habang ang batang babae naman ay mas nagmana sa kanya.

Sa panaginip, nakangiting lumapit sa kanya ang dalawa.

"Mommy, kailangan mong magpagaling, okay? Magpakatatag ka!"

Hinawakan ng dalawang bata ang kanyang mga kamay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
33 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status