Napasigaw ang lalaking hawak-hawak ni Greg nang mas hilahin niya pa lalo ang mga kamay nito. “Nasaan ang ninakaw mong hikaw?” malamig na tanong niya rito.“Wala akong alam sa sinasabi mo! Bitiwan mo ako!” pagmamatigas ng lalaki sa kaniya.Mas hinila niya pa ang kamay nito at narinig niya ang pagda*ng nito dahil sa sakit. “Ilabas mo na dahil ayoko ng paulit-ulit. Huwag mong hinataying baliin ko pa itong kamay mo bago mo pa ilabas ang ninakaw mo.” sabi niya rito at sinamaan ito ng tingin.“Ibibigay ko na. Ibibigay ko na…” sumusukong sabi nito. Pagkatapos niyang marinig ito ay bahagya niyang niluwagan ng kaunti ang pagkakahawak sa kamay nito hanggang sa tuluyan niyang binitawan ang isang kamay nito ngunit nakadagan pa rin siya sa likuran nito.Ilang sandali pa ay inabot na sa kaniya nito ang isang hikaw. Nang mailagay nito sa kanyang kamay ang hikaw ay sinenyasan niya ang isa sa mga kasamahan niya na posasan na ang lalaki at pagkatapos ay tumayo na siya. Akmang ibibigay na sana niya ang
Nanlaki ang mga mata ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “What?” salubong ang kilay niyang tanong rito dahil baka mali lang siya ng narinig.Ngunit bago pa man siya makapagtanong ulit ay mabilis siya nitong hinila palapit sa kotse at pagkatapos ay sapilitang pinasakay doon. Pagkasakay niya ay hindi pa rin siya makapagsalita dahil naguguluhan pa rin siya hanggang sa mga oras na iyon.Ilang sandali pa ay nakita niya mula sa rearview mirror ng sasakyan na sinulyapan siya ng driver ng kotse at pagkatapos ay ngumiti. Nilingon niya ang sumakay sa tabi nito. “Boss parang ang dami mong dapat ikwento sa akin ah. Ito na ba ang magiging hipag ko?” tukso nito sa katabi nito.“Magmaneho ka na nga lang. Masyado kang maraming sinasabi.” inis naman na sagot nito rito.Mas lalo lamang lumawak ang pagkakangiti nito at pagkatapos ay muli siyang sinulyapan bago nito pinaandar ang kotse.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakabawi mula sa pagkakagulat niya at pagkatapos ay nilingon ang lal
Pagkatapos ipa-check ni Annie ang kanyang tenga at makainom ng gamot ay kaagad siyang tumawag sa kanilang driver na sunduin siya doon. Isa pa ay mabuti na lamang at dala niya ang ilang card niya kaya hindi na niya pinroblema pa ang pambayad sa doktor. Idagdag pa na naki-charge pa siya doon para lamang makatawag sa bahay nila.Pagdating ni Annie sa kanilang bahay ay madilim na sa labas. Agad siyang dumiretso sa kanilang silid at pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang madilim na silid. Hindi pa nakasindi ang mga ilaw kaya tama ang hinala niya na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin umuuwi si Lucas doon.Pumasok siya at binuksan ang mga ilaw. Sa loob ng tatlong araw pagkatapos nitong umalis nang gabing iyon ay hindi man lang sila nakapag-usap na dalawa. Walang tawag o ni kahit isang text man lang galing rito. Dahil nga lowbat pa rin ang kanyang cellphone ay naisipan niyang i-charge na muna ito hanggang sa pagkasaksak na pagkasaksak niya pa lamang ay kaagad itong tumun
Pagdating nila sa ikalimang palapag ay hindi mapigilan ni Kian na hindi mapatitig sa nasa kanyang unahan na tila walang kapagod-pagod sa pamimili. Sa totoo lang ay medyo nahihirapan na siyang bitbitin ang mga pinamili nito at sumasakit na rin ang kanyang mga paa dahil sa kakalakad.Bigla tuloy niyang naalala na hindi naman ito ganuon noon. Hindi ito namimili ng katulad ngayon dahil napakatipid nito. Isa pa ay hindi ito bumibili ng mga bagay na sobrang mahal pero ngayon ay wala itong pakialam kung magkano ang presyo ng mga pinapamili nito at hindi niya maiwasang hindi mapasabi sa kanyang sarili na tila hindi ito normal ngayon.Napatigil siya sa kanyang paglalakad nang bigla na lamang din itong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. “Kailangan pa nating mamili sa ikalimang palapag.” sabi nito sa kaniya.Napatango na lamang siya at hindi sumagot rito. Sa totoo lang ay pagod na talaga siya at gustong-gusto na niyang ipahinga ang kanyang mga paa ngunit syempre ay hindi niya iyon pwed
Pagkalabas na pagkalabas ni Annie sa banyo at biglang umayos ng tayo si Lucas at pagkatapos ay nilapitan siya.“You look pale Annie. May sakit ka ba?” tanong nito sa kaniya.“Wala.” mabilis siyang sagot rito pagkatapos ay nilampasan na ito ngunit nagulat siya nang bigla na lamang hinawakan ni Lucas ang kanyang kamay upang pigilan siya sa paglalakad.“Tingnan mo nga yang sarili mo, napakaputla mo. huwag ka ng magmatigas pa at kailangan mong magpatingin sa doktor.” sabi nito sa kaniya.Hinila niya ang kamay niya mula rito at pagkatapos ay nagsalita. “Sinabi ko na sayo, wala akong sakit kaya hindi ko na kailangan pang magpacheck sa doktor.” sabi niya at muling tinalikuran ito ngunit mas naging mabilis ang mga kamay nito at muli siya nitong hinawakan sa kamay at hinila sa sulok.Kaagad siya nitong isinalya sa pader ngunit hindi naman masakit at pagkatapos ay iniharang nito ang dalawang kamay sa magkabila niyang side kaya hindi siya makagalaw.“Ano bang ginagawa mo Lucas ha?!” galit na sab
Nang malapit nang dumampi ang kanyang mga labi sa labi ni Lucas ay bigla na lamang sila pareho nakarinig ng lagapak kaya natigil din siya. Paglingon siya sa kanyang side ay nakita niyang nasa sahig na si Trisha at nahulog na mula sa wheelchair nito.Bigla siyang tiningnan ni Lucas. “Uuwi ako mamayang gabi, doon na lang tayo mag-usap sa bahay.” sabi nito bago ito nagtatakbo palapit sa babaeng mahal nito.“Anong nararamdaman mo? Okay ka lang?” sunod-sunod na tanong nito habang binubuhat nito ito pabalik sa wheelchair nito.Bigla naman niyang nakita ang pag-arte ni Trisha na may paiiyak-iyak pa. “Ang-ang sakit ng paa ko.” sabi nito at pagkatapos ay marahang hinaplos ang paa.Pagkatapos nitong maiupo si Trisha ay ito naman ang umupo sa harap nito at marahang minasahe ang bukong-bukong nito. Wala siyang nakagawa kundi ang mapairap na lamang mula sa kanyang kinatatayuan. Napakuyom din ang kanyang mga kamay habang pinapanuod niya si Lucas habang alalang-alala kay Trisha.Mukhang mahal na mah
Dahil nga sa utos ni Lucas ay sinundan ni Kian si Annie ngunit ang inakala niyang bumaba na ay nagtungo pala sa jewerly store kung saan pumasok sina Lucas at Trisha.“Miss pwede mo bang ilabas ang mga singsing na tiningnan kanina nung lalaking pogi at nung babaeng naka-wheelchair. Gusto kong makita ang mga iyon.” sabi niya sa teller.Agad naman itong ngumiti sa kaniya. “Sure ma’am.” sabi nito at pagkatapos ay tumalikod na para sa kuhanin ang mga singsing.Mabilis na bumalik sa harap niya ang teller dala ang isang singsing. Sinulyapan niya ang teller at pagkatapos ay nagtanong. “Ito lang ba ang tiningnan nila kanina? Wala na bang iba?” “Ay tatlong singsing po ang tiningnan nila kanina ma’am.” nakangiting sabi nito sa kaniya. “Pero ito po yung last na tiningnan nila.”“Nasaan yung dalawa? Gusto kong makita.” sabi niya rito.“Okay ma’am wait lang po at kukuhanin ko.” nakangiting sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay muling tumalikod.Hindi nagtagal ay muli itong bumalik at pagkatapos ay
Napakaliit talaga ng mundo. Sa dami-dami ng taong makikita niya ay ang mga ito pa talaga. Biglang umahon ang matinding inis sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Nakita niyang naupo ang mga ito sa pinadulong mesa dahil kahit na may sari-sariling silid ay transparent na salamin ang naghihiwalay sa bawat room kaya malinaw niyang nakita ang mga ito, pero marahil ang mga ito ay hindi siya napansin. Bigla siyang napasulyap sa mga pagkaing nasa harap niya ng wala sa oras at bigla siyang nawalan ng gana. Ngunit bigla na lamang pumasok sa isip niya na kailangan nga pala ng saggol sa tiyan niya ng nutrisyon kaya pinilit niyang kumain ng kumain.Lalo na ang mga hipon na sa pakiramdam niya ay medyo malansi ang kinain niya ng kinain at halos hindi na nginuya at nilunok nalang ng nilunok. Pagkatapos niyang kumain ay bigla siyang napatingin sa kanyang tapat kung saan ay nakaupo si Kian.“Kian matanong ko nga, gaano ka na katagal nagta-trabaho para kay Lucas?” biglang tanong niya rito.Nag-isip naman