Beneath His Shadow

Beneath His Shadow

last updateLast Updated : 2025-12-02
By:  AnoushkaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
5Chapters
273views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Alam nilang mali. Alam nilang delikado. Pero sa pagitan ng sakit ng nakaraan at init ng damdamin, may isang bagay silang parehong kinatatakutan...ang tuluyang mahulog sa isa’t isa.

View More

Chapter 1

1

“Today is a good day for our BW Technology to go public. I believe that under the leadership of our founder, Ms. Avery, BW Technology will embark on a new glory. “

Narinig ni Avery ang boses mula sa cellphone.

Napaigtad siya. Napadilat. Ang unang tumambad sa kanya, madilim, masikip, at malamig. Nakatali siya sa loob ng sariling kotse.

Sandaling naguluhan ang isip niya. Naalala niya ang huling sandali bago siya mawalan ng malay, ang basong alak na inabot ng kanyang ama, ang ngiti nito habang sinasabing gusto lang makipag-celebrate.

Ngayon, nasa gilid siya ng isang bangin. At sa labas ng kotse, nandoon ang buong pamilya niya, ang ama, at tatlong kapatid na lalaki. Lahat sila, nakatingin sa kanya nang malamig.

“Dad, kuya… ano ‘to? Bakit niyo ako dinala rito?” nanginginig ang boses niya.

Sa tabi ng ama, nakatayo si Avina, ang kakambal niyang kapatid. Suot nito ang parehong suit at make-up, pati lipstick, eksaktong kopya ng kanya. Para silang salamin.

Limang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay ang kanilang mga magulang. Sabi noon ng ina, gusto niyang isama si Avery sa Guzman, pero nagmakaawa si Avina, gusto raw niyang pumunta sa Guzman kapalit niya. At mula noon, siya ang naging “anak” ng Guzman.

Ngayon, narito silang muli, ngunit may mas masahol na balak.

“Palagi kang matapang at matigas ang ulo. Dahil sa’yo, nanghihina si Avina simula pa sa sinapupunan. Ninakaw mo ang nutrisyon niya noon, kaya marupok ang katawan niya. Utang mo ‘yon, Avery. At ngayong may pagkakataon kang magbayad, hindi mo na ‘to matatakasan.” Malamig na sabi ng ama.

Napasinghap siya. “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi gusto ng Guzman si Avina. Pinipilit siyang ipakasal sa probinsya. Kaya mula ngayon, ikaw na si Avina.”

Humakbang ang panganay niyang kapatid, si Joshua, isang civil servant. “Dapat hindi na lang ako nakinig sa’yo noon na kumuha ng government exam. Sayang ang degree ko, tapos eto lang kinikita ko. Lahat ginawa ko dahil sabi mo ‘para sa pamilya.’ Pero alam mo? Hindi kita kailangan bilang kapatid ko. Si Avina lang ang tunay na nagmamalasakit.”

Sumunod ang pangalawang kapatid, si Jerry, isa ng sikat na artista. “Ginamit mo lang ako. Sinasabing tinulungan mo akong makapasok sa showbiz, pero totoo, gusto mo lang magamit ang pangalan ko. Hindi ko na kailangang pagtiisan ‘to.”

At ang bunsong kapatid, si Jonathan, isang boxing champion, ay nagsalita rin. “Pinilit mo akong mag-training araw-araw. Alam mo ba kung ilang beses akong nabugbog noon? Pero si Avina, siya lang ang nakaintindi sa akin. Kaya huwag mong isisi sa amin kung gusto ka naming mawala.”

Si Avina, na nakatayo sa gilid, umiiyak kunwari. “Ate… ayoko talaga nito, pero kailangan kong sundin si Dad at mga kuya. Alam kong maiintindihan mo.”

Halos manigas si Avery. Nanginginig ang labi niya.

“Maiintindihan ko?” mahinang sabi niya. “Ako ang nagtrabaho ng tatlong trabaho araw-araw para mabayaran ang tuition at review ni Kuya Joshua sa civil service. Ako ang nakipag-inuman hanggang masira ang sikmura ko, para lang makahanap ng investor para sa karera ni Jerry. Ako rin ang naghatak kay Jonathan papunta sa boxing gym, para matigil siya sa bisyo. At kay Dad, ako ang naghanap ng investors para makapagsimula siya ng negosyo!”

Tumingin siya sa kanila, luhaan. “Ginawa ko ‘to lahat para sa inyo. Para sa pamilya natin.”

Ngunit ang sagot ng ama’y malamig, halos walang emosyon. “Alam mong hindi ‘yan totoo. Ginawa mo ‘yan para umangat ka rin. Kung wala kami, magiging sino ka lang? Wala. Isang damong ligaw na pwedeng tapakan kahit kailan.”

Parang binuhusan ng yelo ang dibdib ni Avery. Ang pamilya na minahal at ipinaglaban niya, sila mismo ang nagtulak sa kanya sa bingit.

Dahan-dahan, umandar ang sasakyan. Naunawaan niyang gusto nilang itulak siya pababa ng bangin.

Ngunit bago pa man nila magawa, nagliyab ang galit sa mga mata ni Avery.

“Gusto niyong mamatay ako? Fine. Pero isasama ko kayong lahat.”

Binuksan niya ang lock ng kotse gamit ang boses, sinipa ang reverse gear, at buong lakas na pinaharurot paatras, diretso sa mga nakatayo niyang “pamilya.”

Ang tunog ng pagbangga ay parang pagsabog. At matapos ang lahat, katahimikan.

Hindi niya inasahang bubuksan pa niya ulit ang mga mata. Ngunit nang dumilat siya, bumungad ang lumang bahay nila, ang bahay noong labing-walo pa lang siya, araw ng paghihiwalay ng mga magulang niya.

Huminga siya nang malalim. Muling bumalik ang lahat, pero ngayon, hindi na siya ang parehong Avery. Bumalik siya sa nakaraan.

Habang naririnig ni Avery ang pamilya niyang pinag-uusapan kung paano sila makikinabang sa Guzman at kung paano siya magtatrabaho pa ng extra para matustusan ang mga gastusin nila, napatingin siya sa fruit knife sa mesa.

Tumayo ang kakambal niyang si Avina, agad na nagsalita nang may kaseryosohan.

“Ayoko umalis kina Dad at mga kuya. Kahit gaano kayaman ang Guzman, mas mahalaga sa’kin ang pamilya ko. Kahit kanin at asin lang kainin ko araw-araw, basta kasama ko sila, masaya na ako.”

Naantig ang lahat sa sinabi ni Avina.

Napatigil si Avery. Tinitigan niya ang kakambal na may ngiting panalo sa labi. 

‘Reborn din ba siya?’ Napaisip siya. Kung ayaw ni Avina na pumunta sa Guzman, mas mabuti.

Pinigilan niya ang galit na kumukulo sa dibdib at kalmadong tumayo.

“Kung gano’n,” sabi niya, “ako na lang ang sasama kay Mama sa Guzman.”

Habang nag-iimpake siya, lumapit si Avina at nagsalita na parang may babala.

“Ate, huwag mong isipin na mababait ang Guzman.”

Napatigil si Avery sa paglalagay ng mga gamit sa bag. Naalala niya, noong nakaraang buhay niya, narinig niya mismo si Avina sa video call, nagrereklamo tungkol sa Guzman.

Ayon kay Avina noon, ang matandang ginang ng Guzman ay “old-fashioned,” pinipilit siyang matutong tumugtog ng piano, mag-calligraphy, at mag-aral ng etiquette araw-araw. Si Chairman naman, sobrang kuripot daw, kahit milyonaryo, halos walang binibigay na allowance kaya hindi raw siya makabili ng branded bags. Lagi raw siyang pinapahiya ng mga stepbrothers na parang yelo kung kumilos, tahimik, malamig, at laging nagbabantay sa kanya. Minsan nga raw gusto pa siyang lagyan ng CCTV sa kwarto’t banyo. Pati mga kasambahay, hindi siya iginagalang bilang anak ng Guzman.

At higit sa lahat, galit na galit siya noon sa tagapagmana ng Guzman, si Davian. Tinawag niya itong malupit, walang puso, at parang baliw. Lagi raw siyang tinitingnan na parang wala siyang halaga, parang bangkay.

Tahimik lang si Avery habang nag-aayos ng gamit, malamig ang mukha.

“Hindi ko kailangan ng mabubuting tao,” mahina niyang sabi, “ang gusto ko lang, mga taong may konsensya.”

Hindi naintindihan ni Avina ang kahulugan noon at nagpatuloy pa sa pangungutya.

“Pinapayuhan lang kita. Huwag mong isipin na pag napunta ka sa Guzman, instant success ka na. Kahit nakatira tayo ngayon sa maliit na apartment, in less than five years, aangat din tayo. Ako mismo, magiging young entrepreneur ako!”

Napangisi si Avery. ‘Salted fish turn over? Tingnan lang natin,’ naisip niya. Kung wala ako, paano kaya malalampasan ni Dad ang mga problemang paparating?

Ilang damit lang ang dala ni Avery. Pagkatapos magbihis, tinawag siya ng driver ng Guzman na susundo sa kanya.

“Miss Avery,” magalang na bati ng driver habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. “Pinapasundo kayo ng Madam. Nasa abroad si Ma’am at si Chairman, kaya ako na ang inutusan. Saang bahay po kayo dadalhin, sa lumang mansyon kasama ang matandang ginang, o sa villa ng eldest master?”

“Sa old house na lang,” sagot niya.

Ang lumang mansyon ng Guzman ay nasa gilid ng bundok. Pagdating nila, sinalubong siya ng butler at dinala sa living room. Hindi pa man siya nakapasok, narinig na niya ang boses ng isang matanda.

“Tingnan mo ‘yang postura mo. Umupo ka nang maayos, tumayo ka nang tuwid. Pag nakita ka ng kapatid mong babae mamaya, dapat matuto ka.”

Alam ni Avery na iyon ang matandang ginang ng Guzman. Ngunit sa tono ng boses nito, malumanay at may halong lambing, malayo sa inilarawang “matandang halimaw” ni Avina noon.

Sumagot naman ang isang lalaking may malalim at tamad na boses.

“Grandma, what sister are you talking about? I’m the youngest here. She’s not even related to us.”

Mariing sumagot ang matanda, “Huwag kang magsalita nang ganyan. Walang bastos sa pamilya natin. Ang nanay niya ay asawa na ng tatay mo, kaya anak na rin siya ng Guzman. Huwag mong babastusin ang kapatid mo.”

Sumimangot ang lalaki. “Tsk. You’re being biased, Grandma. Hindi pa nga siya dumarating, kinakampihan mo na.”

Mula sa likod, isang malamig na boses ang umalingawngaw.

“Draven, huwag kang bastos sa lola mo.”

Naramdaman ni Avery ang lamig sa likod niya. Paglingon niya, isang matangkad na lalaki ang nakatayo, itim ang suot, seryoso ang ekspresyon.

Si Davian. Ang tagapagmana ng Guzman Group. Ang taong kinatatakutan at kinamumuhian ni Avina.

Halos hanggang balikat lang ni Avery ang taas ng lalaki. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at ang mga labi ay maninipis, ang buong anyo niya ay malamig at malayo sa lahat.

Mababa ang boses ni Avery nang batiin ito.

“Kuya, ako po si Avery.”

Tumingin lang si Davian sa kanya, mariin, saka inalis ang tingin.

“I don’t make a habit of recognizing random sisters,” malamig niyang sabi. “Mas mabuting palitan mo ang tawag sa akin, Miss Tamayo.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status