Share

CHAPTER 3

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2023-11-14 20:57:05

Yukung-yuko ang ulo ni Yolly na dumaan sa mga nagtatawanan na kapwa niya estudyante. Kipkip niya sa dibdib nang mahigpit ang kanyang mga libro na tila sandalan niya ngayon ng lakas para makalampas siya sa mga estudyanteng nagmumura, nagtatawanan at nambabato sa kanya ng kung anu-ano.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo?" mangiyak-ngiyak niyang malakas na tanong. Nagulat na lang kasi siya pagpasok niya na ganoon na ang trato sa kanya ng mga schoolmates niya. Galit na galit sila sa kanya, at hindi niya alam kung bakit.

Malakas na "Boooo!!" ang isinagot sa kanya ng marami. Mga lalong nagtawanan.

"Ang kapal mo!" dinig niyang sigaw sa kanya ng isang bakla.

"Selfie pa more, pangit!" kantyaw rin ng isang lalaki na maangas.

"Ambisyosang monkey ka, girl!" panliliit naman ng isang babae sa kanya.

Tuluyan nang lumuha si Yolly. Sanay na siya na nilalait dahil aminado naman siya na siya ang kakaiba sa school nila gawa ng naiibang istilo niya sa pananamit at pag-aayos sa sarili. Pero sobra sila ngayon kaya hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi mapaluha.

Natigil siya sa gitna ng campus ground. Isinubsob niya ang ulo sa mga libro niya at doon nag-iiyak. Patuloy pa rin ang mga estudyante sa pagkantyaw sa kanya. Parang ayaw na siyang tigilan. Mga walang awa.

"Si Andy pa talaga? Kapal mo!" sigaw na naman ng isang estudyante.

"Sira ulo!" Binato naman siya ng isang mayabang na lalaki ng lata ng soft drink na walang laman. Buti hindi siya natamaan.

Ang iba ay panay lang ang video sa kanya at picture.

Lalong nag-iiyak si Yolly sa gitna ng maraming estudyante. Pinapyestahan na siya talaga, pinalibutan, at halos mabingi siya sa mga tawanan sa kanya.

Pasalamat niya't dumating na ang mga guwardya at hinawi ang mga estudyante.

"Tama na! Pumasok na kayo sa mga klase niyo! Pasok!" awat ng isang medyo bata pang guwardya sa mga makukulit at masasamang ugali na mga estudyante.

"Booooooo!" Subalit ito man ay binoo rin ng mga etudyante.

Nang may sunod-sunod na tunog ng pito ng ilan pang guwardya na parating ay doon lang isa-isang nag-alisan ang mga estudyante. Pero bago umalis ang iba ay kung anu-ano pa ang ibinato nila kay Yolly. Mga kinalumos na papel at iba pang mga basura. Halatang pinaghandaan nila ang pag-a-ambush kay Yolly.

"Okay ka lang?" tanong ni Leandro na isa sa mga guwardya kay Yolly nang wala na ang mga estudyante. Pinampag nito ang mga sumabit sa katawan ng dalaga na mga basura.

Tumango si Yolly na humihikbi. Kawawa ang hitsura niya. Hiyang-hiya siya.

"Ano bang nangyari? Bakit binully ka na naman ng mga iyon?"

"Hindi ko po alam. Pero siguro dahil sa ipinost ng pinsan ko na picture namin ni Andy kagabi," sisinghot-singhot niyang sagot. Inayos niya ang malaki niyang salamin sa mata.

"Kaya naman pala. Dapat kasi hindi niyo na pinost kung anuman 'yon," ani Leandro habang inalalayan siya. "Halika dadalhin kita sa clinic."

"Huwag na po. Okay lang po ako," pero tanggi niya sa mabait na guwardya, na sa kanyang tingin ay hindi naman nalalayo ang edad nila. Pinapatanda lang ito ng uniform nitong suot ang hitsura nito. Gayunman ay masasabing may hitsura ito. Guwapo pa rin.

"Sigurado ka?"

"Opo, saka may klase pa kasi ako. Baka ma-late na po ako."

"Sige kung gano'n."

"Sige po. Salamat po." Magalang na yumuko siya saka patakbo nang umalis.

Naiwan si Leandro na iiling-iling habang nakasunod tingin na lang sa palayong si Yolly. Sa isip-isip nito'y kawawang dalaga. Lagi na lang napagti-trip-an.

"Anong nangyari sa 'yo?" Gulat na gulat naman si Cristine nang makita nito ang ayos ng kanyang pinsan na pumasok sa kanilang classroom. Ang dumi-dumi kasi ni Yolly.

"W—wala," mahina ang boses na sagot ni Yolly kay Cristine at tinungo na ang upuan niya. Ayaw niya ulit ng gulo, lalo na't nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na pati ang mga kaklase nila ay ang sama ng tingin sa kanya.

"Sinong may gawa niyan sa 'yo?! Sabihin mo at uupakan ko!" maangas na ani Cristine. Naglislis ito ng mga manggas ng damit nito.

"Feeling sikat kasi kaya ayan ang napala niya," pasaring ng isa nilang kaklase.

"Anong sinabi mo?!" Hinarap agad ito ni Cristine.

"Totoo naman, eh. Tingnan mo nga mukhang absent si Andy ngayon dahil sa kahihiyang ginawa niya."

Pagkarinig niyon ay awtomatiko na napalingon si Yolly sa upuan ng binatang guwapo. Bakante nga iyon. Na-guilty siya agad.

"Ano ba ang ginawa ng pinsan ko?!" bulyaw ni Cristine sa mga kaklase nilang nagmamatapang.

"Tanungin mo siya. Si-selfie-selfie pa kasi, ‘yan tuloy ang napala niya. Akala mo naman may karapatan siyang mag-selfie kasama si Andy! Ew!" Pero ayaw paawat ang estudyanteng madaldal.

"Oo nga. Kakadiri. Ang guwapo ni Andy para tabihan niya sa picture. Nagmukha siyang unggoy," segunda ng isa pang mapanlait na kaklase nila. Sinundan nito iyon ng malutong na tawa.

"Bakit, ha? Anong tingin niyo sa sarili niyo, ha?! Tumingin nga rin kayo sa salamin!"

"Cristine, tama na," awat na ni Yolly sa pinsan. "Hayaan mo na sila."

"Mga ito, eh! Akala mo ang gaganda at ang gaguwapo!"

Malakas na nagtawanan ang mga kaklase nila. Pati si Cristine ay dinamay na sa pambo-boo sa kanya.

"Tse!" Pero ayaw ring patalo si Cristine. Muntik na nitong ibalibag ang isang upuan sa huling nagsalitang kaklase sila.

"Tama na," pakiusap ni Yolly. Naiiyak na siya sa sobrang kahihiyan.

"Ikaw makatawa ka! Bad breath ka naman!" Duro pa rin ni Cristine sa mga kaklase. "Ikaw makatawa ka rin! Puro ka naman pimples! Mahiya ka rin sa mukha mo!"

Sa kasamaang palad, mas malakas pa na BOOOO ang umalingawngaw sa classroom. Mas pinagtawanan silang magpinsan.

Napahagulgol na ng iyak si Yolly. Nagkakagulo na dahil lang sa pagse-selfie nila ni Andy. Sana hindi na lang niya ni-request 'yon sa binata. Sana walang ganitong gulo. At sana hindi na kailangang mag-absent ni Andy.

"Yolly, huwag kang umiyak! Inggit lang 'yang mga 'yan sa iyo!" alo sa kanya ni Cristine.

*********

"ANDY, gising na?" Mahinang tapik ni Yaya Chadeng sa alaga niyang tulog pa rin, eh, tanghaling tapat na. Akala niya ay pumasok na ito sa school, hindi pa pa rin pala.

Hindi kasi nag-aalmusal si Andy kaya sanay na si Yaya Chadeng na bigla na lang itong mawawala sa bahay. Pero hindi pa pala pumapasok ang binata dahil heto't nakabaluktot pa rin sa kama.

"Hmm," ungol ni Andy na umayos nang pagkakahiga. Ngumiwi ito. Parang may masakit dito.

"May klase ka, 'di ba? Bangon ka na—" Natigilan si Yaya Chadeng nang makapa niyang mainit pala ang alaga. Ang taas pala ng lagnat nito. "Ay! Ay! Bakit hindi mo sinasabi na nilalagnat ka pala?!"

Nataranta na ang matanda.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janice Aguila
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 3

    "’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 2

    Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 1

    "Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   LAST CHAPTER

    May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 86

    "Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 85

    As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 84

    "Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 83

    "Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 82

    Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status