Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

last updateLast Updated : 2025-10-23
By:  DeigratiamimiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
8Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Marga’s POV

Pagkatapos ng ilang buwang pagod at puyat, sa wakas ay natapos din namin ang isa sa pinakamalaking kaso ng taon. Halos lahat ng tao sa opisina ay masaya, nagsisigawan pa nga ang iba sa tuwa habang tinatanggal na ang mga tape sa evidence board. Si Chief mismo ay pumalakpak at ngumiti.

“Good job, team! I’m proud of all of you,” sabi niya habang tumingin sa akin. “At lalo na sa’yo, Marga. Kung hindi dahil sa tiyaga mo sa surveillance, hindi natin mahuhuli ‘yong sindikato.”

Napangiti ako kahit pagod. “Ginawa ko lang po ang trabaho ko, Chief.”

“Eh pero hindi lahat kaya gawin ang ginawa mo,” sabat ni Luis, isa sa mga partner ko sa field. “Tatlong araw ka halos hindi natulog, ‘di ba? Kung ako ‘yon, baka nag-resign na ako.”

Nagkatawanan ang lahat. May naglabas ng beer mula sa mini fridge ng opisina.

“Celebrate tayo mamaya!” sigaw ni Carla, ang pinakamasigla sa grupo. “Sa may bar malapit sa station. Libre ni Chief, sabi niya kanina.”

“Tama!” sabay sabat ni Luis. “Marga, dapat sumama ka. Once in a lifetime lang ‘to.”

Umiling ako habang inaayos ang mga gamit ko. “Gusto ko sana, pero birthday ni Dominic ngayon. Baka magtampo ‘yon pag hindi ako umuwi.”

“Ay, si Dom!” agad sabat ni Carla. “’Yong boyfriend mong unemployed, pero laging may bagong cellphone?”

Napataas ang kilay ko. “Hindi siya unemployed. Freelance siya. May mga raket lang na hindi mo alam.”

“Freelance daw o,” pang-aasar pa ni Luis. “Eh kailan ba kayo magpapakasal? Tatlong taon na kayo, ‘di ba?”

“Kapag ready na kami pareho,” maikli kong sagot habang ngumingiti. Ayokong patulan. Alam kong hindi nila kilala si Dominic gaya ng pagkakakilala ko.

“Grabe ka, Marga,” biro ni Carla. “Detective ka nga talaga. Ang galing mong magpaniwala sa mga taong may tinatago.”

Napahinto ako. Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa dibdib ko sa sinabi niya. Pero pinilit kong ngumiti. “Huwag mong haluan ng kaso ang love life ko, Carla.”

Tumawa silang lahat. “Fine, fine. Pero next time, isama mo siya. Curious lang kami kung ano bang nakita mo sa kaniya,” pahabol pa ni Luis.

Hindi na ako sumagot. Kinuha ko na lang ang jacket ko at nagpaalam kay Chief.

Pagdating ko sa apartment, tahimik ang paligid. Maliwanag pa ang ilaw sa loob, kaya alam kong may tao. Nakangiti akong naglakad papunta sa pinto habang hawak ang maliit na cake na binili ko sa labas. Plano ko sanang sorpresahin siya.

“Happy birthday, Dom…” mahina kong sabi habang pinihit ang doorknob.

Pero bago ko pa mabuksan nang tuluyan, may narinig akong halakhak mula sa loob—boses ng babae. Pamilyar sa pandinig ko. Napatigil ako.

“Dom, baka dumating na si Marga,” narinig kong sabi ng babae.

Parang biglang nanlamig ang katawan ko. Hindi puwedeng si Mama ‘yon. Hindi puwedeng…

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Doon ko nakita—si Dominic, nakatayo habang suot pa ang puting polo na regalo ko noong anibersaryo namin. Naka-unbutton ang tatlong butones, halatang kagigising lang. Sa likod niya, lumabas si Mama Liza, nakatapis lang ng tuwalya, pawisan, at magulo ang buhok.

“Marga…” halos sabay nilang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Parang natuyo ang lalamunan ko. “Ano ‘to?”

Si Mama ang unang lumapit. “Anak, hayaan mong ipaliwanag ko—”

“'Wag mo akong tawaging anak!” putol ko agad. “Ano ‘to, Mama? Anong ginagawa mo rito sa apartment ng boyfriend ko?”

Tumawa si Dom, mahina pero puno ng pang-aasar. “Marga, kalma. Hindi mo naiintindihan.”

“Kalma? Pinagtataksilan mo ako, Dom!” Sumigaw ako habang nanginginig ang kamay ko. “At ikaw, Mama… ikaw pa talaga?”

Tumayo si Mama, parang hindi apektado. “Matagal na naming gusto sanang sabihin sa’yo, Marga. Pero natatakot kami sa magiging reaksyon mo. Alam kong masakit—”

“Masakit?” pinutol ko siya. “’Yong taong pinagkatiwalaan ko, pinili mong agawin sa akin. Hindi mo man lang ako naisip? Napakamasarili mong ina! Boyfriend ko ang inagaw mo!”

“Anak, hindi mo naiintindihan. Si Dom… siya ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi ko naranasan sa tatay mo.”

Napasigaw ako. “Mama, boyfriend ko siya! Boyfriend ko!”

Tahimik lang si Dom, nakatayo lang at parang walang pakialam. “Tama na ‘yan, Liza,” sabi niya. Parang hindi man lang nakonsensya. “Let’s not make this dramatic. Tapos na naman kami ni Marga.”

“Hindi mo pa nga ako kinakausap, Dom!” sumigaw ako. “Ang sabi mo kahapon, mahal mo pa ako! Paano mo nagawa ‘to?”

Ngumisi siya. “People change, Marga. Maybe we weren’t meant to be.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinulak ko siya sa dibdib at sinampal. “Walanghiya ka! Akala ko ikaw na! Akala ko totoo ka! Binuhay ko kayong dalawa tapos ito pa ang igaganti ninyo sa akin!”

“Baka dapat tanungin mo rin sarili mo kung kilala mo ba talaga ako,” malamig niyang sagot.

“Dominic!” singhal ni Mama. “'Wag mong saktan ang anak ko!”

Napatawa ako sa narinig. “Ngayon mo pa ako tinawag na anak? Pagkatapos mong agawin ang boyfriend ko? Alam mo, Mama, wala kang karapatang tawagin akong anak. Hindi mo nga ako pinanindigan bilang anak, pero nirespeto at sinusuportahan pa rin kita. Tapos ngayon ganiyan ka pa?”

Umiling siya. “Marga, anak ka sa pagkadalaga. Dapat magpasalamat ka nga at tinanggap kita noon kahit nahihirapan ako.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “So ‘yun pala ‘yon. Kaya mo kinuha si Dom, para ipamukha sa akin na kaya mong agawin kahit sino? Para patunayan na mas magaling ka sa akin?”

Hindi sumagot si Mama. Pero nakita ko sa mga mata niya ang kapirasong pagmamataas.

“Lumayas ka na, Marga,” sabi ni Dom. “Wala ka nang lugar dito. Ako at si Liza na ngayon.”

Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko silang dalawa—ang lalaking inakala kong mahal ako, at ang inang dapat ay nagpoprotekta sa akin pero siya pa palang unang nanira.

Dahan-dahan kong ibinaba ang cake na hawak ko sa mesa. “Hindi ko akalaing ganito ko malalaman kung sino talaga kayo. Sana pareho kayong masaya sa ginawa ninyo. Ang kakapal ng mga mukha ninyo. Ako pa talaga ang kailangang lumayas sa apartment na ako mismo ang nagbabayad!”

Pagkatapos noon, lumakad ako palabas ng apartment. Hindi ko alam kung saan pupunta, pero hindi ko na kayang manatili pa roon.

Sa hallway, narinig ko pang sumigaw si Dom, “Huwag ka nang bumalik, Marga! Find someone your age!”

Pinilit kong huwag umiyak. Habang bumababa ako sa hagdan, paulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari. Lahat ng in-invest kong oras, pagmamahal, at tiwala—nawala sa isang iglap.

Pagdating ko sa kalsada, naglalakad lang ako nang walang direksyon. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang loob ko. Hindi ko alam kung gutom, sakit, o hiya ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang, ayoko na.

Tinawagan ako ni Carla, pero hindi ko sinagot. Baka mapansin niya agad ang garalgal ng boses ko. Ayokong kaawaan ako.

Biglang may huminto sa harap ko—isang itim na SUV. Muntik na akong masagasaan. Saglit akong napatigil bago tuluyang nawalan ng malay.

Pagmulat ko, nasa loob ako ng isang malaking kuwarto. Malinis, tahimik, at amoy disinfectant. May lalaking nakaupo sa tabi ng kama, nakasuot ng puting coat.

“You’re awake,” sabi niya. “I’m Dr. Oliver Mendoza. I almost hit you with my car earlier. Mabuti na lang at nakahinto ako agad.”

“Mendoza?” mahina kong ulit. Parang pamilyar ang apelyido niya.

“Yes. Oliver Mendoza.”

Napatingin ako sa bedside table nang nakita ang larawan niya kasama si Dom.

Bigla akong napatingin sa kaniya nang maalala ang buong pangalan ng ama ni Dom na isang doktor. Parang binuhusan ulit ng galit ang buong katawan ko. Sa daming taong pwedeng sumagip sa akin, tatay pa talaga ng manloloko kong ex!

Biglang may nabuong plano sa isip ko. Kung gusto kong iparamdam kay Dominic kung gaano kasakit ang mawalan, gagamitin ko ang lalaking pinakamalapit sa kaniya—ang ama niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Micthiyeos Eos
highly recommend subrang ganda
2025-10-23 15:12:26
0
user avatar
Deigratiamimi
October 23, 2025 Signed tag 🫶
2025-10-23 12:14:20
0
8 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status