Share

CHAPTER 2

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2023-11-13 19:28:33

"Eiiiiihhhhhh!" mahabang tili ni Cristine nang makita nito ang picture nina Andy at Yolly sa cellphone ni Yolly. "Ang suwerte mo naman, Insan. Sana pala nagpa-late rin ako nang uwi kanina. Sana sa 'kin nakisabay si Andy my crush. Sana pala sinamahan kita sa library."

Natatawa na lang si Yolly sa kanyang pinsan. Parang maloloka na yata. Panay ang halik kasi nito sa screen ng kanyang cellphone. Hinahalikan nito ang guwapong larawan ng binata nang paulit-ulit.

Dumiretso siya sa bahay nina Cristine para ipakita lang 'yon, kahit umuulan, dahil alam niyang laglag panga ito sa inggit. At tama nga siya.

Tuwang-tuwa siya dahil gumana ang balak niya na inggitin si Cristine. Hindi nasayang ang inilabas niyang kakapalan ng mukha kanina. Ang totoo kasi ay naglakas-loob lang siya kanina na makipag-selfie kay Andy. Ginawa niya iyon para lang may ipagmayabang siya sa pinsan.

"Unli F******k ka, Insan?"

Tumango siya. Kung si Cristine busy sa larawan ni Andy, siya naman ay busy sa paglamon ng miryendang inilabas ng nanay ni Cristine para sa kanya.

"Pa-online, ha?"

Tumango lang ulit siya. Nag-register siya ng unlimited surfing kahapon pa pero hindi naman siya mahilig sa social media. Pasilip-silip lang siya sa mga post ng mga taong friends niya 'kuno' roon dahil sa totoong buhay ay wala naman talaga siyang kaibigan maliban kay Cristine na pinsan niya.

At mas naging busy pa si Cristine sa cellphone niya. Hinayaan lang niya ito. Basta siya busog.

"Ayan," mayamaya ay sambit ng kanyang pinsan.

"Anong ginawa mo?"

"Pinost ko 'yung picture niyo ni Andy. Tingnan mo may nag-like agad at nag-share. Tinag kita at tinag ko rin si Andy."

Ang lakas ng "Ano?!" ni Yolly sabay agaw sa cellphone niya. At nang tingnan niya ay napangiwi siya.

Paktay! Naka-post na nga talaga 'yung picture nila ni Andy sa timeline ni Cristine tapos may caption pang, ANG PANGIT AT ANG GUWAPO! BAGAY SILA, 'DI BA?

Masaklap pa ay log out na rin. Ni-log-out na ni Cristine kaya hindi na niya ma-delete.

"Sira-ulo ka talaga," inis niyang singhal sa pinsan. "Burahin mo 'to, Insan!"

"Ayoko nga. Ang cute niyo kayang tingnan," tatawa-tawang sabi ni Cristine sabay tayo at takbo para magtago.

"Cristineee!!!" malakas na malakas na sigaw ni Yolly sa pasaway na pinsan.

SA KABILANG BANDA.

"Buti dumating ka na." Agad na iniabot ni Yaya Chadeng ang isang tuwalya kay Andy na kakauwi lang. Si Yaya Chadeng ay matagal nang taga-alaga ni Andy. Bata pa lang si Andy ay yaya na niya ang matanda.

"Ang lakas po kasi ng ulan, 'Ya," ani Andy. Pinunas-punas niya ang tuwalya sa ulo.

"Oo nga, eh. Nag-alala ako sa 'yo. Hindi ka man lang nag-text o tumawag."

"Na-lowbat po ang cellphone ko," aniya. Akmang papasok na siya ng bahay pero humarang sa kanyang dadaanan ang matanda.

"Bakit po?"

Inilagay ni Yaya Chadeng ang hintuturo sa sariling bibig at lumingon sa loob ng bahay tapos tumingin ulit sa kanya at pabulong na may sinabi. "Kasi si Cindy nasa loob at kanina ka pa hinihintay."

Agad na nakusot ang kanyang mukha.

Si Cindy ay anak ng amiga ng kanyang mommy na isa sa mga patay na patay sa kanya na babae, at tulad ng iba ay hindi niya rin type.

Maganda naman si Cindy pero kasi ay ayaw na ayaw niya ang ugali nitong palaging pumupunta sa kanilang bahay upang magpa-cute. Turn off sa kanya ang ganoon. Nakakawalang gana.

"Gano'n po ba. Sa likod na lang ako dadaan kung ganoon, 'Ya."

"Hindi mo na naman haharapin? Kawawa naman. Kanina pa siya rito."

"Kayo na ulit bahala, 'Ya. Sabihin mo next year pa ako uuwi." At tumalilis na siya papuntang likod ng bahay.

Kamot-ulo na lang si Yaya Chadeng na pinanood ang alaka bago nagbubuntong-hininga na pumasok ng bahay. Walang magawa kundi dating gawi nga ulit ito.

OPERATION: pauwiin si Cindy.

Napabuntong-hininga muli ang matanda. Naawa ito sa dalaga na laging umaasa na pansinin ng alaga nito. Sabagay hindi naman masisisi ni Yaya Chadeng si Andy. Kahit naman kasi ito ay ayaw nito na babae na ang halos manligaw sa lalaki. Ang ipinagpapasalamat na lang ni Yaya Chadeng ay si Andy na ang umiiwas. Hindi pumapatol basta-basta ang alaga nito sa mga babaeng flirt kaya naman bilib din ito sa alaga dahil kung iba lang siguro ay baka hindi na mabilang sa kamay ang nabuntis na ng batang iyon.

Si Andy ay nakapasok naman na sa likod ng bahay. Parang magnanakaw nga lang siya sa sarili nilang bahay na ingat na ingat sa kilos. Dahan-dahan siya na nagtatakbo. Anong hinga niya nang maluwag nang ligtas siyang makapasok sa sarili niyang silid.

Thank God, hindi siya napansin ni Cindy.

Ini-lock niya agad ang pinto ng kanyang silid tapos ay charger agad ng cellphone niya ang hinalungkat niya sa drawer. Ichinarge niya ang low batt na cellphone niya at kampante nang naligo.

Bahala na si Yaya Chadeng niya kay Cindy. Hindi siya nakukonsensiya dahil hindi naman niya sinabing dalawin siya ng dalaga. Bahala ito sa buhay nito. Nagsasawa na siyang harapin o pakisamahan. Lagi na lang, eh.

Nang matapos maligo ay tsinek na niya ang cellphone niya. Ang dami na namang message and as usual galing sa mga nagpapansing mga babae.

Napailing siya't napahimas sa batok. Kailan ba sila mapapagod? Tsk.

ANDY, INGAT SA PAG-UWI. MALAKAS ANG ULAN. Ang text ni Sarah, schoolmate niya.

ANDY, NAKAUWI KA NA BA? Text naman ni Karen. Ang ex-girlfriend niya na panay pa rin ang pagpapa-cute.

At marami pang iba.

Isa lang ang umagaw sa pansin niya at iyon ay ang text ni Patrick. DUDE, ANG GANDA NG CHICKS MO NGAYON, AH? HA-HA!

Doon siya agad nag-reply. WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?

CHECK YOUR F******K, DUDE. Simpleng reply sa kanya ng kabarkada.

Lalo siyang napakunot-noo. Sinunod niya agad ang reply ni Patrick. He went online and checked what was new on F******k. At anong sama ng kanyang mukha nang makita niya ang isang larawan na naka-tag sa kanya. Nag-isang linya talaga ang mga kilay niya. May marami na kasing likes, comments, and shares ang naka-post na larawan. Pinagpyestahan na agad ng mga classmates nila at mga schoolmates nila ang larawan.

"Patay ka sa 'kin bukas, Yolly!" saglit ay inis niyang duro sa dalagang pangit na kasama niya sa larawang iyon.

Ang larawan kasi na trending na ay ang selfie nila kanina ni Yolly.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 3

    "’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 2

    Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 1

    "Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   LAST CHAPTER

    May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 86

    "Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 85

    As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 84

    "Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 83

    "Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 82

    Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status