LOGINHALOS kalahating oras ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid ni Miri. pumasok si Adam na may hindi maipintang mukha. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nito at ng ama ngunit kung ang mukha nito ang pagbabasehan niya ay mukhang hindi maganda ang kinalabasan. Bumuntong hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. “Dito siya titira ng isang buwan.” sabi nito sa kaniya. “Saan ang magiging kwarto niya?” tanong niya rito. “Sa third floor.” mabilis na sagot nito kung saan ay hindi siya nakamik nang marinig niya ang sinabi nito.Ang third floor ang pinaka-off limits sa lahat ng palapag sa bahay na iyon. Nakapunta na siya doon pero wala pa yatang limang beses ngunit nang marinig niya na doon ito magkakaroon ng silid ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis. Ngunit kahit na ganun ay nanatili siyang tahimik. Idagdag pa na alam naman niyang wala siyang karapatan na magreklamo. Nang dahil sa pananahimik niya ay muli itong nagsalita. “Ayoko sana kaso pinilit ako ng Daddy k
ISANG mahabang buntong hininga ang narinig niyang pinakawalan ni Adam habang nakasunod ng tingin sa ama. Pagkatapos ay napatingin sa babaeng nasa harap nito, ang mga mata nito ay halatang puno ng pagkamuhi at kahit na hindi nito sabihin sa kaniya ay alam niyang may galit ito sa babae, marahil ay may malalim itong dahilan.Sa kabila ng pagkamuhi sa mga mata ni Adam ay nanatili pa ring nakangiti ang babae at para bang wala lang iyon dito. Kung siya siguro iyon ay baka kanina pa siya nagtatakbo habang umiiyak pero ito ay iba. Ilang sandali pa ay muling humarap sa kaniya si Adam. “umakyat ka na doon at hintayin mo ako.” sabi nito sa kaniya.Kaagad naman siyang ngumiti rito at mabilis na ipinulupot ang mga kamay sa leeg nito bago niya hinalikan ang pisngi nito. Ginawa niya iyon para inisin ang babaeng nasa harapan nila na halatang-halata naman na may gusto ito kay Adam. “Bumalik ka kaagad ah?” malambing na tanong niya rito.Tumaas lang naman ang sulok ng labi nito at lumapit sa kaniya bag
BANDANG hapon ay bumaba si Miri mula sa kanyang silid dahil buryong na buryong na naman siya dahil nakakulong lang siya sa kanyang kwarto. Si Adam naman ay nagkulong sa study nito dahil may mga kailangan itong gawin marahil tungkol sa mga negosyo nito at hanggang sa mga oras na iyon ay hidni pa rin ito lumalabas doon simula pa kaninang umaga. Nitong mga nakaraang araw kasi ay nakabuntot lang ito sa kaniya ng nakabuntot. Pagbaba niya ay agad niyang napansin na natataranta ang mga kasambahay. Ang ilan ay nakasilip pa sa pinto kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na lumapit sa pinto at makisilip din sa mga ito. Nakita niya na may isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa harapan ng bahay. Agad na kumunot ang kanyang noo. “May bisita ba?” tanong niya sa isa sa mga ito.Nilingon siya nito. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. “Dumating po ang Daddy nila sir Adam.” sagot nito.Bahagya siyang nagulat dahil ang alam niya ay wala ng ama ang mga ito pero
ILANG araw ang mabilis na lumipas ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Nakapag-desisyon na siya noon na lalayo at didistansya na siya kay Adam ngunit habang lumilipas ang mga araw ay mas palalim lang naman ng palalim ang kanyang nararamdaman para rito.Nitong mga nakaraang araw ay kakaibang atensyon ang ibinigay sa kaniya ni Adam dahilan para mas mahulog pa siya rito lalo kaya ang tanong niya ngayon sa kanyang isip ay kung paano niya pa ngayon pipigilan ang kanyang nararamdaman? Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Akala niya noon ay hindi siya ganun kabilis na mahuhulog kay Adam. napakalakas pa noon ng loob niya na magsabi na hinding-hindi niya ito mamahalin ngunit halos lunukin niya ang lahat ng sinabi niya. Tandang-tanda pa niya ang eksaktong salita ni River sa kaniya noo. ‘Huwag na huwag kang maiinlove sa kaniya.’Noong mga panahong iyon ay hindi niya pa maintindihan kung bakit nito iyon sinab
LUMAPIT si Adam sa kaniya at bahagyang bumulong sa kaniya na mas lalo lang nagpainit sa katawan niya. “Basang-basa ka na kahit na sa tubig ka…” sabi nito at bigla na lang hinaplos ang hiwa niya mismo.“Damn…” mahinang usal niya at napabuga ng hangin. Napahigpit ang hawak niya sa mga balikat nito lalo na nang ilabas pasok na nito ang daliri sa kanyang bukana. “Moan more…” utos nito sa kaniya ngunit kahit na hindi nito iyon sabihin sa kaniya ay uungol at uungol pa rin siya dahil hindi niya rin naman talaga iyon mapipigilan lalo na at halos mabaliw na ang katawan at isip niya dahil sa matinding sensasyon na bumabalot sa bawat himaymay ng pagkatao niya. Tumigil ito at pagkatapos ay inalalayan siyang umupo sa pagitan ng mga hita nito. Dahan-dahan na nitong ipinasok ang nagtutumindig nitong pagkalalaki sa kaniya. Napatingala siya habang napapakagat labi dahil kahit na ilang beses na itong pumasok sa kaniya ay may kaunting kirot pa rin siyang nararamdaman kapag ipinapasok na nito iyon sa
ILANG minuto ang lumipas at muli na naman siyang nakatanggap ng panibagong chat ni Adam. halos mahulog niya ang kanyang cellphone sa matinding gulat.“Kung hindi mo pa bubuksan ang pinto ay babalik na ako kay Lira.” Bigla siyang napatayo at pagkatapos ay nagmamadaling inabot ang roba na nakasabit sa isang tabi ay ibinalot sa kanyang sarili. Nang buksan niya ang pinto ay ang nakasimangot na mukha nito ang sumalubong sa kaniya. “Alam mo ba kung gaano na ako katagal na nakatayo dito?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng silid kahit na hindi niya pa ito pinapapasok. Isinara niya ang pinto. “Nasa banyo ako.” sabi niya rito.“E ano naman?” biglang tumaas ang kilay nito at nilingon siya. “Ilang beses ko ng nakita ang katawan mo hindi ba? Huwag mong sabihin na nahihiya ka pa rin hanggang ngayon?” Hindi niya magawang sagutin ito dahil bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso nang simulan ni Adam na magtanggal na ng damit nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito d







