Buy Me, Mr. Fontaime

Buy Me, Mr. Fontaime

last updateHuling Na-update : 2025-12-03
By:  trishaaameeIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
24Mga Kabanata
13views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

An inosent women named Crystal Cestin become a sex worker from a famous bar in the Philippines. She doesn't know what she entered because she was desperate to have a job just to pay back all things for her Tita but she's too lucky, she met a man named Swenn Tristen Fontaime, a rich, handsome, smart and goodboy who just pulled by his playboy friends in the bar just to move on to his ex. But the world is too small for the two. An innocent women meets the innocent man for the first time. Let's found out how the world will turn between the two.

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1

"Puro ka na lang aral! Hindi ka nga nakakatulong dito sa gastusin sa bahay! Sa tingin mo ba may mapapala ka sa pag-aaral mo?" sigaw sa akin ni Tita Beta.

Mahina akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa certificate na galing sa instructor ko. Top 3 kasi ako sa klase namin at Top 5 overall para sa course na BSED.

Totoo nga naman.

Ano bang mapapala ko sa mga certificates na 'to?

Mariin kong hinawakan ang certificate ko, at marahan itong itinapon sa basurahan kasama ang dalawang medalya na natanggap ko.

Nagingilid ang luha ko sa sobrang pagkadismaya, kung narito lang sana ang parents ko ay paniguradong hindi ko 'to mararanasan lahat.

Sino ba naman ako para mag-aral e nakikitira na nga lang ako rito.

Si Tita Beta ay kapatid ng tatay ko. Patay na ang tatay ko habang nasa ibang pamilya naman ang nanay ko, kasama ang bunso kong kapatid na lalaki. Habang ako?... Iniwan dito sa tita ko na para bang hindi ako anak.

Wala akong ibang narinig sa bahay na 'to kun'di panunumbat, gusto ko nang makaalis dito at makapaghanap ng trabaho para hindi na ako umasa pa. Mahirap talaga kapag nakikitira ka lang sa bahay ng iba.

"Ayaw mo na ba talagang pumasok sa susunod na Academic Year?" tanong sakin ni Jacky, friend ko.

Gusto ko makapagtapos e kaso wala akong choice.

"Hindi na. Maghahanap na lang ako ng trabaho," sagot ko.

"Siguro pinagsalitaan ka nanaman ng tita mo," sabi niya na nagbaba pa ng boses.

Siya lang kasi ang nakakaalam ng buong kwento ko, simula kasi nung high school magkaibigan na kami, kaya halos buong kwento ng buhay ko ay alam niya na.

Marahan naman akong tumango. "Hays 'yan talagang tita mo kahit kailan!" reklamo niya na nagdabog pa ng paa.

"Hayaan mo," sabi ko na nagbuntong-hininga. "Mas mabuti na rin siguro 'to para sa akin."

Tinignan niya ako nang puno nang panghihinayang. Ilang beses niya akong tinulak na magpatuloy ng pag-aaral dahil nakikita niya ang talino ko at naniniwala siya sa kakayanan ko, nakikita ko rin naman 'yon sa sarili ko pero sa tuwing pauli-ulit akong inilulugmok pababa ng tita ko, parang hindi nga ako bagay sa lugar na 'to.

Tinitiis ko na lang lahat ng sinasabi niya dahil wala akong karapatan sumagot. Dahil bukod siya ang nagpapakain sakin, siya rin ang nagpapaaral at halos bumuhay sa akin. Tinataw ko 'yon bilang utang na loob, pero minsan napapatanong ako na... tama bang isumbat sa akin ang mga bagay na 'yon? Na ipagmukha sa akin na kahit anong gawin ko ay hindi para sa akin ang edukasyon? Hindi ba't karapatan ko 'yon bilang isang tao?

Habang naglalakad ako pauwi nang bahay, nagtitingin-tingin ako sa daan kung may mga nakapaskil na mga naghahanap ng trabahante. Kahit ano basta 'yong kaya ko. Hindi ko pwedeng pilitin ang sarili ko sa isang trabahong hindi ko naman kaya, dahil kahit paano ay bata pa rin naman ako. Bente na ako pero ang tingin ko sa sarili ko ay isang batang nangangailangan ng aruga ng isang magulang.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang mag boyfriend dahil marami akong gustong makamit sa buhay ko. Hindi lang basta para sa sarili ko, kundi para makabawi sa lahat ng mga naibigay sa akin ni tita kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin.

Hindi naman ganiyan si tita dati e, kaso nagbago 'yon nang mawala si tatay. Hindi lang naman ako ang nawalan, nawalan din siya ng kapatid at naiintindihan ko 'yon.

Kaso sa kasamaang palad wala man lang ako nakitang hiring.

Sa tuwing uuwi ako ng bahay ay tumutulong na ako sa gawaing bahay para hindi ako mapagalitan. Si Tita Beta kasi ay nagtatrabaho lang sa palengke kasama si Tito Ricardo, asawa niya. May anak silang dalawa, si Benedetta at Richard. Mabait sa akin si Benedetta at si Tito Ricardo. Sa tuwing pinagsasalitaan ako ni Tita Beta ay pinagtatanggol nila 'ko. Kaya bilang utang na loob; tumutulong ako sa gawaing bahay at sa mga assignment ni Benedetta. Grade 12 na kasi si Benedetta kaya busy siya sa research niya habang si Richard naman ay 2nd year high school. Hindi kami close masyado ni Richard dahil hindi naman siya palaimik.

"Pagpasensiyahan mo na si Mama, Ate Crystal," sabi sa akin ni Benedetta. Ngumiti naman ako. "Pagod lang 'yon palagi kaya mainit ang ulo."

"Walang problema sa akin 'yon. Naiintindihan ko naman si Tita Beta," sagot ko.

"Wag ka na lang sumagot Ate Crystal kapag napagsasalitaan ka ni Mama ah, para hindi na humaba."

Tumango naman ako. Hindi naman kasi ako palasagot. Kahit gaano pa kagulo ang buhay namin noon ay hindi ako natutong sumagot sa magulang.

Kinabukasan ay walang pasok kaya lumabas ako para maghanap ng papasukang trabaho. Sigurado na kasi ako sa desisyon ko. Hindi na ako mag-aaral next Academic Year. Nawalan na yata talaga ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa nangyayari sa buhay ko. Iisa lang naman kasi ang goal ko, ang makabawi sa lahat ng naitulong sanakin nina Tita Beta at Tito Ricardo.

"May bukas na bar doon sa kanto sis," rinig kong kwentuhan ng mga kababaihan sa coffee shop na nadaanan ko. "Mukhang maganda daw uminom doon."

Napalingon naman ako sa daan na tinuturo nila.

Bar...

Maraming inuman...

Kinakabahan ako. Hindi kasi ako umiinom ng alak at lalong hindi pa ako nakakapasok ng bar. Pero kasi... Pwede akong magtrabaho roon kahit taga serve lang naman ng alak 'di ba?

Wala ako sa wisyong tinatahak ang daan papunta roon. Nakita ko nga agad ang malaking tarpaulin na nakalagay na hiring sila para sa mga gustong magserve ng pagkain at alak.

5,000 pesos + per week...

Ang laking pera na no'n para sa akin.

Napatingin ako sa dala kong resume.

Sure na ba 'ko?

Tinignan ko ang bar na nasa harap ko.

Malaki...

Mukhang yayamin ang itsura...

Muli akong napatingin sa resume ko. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon at natauhan lang ako nang may lumapit sa akin na magandang babae na nasa tingin ko ay 40+ ang edad. Maputi, mukhang mayaman.

"Hi? Gusto mo bang mag-apply?" tanong niya na tinignan pa ang tarpaulin at ang resume ko.

Napalunok naman ako. Mukhang siya nga ang may-ari ng bar na ito.

"Ahh..." Walang lumabas sa bibig ko kun'di 'yon lang.

First time ko kasing magtatrabaho sa mga ganitong lugar. Sanay lang ako sa palengke kung saan naroon sina Tita Beta at Tito Ricardo.

"Halika sa loob, pag-usapan natin 'to," nakangiting sabi niya na tinignan pa ang kabuuhan ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kaya nahinto rin siya. Malapad siyang ngumiti at inakbayan ako para alalayan sa loob. Napalunok ako nang makita ko kung gaano kalawak ang espasyo sa loob. Mas malaki pa pala sa inaasahan ko. Wala pa masyadong tao dahil alas tres pa lang ng hapon. Maraming table at upuan. Maraming alak at pagkain.

Kinuhaan niya ako ng upuan st sinenyasan na maupo ako.

"Ako nga pala si Matilde," sabi niya sabay alok ng kamay sa akin.

Ilang segundo akong napakurap-kurap bago nakipagkamay sa kaniya. "Crystal."

Ngumiti ito at walang sabing kinuha ang resume ko. Tinignan 'yon saglit at nilatag sa katabi niyang lamesa.

"You're hired," sabi niya na malapad ngumiti.

"H-Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ganon lang 'yon kadali?

"Kailan mo gusto magtrabaho para maihanda ko ang mga gamit mo," nakangiting sabi niya.

"Ah eh..." Napakamot ako sa ulo tsaka ngumiti. "Next week po. Tapos na rin kasi ang klase namin next week."

"Hmmm..." sabi niya tsaka tinignan ang phone niya. "Okay!" tsaka muling ngumiti.

Mukhang mabait naman siya.

"Ah boss, hinahanap ka po ni Mr. Sumiento." May lumapit na isang lalaki na mukhang trabahante dito.

Ngumiti sa akin si Ma'am Matilde. "Nice to meet you Crystal. See you next week?" sabi niya at tumayo, muling inilahad sa akin ang kamay.

Tumayo naman ako tsaka muling nakipagkamay. "Salamat Ma'am," sabi ko.

"Ops Ops!" sabi niya tsaka mahinang tumawa. "Boss M. That's my name here."

Napakurap-kurap naman ako tsaka yumuko nang marahan. "S-Sorry po. Thank you po ulit B-Boss M."

Malapad siyang ngumiti at tumango. "Be pretty next week ah!"

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Walang Komento
24 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status