Share

PROTECTED

Author: Miss Briannah
last update Last Updated: 2025-11-23 06:44:32

AV ➭ 077

THIRD PERSON’S P O V -

“Long time, no see, Tatay Bert.” Bati ni Ashen Veil na may nakakalokong ngiti. Alerto na tinutok ng mga bodyguard ang kanya kanyang baril kay Levana pero hindi siya nagpakita ng gulat at pagkatakot sa mga ito. Nagulat si Herbert ng makita si Levana pero agad din itong ngumiti. Tinaas ni Herbert ang isang kamay upang pigilan ang mga tauhan na kalabitin ang baril.

“Ikaw pala, magandang binibini. Kilala mo pa pala ako. Mas maganda ka pala talaga kumpara sa litrato at sa disguised mo before. Ano’t naparito ka? Kumusta ha? Kumusta ang naging mission mo sa stepbrother ko?” Sunod-sunod nitong tanong. Tumawa ang matanda na tila nang-aasar at may pang-iinsulto.

“Tama nga talaga ang narinig kong balita. Ang stepbrother ni Danilo ang nagpapatay sa kanya. Because of what? Inggit dahil wala ka ng mga meron siya? Pathetic. Mula noon hanggang ngayon, wala pa rin gamot sa sakit na ‘yan, Tatay Bert or should I say, Herbert.” Hindi nagpakita ng inis si Herbert, ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   BINUGBOG

    AV ➭ 083❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Holy sh-t… Ang sakit ng katawan ko partikular sa puson, balakang at paa. Mukhang nabalian pa yata ako ng buto. Tinalon ko lang naman mula sa ikatlong palapag ng laboratory ni Herbert bago pa ako mapasama sa pagsabog. Gumapang ako papasok sa drainage na nasa likod lang ng gusali dahil hirap na ako maglakad. Hindi ko na alintana ang baho at dumi dito. Pinilit ko gumapang sa loob nito hanggang sa makakaya ko. Mas ligtas ako dito. Ilang segundo lang, naramdaman ko na ang pagyanig. Sumabog na ang mga bomba. Bago ang naging paghaharap namin ni Herbert, natanaw ko na ang drainage dito. Naisip ko na pwede ko ito isama sa plan B ko. Sinundan ko ito ng tingin at konektado ito sa isang estero. Ang dulo nito ay isang ilog at karaniwan sa ganito ay dagat ang karugtong. Tagumpay akong nakalabas at narating ang ilog pero hinang hina na ako dahil sa mga sugat ko sa katawan. Nawala na rin ang earpiece at GPS tracker na nakakabit sa akin bago kami magtungo dito

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   BUNTIS

    AV ➭ 082 WARNING: MATURED CONTENT❀❀❀ZACH FEITAN HUXLEY †Bagsak ang balikat na umuwi ako sa inuupahan namin. Sobrang sakit at bigat ng dibdib ko. Naabutan ko sila tatay at Wesley na nagsisimula ng uminom kasama ang dalawa pa na matandang lalaki. Naroon din ang dalawang babae na kasama ni Wesley kanina na kulang na lang maghubad na dahil sa sobrang iksi ng suot at lumuluwa na ang boobs. Parang nagmamakaawa na ang mga suso nila na pakawalan na sa sobrang sikip ng suot nila. Nailing na lang ako sa isip ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigasan ng pagka lalaki sa ibang babae. Malayong malayo sila sa asawa ko. Wala sila sa kalingkingan. Sinalubong ako ni Wesley at inakbayan. Kusa na lang akong sumunod ng pina-upo niya ako sa bakanteng upuan na katabi niya. Hindi ako pumayag makatabi ang mga babae niya. “Malungkot na naman itong kaibigan ko. Halika, inumin mo ito, siguradong matutupad mamaya sa panaginip ang pangarap mo.” Tumitig ako sandali sa isang baso na inabot sa akin ni W

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   LOOK-A-LIKE

    AV ➭ 081❀❀❀ZACH FEITAN HUXLEY †“Just kidding. Ang sungit mo talaga, bro. Menopausal baby ka siguro?” Mabilis ako nagtungo sa pinto at binuksan ito. Isang malakas na sapak sa pisngi ang binigay ko sa kanya pero sadyang matigas ang mukha ng kaibigan kong ito. Hindi niya ininda ang suntok ko, kinamot niya lang ito na parang nangati lang.Tibay talaga ng mukha.“Tumigil ka na kasisira ng mood ko. Sa sunod hindi na lang sapak ang abutin mo sa ‘kin.” Inis kong turan. Tumalikod ako sa kanya at sinuot ang damit ko. Hubad-baro lang kasi ako na natulog kanina.“Sakit naman ng sapak nito.” Dinig kong bulong nito. “Kakain na. Sabay na tayo kumain para sweet.” Nilingon ko ng mabilis si Wesley para batuhin ng unan pero nakaalis na agad ito. Hindi pa rin siya tapos bwisitin ako.Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya sumunod na rin ako sa kanya matapos ko magbihis. Pababa pa lang ako ng hagdan, amoy na amoy ko na ang napaka bangong amoy ng ulam. Nag ningning ang mga mata ko ng makita kong pork ado

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   VACATION

    AV ➭ 080❀❀❀ZACH FEITAN HUXLEY †“I’ll go now, son. Behave to your grandma and grandpa, okay?” Bilin ko sa aking anak matapos ko ihatid dito sa tahanan ng in-laws ko. One week daw nila hihiramin ang apo nila. Pumayag naman ako ng walang pag-aalinlangan.“Yes, dad! Enjoy your vacation there with Tito Wesley. Also, take care of yourself, daddy and please remove those stubbles. Mommy doesn’t like it.” Napangiti ako sa sinabi ng anak ko at ginulo ang buhok niya. My son is right, my wife doesn’t like when I have stubbles. Kung narito lang siya at naabutan niya na may bigote ako, sermon na naman ang aabutin ko. I miss her so much. I still love her everyday. “Yes, little boss. Mag-ahit na po ako ng bigote ko.” Ngumiti ako at humalik sa noo niya. Hindi na rin ako nagtagal at nagpaalam na pati sa in-laws ko. Alam nila na isang linggo ako mawawala kasama ni Wesley sa hindi ko pamilyar na lugar. Hindi na ako nag-abala na alamin pa kung ano ang meron sa lugar na ‘yun. Basta ang sabi lang s

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   MISSING AGAIN

    AV ➭ 079❀❀❀THIRD PERSON'S P O V 𖤐“Ano'ng nangyari? Akala ko ba nakalabas na siya?” Hinampas ni Furiae ng malakas ang lamesa. Galit na galit ang magkakapatid ng malaman na nawawala ang ate nila. “Hindi rin namin alam kung ano ang nangyari. Basta ang huling sabi niya ay palabas na siya. Fuck! Dapat talaga pinuntahan ko na lang siya!” Naluluha na sabi ni Hikaru. Frustrated na sinabunutan niya ang buhok at hinilamos ang dalawang palad sa mukha. "Fuck! Fuck! Fuck! Ugh! This is all my fault!"“Paanong hindi niyo alam? Kayo ang huling magkakasama!” Galit naman na sigaw ni Lilith. Lakad-balik ang ginagawa niya dahil sa labis na pag-aalala. Habang tahimik naman na nkakuyom ang kamao ni Lilura at namumula ang mga mata sa pagpigil ng luha, sinisisi din ang sarili sa nangyari. Bigo sila mahanap si Levana mula sa sumabog na laboratoryo at maging sa buong paligid nito. Wala sila nakita na kahit anong bakas ni Levana kahit anong suyod nila sa kapaligiran at tila bigla na lang naglaho na par

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   PATAWAD

    AV ➭ 078 ❀ ❀ ❀ THIRD PERSON’S P O V - “Nakikita mo ba itong binti ko? Muntik na ako mapatay ng babaeng baliw kanina tapos narito ka lang naman pala.” Hinihingal na sabi ni Herbert. “Kill her. Kill that crazy woman. Now!” Dominanteng utos nito kay Gia. Hindi kumilos si Gia, nanatili lang itong nakatingin ng malamig sa kinilalang ama. “Ano pa ang titingin tingin mo diyan? Hindi mo ba narinig ang inutos ko? Bilisan mo kumilos. Wala ka talagang silbi kahit kailan!” Galit na galit na sigaw ni Herbert. Ang kaninang malamig na mga mata, ngayon ay nag-aalab na sa matinding galit. Walang pag-aalinlangan na sinakal ni Gia kinalakihan na ama. “B-bitawan mo ko. H-hayop ka! Wala kang utang na loob!” Hirap na sabi ni Herbert. Namumula na ang mukha nito. Pilit na nagpupumiglas si Herbert at pilit na inaabot ang mukha ni Gia. “Hindi lang ako isang hayop, demonyo ako. Pinalaki mo akong ganito. Papatayin kita. Narinig ko lahat ng inamin mo tungkol sa tunay kong pagkatao. Ngayon naiintindihan ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status