로그인Born unwanted and raised in neglect, Seraphina grows up fragile, obedient, and starved of love until her parents sell her at eighteen to settle their debts. Sent to America believing she will belong to a cruel billionaire, she instead meets the powerful man who has secretly protected her all her life—her estranged uncle. Cold yet unexpectedly gentle, he takes her into his mansion and gives her everything she has never known: safety, education, and care. Under his protection, Seraphina slowly blossoms from a naive, broken girl into a graceful and mature woman. But her innocence and quiet devotion begin to stir feelings in him that he is forbidden to have. Bound by blood and duty, he forces himself to remain distant and seeks a suitable suitor for her, determined to secure her future and bury his emotions. Yet Seraphina refuses every match, unable to accept anyone else—because she has unknowingly fallen in love with the one man who saved her. As both struggle to deny what they feel, their lives become a silent battle between duty and desire, forcing them to choose between moral boundaries and a love that was never meant to exist.
더 보기Malakas ang ang buhos ng ulan nang gabing iyon—hindi simpleng ulan, kundi bagyong tila gustong lunurin ang buong bayan sa galit ng langit.
Ang hangin ay sumisipol sa makitid na kalsada. Ang mga yero sa bubong ng lumang ospital ay kumakalansing sa bawat hampas ng hangin. Kumukurap ang ilaw sa loob ng delivery room, para bang anumang oras ay susuko na rin ito.
“Doctor, mawawala na naman ang kuryente!” nag-aalalang sigaw ng isang nurse.
“Maghanda kayo ng flashlight. Bilisan niyo,” sagot ng doktor habang pawisan ang noo.
Sa gitna ng magulong gabi, may isang babae ang nakahiga sa delivery bed. Maputla ang kanyang mukha, pawisan, ngunit walang bakas ng emosyon ang kanyang mga mata. Parang hindi siya nanganganak ng anak—parang tinatapos lamang niya ang isang mabigat na obligasyon.
“Konting tulak pa,” utos ng doktor. Pinapawisan at tila nahihirapan
Sumabay ang malakas na kulog sa huling sigaw ng babae.
At biglang… namatay ang ilaw.
Napuno ng dilim ang silid. Tanging ang liwanag ng kidlat mula sa bintana ang sandaling nagbigay ng anyo sa mga anino sa loob. Nataranta ang mga nurse.
“Flashlight! Dali!”
Nang muling lumiwanag ang silid mula sa nanginginig na sinag ng flashlight, hawak na ng doktor ang bagong silang na sanggol.
Napakatahimik.
Napakaliit na nilalang
Halos kasya sa dalawang palad ng doktor ang katawan nito. Maputla ang balat, parang walang dugo. Mahina ang galaw, halos hindi gumagalaw.
“Doctor…” mahina ang boses ng nurse. “Hindi siya umiiyak.”
Sinuri ng doktor ang sanggol. Kumunot ang noo nito. 'Patay na ata' isip ng doktor at sinuri ulit kung tama ang haka niya
“Mahina ang tibok,” bulong niya. “Napakaliit… parang kulang sa buwan.”
Marahang tinapik ng doktor ang likod ng sanggol. Isa. Dalawa.
Wala kibo.
Walang iyak. Walang galaw. Para itong manika na walang buhay.
Napatakip ang isang nurse sa bibig. “Hindi… hindi ata siya—”
“Sandali,” putol ng doktor, kahit ramdam ang pag-aalinlangan sa boses.
Muli niyang tinapik ang likod ng sanggol. Mas malakas. Mas madiin.
Isang segundo.
Dalawa.
Tatlo.
At saka—
Isang napakahinang iyak ang pumutol sa ingay ng bagyo.
Mahina. Halos bulong lamang. Ngunit malinaw.
Napatingin ang lahat, pati ang nurse.
“Umiiyak siya…” bulong ng nurse, parang hindi makapaniwala.
Muling umiyak ang sanggol. Mas malakas nang kaunti. Parang lumalaban. Parang tumatangging sumuko.
“Buhay siya,” sabi ng doktor.
Walang tuwa sa boses nito—tanging pagtataka.
“Hindi ko alam kung tatagal… pero buhay siya.”
Maingat na binalot ng tela ang sanggol at dinala sa tabi ng ina. Bahagyang iminulat ng babae ang kanyang mga mata at tumingin sa sanggol na inilapit sa kanya.
Sandaling katahimikan.
Tinitigan niya ang sanggol mula ulo hanggang paa. Walang lambing ang kanyang mga mata. Walang bakas ng ina na bagong panganak.
“Babae?” tanong niya, malamig.
“Opo,” sagot ng nurse.
Tumalikod ang babae. Ipinihit ang ulo palayo sa sanggol.
“Sayang,” bulong niya.
Isang salita lamang iyon.
Ngunit sapat upang maglatag ng kapalaran.
Sa sandaling iyon, walang yakap na sumalubong sa bagong silang. Walang kamay na maingat na humaplos sa kanyang pisngi. Walang boses na bumulong ng mahal kita.
Ang tanging narinig niya ay ang malakas na ulan at malamig na hangin sa labas.
Kinabukasan, wala pa ring ama na dumating. Walang bumisita. Walang nagtanong kung kumusta ang sanggol. Ang unang usapan sa silid ay tungkol sa bayarin sa ospital.
“Magkano ang dagdag?” reklamo ng ina habang nakaupo, tila naiinis.
Ipinaliwanag ng nurse ang gastos. Gamot. Incubator. Checkup.
Lalong kumunot ang noo ng babae.
“Mahina siya. Magkakasakit lang ‘yan,” malamig niyang sabi. “Dagdag gastos.”
Tahimik ang nurse. Walang maisagot.
Nang makalabas sila ng ospital, walang naghihintay na magarang sasakyan. Lumang traysikel lamang ang sumundo sa kanila. Basa pa ang kalsada mula sa magdamag na ulan. Ang hangin ay malamig at mabigat.
Nasa kandungan ng ina ang sanggol, ngunit hindi siya niyakap. Hawak lamang—parang bitbit na bag.
Habang umaandar ang traysikel, patuloy ang pag-iyak ng sanggol. Mahina ngunit tuloy-tuloy. Walang pumatahan. Walang umalo.
Sa maliit at madilim na bahay na kanilang tinirhan, walang naghihintay na handa o selebrasyon. May amoy ng alak sa hangin. May mga papel ng utang na nakakalat sa mesa. May bote ng beer na kalahating laman sa sulok.
Isang lalaki ang nakaupo roon—ang ama.
Tumingin ito sa sanggol na parang tumitingin sa isang hindi inaasahang problema.
“Magkano ang nagastos?” tanong niya agad.
Sinabi ng ina ang halaga.
Napamura ang lalaki.
“Dagdag problema na naman,” bulong nito.
Tahimik ang silid. Walang nagsalita tungkol sa sanggol. Walang nagsabing maganda siya. Walang nagsabing mahalaga siya.
Sa halip, inilapag siya sa isang lumang kahon na nilagyan lamang ng manipis na tela. Iyon ang naging higaan niya.
Habang nasa kabilang kwarto ang kanyang mga magulang, narinig ang malamig na pag-uusap.
“Mahina siya. Mukhang sakitin,” sabi ng ina.
“Magastos,” sagot ng ama.
Isang sandaling katahimikan.
Pagkatapos ay malamig na boses ng lalaki ang pumutol sa gabi.
“Kung hindi siya tatagal… mas mabuti.”
Sa unang gabi ng kanyang buhay, iyon ang unang hatol na ibinigay sa kanya.
Sa labas, humihina na ang bagyo. Unti-unting tumatahimik ang ulan. Ngunit sa loob ng maliit na bahay na iyon, nagsisimula pa lamang ang mas mahaba at mas malupit na unos.
At sa parehong oras, sa kabilang panig ng mundo, may isang lalaking nakatayo sa harap ng malawak na bintana ng isang marangyang mansyon sa America.
Tahimik siyang nakatingin sa ulan sa labas.
May hawak na telepono sa tainga.
“Ipinanganak na siya,” sabi ng boses sa kabilang linya.
Hindi agad sumagot ang lalaki.
“Mahina raw ang bata. Baka hindi mabuhay.”
Nagdilim ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga iyon, saka muling nagmulat.
Malamig ang boses nang magsalita siya.
“Bantayan niyo siya.”
Saglit na katahimikan sa kabilang linya. “Sir?”
“Kahit anong mangyari,” ulit niya, mas mababa ang tono. “Siguraduhin niyong mabubuhay siya.”
Pinutol niya ang tawag at ibinaba ang telepono.
Tahimik siyang tumingin sa ulan.
Sa isip niya, iisang pangalan lamang ang umalingawngaw.
Seraphina.
Hindi pa niya ito nakikita.
Hindi pa niya ito nakakausap.
Ngunit sa kung anong dahilan… alam niyang balang araw, ang batang iyon ay magiging kanyang responsibilidad.
At marahil—
ang tanging taong kailangan niyang iligtas.
Pakiramdam ni Seraphina, parang bato ang kanyang mga binti habang papalapit siya sa lalaking nakatayo sa itaas ng hagdan. Bawat hakbang ay mabagal, puno ng alinlangan, at maingat. Ang echo ng kanyang sapatos sa marmol ay nagpaparamdam sa kanya ng sobrang liit. Parang bawat tunog ay sumisigaw sa kanya na siya’y naiiba at walang lugar sa paligid na ito.Gusto niyang magtanong ng maraming bagay, ngunit parang natrap ang boses niya sa pagitan ng lalamunan at puso. “Bakit… sobrang… laki?” naisip niya, hindi ang mansyon kundi ang presensya ng lalaki. Ang anino niya, nakabalot sa ilaw ng chandelier, ay tila buhay, matatag, at hindi basta-basta matitinag.Hindi gumalaw ang lalaki, ngunit tila alam niya ang lahat ng iniisip ni Seraphina. Ang kanyang postura ay perpekto, walang pagbabago, parang estatwa na may sariling aura ng kapangyarihan. Gusto niyang lumingon, umatras, ngunit ang kuryosidad ay nagpigil sa kanya.Nang mangahas siyang bumulong, halos sa sarili, ang boses ay nanginginig: “Excu
Mahaba ang biyahe.Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas—walo ba? Sampu? Higit pa? Para sa kanya, parang isang mahabang pagitan lamang ng bawat paghinga. Ang oras ay tila natunaw sa monotony ng pag-ikot ng mga gulong at ugong ng makina.Paminsan-minsan ay pinipikit niya ang mata, ngunit hindi siya tunay na nakakatulog. Tuwing sisilip ang alaala ng bahay na iniwan niya—ang mga pader na may bakas ng kanyang kabataan, ang kusina kung saan siya unang natutong magluto, ang kanyang sariling kama na ngayon ay malamig at tahimik—kusang nagigising ang kanyang katawan. Parang may bahagi sa kanya na ayaw mawalan ng kontrol, kahit sandali lamang.Tahimik ang cabin. Mahina ang ugong ng makina. Paminsan-minsan ay may umiiyak na bata sa likod. May babaeng mahina ang boses na nanonood ng pelikula sa kabilang upuan. Normal na mundo. Ngunit hindi na siya bahagi noon.Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na notebook sa bag niya. Ilang pahina na lamang ang may sulat. Karamihan ay listahan ng gas
Halos hindi natulog si Seraphina sa buong linggo bago ang pag-alis niya.Simula nang pumirma siya sa kontrata, tila naging mas tahimik ang bahay—ngunit hindi dahil sa kapayapaan. Kundi dahil tapos na ang lahat. Wala nang dapat pag-usapan. Wala nang dapat pag-awayan. Parang natupad na ang layunin ng bawat isa sa loob ng bahay na iyon, at siya… ay isa na lamang bagay na naipasa na sa bagong may-ari.Parang naibenta na sila ng isang gamit na matagal nilang gustong alisin. Isang lumang mesa na nakaharang sa sala. Isang sirang radyo na hindi na pinapansin. Isang responsibilidad na matagal nang pabigat.Wala nang galit.Wala nang sigawan.Wala na ring pakialam.Mas masakit pala ang katahimikan.Mas masakit ang pakiramdam na hindi ka na kailangang pagalitan dahil hindi ka na mahalaga. Mas masakit ang pakiramdam na wala nang nag-aaksaya ng emosyon para sa’yo dahil sa mata nila, tapos ka na. Nabayaran ka na. Naisuko ka na.Tuwing umaga, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho. Parang walang nagbago
Dumating ang ikalabingwalong kaarawan ni Seraphina nang walang selebrasyon.Walang cake.Walang kandila.Walang bumati.Kung hindi niya pa nakita ang petsa sa lumang kalendaryo sa dingding, hindi niya pa maaalala na iyon pala ang araw ng kapanganakan niya.Maaga siyang nagising, gaya ng nakasanayan. Madilim pa ang langit nang bumangon siya mula sa manipis na banig. Tahimik niyang inayos ang kumot at naglakad papunta sa kusina.Walang laman ang ref.Walang kanin sa kaldero.Huminga siya nang malalim at kinuha ang bag niyang luma. May tatlong trabaho siyang papasukan ngayong araw—gaya ng araw-araw.Habang naglalakad papunta sa sakayan, napansin niyang mas malamig ang hangin kaysa karaniwan. Parang may kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.Parang may mangyayaring masama.Ngunit sanay na siyang huwag pansinin ang mga ganitong pakiramdam. Sa buhay niya, palaging may masama.Sa café kung saan siya nagtatrabaho bilang waitress, tahimik siyang kumilos. Mabilis maglakad. Maingat mag


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.