Share

18

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2025-08-21 19:21:14

Beep. Beep.

Awtomatikong nag-respond ang biological clock ni Hasmine nang marinig ang tunog na iyon. Nakakaturete sa tainga. Idinilat niya ang isang mata. 5:00 o' clock, ang nakarehistro sa digital clock na nakapatong sa bedside table.

Naghihikab na bumangon siya. Sa gitna ng madilim na silid ay hinagilap ng kanyang mga paa ang tsinelas sa ilalim ng kanyang kama. Ang sarap sa pakiramdam ng fluffy feathers na ngayon ay nakasapin sa mga paa. Sunod niyang kinapa ang switch sa dingding at hinagilap ang roba na basta niya na lang ipinatong sa backrest ng single sofa at mabilis ang mga kilos na pumanhik ng banyo. Ang aga pa pero mukhang maalinsangan ang umaga. A quick shower was all she needed.

Kasalukuyan na niyang isinasabit ang bathrobe sa towel hook nang bigla siyang may maalala.

Teka! Hindi ito ang maliit na kubetang gamit niya sa barko. ‘Di hamak na mas maalwan ang banyong nakikita sa ngayon. Kumpleto pa sa fixtures.

Natutop niya ang noo.

Nasa Pilipinas na nga pala siya dalawang araw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • AT FIRST GLANCE   24

    Bakit nagagawa mo pa ring guluhin ng ganito ang puso ko, Hasmine?Kanina pa siya tahimik na nakatanaw kay Hasmine mula sa malayo, tahimik na nagmamasid sa gitna ng madilim na gabi. Kanina habang tinitigan ang pag-iyak nito ay gusto niyang isiping siya ang dahilan ng mga luhang iyon. Na may pagmamahal ito para sa kanya. That she was aching and yearning for him.Imposible...Then, he remembered how his love for her had blossomed…"Ngayon ka pa talaga nasira?"Problemadong sinipat-sipat ni Luke ang motor na kahit anong gawin niya ay ayaw umandar. Nasa matraffic na lugar pa naman siya."Napano 'yan?"Nang huminto sa tapat niya ang pampasaherong jeep at sumungaw sa passenger's side ang isang kaedad niyang lalaki."Luke, 'di ba?"Kumunot ang noo niya, pilit inalala kung saan nakita ang lalaki."Economics subject. Magkaklase tayo. Ako 'yong pinasagot ng professor natin na hindi nakasagot at pinagalitan. Voltaire."Trivial thing na hindi niya pinagtutunan ng pansin. Nasa eskwelahan lang naman

  • AT FIRST GLANCE   23

    "Be home as soon as you can."Nasa airport sila ni Agatha at kasalukuyang nagpapaalam sa isa’t-isa. Ngayon ang flight nito pabalik ng America. Hindi ito pwedeng lumiban sa university na pinapasukan bilang associate professor."I will."“See you in a bit.”Sinuyod niya ng tingin ang kasintahan. Mas maaliwalas na ngayon ang mukha nito. Bumalik na ‘yong matamis nitong ngiti. Ang anumang hindi nila pagkakaintindihan ay tuluyang na-patch up. All it took was honesty for Agatha to trust him one more time.“In a bit, babe.”Kinintalan niya ng halik sa labi ang fiancée bago kumalas sa pagkakayakap sa maliit nitong beywang. Tuluyan nang sumakay ng eroplano ang fiancée.Naglakad siya pabalik sa kinapaparadahan ng sasakyan. May importante pa siyang lalakarin. May mga bagay na dapat aasikasuhin dito sa Pilipinas. Mga taong kakausapin para mailagay sa tama ang anumang naiwan dito oras na permanente na siyang manirahan sa America.He will be saying goodbye for good.Kasalukuyan siyang naiipit sa git

  • AT FIRST GLANCE   22

    "Agatha, please."Walang tigil sa paghakbang si Agatha, walang balak na pakinggan ang pagsusumamo niya. As reasonable and sweet as she was, Agatha had a temper. Paminsan-minsan lang ito nagagalit pero matindi at malalim. "Listen to me, okay." Pigil-pigil niya na sa kamay ang babae.“Just stop, please.” He was begging. Doon napahinto ang fiancée, pero mukhang walang balak na tapunan siya ng tingin. Yet, he insisted. “Can we talk?”Lumipas ang mga sandali na walang sagot na nakuha. Galit ito. Kita niya sa kung paanong nagtaas-baba ang dibdib nito. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga palad nito sa gilid. Pinipigilan nito ang sumabog. Iwas na iwas itong makagawa ng anumang senaryo na ikapapahiya nilang pareho. This was one thing she loved about her. Kaya nitong magtimpi para sa kanya. "I have always been honest with you, Luke."She called him by the name. Malalim ang tampo nito.Tinaga siya ng konsensya sa nakitang kislap ng luha sa mga mata ng kasintahan. "Those were just petty things."

  • AT FIRST GLANCE   22

    Araw ng kasal ni Voltaire. It was a beautiful sunny day. Mistulang umayon ang panahon sa dalawang pusong nagmamahalan. Lois was a beautiful bride. Si Voltaire naman, ang gwapo nito sa suot na tuxedo. Voltaire and Lois’ wedding was a union witnessed by relatives and friends. Kahit ang mga dating kabarkada ni Voltaire ay naroroon din. Wala nga lang sina Jeff at Mia.Dahil wala naman siyang papel sa processional, naupo siya sa unahang bahagi ng unang pew at panay ang pagkuha ng larawan sa cellphone. Hanggang sa dumating sa pinaka-importanteng bahagi ng seremonya."Voltaire, do you take Lois as your lawfully wedded wife?" tanong ng nagkasal sa dalawa."Of course, I do."Nagkatawanan ang lahat sa kakengkoyan ng pinsan. Sino ba ang mag-aakala na magkakaroon din ng direksyon sa buhay at makapagpatayo ng sariling construction business."Kahit kailan, ulol talaga ang isang ‘to,” dinig niyang komento ng isang kamag-anak na nasa likuran.Ulol ngang matatawag, ‘di seryoso pero heto at nakahanap

  • AT FIRST GLANCE   20

    Ayaw siyang dalawin ng antok. Kanina pa siya pabago-bago ng posisyon sa higaan pero kahit anong gawin, gising pa rin ang diwa niya. Maya’t-maya lang, bumabalik ang isip niya sa kaganapan kanina. She was troubled. Troubled by Luke’s presence.Mabuti na lang at nagpaalam na rin kaagad sina Luke at Agatha kanina. Ibinigay lang ang mga pasalubong at nagpaalam na. Kahit papano, nakahinga siya nang maluwag. Pakiramdam niya kasi, habang kasalo ang mga ito sa hapag, ang sikip ng daluyan ng hangin sa katawan niya.“Kaya pa ba?” tanong ni Lyn-Lyn kanina habang nakatitig siya sa gilid ng bintana at inihahatid ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Luke.“Lahat nga ng hirap, kinaya ko.”She was trying to convince herself. Hindi iyon buminta sa pinsan. Umiling-iling lang si Lyn-Lyn na parang sinasabing hindi ito naniniwala. Sino ba kasi ang niloloko niya? Ang hirap magkunwari. Matatapos din lahat ng ito. Just until Voltaire's wedding.Destination wedding sa La Union ang na napili nina Voltaire at

  • AT FIRST GLANCE   19

    "Babe, will your family like me kaya?"Mula sa pagmamaneho ay nilingon ni Luke ang magandang babaeng katabi. Her hair was knotted into a loose bun, with tendrils swaying across her face. In her eyes lingered an uncertainty and nervousness he never knew she had. Lagi kasi itong composed at sigurado sa sarili. Her lips pouted in such a cute fashion. Kahit bumusangot ito, hindi pa rin nababawasan ang ganda. No, beautiful was an understatement. The woman beside him was more than wonderful.Ginagap ni Luke sa pamamagitan ng kanang kamay ang palad nitong nakapatong sa kandungan niya at hinagkan. "Of course, they will."That was enough to make her at ease. Napangiti na rin ito, nakikiliti sa ginagawa niyang pagdampi ng pinong halik sa palad nito."Your mom and dad are crazy over me. Sana naman, I will also find favor with your adopted family.""Yes," with finality ay turan niya. "They loved me unconditionally, there’s no reason they won't love you."“I am so thrilled to meet everyone.”Giggl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status