Ayaw siyang dalawin ng antok. Kanina pa siya pabago-bago ng posisyon sa higaan pero kahit anong gawin, gising pa rin ang diwa niya. Maya’t-maya lang, bumabalik ang isip niya sa kaganapan kanina. She was troubled. Troubled by Luke’s presence.Mabuti na lang at nagpaalam na rin kaagad sina Luke at Agatha kanina. Ibinigay lang ang mga pasalubong at nagpaalam na. Kahit papano, nakahinga siya nang maluwag. Pakiramdam niya kasi, habang kasalo ang mga ito sa hapag, ang sikip ng daluyan ng hangin sa katawan niya.“Kaya pa ba?” tanong ni Lyn-Lyn kanina habang nakatitig siya sa gilid ng bintana at inihahatid ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Luke.“Lahat nga ng hirap, kinaya ko.”She was trying to convince herself. Hindi iyon buminta sa pinsan. Umiling-iling lang si Lyn-Lyn na parang sinasabing hindi ito naniniwala. Sino ba kasi ang niloloko niya? Ang hirap magkunwari. Matatapos din lahat ng ito. Just until Voltaire's wedding.Destination wedding sa La Union ang na napili nina Voltaire at
"Babe, will your family like me kaya?"Mula sa pagmamaneho ay nilingon ni Luke ang magandang babaeng katabi. Her hair was knotted into a loose bun, with tendrils swaying across her face. In her eyes lingered an uncertainty and nervousness he never knew she had. Lagi kasi itong composed at sigurado sa sarili. Her lips pouted in such a cute fashion. Kahit bumusangot ito, hindi pa rin nababawasan ang ganda. No, beautiful was an understatement. The woman beside him was more than wonderful.Ginagap ni Luke sa pamamagitan ng kanang kamay ang palad nitong nakapatong sa kandungan niya at hinagkan. "Of course, they will."That was enough to make her at ease. Napangiti na rin ito, nakikiliti sa ginagawa niyang pagdampi ng pinong halik sa palad nito."Your mom and dad are crazy over me. Sana naman, I will also find favor with your adopted family.""Yes," with finality ay turan niya. "They loved me unconditionally, there’s no reason they won't love you."“I am so thrilled to meet everyone.”Giggl
Beep. Beep.Awtomatikong nag-respond ang biological clock ni Hasmine nang marinig ang tunog na iyon. Nakakaturete sa tainga. Idinilat niya ang isang mata. 5:00 o' clock, ang nakarehistro sa digital clock na nakapatong sa bedside table.Naghihikab na bumangon siya. Sa gitna ng madilim na silid ay hinagilap ng kanyang mga paa ang tsinelas sa ilalim ng kanyang kama. Ang sarap sa pakiramdam ng fluffy feathers na ngayon ay nakasapin sa mga paa. Sunod niyang kinapa ang switch sa dingding at hinagilap ang roba na basta niya na lang ipinatong sa backrest ng single sofa at mabilis ang mga kilos na pumanhik ng banyo. Ang aga pa pero mukhang maalinsangan ang umaga. A quick shower was all she needed.Kasalukuyan na niyang isinasabit ang bathrobe sa towel hook nang bigla siyang may maalala.Teka! Hindi ito ang maliit na kubetang gamit niya sa barko. ‘Di hamak na mas maalwan ang banyong nakikita sa ngayon. Kumpleto pa sa fixtures.Natutop niya ang noo. Nasa Pilipinas na nga pala siya dalawang araw
"Final na ba talaga ‘yan?"Kagabi lang siya dumating mula sa kanila pero heto at nag-iimpake na naman para sa tuluyang pag-uwi. For good. Kailangan niyang makabalik kaagad. Walang kasama ang tatay at mga kapatid niya."Kailangan ako ng pamilya. Doon na lang ako maghahanap ng trabaho, Lyn."“Anong trabaho naman mahahanap mo doon sa Mangagoy?”“Kahit ano.”Isinarado niya ang zipper ng bag at lumabas ng silid na kabuntot ito. Sa dingding ay napansin niya ang nakasabit na tarpaulin na may nakasulat na 'Congratulations, Hasmine!'. Sa ibabaw naman ng ref ang potted orchid na may kulay gintong laso na nakatali."Para sa’yo. Regalo ni Luke.”Nagpakita na rin pala ito sa wakas.“Dala niya kagabi pero natulog ka na pagdating niya. Gusto ka sanang kausapin pero baka napagod ka raw."How thoughtful. May haplos man sa kanyang puso ang thoughtfulness ngunit mas pinili niyang huwag ipakita ang tuwang naramdaman. Nagpatuloy siya sa paghakbang na parang walang anuman ang mga ‘yon at nagtungo sa likod
"Nasaan na ba si Luke?"Nagsimula na ang formal launching ng photo studio ngunit ni anino ni Luke ay wala. Wala namang pasabi kahit sa text man lang. Nanlilitid na ang ugat sa leeg ni Voltaire habang nakatingin sa labas. Si Jeff na kilalang mapagbiro ay ‘di na maitago ang inis at tinitimping galit. Puno ng tensyon ang paligid.Nag-invite pa naman ng mga kilalang tao sina Mia as prospective clients pero absentee ang photographer."Napaka-iresponsable!" in gritted teeth ay wika ni Mia nang makailang tawag na ngunit hindi sinasagot ni Luke ang tawag.'Nasaan ka na ba?' nag-aalala niyang usal.Loko-loko si Luke pero malayong hindi ito sisipot. Mahal na mahal ni Luke ang photography, siguradong may mabigat na dahilan. Nadisgrasya kaya sa daan? Huwag naman sana. Dalangin niya, sana, okay lang ito.Aligaga na ang mga tao. Walang ibang choice sina Voltaire kundi ang magsimula. Pansamantala, ito ang pumalit sa pwesto ni Luke. Nairaos man ang opening, nabalot naman ng disappointment ang paligid
“Damn this feeling!”Bakit kailangang sa babaeng ‘yon pa natutong tumibok ang puso niya? He spent three years of his life secretly loving her—three years of stolen glances, of words swallowed back before they could ever reach her ears, of nights spent wondering how it would feel if she only saw him the way he saw her. Kahit anong gawin niya, hindi nito magawang suklian ang nararamdaman niya."Wala."What he got was only a heart ache.Pinilit niya naming ibaling sa iba ang pansin pero ang pesteng puso niya, ‘di niya mapilit. Ang mga titig na pilit na pilit niyang huwag dumapo kay Hasmine kapag nasa malapit ito, kusang naglalakbay papunta rito kapag nakatalikod ito. Kapag nasa bahay siya nina Voltaire, panay ang nakaw niya ng sulyap sa nakasaradong pintuan nito.Kung sana lang ay katulad siya ng ama. But he is not him, and he refused to be like him.“Ah!”Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha at ilang beses na pinakawalan ang tila mabigat na hangin na natipon sa kanyang dibdib. Lu