“Luke.”All these years, alam na alam pa rin ng puso’t katawan niya kung paano tumugon sa simpleng pagdantay ng balat ni Hasmine.“Na-miss kita. Sobra-sobra.”“Why do you have to say this now?”Boses niya’y puno ng hinanakit, ng bigat ng loob na matagal nang kinikimkim.“Kasi… kasi—” Hindi nito maituloy ang sasabihin, tila nabibitin sa pagitan ng tapang at panghihina.Dapat ay galit siya, dapat ay kayang-kaya niyang tumalikod. Pero paano, kung sa bawat titig at paghikbi nito, para namang nadudurog ang depensang itinayo niya? Tinangka niyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Hasmine, ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit nito.She refused to let go of him.“Alam kong galit ka sa akin. Sukdulan.”God knows kung gaano kahirap para sa kanya habang pinagmamasdan ang mga luha sa mga mata ni Hasmine. His sanity was slowly slipping away. Gusto niya itong aluin, yakapin. It was just that the pain mirrored in her eyes had found its way into his heart. At bago pa niya tuluyang mapaglabanan ang
"Good Morning!"Nakangiting mukha nina Tiyo Romy, Tiya Letty at LynLyn ang bumungad sa kanya kinabukasan paggising niya. Nakatayo sa labas ng silid at halatang inantabayanan siya. Kaagad na lumapit ang mag-asawa at kabilaan siyang inakbayan at inakay patungo sa mesa.Lahat ng paborito niya ay nakahain."Sanay kaming ikaw ang nag-aasikaso ng agahan noon. Ngayon, kami naman," si Tiyo Romy na inusog pa ang silya para upuan niya."Kaya, insan, kain na."Nagsimula nang lagyan nina Tiya Letty at Lyn-Lyn ng pagkain ang plato niya. Alam niyang pinapagaan lang ng mga ito ang pakiramdam niya at pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal ng mga ito.“Sige na, anak.”Tinanggap niya ang kutsara at tinidor na inabot ni Tiya Letty. Nagsimula siyang sumubo. Nakaisang subo pa lang siya nang mapaiyak siya."O, bakit?"Yakap-yakap na siya ngayon ng tiyahin. Tumabi ito sa kanya at tinuyo ang mga luha niya. "Mainit lang ho itong tocino, Tiyang."Pinipilit niyang pintahan ng ngiti ang kanyang labi. N
Bakit nagagawa mo pa ring guluhin ng ganito ang puso ko, Hasmine?Kanina pa siya tahimik na nakatanaw kay Hasmine mula sa malayo, tahimik na nagmamasid sa gitna ng madilim na gabi. Kanina habang tinitigan ang pag-iyak nito ay gusto niyang isiping siya ang dahilan ng mga luhang iyon. Na may pagmamahal ito para sa kanya. That she was aching and yearning for him.Imposible...Then, he remembered how his love for her had blossomed…"Ngayon ka pa talaga nasira?"Problemadong sinipat-sipat ni Luke ang motor na kahit anong gawin niya ay ayaw umandar. Nasa matraffic na lugar pa naman siya."Napano 'yan?"Nang huminto sa tapat niya ang pampasaherong jeep at sumungaw sa passenger's side ang isang kaedad niyang lalaki."Luke, 'di ba?"Kumunot ang noo niya, pilit inalala kung saan nakita ang lalaki."Economics subject. Magkaklase tayo. Ako 'yong pinasagot ng professor natin na hindi nakasagot at pinagalitan. Voltaire."Trivial thing na hindi niya pinagtutunan ng pansin. Nasa eskwelahan lang naman
"Be home as soon as you can."Nasa airport sila ni Agatha at kasalukuyang nagpapaalam sa isa’t-isa. Ngayon ang flight nito pabalik ng America. Hindi ito pwedeng lumiban sa university na pinapasukan bilang associate professor."I will."“See you in a bit.”Sinuyod niya ng tingin ang kasintahan. Mas maaliwalas na ngayon ang mukha nito. Bumalik na ‘yong matamis nitong ngiti. Ang anumang hindi nila pagkakaintindihan ay tuluyang na-patch up. All it took was honesty for Agatha to trust him one more time.“In a bit, babe.”Kinintalan niya ng halik sa labi ang fiancée bago kumalas sa pagkakayakap sa maliit nitong beywang. Tuluyan nang sumakay ng eroplano ang fiancée.Naglakad siya pabalik sa kinapaparadahan ng sasakyan. May importante pa siyang lalakarin. May mga bagay na dapat aasikasuhin dito sa Pilipinas. Mga taong kakausapin para mailagay sa tama ang anumang naiwan dito oras na permanente na siyang manirahan sa America.He will be saying goodbye for good.Kasalukuyan siyang naiipit sa git
"Agatha, please."Walang tigil sa paghakbang si Agatha, walang balak na pakinggan ang pagsusumamo niya. As reasonable and sweet as she was, Agatha had a temper. Paminsan-minsan lang ito nagagalit pero matindi at malalim. "Listen to me, okay." Pigil-pigil niya na sa kamay ang babae.“Just stop, please.” He was begging. Doon napahinto ang fiancée, pero mukhang walang balak na tapunan siya ng tingin. Yet, he insisted. “Can we talk?”Lumipas ang mga sandali na walang sagot na nakuha. Galit ito. Kita niya sa kung paanong nagtaas-baba ang dibdib nito. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga palad nito sa gilid. Pinipigilan nito ang sumabog. Iwas na iwas itong makagawa ng anumang senaryo na ikapapahiya nilang pareho. This was one thing she loved about her. Kaya nitong magtimpi para sa kanya. "I have always been honest with you, Luke."She called him by the name. Malalim ang tampo nito.Tinaga siya ng konsensya sa nakitang kislap ng luha sa mga mata ng kasintahan. "Those were just petty things."
Araw ng kasal ni Voltaire. It was a beautiful sunny day. Mistulang umayon ang panahon sa dalawang pusong nagmamahalan. Lois was a beautiful bride. Si Voltaire naman, ang gwapo nito sa suot na tuxedo. Voltaire and Lois’ wedding was a union witnessed by relatives and friends. Kahit ang mga dating kabarkada ni Voltaire ay naroroon din. Wala nga lang sina Jeff at Mia.Dahil wala naman siyang papel sa processional, naupo siya sa unahang bahagi ng unang pew at panay ang pagkuha ng larawan sa cellphone. Hanggang sa dumating sa pinaka-importanteng bahagi ng seremonya."Voltaire, do you take Lois as your lawfully wedded wife?" tanong ng nagkasal sa dalawa."Of course, I do."Nagkatawanan ang lahat sa kakengkoyan ng pinsan. Sino ba ang mag-aakala na magkakaroon din ng direksyon sa buhay at makapagpatayo ng sariling construction business."Kahit kailan, ulol talaga ang isang ‘to,” dinig niyang komento ng isang kamag-anak na nasa likuran.Ulol ngang matatawag, ‘di seryoso pero heto at nakahanap