"Good morning."
Napahumindig siya nang matuklasang si Luke ang mismong katabi niya, ang pinakainiiwasan niya. Tuluyan nang nawala ang antok niya sa isiping katabi niya ito sa buong biyahe. Talagang nananadya ito.
"Anong ginagawa mo rito?" sa daan siya nakatingin at nakakrus ang mga bisig sa dibdib. Ang simangot ay di nagawang burahin sa mukha niya.
"Nauupo."
"Pilosopo. Bakit dito ka umupo?" Kung nakamamatay lang ang irap malamang kanina pa ito bumulagta.
"Grabe siya, oh. Ginawa mo na nga akong unan buong biyahe. What an ingrate!"
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako ingrato."
Ang tiyuhin bagama't sa daan nakatutok ang pansin ay natatawa sa palitan nila ng banters.
"Mas lalong hindi ako naghihilik." Medyo nabawasan ang kumpiyansa niya. Naghihilik daw siya ayon kay LynLyn. Pero hindi naman daw malakas. O, eh, ano ngayon?
"'Di raw."
Nakita niyang inilabas ni Luke ang cellphone nito at may ini-scroll sa gallery at ipinakita sa kanya.
"See."
Talagang nakasandal nga siya sa balikat ni Luke. Himbing na himbing siya at ang isang kamay ay nakadaop pa sa braso nito. Ang siste ay mukha na nga siyang cuddly bear sa tabi nito. Kinilabutan naman siya sa nakita.
"Para ka lang lasing na naglalaway. Nangagamoy utot na nga itong shirt ko."
Pasimple niyang inamoy ang sarili sa pamamagitan ng pagbuga ng hininga sa palad niya. Narinig na lang niya ang malakas na halakhak nina Luke at Tiyo Romy.
Bwisit talaga, sa isip-isip niya.
Sa inis ay nanahimik siya. Kapag may sasabihin pa siya, may isusukli namang hirit si Luke. Palibhasa hindi nawawalan ng bala ang isang 'to. Kinalimutan niyang katabi ito at itinuon ang atensyon sa magandang scenery. Nang dahil sa antok ay nawalan siya ng chance na mamalas ang ganda ng paligid lalo na ang bughaw na dagat.
Nature is quite a spectacle. Sobrang ganda. Soothing sa pakiramdam.
"Maganda?" tanong ni Luke sa kanya.
Tumango na rin siya. Unreasonable nga namang magmaldita pa siya.
Ilang sandali pa ay ibinigay nito sa kanya ang isang packet ng Presto Peanut Butter Cookies.
"Ayoko nga. Mamaya may lason 'yan."
"Sama talaga ng ugali ng babaeng ito."
Nakakainis at may sound effect pang kinain ng loko ang pagkain. Pati si Tiyo Roman ay sinubuan pa nito.
Bwisit! Nagugutom tuloy siya.
"Ayaw talaga?"
Inismiran niya lang ito na sinagot ng malutong na halakhak. Pati yata Adam's apple nito ay gumalaw.
Ilang saglit pa ay pumasok sila sa malawak na gate na nakapalibot sa malaki at modernong beach house. background ng naturang bahay ang malinaw na dagat ng Anilao. Kung sana may camera siya. Ang mga pinsan niya'y panay picture-taking kaagad nang makalulan.
"Ang ganda naman pala at ang laki ng bahay ninyo, Luke. Grabe ang ganda dito." Si Voltaire na umakbay pa sa kaibigan.
Awtomatikong napalingon siya kay Luke na ngayon ay nakaibis na rin. "Inyo 'to?"
"Sa parents ko, actually. Hindi akin."
Hindi lang basta maykaya ang may kakayanang magpatayo ng ganito kagarang beachhouse. Nakakapagtakang puros mga odd jobs ang kinukuha ni Luke. Minsan pa nga ay naki-extra sa talyer ng tiyo dahil kinulang ng pangrenta.
"Okay lang ba sa parents mo na nakikigamit kami rito?"
"Apparently, they are not around."
Inilahad nito ang kamay upang alalayan siya sa pagbaba. Bigla yatang naging gentleman.
"Kaya ko."
Napapailing na sinabi nitong "Miss independent strikes again. Oo nga pala, women empowerment." Lumigid ito sa likuran ng dyip at nakitulong sa paghahakot ng mga gamit.
Kahit papano may maganda namang qualities si Luke. Naisip niya habang tahimik itong pinapanood na walang kaarte-arteng nagbubuhat ng mga gamit. 'Di tuloy niya maiwasang mapansin ang pagpi-flex ng masels nito.
'Ang macho ng gago.'
Kahit yata ang pamamawis ng suot nito pati na ng kili-kili ay tila nakadagdag sa appeal nito.
'Gaga ka rin, Hasmine.'
Ipinilig niya ang kakatwang daloy ng utak at bago pa man may makakakita sa kanya ay nakitulong na rin siya.
Matapos ilagak ang mga gamit sa kanya-kanyang silid ay late lunch muna ang inatupag nila. Nasa malawak na lawn sila at nakalatag sa mahabang mesa na nakahanda na nang dumating sila ang mga pagkain. Maingay ang salu-salo. Pati ang matandang katiwala ng bahay at ang apo nito ay hindi hinayaan ng tiyahin na huwag sumalo sa kanila.
"Ito nga pala iyong Bicol Express, pare. Extra spicy 'yan."
Si Luke, sarap na sarap sa pagkain habang nakakamay lang.
Talaga kayang masarap? May bahagi ng puso niya ang nakaramdam ng tuwa. Tumataba yata iyon.
"Sarap no?" tanong ni Voltaire na may kasama pang kindat at siko sa tagiliran ng binata.
"Sobra."
Ngumisi si Voltaire at gumawi ang tingin sa kanya.
"Hasmine, pasado kay Luke ang timpla mo," nakangising turan ng pinsan na nag-thumbs-up sign pa.
Panandaliang naparam ang pagsubo ni Luke at napatingin sa kanya.
"Luto mo 'to?"
Aray naman! Ayaw maniwala ng loko.
"Sa lagay na 'yan at di ka naniniwala?"
Halos naubos na nga nito ang isang bandeha. 'Di pa nakuntento at tumabi pa ito sa kanya kung saan abala siya sa pagsasalin ng inihaw na bangus sa bilao.
"Akala ko ba sa kasungitan ka lang magaling."
Pinukol niya ito ng masamang tingin. Okay na sana, humirit pa.
"Bukod sa Bicol Express may iba ka pa bang alam na lutuin?"
"Meron. Grilled baga at pinausukang tadyang ng mga makukukit na tao."
Mas nagatungan ang inis nang bahagya pa nitong ilapit sa tenga niya ang bibig nito at bumulong.
"Kahit umuusok na 'yang ilong mo sa galit, cute ka pa rin."
Cute?
Nilingon niya ito. Pilit na inaarok sa mga mata nito and katotohanan ng sinabi ngunit natuklasang nakangisi ito. Ginugudtaym na naman siya. Siya naman itong tangang muntikan nang maniwala kahit alam niyang loko-loko ang kausap.
"Bagay talaga sayo ang pangalan mo, 'no? Luke. Loko-loko."
Tinalikuran niya ito at mas piniling sa mga tiyahin makiumpok matapos ilapag ang bilao sa buffet table. Kaysa makukunsume siya sa baliw na mga pinsan at sa kalokohan ni Luke. Iyong mga kasamang tindera ni Tiya Letty ay hindi niya rin naman masyadong ka-close. Naaaliw naman siya sa usapan ng mga ito.
"Di ka sasali sa mga pinsan mo?"
Kasalukuyang nagkakatuwaan na sa dagat ang mga ito kasama si Luke at ang mga tauhan ni Tiyo Romy sa shop at ng mga tindera ni Tiyang sa palengke.
"Dito na lang ho ako, Tiyang."
"Kung ayaw mong maligo aba'y mas maige pang maglibot-libot ka na lang." Kinuha nito ang cellphone at ibinigay sa kanya. "Gamitin mo na muna 'yan." Binalingan nito si Aling Dolores at tinanong, "Safe naman ho dito Manang?"
"Low crime rate ang lugar namin."
Mas maigi pa nga na mag-isang mag-stroll sa dalampasigan at enjoyin ang kagandahan na inihahain ni Mother Nature.
Pamumulot ng shells at pagkuha ng larawan ang inatupag niya. Nang makaramdam ng pagod ay naupo siya sa batuhan at inantabayanan ang sunset. Hanggang sa unti-unting bumaba si Haring Araw. Nag-iba ang kulay ng paligid, nagiging mas maganda. So scenic. Kung marunong lang sana siyang magpinta ay ginawan niya na ng obra ang nakikita.
Absorb na absorb siya sa magandang tanawin nang makaramdam ng mga kaluskos. May ibang tao bukod sa kanya. To her dismay, si Luke ang nasa likod niya. May hawak na camera. Siguro'y kumukuha ng larawan.
Mang-iinis na naman ito panigurado kaya bago pa man ito mabigyan ng tsansa ay magmamartsa na siya palayo. Akmang tatayo siya upang umalis ngunit maagap siya nitong sinenyasan na manatili.
"Don't worry inienjoy ko lang ang view and the beauty that nature provides."
Nababaliw na yata siya. Pakiwari niya kasi sa kanya patungkol ang 'beauty' na sinasabi nito. Mataman kasi itong nakatitig sa mukha niya habang nagsasalita.
Gaga, eh, nagawa nga akong dingguyin kanina.
Without an invitation, naupo ito ilang pulgada ang layo sa kanya.
"Sunset person ka rin?"
Wala yata ito sa mood para mang-ukray. May recess period din naman pala ang pagkabalasubas nito.
"Oo."
Katahimikan. Nagmatyag siya. Oras na gaguhin siya nito ay aalis siya.
"Romantic ka siguro."
Ano namang alam niya sa romance. Wala nga siyang kahilig-hilig sa mga romantic movies. Wala siya ni isa mang romantic bone sa katawan.
"Sunset o sunrise."
Pambasag iyon sa naghaharing katahimikan. Nag-isip pa muna siya kung sasagutin o hindi. Sa huli ay sinagot niya.
"Sunset nga."
Bahagya itong natawa. "Nangungulit lang."
Katahamikan ulit. Kakatwa, nakakaramdam yata siya ng pagkailang kaya naman sa papalubog na araw niya itinuon ang pansin.
"Cake o leche flan?" ilang sandali pa'y hirit muli nito.
"Ano to, Q and A?"
"Sort of."
Wala naman sigurong masama kung once in a while ay sakyan niya ang tupak nito kesa naman panay bangayan sila.
"Leche flan."
"Flowers o chocolate?
"Flowers."
"Thought so, most girls love flowers."
"Pero orchids ang paborito ko."
Napatangu-tango ito, napapaisip.
"Kotse o motor?"
"Mas gusto kong sumakay ng bus o 'di kaya ay train."
"With that, short or long distance travel?"
"Long distance. Lalo na 'pag may scenic view na nararaanan."
May itatanong pa ba ito? Ilang sandali munang nanahimik bago muling nagsalita.
"Old soul," anito kapagkuwan.
"Ha?"
"All of your choices are directed sa pagiging old soul mo. Kaya pala imbes na kaming mga kaedad mo ang kakwentuhan mas nakikisama ka sa usapan ng mga matatanda."
May hinampo ba ito sa boses?
Nilingon niya ito. "Psychologist ka ba?" tanong niya na lang.
"Marunong lang pong makiramdam."
May pakiramdam din pala.
"At kung psychologist ako o 'di kaya pyschic, ikaw na siguro ang isa sa pinakamahirap na subject ko."
"Bakit naman?"
"Ang hirap mo kayang basahin minsan. Hirap pang lapitan."
Lagi naman itong lumalapit, nangungulit nga lang.
"Teka, tanong ka nang tanong sa akin, turn ko naman," kunwa ay angil niya na di sinasadyang nanunulis ang nguso.
Umaliwalas ang mukha ni Luke. Tila malaking bagay ang sinabi niya.
"Game!" Umayos pa ito ng upo at akmang sasabak sa mahabang tanungan.
Aba'y! Game yata talaga ang mokong.
Ibubuka na sana niya ang bibig para magsalita nang biglang may pumatak na butil ng ulan sa mukha niya.
"Ang daya," angil niya na sa langit nakatingin habang nakapagkit ang ngiti sa mga labi. Bibihira raw siyang ngumiti pero feel niyang gawin iyon ngayon. "Luke, mabuti pa bumalik-"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang matuklasang titig na titig si Luke sa mukha niya. Dahan-dahan ay napalis ang ngiti niya.
"B-bakit?" naaasiwa niyang tanong nang hanggang ngayon ay di nito inaalis ang mga mata sa kanya.
"Dapat ganyan ka lagi. Nakangiti, masaya. Mas gumaganda ka."
Hindi niya malaman kung seryoso ito o nagbibiro na naman. Kung biro man ang linyang binitawan nito, sapat na yon upang tumahip ang kayang dibdib. Biro man o hindi, apektado siya.
"Tayo na," nasabi na lang niya at nagpatiunang tumayo.
Magkaagapay at tahimik nilang binaybay ang dalampasigan pabalik ng bahay. Funny how it seemed like a lazy stroll on the seashore with the beautiful sunset at the background while the fine sand served as their carpet.
Tuksong napatingin siya sa kamay ni Luke. Ano kaya ng pakiramdam na kahawak-kamay ito? Unang beses na ganito ang tumatakbo sa utak niya at si Luke pa talaga ang naiisip niya.
Wishful thinking. Pinalis niya sa isipan ang nakakatawang ideyang iyon.
"Nanunudyo lang yata ang langit. 'Di naman tumuloy."
"Oo nga. Wrong timing," ayon niya.
Hanggang sa narating nila ang bahay.
"Thank you, ha?"
"Saan?" maang niyang tanong.
Huminto sa paglalakad si Luke at humarap sa kanya.
"For spending time with me."
As if naman malaking bagay iyon.
Nakakapanibago lang ang pagiging seryoso ni Luke ngayon. Kung tutuusin, this is the longest time na nagsama silang dalawa nang matiwasay. Record-breaking sa tagal. Ang sarap din naman pala sa pakiramdam na ganito sila.
Isa-isa nang nagsibabaan ang mga turistang lulan ng cruise ship na pinagtatrabahuan ni Hasmine. Kahit ang ilan sa mga crew ay bumaba rin. Opportunity na nga naman ito na makapagt-our sa scenic na lugar ng Mykonos."Ayaw mo ba talaga?" tanong ng kapwa Pilipinong crew."Oo. Kaayo na lang muna."Nakapasyal na rin naman siya sa naturang lugar, kaya ‘di masyadong nakapanghihinayang. Mas gugustuhin na lang niya ang magpahinga. Kahit naman din nasa barko siya ay tanaw niya and buong isla.Sumandal siya sa railings at tinunghayan ang tubig sa ibaba. Nang magsawa ay ang kumpol ng mga ibon sa itaas naman ang pinagbalingan. Kahit paano'y nalibang siya."Maganda ang Mykonos sunset. Sayang naman kung magmumukmok ka lang dito."Sino ba 'tong pakialamerong bigla na lang nagsalita? Tumabi pa sa kanya ng walang pahintulot. Umusog siya, umusog din ito. Naiirita na siya. Ayaw na ayaw niyang basta nakikipag-usap sa isang estranghero. Kahit pa Pilipino rin. Kahit gaano pa kabango ang isang ito.Teka… Pamil
Kanina pa siya nakatayo sa harap ng apartment nila ni Agatha. Ito ang naging tahanan nila sa loob ng mahigit dalawang taon. He and Agatha had shared plenty of memories within these walls. More than a year since they officially became a couple, Agatha moved in with him. “Why don’t we live together?” Siya ang nagyaya kay Agatha na iwanan ang apartment nito at tumira sa kanya. It was after they had made love for the first time. Noon, sigurado na siyang nahanap niya ang babaeng papalit kay Hasmine sa puso niya. Pero ngayon, nalalambungan na ng alinlangan ang desisyong iyon.If only he could choose love over responsibility. If only.Bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Agatha. May malungkot na ngiti sa kanyang mga labi, kakaiba kaysa sa nakasanayan. “Why don’t you get inside? Malamig dito.”Nauna na itong tumalikod at pumasok. Siya nama’y sumunod. Something was telling him na may kakaiba kay Agatha ngayong araw. Karaniwan kasi, sa tuwing dumarating siya, agad itong pupulupot ng yakap s
Plantsado na ang lahat ng papeles para sa pagbibinta ng beach house. Sa katunayan, hawak ni Luke ngayon ang kontrata. Pirma na lang ang kulang at mapapasakamay na ng iba ang naturang property."Can I, at least, have one last look at the beach property before I finally sign the papers, Mr. Delgado?" One last favor. "Memories and sentimentality, huh?"Ngiti lang ang itinugon niya.“Okay, then.”Noon, pinag-awayan pa nila ng Daddy niya ang beachhouse, sa huli, ipinamana rin sa kanya at ngayon, kusang bibitawan. Nag-migrate na sa London ang ama kasama ng second family nito. Ang nanay niya naman ay kasama na ng tita niya sa ibang bansa, hiwalay na kay Rob. Sila ni Agatha, sa US na rin balak manirahan. It would be practical to sell the house. May panghihinayang man sa puso ayaw niyang isipin. Kung ano man ang mapagbibilhan ng property ay ibinigay niya sa ina ang malaking parte.But one last look wouldn’t do any harm. He headed for Anilao with the pact that this would be goodbye. Pwede ni
“Luke.” All these years, alam na alam pa rin ng puso’t katawan niya kung paano tumugon sa simpleng pagdantay ng balat ni Hasmine. “Na-miss kita. Sobra-sobra.” “Why do you have to say this now?” Boses niya’y puno ng hinanakit, ng bigat ng loob na matagal nang kinikimkim. “Kasi… kasi—” Hindi nito maituloy ang sasabihin, tila nabibitin sa pagitan ng tapang at panghihina. Dapat ay galit siya, dapat ay kayang-kaya niyang tumalikod. Pero paano, kung sa bawat titig at paghikbi nito, para namang nadudurog ang depensang itinayo niya? Tinangka niyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Hasmine, ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit nito. She refused to let go of him. “Alam kong galit ka sa akin. Sukdulan.” God knows kung gaano kahirap para sa kanya habang pinagmamasdan ang mga luha sa mga mata ni Hasmine. His sanity was slowly slipping away. Gusto niya itong aluin, yakapin. It was just that the pain mirrored in her eyes had found its way into his heart. At bago pa niya tuluyang mapagla
"Good Morning!"Nakangiting mukha nina Tiyo Romy, Tiya Letty at LynLyn ang bumungad sa kanya kinabukasan paggising niya. Nakatayo sa labas ng silid at halatang inantabayanan siya. Kaagad na lumapit ang mag-asawa at kabilaan siyang inakbayan at inakay patungo sa mesa.Lahat ng paborito niya ay nakahain."Sanay kaming ikaw ang nag-aasikaso ng agahan noon. Ngayon, kami naman," si Tiyo Romy na inusog pa ang silya para upuan niya."Kaya, insan, kain na."Nagsimula nang lagyan nina Tiya Letty at Lyn-Lyn ng pagkain ang plato niya. Alam niyang pinapagaan lang ng mga ito ang pakiramdam niya at pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal ng mga ito.“Sige na, anak.”Tinanggap niya ang kutsara at tinidor na inabot ni Tiya Letty. Nagsimula siyang sumubo. Nakaisang subo pa lang siya nang mapaiyak siya."O, bakit?"Yakap-yakap na siya ngayon ng tiyahin. Tumabi ito sa kanya at tinuyo ang mga luha niya. "Mainit lang ho itong tocino, Tiyang."Pinipilit niyang pintahan ng ngiti ang kanyang labi. N
Bakit nagagawa mo pa ring guluhin ng ganito ang puso ko, Hasmine?Kanina pa siya tahimik na nakatanaw kay Hasmine mula sa malayo, tahimik na nagmamasid sa gitna ng madilim na gabi. Kanina habang tinitigan ang pag-iyak nito ay gusto niyang isiping siya ang dahilan ng mga luhang iyon. Na may pagmamahal ito para sa kanya. That she was aching and yearning for him.Imposible...Then, he remembered how his love for her had blossomed…"Ngayon ka pa talaga nasira?"Problemadong sinipat-sipat ni Luke ang motor na kahit anong gawin niya ay ayaw umandar. Nasa matraffic na lugar pa naman siya."Napano 'yan?"Nang huminto sa tapat niya ang pampasaherong jeep at sumungaw sa passenger's side ang isang kaedad niyang lalaki."Luke, 'di ba?"Kumunot ang noo niya, pilit inalala kung saan nakita ang lalaki."Economics subject. Magkaklase tayo. Ako 'yong pinasagot ng professor natin na hindi nakasagot at pinagalitan. Voltaire."Trivial thing na hindi niya pinagtutunan ng pansin. Nasa eskwelahan lang naman