Puno ng fun at adventure ang araw na ito. Maliban sa swimming ay may mga water activities din na nakalaan para sa kanila. Hayun at nag-uunahan na sa pagsampa sa banana boat ang mga kasama ngunit si Hasmine ay mas piniling maglunoy sa hanggang tuhod na tubig-dagat kasama ni Tiya Letty.
"Tatanda ka talagang dalaga sa pagsama-sama mo sa akin." Binalingan ni Letty ang anak. "Voltaire, isama ninyo naman si Hasmine."
"Tiyang, ayoko ho."
"Para ka talagang matanda. Binuburo mo ang sarili mo."
"'Lika na, Min. Huwag nang pakipot."
Walang nagawa ang pag-ayaw niya nang hilahin siya ng mga pinsan. Magkatulong na hinila na siya ng mga ito patungo sa rubber boat na nakasampa pa sa dalampasigan.
"Don't worry, I'll make sure na safe ka," si Luke na umibis pa sa jetski na siyang maghihila sa banana boat. Wow ha! May continuation pa rin pala ang pagiging mabait nito. Inaamin niyang napapanatag naman kahit papa'no ang pakiramdam niya. "Upo ka na." Todo alalay pa ito na makasampa siya sa inflated rubber. Kahit ang pagkakabit ng lock ng life jacket niya, ito ang kusang gumawa kahit kaya naman na niya ang maliit na bagay na iyon. But for some reason, nagpaubaya siya.
"Dito ka lang humawak ha."
Tila nanigas ang bawat kalamnan niya nang hawakan nito ang kamay niya upang igiya sa hahawakan niya. Saka niya napagtanto, si Luke lang ang kauna-unahang lalaking, maliban sa mga kapatid at pinsan, na humawak sa kanya ng ganito.
"Basta huwag kang bibitaw."
At bakit parang lumalagpas yata sa kanyang tenga ang mga salita nito.
"O-okay," nasabi niya na lang at iniiwas ang mga matang nakatitig rito.
"Good."
Sumampa si Luke sa likuran niya.
"'Di ba, di ba dapat sa jet ski ka sumakay?"
"Dito na ako. Mamaya mahulog ka, ako ang sasalo sa 'yo."
Kumabog na naman ng wala sa oras ang puso niya. Kung tutuusin, wala namang ibig sabihin ang sinabi nito ah.
"Manong, huwag masyadong mabilis," sigaw nito sa operator na nag-thumb up sign lang. Brace yourself, Hasmine."
Ibinakod ni Luke sa katawan niya ang mahahabang biyas habang sa mismong hawakan niya nakahawak ang mga kamay. Ang siste ay tila nakakulong siya sa katawan ni Luke. Nahihirapan tuloy siyang tukuyin kung ang kabang nararamdaman sa ngayon ay dulot ng extreme ride o nang kamalayang halos yakap siya ni Luke.
"Relax," bulong nito sa kanya nang maramdaman marahil ang paninigas ng katawan niya.
Paano ba naman niya magawang kontrolin ang tension gayong ramdam niya ang mainit na hininga na dumadampi sa punung-taynga niya at sa batok. Idagdag pa ang matigas na dibdib na lumalapat sa likuran niya.
Pakiwari niya ay magkaka-heart attack siya sa presensya nito kaysa sa takot.
Hanggang sa naging mas matulin ang takbo nila. Pakiramdam niya ay humiwalay na ang kaluluwa nita sa kanyang katawan. Hanggang sa tila may malakas na impact. Bago pa man siya makahuma ay natuklasan niyang tumilapon siya sa dagat at mabilis na lumubog sa tubig. Nangunyapit siya ngunit wala siyang makapitan. Nagkakawag na sinikap niyang pumaibabaw ngunit mas lalo pa siyang pumailalim. Napilitan siyang hubarin ang life jacket nang maramdamang parang nasasakal imbes na palutangin nito. Sa kasawiang palad ay nabitawan iyon.
Nilukob ng 'di maipaliwanag na takot ang dibdib niya. Pinangangapusan na rin siya ng hininga.
But when all hopes were lost, isang mapagpalang kamay ang humatak sa kanya paitaas. Sa kanyang nanlalabong mga mata ay mukha ni Luke ang kanyang nakikita.
*****
KANINA pa siya nakadilat at sa maitim na langit nakatutok. Parang ganoon ka dilim ang tubig na lumamon sa kanya kanina.
Muntik na siya. Kung 'di dahil kay Luke.
Ang mukha nito ang unang bumungad sa kanya nang balikan siya ng malay-tao. Puno ng pag-aalala at takot.
"Thank God you're okay."
Mahigpit siyang niyakap ng binata nang finally ay binalikan na siya ng ulirat.
She has never felt so valued in her whole life. Ang concern na pinapakita nito di matatawaran.
"Min."
Ang mga pinsan niya, puno ng pag-aalala sa mga mukha.
"Sorry ha," in chorus na sinabi ng mga ito kasunod ang mahigpit na pagyakap sa katawan niya.
Kahit krung-krung ang dalawang ito, ramdam niya kung gaano siya kamahal ng mga ito.
"Ano ba kayo, buhay pa naman ako, ah. Masamang damo yata ito."
Gusto niya lang pagaanin ang kalooban ng mga ito. Sinisisi nito ang mga sarili sa nangyari.
"Okay na ako, promise."
"Takot lang namin kanina." Humigang nakayakap pa si LynLyn sa tabi niya.
"Pero mas grabe si Luke ha. Sinisid talaga ang dagat makita ka lang. Ibang-ibang Luke ang nakita namin kanina. Takot na takot habang niri-revive ka."
"At alam mo pa Min, ha, inundayan lang naman ng malakas na suntok ni Luke yong mamang operator ng jetski. Paanoy sinabihan nang maghinay-hinay lang, eh, humaharurot pa ng mabilis."
Hinaplos ang puso niya sa narinig at awa na rin sa pobreng mama. Sa angas ni Luke, baka napuruhan ang taong 'yon.
"Nasaan siya?"
Gusto niyang magpasalamat sa tagapagligtas niya.
"Nasa kusina. Nagpresentang tulungan si Nanay."
Naroroon nga si Luke, abala sa kung anumang hinahanda. Di alintana na kanina pa niya ito tinititigan mula sa pintuan. Nang maramdaman marahil na may nakatitig sa mga kilos nito ay dahan-dahang nag-angat ng mukha hanggang sa nag-ugnay ang mga titig nila.
He looked at her so tenderly. But then, there was this look of remorse.
Hindi nito dapat sinisisi ang sarili. After all, ito ang hero niya.
"Anak," si Tiyo Romy na niyakap siya nang makita. Pati si Tiyang na saka lang din siya napansin ay nakiyakap din.
Mahal na mahal talaga siya ng mga ito.
"Maupo ka na at inihanda namin ni Luke ang paborito mo."
Muling napagawi kay Luke ang mga matang niya. Then she mouthed that silent thank you.
********
Kanina pa nakatitig si Luke sa mdalim na langit. Bukas babalik na sila sa Maynila. Will they stay the same pagbalik sa Maynila? May panghihinayang sa kanyang puso. Kasisimula pa lang nilang magkalapit ni Hasmine, and as much as he would wish, talagang magtatapos na ang masayang dalawang araw na nakalipas.
"Luke."
Kumabog ang dibdib niya nang malingunan si Hasmine. May hawak itong mug ng umuusok na inumin, sa mukha ay naroroon ang alanganing ngiti. Malamang ay inisip nitong nabubulahaw siya nito.
"Nakakaistorbo ba ako?"
Ibang Hasmine ang kasama sa ngayon. Malayo sa supladang dalagang kinukulit niya. He likes her better this way. Buong akala niya ay hindi na darating ang pagkakataong katulad nito.
"Luke?"
"No..no." 'Kung pwede lang kitang makatabi sa lahat ng oras.'
Lumapit ito at iniabot sa kanya ang dala.
"Wala akong ibang maibigay sa 'yo." Tsokolate ang laman ng mug.
"Thank you."
"No, thank you," puno ng gratitude nitong wika. "Salamat sa lahat-lahat. Lalo na sa pagligtas mo sa akin."
Muling nanumbalik sa isipan niya ang nangyari kay Hasmine. Kung alam lang nito kung gaano siyang natakot para sa kaligtasan nito. "Ayokong may mangyaring masama sayo. Ganoon ka kalahaga sa akin, Hasmine."
Gusto niyang iparating sa dalaga ang katotohanan ng sinasabi niya. Of how much he cares for her.
"Pagdating natin ng Maynila. Will we be like this, Hasmine?"
Lumingon ito sa kanya.
"I would want us to be like this. I would want us to be friends."
More than friends kung maaari. Pero kailangan niyang magdahan-dahan. Hasmine is like a delicate flower. Kailangang pakakaingatan.
"Syempre naman."
Ganoon na lang ang tuwang nadarama nang nasilayan niya ang matamis na ngiti sa mga labi ni Hasmine. That sweet smile na malimit nitong ibigay sa kanya.
"Bakit naman hindi."
Bilang tugon ay inilahad nito ang palad sa kanya tanda ng pakikipagkamay.
"Hasmine, Angeles, open na maging kaibigan mo," si Hasmine na may matamis na ngiti sa mukha.
"Lucas Castaneda, handang maging alipin mo, maging kaibigan mo sa mahabang panahon."
Sa isang iglap ay nagdaop ang mga palad nila. Sinong mag-aakala na magiging malapit sila sa isa't-isa matapos ang mga pambabalewala nito sa kanya noon. Hasmine is making him the happiest man alive. Pagkakaibigan pa lang ito how much more kung magiging kasintahan ito.
He is counting the days na aabot sila sa puntong iyon.
Pero kailangan niya munang makuntento. Friendship is enough for now. He would be patient enough and wait for the right time na tahasang masabi rito ang tunay na damdamin.
Nang maghiwalay ang mga palad nila ay kapwa sila nagkatawanan pagkatapos ay magkatabing tumingala sa madilim na langit.
'I love you, Hasmine,' piping bulong niya sa hangin. One day, he would freely utter those words. 'Patience, Luke, patience.'
Isa-isa nang nagsibabaan ang mga turistang lulan ng cruise ship na pinagtatrabahuan ni Hasmine. Kahit ang ilan sa mga crew ay bumaba rin. Opportunity na nga naman ito na makapagt-our sa scenic na lugar ng Mykonos."Ayaw mo ba talaga?" tanong ng kapwa Pilipinong crew."Oo. Kaayo na lang muna."Nakapasyal na rin naman siya sa naturang lugar, kaya ‘di masyadong nakapanghihinayang. Mas gugustuhin na lang niya ang magpahinga. Kahit naman din nasa barko siya ay tanaw niya and buong isla.Sumandal siya sa railings at tinunghayan ang tubig sa ibaba. Nang magsawa ay ang kumpol ng mga ibon sa itaas naman ang pinagbalingan. Kahit paano'y nalibang siya."Maganda ang Mykonos sunset. Sayang naman kung magmumukmok ka lang dito."Sino ba 'tong pakialamerong bigla na lang nagsalita? Tumabi pa sa kanya ng walang pahintulot. Umusog siya, umusog din ito. Naiirita na siya. Ayaw na ayaw niyang basta nakikipag-usap sa isang estranghero. Kahit pa Pilipino rin. Kahit gaano pa kabango ang isang ito.Teka… Pamil
Kanina pa siya nakatayo sa harap ng apartment nila ni Agatha. Ito ang naging tahanan nila sa loob ng mahigit dalawang taon. He and Agatha had shared plenty of memories within these walls. More than a year since they officially became a couple, Agatha moved in with him. “Why don’t we live together?” Siya ang nagyaya kay Agatha na iwanan ang apartment nito at tumira sa kanya. It was after they had made love for the first time. Noon, sigurado na siyang nahanap niya ang babaeng papalit kay Hasmine sa puso niya. Pero ngayon, nalalambungan na ng alinlangan ang desisyong iyon.If only he could choose love over responsibility. If only.Bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Agatha. May malungkot na ngiti sa kanyang mga labi, kakaiba kaysa sa nakasanayan. “Why don’t you get inside? Malamig dito.”Nauna na itong tumalikod at pumasok. Siya nama’y sumunod. Something was telling him na may kakaiba kay Agatha ngayong araw. Karaniwan kasi, sa tuwing dumarating siya, agad itong pupulupot ng yakap s
Plantsado na ang lahat ng papeles para sa pagbibinta ng beach house. Sa katunayan, hawak ni Luke ngayon ang kontrata. Pirma na lang ang kulang at mapapasakamay na ng iba ang naturang property."Can I, at least, have one last look at the beach property before I finally sign the papers, Mr. Delgado?" One last favor. "Memories and sentimentality, huh?"Ngiti lang ang itinugon niya.“Okay, then.”Noon, pinag-awayan pa nila ng Daddy niya ang beachhouse, sa huli, ipinamana rin sa kanya at ngayon, kusang bibitawan. Nag-migrate na sa London ang ama kasama ng second family nito. Ang nanay niya naman ay kasama na ng tita niya sa ibang bansa, hiwalay na kay Rob. Sila ni Agatha, sa US na rin balak manirahan. It would be practical to sell the house. May panghihinayang man sa puso ayaw niyang isipin. Kung ano man ang mapagbibilhan ng property ay ibinigay niya sa ina ang malaking parte.But one last look wouldn’t do any harm. He headed for Anilao with the pact that this would be goodbye. Pwede ni
“Luke.” All these years, alam na alam pa rin ng puso’t katawan niya kung paano tumugon sa simpleng pagdantay ng balat ni Hasmine. “Na-miss kita. Sobra-sobra.” “Why do you have to say this now?” Boses niya’y puno ng hinanakit, ng bigat ng loob na matagal nang kinikimkim. “Kasi… kasi—” Hindi nito maituloy ang sasabihin, tila nabibitin sa pagitan ng tapang at panghihina. Dapat ay galit siya, dapat ay kayang-kaya niyang tumalikod. Pero paano, kung sa bawat titig at paghikbi nito, para namang nadudurog ang depensang itinayo niya? Tinangka niyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Hasmine, ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit nito. She refused to let go of him. “Alam kong galit ka sa akin. Sukdulan.” God knows kung gaano kahirap para sa kanya habang pinagmamasdan ang mga luha sa mga mata ni Hasmine. His sanity was slowly slipping away. Gusto niya itong aluin, yakapin. It was just that the pain mirrored in her eyes had found its way into his heart. At bago pa niya tuluyang mapagla
"Good Morning!"Nakangiting mukha nina Tiyo Romy, Tiya Letty at LynLyn ang bumungad sa kanya kinabukasan paggising niya. Nakatayo sa labas ng silid at halatang inantabayanan siya. Kaagad na lumapit ang mag-asawa at kabilaan siyang inakbayan at inakay patungo sa mesa.Lahat ng paborito niya ay nakahain."Sanay kaming ikaw ang nag-aasikaso ng agahan noon. Ngayon, kami naman," si Tiyo Romy na inusog pa ang silya para upuan niya."Kaya, insan, kain na."Nagsimula nang lagyan nina Tiya Letty at Lyn-Lyn ng pagkain ang plato niya. Alam niyang pinapagaan lang ng mga ito ang pakiramdam niya at pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal ng mga ito.“Sige na, anak.”Tinanggap niya ang kutsara at tinidor na inabot ni Tiya Letty. Nagsimula siyang sumubo. Nakaisang subo pa lang siya nang mapaiyak siya."O, bakit?"Yakap-yakap na siya ngayon ng tiyahin. Tumabi ito sa kanya at tinuyo ang mga luha niya. "Mainit lang ho itong tocino, Tiyang."Pinipilit niyang pintahan ng ngiti ang kanyang labi. N
Bakit nagagawa mo pa ring guluhin ng ganito ang puso ko, Hasmine?Kanina pa siya tahimik na nakatanaw kay Hasmine mula sa malayo, tahimik na nagmamasid sa gitna ng madilim na gabi. Kanina habang tinitigan ang pag-iyak nito ay gusto niyang isiping siya ang dahilan ng mga luhang iyon. Na may pagmamahal ito para sa kanya. That she was aching and yearning for him.Imposible...Then, he remembered how his love for her had blossomed…"Ngayon ka pa talaga nasira?"Problemadong sinipat-sipat ni Luke ang motor na kahit anong gawin niya ay ayaw umandar. Nasa matraffic na lugar pa naman siya."Napano 'yan?"Nang huminto sa tapat niya ang pampasaherong jeep at sumungaw sa passenger's side ang isang kaedad niyang lalaki."Luke, 'di ba?"Kumunot ang noo niya, pilit inalala kung saan nakita ang lalaki."Economics subject. Magkaklase tayo. Ako 'yong pinasagot ng professor natin na hindi nakasagot at pinagalitan. Voltaire."Trivial thing na hindi niya pinagtutunan ng pansin. Nasa eskwelahan lang naman