Patricia stared to her luggages. Apat na maleta niya ang punong puno ng laman. All her belongings and personal things. One of the maid packed it already. At kanina pa rin siya palakad-lakad sa loob ng silid niya. The windows are locked even the door of her room. She was literally a prison.
Ilang beses na nga ba niyang iniyakan ang bagay na iyon? Marami na. At hindi pa rin na uubos ang luha niya. Her mother couldn’t do anything that against her father’s decision at isa na nga doon ang pag-alis niya. Permanently. Dadalhin siya ng mga ito sa Amerika. Doon sa bahay ng kapatid ng daddy niya. For six days ay wala siyang komunikasyon sa kahit na sino. No phone. No computer. All her gadgets were confiscated. Hindi na niya alam kung ano na nga bang nangyayari kay Max. Alam niyang alalang-alala na sa kanya ang binata. Today is his mother’s birthday at nangako siyang darating siya. Last night, hindi niya pwedeng ipagkamali ang boses ni Ma
Pumasok sa isang twenty-four seven convenience store si Patricia. Mula sa Ortigas ay sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa pinamalapit na bus station. Hindi niya alam kung saang lugar siya pupunta pero alam niyang ano mang oras ay may makakahanap sa kanya lalo na at alam niya ang kakayahan ng ama niya. Tinignan niya ang cellphone na inabot ng mommy niya sa kanya. “Take this.” Inabot ni Alicia kay Pat ang cellphone ng dalaga.“Where did you get this mom?” tanong ni Patricia sa ina.Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya. “It doesn’t matter. Take it at mag-iingat ka. Nandyan ang number ko. Call me kung saan ka pupunta.”Nangilid ang luha sa mga mata ni Patricia. Hinid niya inaasahan na hahayaan siya ng ina na makaalis. “M-Mom…”“Bumuli ka kaagad ng new sim at ilagay mo dyan.” Niyakap muna siya nito bago siya i
“M-Max?” Kinilig ni Patricia ang ulo at saka tinitigan si Max. Tinawag siya nito sa ibang pangalan. Hindi lamang niya masyadong naulingan ngunit alam niyang ibang pangalan ang nabanggit nito. “Okay ka lang?” tanong niya.Kinusot nito ang mga mata at saka tumango. “I’m sorry. Pagod lang yata ako.”May pagtataka sa mga mata ni Pat. “Are you sure? Kasi you mention another name and I thought —.”“It’s nothing. Ikukwento ko sana sa ‘yo kung paano tayo napunta dito. Nasa Aurora kasi tayo mismo. Pero kung ano-ano naman ang pumapasok sa utak ko. Pagod siguro ito.” Sagot lamang ni Max sa kanya.Nababakas na sa mukha nito ang tinatagong pagod at antok. Nagpaalam na lang muna siya dito at pumasok sa banyo. Sumandal siya sa likod ng pintuan at saka bumuga ng hangin. Hindi niya lubos akalain na mangyayari ang ganito, siya at si Max sa loob ng iisang silid
Dahan-dahan na iginalaw ni Patricia ang talukap ng kanyang mga mata. Tumatagos muna sa manipis na puting kurtina ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Her eyes immediately landed on the couch, but it was empty. Wala na doon si Max. She stared at the bathroom door thinking that he was inside. Pero may ilang minuto na siyang nakatitig doon ay walang lumalabas.Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at binuksan iyon. Walang tao sa loob ng banyo. But he can saw the pair of boxer and white sando that Max wore from last night. Nagsepilyo siya at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto ng cottage. Naamoy niya ang amoy ng hanging dagat. Ipinikit niya ang mga mata at saka tinanaw ang asul na dagat. Nakakahalina ang bawat alon na sumasayaw sa bawat ihip ng mabining hangin.Suot ang tsinelas na nakuha niya sa loob ng kwarto ay lumabas siya sa cottage na suot pa rin ang pares ng pajamas na suot niya kagabi. Maganda ang lugar. May mga open cottag
Patricia and Max are holding hands together habang nililibot nila ang maliit na bayan ng Baler. Nakapunta na sila sa kung saan saan. Maliit lamang ang mismong bayan kaya hindi mo mararamdaman na maliligaw ka. Tahimik at wala gaanong polusyon. Walang gaanong tao sa kalsada dahil kaka-unti naman ang mga establisyemento. Halos pulos mga bilihan lamang ng mga souvenir items ang nagkalat sa lugar. From Key chains, mugs at hanggang T-shirt. Baler was famously known for surfing pero hindi ganoon ang ginawa nila ni Max. After they had breakfast ay niyaya muna siya nitong magsimba. Pagkatapos ay bumiyahe sila ng may trenta minuto hanggang sa sumapit sila sa bayan ng Maria Aurora.Pat gasped as Max guided her out of the car. “Oh my God!” bulalas niya.Matapos magbayad ni Max ng parking fee ay huminto sila sa harapan ng mataas at napagkalaki laking balete tree.“Yan ang kinukonsidera na pinakamalaking balete tree sa buong pi
Masasarap ang mga pagkain. Sariwa ang mga gulay at ang mga isda na nakahain sa mesa. Lahat sila ay maganang naghapunan. Ang sabi ay si Sienna daw ang nagluto ng mga iyon. Matapos ang hapunan ay nag-aya ang may-ari ng resort sa isang cottage malapit sa dalampasigan. May hawak itong bote ng wine at tatlong baso. Kumakalat na ang malamig na klima kaya napahalukipkip nalang si Patricia.Unti-unti na rin niyang nakakagaanan ng loob si Sienna. Mabait at malambing din ito.“So any plans?” tanong nito sa kanya nang makalayo si Max sa kanila para ayusin ang bonfire settings nito.Tinanggap niya ang inabot nitong wine glass na may lamang alak. “Thank you,” aniya.Tumingin muna siya sa kawalan bago marahan na lumagok doon. “Sa ngayon hindi pa namin alam.” Simpleng tugon lang ni Patricia.Kaninang umaga ay nabigla siya nang sabihin niya kay Max na magpakasal na sila. Mabuti na lamang at hindi s
Nanatiling nakahawak ang kamay ni Max kay Patricia. At nanatili silang nakatayo sa harapan ng isang ginang na ngayon ay nangingilid ang mga luha. Pinunasan nito ang mga kamay gamit ang apron na suot nito at saka mabilis na lumapit kay Max at niyakap iyon.“Susmaryosep ka, Max. Saan ka ba nanggaling na bata ka at ngayon ka lang bumalik?” tanong ng Matandang babae kay Max.Sandaling bumitaw ang kamay ni Max kay Patricia at saka nagmano sa ginang na sumalubong dito. “Mano po ‘nay.”“Kaawaan ka ng Diyos. Ako’y todo-todo na ang pag-aalala sa ‘yo. Hindi ko malaman kung saan ka hahanapin, ikaw ay maraming ipapaliwanag sa akin na bata ka. Noong nakaraang araw ay—.” Naputol ang sinasabi ng Ginang ng mapabaling sa kanya.Mabilis siyang ngumiti at nagyukod ng ulo. “G-Good evening po.”“M-May kasama ka.” Dahan-dahan na sabi nito kay Max.Ag
Pinalitan ni Patricia ng mga bagong punda ang tatlong pirasong unan na nakapatong sa kama. Maging ang bed sheet ay pinalitan din niya. Nakakuha din siya sa loob ng cabinet ni Max ng bagong kumot. Hindi niya naramdaman ang kakaibang saya na nararamdaman niya ngayon kumpara noon. Ngayon, may isang bagay siyang aasahan sa bawat pagmulat ng mga mata niya. That finally, she will only sleep and woke up with Max beside her.Malayong malayo nga ang ganitong buhay sa nakasanayan niya pero handa siya sa mga bagong pagbabago sa buhay niya. When she agreed to marry Max ay naisip na niya ang mga bagay na ito. Mga bagay na alam niyang may malaking magiging epekto sa kanya at sa kanilang dalawa ni Max. Pero gaya nga ng mga pangako nila sa isa’t isa ay mananatili silang magkasama sa hirap at ginhawa. Sa sakit o kalusugan man.Iginala niya ang mga mata sa loob ng silid. Tanging maliit na wall fan lamang ang nagbibigay lamig sa loob ng silid. Wala ri
Patricia joined them for breakfast. Nakakaramdam siya ng pagkapahiya dahil siya na lamang ang huling nagising. Tinignan niya si Max ngunit matamis lang itong ngumiti sa kanya. Pinagsandok siya nito ng mainit na sinangag at nilagay sa plato niya.Naramdaman niya kanina na wala sa tabi niya si Max. Ayun pala ay tumulong na ito kay Aling Marta na maghanda ng agahan. Napupuna rin niya ang panaka-naka'y pagsulyap ni Aling Marta sa kanya."A-Ako na," sabi niya kay Max nang akma siya nitong ipapaglagay ng ginisang gulay."Okay ka lang ba dyan? Gusto mo ibili kita ng hotdog o tocino sa tindahan?” Pag-aalok ni Max sa kanya.Mabilis siyang umiling. " Okay na ako dito. M-Masustansya."Umimik si Aling Marta. "Sanay na kami sa ganitong buhay. Tutal naman mga bata pa kayo. May pagkakataon pa para baguhin ang planong ginawa niyo."Sunod-sunod lang ang pagkain ni Aling Marta. Si Marissa naman ay patingin-tingin lan