登入"CONGRATULATIONS, President Robles."Isa-isang nakipagkamay ang mga miyembro ng board of directors kay Damon. Mabigat ang bawat pisil ng kanilang kamay—parang may kasamang pagsusuri, pagdududa, at inaasahan.Bahagya siyang ngumiti, pilit pinatatag ang sarili."Salamat," maikli niyang tugon.Sa loob ng ilang buwan, wala siyang ginawa kundi pag-aralan kung paano maging isang tunay na Robles. Hindi sapat na apelyido lang ang dala niya—kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya rito.Araw at gabi siyang nagtrabaho. Walang pahinga. Walang reklamo.Pinilit niyang abutin—hindi, pantayan—ang lalaking pinaka hinahangaan at kinatatakutan niya.Si Malachi.Hindi rin naman siya pinabayaan nito. Tahimik, ngunit ramdam niyang may kamay na gumagabay sa kanya sa bawat hakbang. Lahat ng balakid—parang kusa na lang nawawala.Alam niyang si Malachi iyon.Palaging nasa likod. Palaging nagmamasid.At ngayon…Narito na siya.President ng kumpanya.Ngunit sa kabila ng tagumpay, may bahagi sa kanya na
"Alam mo na?" napalingon si Malachi sa babae, may halong gulat at kuryosidad sa kanyang mga mata."Noong kinidnap ako nina Sheena, bigla kong naalala kung sino ka talaga... Ako lang pala ang may kakayahang makakita sa tunay mong mukha sa likod ng mga maskarang suot mo," seryosong tugon ni Jazz, habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan."Naalala mo na pala.." natatawang sabi ni Malachi, isang tawang may halong ginhawa ngunit may pilyong himig. "So, kung ganoon, naaalala mo rin ba kung anu-ano ang mga ginagawa natin noon? Ang bawat gabi? Ang bawat haplos?""Huwag mo nang ipaalala... madami kang atraso sa akin," ani Jazz, bagaman may bahid ng ngiti sa kanyang mga labi habang ikinakabit ang seatbelt. Alam nilang dalawa na ang "atraso" na binabanggit niya ay puno ng pagnanasa.Natatawa namang nagmaneho si Malachi, ngunit sa loob niya, nag-aapoy na ang kagustuhang muling maangkin ang babaeng matagal na nawala sa kanyang piling.****************Pagdating sa kanilang unit sa Dark Ni
Sandaling tumigil ang mundo sa pagitan nilang tatlo.Si Jazz ay nakatayo sa gitna—hingal, sugatan, ngunit matatag. Sa kanan niya si Damon, tahimik ngunit umaasa. Sa kaliwa naman si Malachi, nakatayo nang tuwid, malamig ang ekspresyon ngunit naglalaman ng libong emosyon sa kanyang mga mata.Isang hakbang at dahan dahang naglakad ng diretso.Papunta kay Damon.Hindi na siya nagdalawang-isip.Lumapit si Jazz at agad itong yumakap nang mahigpit. Parang doon niya inilalabas ang lahat ng bigat na kanina pa niya pinipigilan. Alam niyang utang niya kay Damon ang pagkakaligtas sa kanya.“Salamat…” pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses. “Kung hindi dahil sa’yo… baka hindi na ako nakaligtas.”Natigilan si Damon.Hindi niya inaasahan iyon. Ang init ng yakap ni Jazz ay parang apoy na matagal niyang hinintay—ngunit kasabay nito, alam niyang hindi ito ang apoy na para sa kanya.Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at ginantihan ang yakap, marahan, parang natatakot na baka mawala ito sa isang i
"ANO, Malachi… pipirmahan mo na ba ‘yan?" malamig na tanong ni Riva habang nakatayo sa harap niya, bahagyang nakatagilid ang ulo na parang nananamnam ang sitwasyon. "Mukhang magsisisi ka kapag hindi mo pa pinirmahan. Paalam Jazz ka na."Tahimik lang si Malachi habang nakaupo sa kanyang wheelchair. Nakapako ang kanyang mga mata kay Riva—ang babaeng asawa ngayon ng kuya niya. Ngunit ngayon, malinaw na malinaw sa kanya kung ano talaga ito: isang ilusyunada, sakim, at uhaw sa kapangyarihan.Pinili niyang magkunwaring walang laban. Bahagya niyang ibinaba ang tingin sa papeles sa mesa, ngunit ang totoo, naghihintay siya. Naghihintay ng tamang sandali. Naghihintay ng signal mula sa kanyang mga tauhan."Alam mo," patuloy ni Riva, paikot-ikot sa harap niya na parang isang mandaragit, "babae ang sumira sa’yo. Oo, maganda si Jazz… pero sapat ba ‘yon para isugal mo ang lahat?"Hindi siya sumagot agad. Sa halip, bahagya siyang ngumiti—isang ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata."Ayoko ng pali
Si Damon iyon—at ang dala niya ay si Sheena.Halos nakasabit ang dalaga sa kanyang balikat, walang kalaban-laban, namumutla at nanginginig. Nang makarating sa gitna ng salas, walang pag-aalinlangan siyang ibinagsak ito sa sahig."Ahh—" mahinang daing ni Sheena habang napasubsob.Nanlaki ang mga mata ni Jessa nang makita kung sino ang dinala."Sheena…?"Ngunit mas mabigat ang tensyon sa pagitan nina Damon at Malachi.Hindi agad nagsalita si Malachi. Nakaupo lang siya, bahagyang nakasandal, pinaglalaruan ang baril sa kanyang kamay habang titig na titig kay Damon."Nakita ko siya sa club," panimula ni Damon, pilit pinipigilan ang kaba sa boses. "At nang lapitan ko siya, may tumatawag sa kanya. Sinagot ko ‘yon at—"Naputol siya.Parang may bumara sa kanyang lalamunan.Dahan-dahan siyang napaupo sa kabilang sofa, katapat ni Malachi. Hindi niya maiwasang mapayuko sandali.Paano niya sasabihin?Paano niya ipagkakanulo ang sarili niyang dugo?"Magsalita ka," malamig na utos ni Malachi. "Sino
"TITO!"Masiglang sigaw ni Jessa habang nakaupo sa salas ng bahay ni Malachi. Pilit niyang iginuguhit ang ngiti sa labi kahit halata ang hapdi sa kanyang mukha—may benda ang ulo, namamaga ang isang mata, at nangingitim ang gilid ng labi.Ngunit sa halip na awa, malamig na tingin lang ang isinukli ni Malachi.Unti-unting napawi ang ngiti ni Jessa.Walang kahit anong emosyon sa mukha ng lalaki—kundi isang nakakabinging pagkainis.Nagmamadali siyang tumayo at lumapit, kahit paika-ika ang hakbang. Halos mapangiwi siya sa sakit sa bawat galaw."Tito…" mahina niyang tawag, saka kumapit sa braso nito. "Si Jazz ang may gawa sa akin nito. Ipinabugbog niya ako sa mga estudyante sa school… Tito, parusahan mo siya…"Bigla siyang napaiyak, parang batang naghahanap ng kakampi.Ngunit mabilis na inalis ni Malachi ang kanyang braso.Parang may dumi na dumampi sa kanya.Tahimik siyang naglakad papunta sa sofa at umupo, nakaunat ang mga paa, habang malamig na nakatingin kay Jessa.Napahinto si Jessa.N
Eksakto namang inilabas na ng nurse si Angelyn.Nakaupo si Angelyn sa wheelchair, putlang-putla ang mukha. Pagkakita niya kay Norelyn, agad na bumuhos ang kanyang mga luha."Ma..."Sobrang nasaktan si Norelyn para sa anak at agad siyang niyakap nang mahigpit. Ipinaramdam niya dito ang kanyang pagma
Mabilis kumilos ang pamilya Aranas at si Riva. Kailangang maiset na nila ang lahat. Wala ng pagpipilian pa si Jazz kundi ang pumayag. Sa katulad nilang mayayaman, literal na ang ganitong klase ng kasunduan.Habang nagpapahinga si Jazz sa bahay niya, tumawag ang kaibigan niyang si Sheena."Jazz, tot
Nang marinig ito ni Angelyn, tumawa siya nang malakas at agad itinaas ang kanyang baso ng alak.“Wow, congratulations, Ate! Mas magiging malapit na kayo ni Tita niyan. Kapag nagka-baby ka na, bibigyan kita ng malaking regalo!”Abot-langit ang ngiti ni Angelyn, halatang tuwang-tuwa. Hindi niya akal
Parang tinamaan sa mahinang bahagi si Damon.Si Malachi ang pinakamakapangyarihan sa buong pamilya Robles. Mabuti na lang at hindi naging patas ang tadhana sa kanya dahil lumpo ang binti nito. Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit nakakahinga pa nang maluwag ang iba.Bata pa lang sila, laging na







