LOGIN"I was never a maid to him. I was a prisoner." Marcus Del Hierro was a man built on control and absolute dominance. As the cold-blooded heir to a ruthless empire, he got whatever he wanted until Yllana walked away from him four years ago without leaving a trace. Finding her disguised as a maid inside his own manor wasn't a coincidence to him. It was a second chance to break her.
View More"Sign here and your first month's advance will be credited to your account immediately."
Nanginginig at mabigat sa kamay ang hawak kong mamahaling fountain ballpen habang pinagmamasdan ko ang documento. Sa harap ko, nakaupo si Mr. Tan, ang agency coordinator na nagmamasid at hindi man lang naitago ang panliliit niya sa akin. Para sa kaniya, isang lamang akong isang bagay na pwede niyang pagkakakitaan at desperadang babaeng gagawin ang lahat para sa kakarampot na pera. Ngunit wala na akong pakialam kung anumang panghuhusga ang ibabato niya sa akin. Desperada na kung desperada subalit sa kalagayn ko ngayon, wala na akong karapatan para ipagtanggol ang sarili at mag-inarte. Labing limang milyon. Labing limang milyong peso ang kailangan kong bayaran simula nang ma-banckrupt ang maliit na negosyo ni papa, bago siya pumanaw matapos atakehin sa puso. Walang araw na hindi nakabaon sa hukay ang isang paa namin. Idagdag pa ang bills sa hospital at gamot ni mama, at pang-araw-araw na gastosin ng apat na taong anak kong si Andrei. Tinitigan kong mabuti ang makapal na contract na nakapatong sa lamesa. Nakalagay sa unang page ang bahay na pagsisilbihan ko. Del Hierro Manor – Private Housekeepin Contract. Limang daang libong piso kada buwan. Napakalaking halaga. Para sa isang katulong na katulad ko, para na iyon swerteng ibinagsak mula sa langit. Ngunit mayro'ng kapalit, isang strictly confidential, stay-in job na walang kahit anong day-off o leave sa loob ng anim na buwan. Anim na buwan na hindi ko man lang mahahawakan o mayayakap ang anak ko. At sa tuwing naiisip ko 'yon, parang pinupunit ang puso ko. Paano ko kaya matitiis na hindi man lang makita si Andrei? Paano kung hahanapin niya ako bago matulog? Ngunit lahat ng 'to ay para rin sa kaniya. Para kay mama. Nang maibigay ko man ang mga pangangailangan nila. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Kailangan kong tiisin. Kailangan kong harapin. Hawak ang panulat, pumirma ako sa huling pahina gamit ang hindi ko totoong pangalan. Leana Castillo. "Welcome to Del Hierro," malamig at walang kagana-ganang bati ni Mr. Tan bago mabilis na hinablot ang kontrata mula sa mesa. "Naghihintay na ang sundo mo sa labas. Magsisimula ka na ngayon din." Pagkalipas ng kalahating oras na byahe, dahan-dahang bumukas ang napakalaking iron gates ng Del Hierro estate. Nakatitig lang ako sa labas ng tinted na bintana ng van, paminsan-minsan ay napapasinghap. Napapalibutan ng matataas na pader at mayayamang hardin ang buong mansyon, isang modernong gusali na gawa sa mamahaling marble, salamin, at bakal. Mga bagay na 'di ko dapat pangarapin. Sinalubong ako ng isang matandang babae na nakasuot ng simpleng black head housekeeper uniform pagkababa ko palang ng van. Bitbit ng dalawa kong kamay ang isang mabigat na lumang duffel bag. "You must be Leana," nakataas ang kilay na sabi ng matanda habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. "Ako si Aling Rosa, ang head housekeeper dito. Huli ka ng dalawang minuto." "Pasensya na po, Aling Rosa. Nagmamadali rin po ako galing sa agency, kaso—" "Hindi ako tumatanggap ng dahilan," putol niya sa paliwanag ko sa malamig na boses bago tumatalikod at iwinagayway ang kamay para sumunod sa kanya. "Sa bahay na ito, bawal ang mabagal at lampas-oras kung dumating. Master Marcus does not tolerate incompetence. Isang pagkakamali mo lang, lalayas ka nang walang mahahawakang sweldo." Napalunok ako nang malalim habang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag ko. Marcus. Ang marinig ang pangalan niya pagkatapos ng apat na taon ay sapat na upang sumikip ang dibdib ko sa pamilyar na kaba at sakit. Tila biglang naubos ang hangin sa paligid ko. Tulad noon, kakaibang pakiramdam pa rin ang hatid niya. Siguradong hindi niya na ako makilala. Pilit kong nilalakas ang loob ko habang naglalakad sa maluwag na hallway. Apat na taon na ang nakalipas, Yllana. Malaki na ang pinagbago mo, at siguradong maraming babae ng dumaan sa buhay niya, kaya hindi ka na no'n natatandaan. Isang ordinaryong katulong ka lang, hindi siya mag-aaksaya ng panahon para sulyapan ka. "Ito ang magiging uniform mo." Inabot ni Aling Rosa ang nakatuping kulay itim na damit at puting apron nang makarating kami sa isang maliit na staff room. "Magpalit ka na kaagad dahil pagkatapos ng labing isang minuto ay magsisimula ka ng linisin ang study room sa second floor." Aalis na sana siya nang tila mayro'n itong naalala dahil huminto siya sa harap ko. "Tandaan mong mabuti ang sasabihin ko, Leana. May isang mahalagang patakaran dito sa loob ng mansyon. Huwag na huwag kang tatapak sa third floor," may babalang bilin niya sa akin habang nakaturo ang hintuturo sa itaas na palapag. Napatitig ako sa kaniya ng may pagtataka. "Sa third floor po?" "Oo. 'Yan ang private room at office ni Sir Marcus. Walang sinumang kasambahay ang pwedeng pumasok o pumuslit ng walang pahintulot. Dahil kapag malaman niyang may nagtakang pumasok, matatanggal kaagad dito sa mansyon at hinding-hindi na ulit makakahanap ng trabaho. Naintindihan mo ba?" "Naintindihan ko po, Aling Rosa." "Mabuti kung gano'n. Magtrabaho ka na." Maingat kong sinimulan ang pagpupunas sa malaking bookshelves gamit ang basahan habang nasa tabi ko ang isang timba ng tubig. Sobrang tahimik ng mansyon, tanging paghinga at galaw ko lang ang aking naririnig. Pilit kong tinutuon ang atensyon sa ginagawa ko subalit paminsan-minsan ay napapatingin ako sa aking cellphone na nakatago sa bulsa ng apron. Kumakain na kaya sila? Nakainom na kaya ng gamot si mama? Kumusta na kaya si Andrei? Habang inaabot ko ang pinakadulong bahagi ng estante para punasan ang alikabok, isang malakas na tunog ang sumira sa katahimikan ng silid.BAM! Natabig ko ang isang balde ng tubig sa gulat dahil sa lakas ng pagkakatama ng double door sa pader. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng kumalat sa sahig ang maruming tubig at basahan. "The board's opinion doesn't matter to me at all, Nathan!" Isang malalim at nakakatakot na boses ang umalingawngaw sa apat na sulok ng study room habang hawak ang cellphone at nakatapat sa tainga. "Inform them that if the contract is not signed by five in the afternoon, I will proceed with canceling their shares." Nanigas ako sa kinatatayuan ko at 'di alam kung anong gagawin. Hindi... Hindi maaari. Hindi ba't wala siya rito?! Malinaw na sinabi sa akin sa agency, nasa ibang bansa ang amo ng bahay para sa isang napakahalagang business summit sa London at sa isang linggo pa ang balik niya! Bakit siya nandito?! Mabibigat na tunog ang naiiwan sa kaniyang bawat hakbang. Nakasuot siya ng mamahaling gray suit, magulo ang buhok, at malamig ang mga matang nakatitig sa kawalan. Mabilis na tumibok ang puso ko na parang gustong lumabas sa dibdib ko sa sobrang takot. Yumuko ako at tinakpan ang mukha gamit ang buhok bago pinagsiksikan ang katawan sa madilim na sulok. Pinagmamasdan ko ang kaniyang bawat galaw. Please, huwag kang tumingin sa akin. Magtago ka, Yllana. Pakiusap, palabasin niyo na siya! In-end niya na ang tawag at basta na lang itinapon ang cellphone sa malambot na sofa. Habang ako, mariing nagdadasal na hindi mapansin. Hinilot niya ang bridge ng kanyang ilong habang nagpapakawala ng isang mabigat at iritadong buntong-hininga. Walang ingay akong umatras, at nagbabalak na dumaan sa maliit na side door para makatakas nang hindi niya namamalayan.CLANG! Nanlaki ang mga mata ko ng matamaan ng suot kong sapatos ang stainless na timba! Maingay iyong gumulong sa sahig hanggang tumigil sa tapat ng sofa na inuupuan niya! Tila huminto ang paligid at paghinga ko sa matinding kaba! Mabagal at mabibigat na hakbang ang narinig ko papalapit sa kinaroroonan ko. Isang pares ng mamahaling leather shoes ang huminto sa aking harapan. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Nasaksihan ko kung paano niya malayang pinagmasdan ang bawat anggulo ng aking mukha. Mula sa labi hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Ang malamig at walang emosyong mga mata ay napalitan at napuno ng galit, gulat, at 'di makapaniwala sa nakikita. Humakbang siya papalapit hanggang isang dangkal na lang ang pagitan namin. "Yllana?""Walang kahit na sino ang makakagalaw sa inyo. Dadaan muna sa bangkay ko ang sinumang gustong manakit sa pamilya ko." Nananatili pa rin ang matinding tensyon kahit wala na ang bakas ni Donya Solana. Sa gitna ng kwarto ay nakatayo pa rin ang matikas na anyo ni Marcus. Mahigpit na nakakuyom ang kamay habang mabilis na umaakyat baba ang dibdib sa galit. Malalim siyang napabuntong hininga habang nakapikit ang mga mata, at ng idilat muli, naglaho na lang na parang bula. Isang nakakakilabot at malamig pa sa yelong ang pumalit na emosyon. Humarap siya sa akin. "Mula ngayon, sa guest room na sa ikalawang palapag mananatili ang mama mo. Ipapalipat ko na roon ang mga gamit niya. Mas makakapagpahinga siya ro'n, at walang gugulo sa kaniya," malamig niyang pahayag. "H-huh? Bakit?!" agaran kong tanong, puno ng pagtataka at katanungan ang aking boses. "Paano kami ni Andrei? Kasama rin ba kami ni mama sa paglipat?" Isang pilit ngiti ang lumabas sa mga labi ni Marcus habang dahan-dahan siy
"Nandito na si papa. Hinding-hindi na ako aalis. Hinding-hindi mo na ako ma-miss, dahil magkasama na tayo palagi."Isinubsob ni Marcus ang kaniyang mukha sa maliit na balikat ni Andrei. Ang kaniyang balikat ay tumataas baba, tanda na umiiyak. Puno ng katanungan at pagtataka ang mga mata ni Andrei, subalit dahan-dahan din nitong itinaas ang kamay atsaka niyakap ng maliliit na braso si Marcus.Nagtaas baba ang balikat niya ng 'di mapigilang humikbi. Napatingala ako ng mayro'ng traydor na luhang gustong umagos mula sa 'king mga mata. "Forgive me... it took me four whole years to find you, my son. My little boy," bulong ni Marcus habang nakayakap pa rin kay Andrei. Maging si mama na nagmamasid lang sa tabi ay napaiyak na rin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, at sa kabila ng pangamba, umuusbong ang kakaibang damdamin sa puso ko.Biglang tumayo si Marcus, kasabay nang pag-angat at pagkarga sa braso niya si Andrei. Humarap siya sa amin at tiningnan kami ni mama."Papasok na tayo. Kailang
"Mama, natatakot po ako! May malalaking pumasok sa bahay ni Nanay Tonya! Pinipilit nilang summaa kami ni Nanay. Ang sabi nila, pupuntahan ka namin..."Napakagat labi ako upang pigilan ang hikbi ko. Inaasahan ko nang ganito ang magiging reaksyon ng anak ko subalit ang makita mismo ng dalawa kong mga mata, parang dinudurog ang puso ko."Tahan na, anak... Huwag ka ng matakot, nandito na si mama." Poprotektahan kita laban sa mga taong mananakit sa 'yo... Hindi ko napigilang mapahagulgol bago niyakap si Andrei. "Ligtas na tayo rito, 'nak."Ibinaba muna ni mama si Andrei bago ako hinarap at seryosong kinausap. "Yllana, 'nak, ano bang kaguluhan 'to? Bakit mayro'ng mga lalake at helikopter na sumundo sa amin?" sunod-sunod na tanong ni mama, ramdam ang panginginig sa boses dahil sa takot.Walang sumagot. Tumigil na rin ang ugong ng chopper, kung kaya ay isang nakakabinging katahimikan ang umusbong. Isang mabibigat na hakbang ang namartsa mula sa aking likuran patungo sa amin. Napatingin doon
Buong gabing gising ang diwa ako. Hindi ako pinatulog ng pag-alala habang taimtim na binabantayan ako ni Marcus sa loob ng master suit ng third floor. Bawat galaw, bawat mahinang tunog, at pahinga ko ay 'di makatakas sa kaniyang mga mata. Hindi siya pumikit kahit isang segundo, may hawak siyang whisky sa isang kamay. Paminsan-minsan ay tumatayo siya at naglalakad habang ako ay tahimik lamang na nakahiga, binabantayan rin ang kaniyang bawat galaw.Sumisilip palang ang bukang liwayway nang makarinig sila ng ugong at malalakas ng hampas ng hanging nagmumula sa helipad.Napabangon ako mula sa aking kama. Si Marcus ay tahimik lang na tumayo at inisang lagok ang natitirang alak sa kaniyang baso. Tulad pa rin ito kagabi, malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Gusto ko siyang lapitan, ngunit nanghihina pa ang katawan ko sa matinding kabang nararamdaman."They already here. Lets go. Salubungin natin sila." Hindi niya 'ko hinintay na sumabog at basta na lang akong tinalikuran. Subalit 'di


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews