로그인Limang taon. Limang taon na minahal ni Jazz ang isang lalaking hindi naman siya pinahalagahan. Lahat ibinigay niya—oras, tiwala, at puso. Pero isang iglap lang, nawala ang lahat. Isang car accident ang bumura ng kanyang alaala. Pagmulat niya ng mata, wala na ang babaeng marunong magmahal. Ang natira na lang ay isang estranghero sa sariling buhay. Nagkaroon siya ng amnesia. At habang wala siyang maalala, ang dating kasintahan niyang si Damon ay wala ring konsensya. Sa halip na umamin sa kanilang relasyon, niyakap nito ang kanyang nakababatang kapatid na babae at iyon ang ipinakilala nitong kasintahan. Itinuro nito ang telebisyon at walang emosyon na sinabi, “Iyan ang boyfriend mo. Siya ang habulin mo.” Nalito si Jazz. Pero naniwala siya sa sinabi nito. At sinunod niya iyon. Ang lalaking nasa TV ay si Malachi Robles— ang CEO na tito ni Damon. Malamig. Tahimik. Hindi madaling lapitan. Mula sa isang kasinungalingan, nagsimula ang isang habulan. Isang babaeng may amnesia. Isang lalaking hindi niya dapat mahalin. At isang katotohanang handang wasakin ang lahat kapag nabunyag.
더 보기“JAZZ ARANAS—wala ka pa rin bang maalala? Tatlong araw ka na rito sa ospital. Kailangan nang pumunta rito ng pamilya mo para masettle ang iyong bill sa billing station. Wala ni isa mang kamag anak na naghahanap sayo, kaya kailangan, ikaw na mismo ang magpaalam sa kanila na naaksidente ka.”
Si Jazz, na may mga benda sa ulo, ay very apologetic ngumiti sa nurse na nagpaalala sa kanya na may kailangan pala siyang bayaran doon. “Pasensya na po… hindi ko talaga maalala ang password ng phone ko.”
“May emergency contact ka ba?”
“Ako—”
Bago pa man siya makatapos ng pagsasalita, biglang bumukas ang pinto ng ward. Isang guwapong lalaki ang pumasok, bakas sa mukha ang pagkairita. Parang handa itong manakit anumang oras.
“Ilang beses na bang nangyari ito, Jazz? Ano na namang pakulo ito?” bulyaw niya. “Idinamay mo pa si Angelyn sa palabas mo, tapos naaksidente pa kayo. Kung hindi lang sinwerte si Angelyn, baka nasira na ang mukha niya dahil sa iyo! Jazz, lilinawin ko lang—tapos na ang engagement natin. Huwag mo na akong subukang amuin pa. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko, hinding-hindi kita magugustuhan!”
Sa likod ni Damon ay may isang babaeng mukhang mahinhin, na dahan-dahang humihila sa manggas niya. Parang pinapakalma ang nag aalburutong lalaki.
“Damon, ayos lang talaga ako,” malambing niyang sabi. “Hindi naman sinasadya ni Ate. Magaling na rin ang mga sugat ko. Huwag mo na siyang pagsabihan nang ganyan. Mabuti na lang, noong mabasag ang windshield, hindi tumama sa mukha ko… kundi…”
Bakas ang pagkalito sa mga mata ni Jazz habang hinahawakan ang benda sa kanyang ulo.
Kagigising lang niya kaninang umaga. Sabi ng nurse, muntik na siyang mamatay, at hindi nila makontak ang pamilya niya.
Kumunot ang noo ni Damon. Hindi maikakailang guwapo siya, suot ang isang mamahaling suit. Puno ng pagmamahal, humarap siya sa babae sa kanyang likuran. Mahigpit niya itong niyakap.
“Jazz, si Angelyn ang mahal ko. Kahit magkasama tayong lumaki, wala akong naramdamang pagmamahal sa iyo. Limang taon mo na akong hinahabol na parang tanga—hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?” Malamig ang kanyang boses na itinuon ang tingin kay Jazz. “Pinigilan ni Angelyn ang nararamdaman niya nang matagal na panahon dahil sa iyo at hindi siya kailanman naglakas-loob na umamin. Ngayon, lilinawin ko na ang lahat. Nakakahiya ang mga ginagawa mo. May nangyari na sa amin ni Angelyn. Hindi ko siya pababayaan.”
Namula ang mukha ni Angelyn sa emosyon. Kumapit siya sa braso ng lalaki, habang may bakas ng tagumpay na kumislap sa kanyang mukha. Alam niya, sa pagkakataong iyon, nagwagi siya.
“Damon…”
Ibinaba ni Jazz ang kanyang paningin habang pinagmamasdan ang chemistry ng dalawa. Parang kinakagat ng mga langgam ang kanyang puso sa tindi ng sakit, hanggang sa nahirapan na siyang huminga. Ang lahat ng kinimkim niyang hinanakit ay biglang nag-alburuto at nagpahapdi sa kanyang mga mata, pinigilan niyang maluha. Hindi siya iiyak sa harapan ng dalawang ito. Kahit hindi niya maalala kung sino ang dalawang ito, alam niya sa kanyang sarili na may koneksiyon sila.
Magkagayunman, kailangan na niyang putulin ang pagsisintemiyento ni Damon.
“Pasensya na, hindi kita masyadong maalala,” mahina niyang sabi. “Ikaw ba ang– boyfriend ko, o ex ko?”
Bahagyang nagulat si Damon sa kanyang narinig. Kumislap ang pagdududa sa kanyang mga mata, saka nagpakawala ng malamig na tawa. ‘Ano na naman ba ang pakulo ng babaeng ito?’
Eksakto namang nagsimulang magpalabas ng balita ang TV na nakasabit sa dingding tungkol sa financial news: Si Malachi Robles, ang pinakabatang Head ngayon ng Robles Group, ay nakabalik na sa bansa.
Ayon sa sabi-sabi, dalawang taon na ang nakakararaan, naparalyze ang dalawang binti si Malachi at ang kalahati ng kanyang mukha ay nadamage dahil sa isang aksidente, at mula noon ay tumanggi na siyang magpakita sa publiko.
Itinuro ni Damon ang screen. “Iyan ang tito ko—si Malachi Robles. Siya ang boyfriend mo. Ibibigay ko sa iyo ang numero niya. Hanapin mo siya, para naman matulungan ka niya dito.”
Kinuha niya ang cellphone ni Jazz, mabilis na inilagay ang password para ma-unlock ito, at nag-save ng isang numero bago padaskol na ibinalik ang phone sa babae.
Nakatayo sa gilid si Angelyn habang nakatakip ang kamay sa bibig, hindi siya makapaniwala sa ginawa ng lalaki, saka bahagyang gumuhit ang mapangutyang ngiti sa kanyang labi. Bumulong siya, “Damon, ayos lang ba talaga ito? Alam mo namang hindi sila okay di ba? Dalawang taon na ang nakakaraan, ang tito mo ay—”
Hinila siya ng lalaki patungo sa bisig nito, puno ng paghamak ang mga mata. “Wag kang maingay.”
Paano niya bibitawan ang isang taong naging masunuring aso niya sa loob ng limang taon? Para sa kanya, nagpapakipot lang si Jazz at masyadong nagpapa VIP. Pinakamainam na disisyon na ituro ang tito niya, bilang nobyo nito, para kung sakaling gustuhin niyang pabalikin ang babae sa kanya, madali niya itong mababawi.
Kung may katotohanan man na hindi nito maalala ang lahat, mas mabuting ipain niya ito sa taong kinasusuklaman niya ng labis– si Malachi.
Sa kanyang isipan, alam niyang hindi magkakasundo ang dalawa, at darating ang araw, na muli na naman siyang hahabulin ni Jazz na kulang na lang ay himudin ang kanyang puwet kapag wala siyang panghugas matapos niyang tumae.
“Heto na ang contact niya, Jazz,” malamig niyang sabi. “Siguraduhin mong mapapanindigan mo ang pag-iinarte mong iyan nang kahit isang linggo lang. Dahil kung hindi, kahit lumuhod ka pa sa harap ko, hinding-hindi na kita tatapunan pa ng tingin.”
"CONGRATULATIONS, President Robles."Isa-isang nakipagkamay ang mga miyembro ng board of directors kay Damon. Mabigat ang bawat pisil ng kanilang kamay—parang may kasamang pagsusuri, pagdududa, at inaasahan.Bahagya siyang ngumiti, pilit pinatatag ang sarili."Salamat," maikli niyang tugon.Sa loob ng ilang buwan, wala siyang ginawa kundi pag-aralan kung paano maging isang tunay na Robles. Hindi sapat na apelyido lang ang dala niya—kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya rito.Araw at gabi siyang nagtrabaho. Walang pahinga. Walang reklamo.Pinilit niyang abutin—hindi, pantayan—ang lalaking pinaka hinahangaan at kinatatakutan niya.Si Malachi.Hindi rin naman siya pinabayaan nito. Tahimik, ngunit ramdam niyang may kamay na gumagabay sa kanya sa bawat hakbang. Lahat ng balakid—parang kusa na lang nawawala.Alam niyang si Malachi iyon.Palaging nasa likod. Palaging nagmamasid.At ngayon…Narito na siya.President ng kumpanya.Ngunit sa kabila ng tagumpay, may bahagi sa kanya na
"Alam mo na?" napalingon si Malachi sa babae, may halong gulat at kuryosidad sa kanyang mga mata."Noong kinidnap ako nina Sheena, bigla kong naalala kung sino ka talaga... Ako lang pala ang may kakayahang makakita sa tunay mong mukha sa likod ng mga maskarang suot mo," seryosong tugon ni Jazz, habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan."Naalala mo na pala.." natatawang sabi ni Malachi, isang tawang may halong ginhawa ngunit may pilyong himig. "So, kung ganoon, naaalala mo rin ba kung anu-ano ang mga ginagawa natin noon? Ang bawat gabi? Ang bawat haplos?""Huwag mo nang ipaalala... madami kang atraso sa akin," ani Jazz, bagaman may bahid ng ngiti sa kanyang mga labi habang ikinakabit ang seatbelt. Alam nilang dalawa na ang "atraso" na binabanggit niya ay puno ng pagnanasa.Natatawa namang nagmaneho si Malachi, ngunit sa loob niya, nag-aapoy na ang kagustuhang muling maangkin ang babaeng matagal na nawala sa kanyang piling.****************Pagdating sa kanilang unit sa Dark Ni
Sandaling tumigil ang mundo sa pagitan nilang tatlo.Si Jazz ay nakatayo sa gitna—hingal, sugatan, ngunit matatag. Sa kanan niya si Damon, tahimik ngunit umaasa. Sa kaliwa naman si Malachi, nakatayo nang tuwid, malamig ang ekspresyon ngunit naglalaman ng libong emosyon sa kanyang mga mata.Isang hakbang at dahan dahang naglakad ng diretso.Papunta kay Damon.Hindi na siya nagdalawang-isip.Lumapit si Jazz at agad itong yumakap nang mahigpit. Parang doon niya inilalabas ang lahat ng bigat na kanina pa niya pinipigilan. Alam niyang utang niya kay Damon ang pagkakaligtas sa kanya.“Salamat…” pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses. “Kung hindi dahil sa’yo… baka hindi na ako nakaligtas.”Natigilan si Damon.Hindi niya inaasahan iyon. Ang init ng yakap ni Jazz ay parang apoy na matagal niyang hinintay—ngunit kasabay nito, alam niyang hindi ito ang apoy na para sa kanya.Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at ginantihan ang yakap, marahan, parang natatakot na baka mawala ito sa isang i
"ANO, Malachi… pipirmahan mo na ba ‘yan?" malamig na tanong ni Riva habang nakatayo sa harap niya, bahagyang nakatagilid ang ulo na parang nananamnam ang sitwasyon. "Mukhang magsisisi ka kapag hindi mo pa pinirmahan. Paalam Jazz ka na."Tahimik lang si Malachi habang nakaupo sa kanyang wheelchair. Nakapako ang kanyang mga mata kay Riva—ang babaeng asawa ngayon ng kuya niya. Ngunit ngayon, malinaw na malinaw sa kanya kung ano talaga ito: isang ilusyunada, sakim, at uhaw sa kapangyarihan.Pinili niyang magkunwaring walang laban. Bahagya niyang ibinaba ang tingin sa papeles sa mesa, ngunit ang totoo, naghihintay siya. Naghihintay ng tamang sandali. Naghihintay ng signal mula sa kanyang mga tauhan."Alam mo," patuloy ni Riva, paikot-ikot sa harap niya na parang isang mandaragit, "babae ang sumira sa’yo. Oo, maganda si Jazz… pero sapat ba ‘yon para isugal mo ang lahat?"Hindi siya sumagot agad. Sa halip, bahagya siyang ngumiti—isang ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata."Ayoko ng pali
Habang nangyayari ito, galit na galit naman si Riva at ang iba pa dahil hindi nila nahanap si Jazz. Galit din si Panelo dahil muling nakatakas ang kanyang pakay, kaya sinampal niya ang kanyang bodyguard. Sa dami ng kanilang tauhan, wala man lang nakakita sa babae ng makaalis ng lugar.“Ang bobo ni
Napangiti si Damon at mayabang na inakbayan si Angelyn. Sinabihan niya itong sumakay na sa harap at tinulungan pa niya itong mag-seatbelt. Pagkatapos, lumingon siya kay Jazz at may halong yabang na sinabing sa likod na lang ito sumakay para hindi sila mahuli sa dinner.Hindi siya makakapayag na sus
Pagkainom ng gamot, nanghina siya at napasandal sa gilid. Basang-basa siya ng pawis, na parang bagong ahon lang sa tubig. Gusto niyang sabihan si Malachi na hindi siya makakapagluto o makakalabas para kumain, pero wala siyang mabigkas na salita.Naalala niya na laging ganito kasakit ang puson niya
Dahan-dahang lumapit si Jazz, kalmado at seryoso ang kanyang boses.“Jamilla, hindi ako nanggugulo ng tao kung hindi ako inuunahan. Noong inutusan mo si Ran para bastusin ako, dapat alam mong darating ang araw na ito. Na tatayo ako, para labanan ka. Sabi mo hindi mo ako tatantanan? Siguraduhin mon






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
리뷰더 하기