LOGINCielo's POV
Matapos ang mahigit 20 hours na flight ko. Sa wakas nakarating na rin ako ng pilipinas. Kasalukayang palabas pa lang ako ng airport. Bumungad agad sa akin ang kanang kamay ni daddy na si Manong Rico. Habang nakatingin ako sa mga mata nito. Ramdam ko ang matinding awa at takot nito. "Welcome home Ms. Cielo salamat at umuwi kayo" Sabi nito at kinuha ang maleta ko at isinakay sa likod ng sasakyan. Nasa tono ni manong Rico na parang nakahinga ito ng maluwag sa pag-uwi ko. Gaya niya alam kung nag aalala din siya sa mommy at daddy. Matagal ng kanang kamay ni daddy si Manong Rico. Bata pa lang kami Ciela. Nasubaybayan na nito ang paglaki namin. Kaya hindi na iba sa amin si Manong Rico at saka isa rin ito sa mga tapat na tauhan ng daddy ko. "Manong, kumusta? May balita kana ba sa mommy at daddy??" Tanong ko ng makapasok ito sa loob ng sasakyan. Habang naghihintay ako sa sagot ni manong Rico. Parang namang sumisikip ang dibdib ko sa matinding takot at pangamba. "Wa-wala pa rin Ms. Cielo. Iyong picture na senend ko sayo. Iyon ang huling balita na nalaman ko tungkol sa kanila" Sagot nito. "Ga-ganun po ba" Tipid at parang nawawalan ng pag-asang sagot ko at malalim na bumuntong hininga. Dahil sa pagod sa biyahe napasandal ako sa likod ng upuan. Sa loob ng 20 hours na flight ko. Wala akong ginawa kundi umiyak lang ng umiyak dahil sa pag aalala sa mga magulang ko. Kaya kahit gustuhin ko mang umiiyak ngayon. Feeling ko ubos na ubos na ang mga luha ko. "Relax Cielo, lahat ng problema may solusyon kaya mo ito" Pampagaan na sabi ng utak ko. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob sa sitwasyon na ito. Ako na lang makakatulog kila mommy at daddy kaya dapat tatagan ko ang loob ko. "Manong, wag po tayong dumeretso sa mansion. Sa Villa delbe nalang po tayo. " Utos na sabi ko kay manong ni Rico na ikinatango tango nito. "Hindi dapat malaman ng mga Del Fuego na umuwi ako. Hangga't hindi natin nakikita si Ciela. Hindi ako pwedeng umuwi sa mansion" Dagdag pa na sabi ko. Pagkatapos akong maihatid ni manong Rico sa Villa delbe, na isa sa mga pagmamay-ari ng mga magulang ko. Hindi na ako nag abalang ayusin pa ang mga gamit ko. Agad na pinatawag ko ang lahat ng taong pinagkakatiwalaan ng daddy noon. Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hawak na ng mga Del Fuego ang kumpanya ng mga magulang ko ngayon. "Ms. Cielo maraming salamat at umuwi po kayo" Bungad na sabi ng isa sa mga bodyguard noon ni daddy. Apat na tao lang ang pinagkakatiwalaan ng daddy ko. Maliban Kay Manong Rico. Andito din ang dalawang bodyguard nito at ang dati nitong executive assistant na si Paulo. "Pwe-pwede niyo bang sabihin sa akin kung ano talaga ang nangyari lalo na ang pagka bankrupt ng kumpanya?" Formal at panimulang sabi ko. Nakita kog naging seryoso ang mga mukha nito. "Matagal ng nilihim ng daddy niyo ang problema Ms. Cielo. Umaasa kasi si sir Francis na maayos at matutulungan ng mga Del Fuego ang problema sa kumpanya matapos ikasal si Ciela Kay Oliver. Yon nga lang tatlong araw ang nakakaraan bigla namang nawala ng parang bula ang kakambal niyo" Mahabang paliwanag na sagot ng assistant ng daddy ko na si Paulo. Habang nakikinig ako sa sagot nito. May parte sa akin na parang sinisi ko ang sarili ko. 2 months ago, minsan ng nabanggit ni daddy na kailangan kong umuwi. At dahil nga iyon din ang time na sobrang busy ko at napromote ako bilang top fashion artist sa buong Europe. Hindi ko napagtuonan ng pansin ito. "God! ang tanga ko! Bakit di ko man lang nalaman ito" Buntong hiningang sabi ko at naikuyom ko ang dalawa kong kamao. "Alam kong wala akong karapatan na humingi ng pabor sa inyo. Pero, pwede niyo ba akong tulungan sa problemang ito. Kilala niyo ang mga Del Fuego. Hindi sila nagpapatawad sa kung sino mang kakalaban sa kanila." Mahabang wika ko at nagmamakawaang tiningnan ang mga ito. "Isa lang ang solusyon natin Ms. Cielo. Galit si Oliver Del Fuego dahil tinakbuhan siya ng kakambal niyo.Kapag nakita natin si Ciela. Maaring mailigtas natin sa kapahamakan ang mga magulang niyo at mabawi ang kumpanya" Sabat na sagot sa akin Manong Rico. "Tama, iyon lang ang pag-asa natin Ms. Cielo. Hindi naman kasi aabot sa ganito ang lahat kung hindi lang nawala si Ciela." Pagsang-ayon naman ng isa, sa mga mapagkakatiwalaang bodyguard ng daddy ko. May punto ang mga binigay na suggestions ng mga ito. Subalit hindi ko rin alam kung saan ko hahanapin ang kakambal ko. Umalis si Ciela na kahit ni isa walang nakakaalam kung saan ito nagtungo. "Pero paano? hindi ko alam kung saan natin siya hahanapin" Sagot ko. Natahimik ang lahat at pagdaan ng ilang minuto. May isang nagsalita sa mga ito. "Ba-bakit hindi po kayo ang pumalit sa kanya Ms. Cielo" Maliwanang at klarong sabi ni Paulo dahilan para manlaki ang dalawang mga mata ko. "Hu-huh?" Hindi ko alam kung anong dapat na isagot ko. Oo andun na sa rason na magkamukha kami ni Ciela. Ngunit hindi ko magagawa ang sinasabi nito. "Ms. Cielo. Hindi malalaman ng mga Del Fuego na Ikaw si Ciela. Mula sa mukha, height, at kulot ng buhok. Walang rason para makilala ka nila" Dagdag pa na sabi ni Paulo.Cielo's POV "Tumayo kana" Tipid na sabi ko. Nakita kong dahan dahan na umangat ito ng tingin sa akin. Nagulat ako ng makitang pulang pula ang mga mata nito. Subalit hindi ko pinakita ito sa kanya bagkus umiwas agad ako ng tingin sa mga mata niya. "Is he crying??" Tanong ko sa utak ko. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng awa sa kanya taliwas sa lahat ng galit ko kanina ng makitang umiiyak si mommy. "Hon? I'm so sorry" Namamaos ang boses na sabi nito sabay hawak sa dalawang kamay ko. Nanatiling nakaluhod pa rin ito. "Sana patawarin mo ako sa ginawa ko sa mga magulang mo" Dagdag pa na sabi nito. Nasasaktan na nagigilid ang mga luha ko. Parang kinurot ng sampung beses ang puso ko. Konting konti nalang babagsak pinipigilan ko simula pa kanina kaya pasimpling pinahiran ko ang mga mata ko. Pagkatapos ,yumuko at tiningnan ko ang mga mata nito. Supposed to be galit na galit na sana ako ngayon sa kanya pero bakit parang mas natalo ako sa pagmamahal at awang nararamdaman ko.
Cielo's POV "Mom! Please" Puno ang tono ng pakikiusap na sabi ko. Napatigil naman ito at nabitawan ang pangalawang paso ng bulaklak para sana itapon ulit kay Oliver. "Huminahon ka muna Darling" Nilapitan agad ito ni daddy at pinakalma saka inalalayan papasok ng bahay. Nang makapasok ang mga ito. Nanatiling tahimik ang pagitan namin ni Oliver. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya? Sa galit na nararamdaman ni mommy ngayon. Alam kong hindi madaling mawala ito. "Ho-hon?" Basag sa katahimikan na saad nito. Mariing napapikit ako at huminga ng malalim. "I-Im sorry" Halos pabulong na sabi nito. Bumaling ako at nakita ko ang malungkot na mukha nito. Hindi ko talaga maintindihan kung saan ako lulugar? Gusto kong puntahan si mommy pero sa nakikita ko ngayong lungkot sa mga mata ni Oliver. Hindi ko ata kayang iwanan lang ito dito. "Come on, pumasok na tayo" Walang emosyon na saad ko. Pinaghugpong ko ang kamay naming dalawa at hinila ito papasok sa loob ng bahay. Nang makapasok
Cielo's POV "God!ang sarap talaga, walang pinagbago ang luto niyo mommy." Walang mapaglagyan ng kasiyahan sa puso ko ngayon habang dinadama ang masarap na sinigang na niluto ni mommy. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata dahil kahit konti wala man lang naiba sa lasa nito. "Alam ko kasing paborito mo ang sinigang na baboy kaya niluto ko talaga yan para sayo. Sige pa anak, kumain kapa." Nilagyan pa nito ng maraming sabaw at gulay ang pinggan ko. Kung si Ciela paborito ang abodong manok, ako naman ay sinigang na baboy. Ang pinag-kaiba lang si Ciela pwede siyang kumain ng paborito ko samantalang ako hindi ako pwedeng kumain ng paborito niyang pagkain. "Sir, madam! Si Oliver Del Fuego po nasa labas ng gate!" Nanlaki ang matang napalingon ako kung saan galing ang boses. Tauhan ito ni daddy na nakabantay sa labas ng gate kanina. "Fuck! Anong ginagawa niya dito?" Murang sabi ko at tumayo. Hindi ko maintindihan paano nito nalaman ang lugar na ito? Ni minsan hindi ko naman binanggit s
Cielo's POV "A-anak ko!" Hindi pa ako nakababa ng tuluyan sa sasakyan naririnig ko ang malakas na boses ni mommy. Nagsusumigaw ito at ramdan na ramdam ko ang tuwa at kagalakan na makita ako. "Mom!" Malalaki ang ngiti na sigaw ko. Mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa akin. Sa sobrang higpit naluluha tuloy ako. "I miss you so my princess" Mangiyak ngiyak na saad ni mommy. Sakto namang lumabas si daddy sa main door at nanlaki din mga mata nito ng makita kami ni mommy na nagyayakapan. "Cielo anak? ikaw ba yan?" Sigaw ng tanong daddy. Napangiti at tumango tango habang nagmamadali ito naglakad papunta sa gawi namin. Kita ko kung gaano din kasaya ang hitsura nito. "Dad!" Masayang sabi ko. Yumakap din ito sa amin ni mommy. Tatlo na kaming magkayakapan at nag-iiyakan. "Salamat sa diyos at hindi ka niya pinabayaan sa hayop na Oliver na iyon!" Umiiyak na sabi ni mommy habang hinagod hagod ang likod ko. Hanggang ngayon, masama pa rin talaga ang tingin nila kay Oliver. Kung sa
Oliver's POV Lugmok na lugmok na lumabas ako ng mansion matapos ang usapan namin ni mommy. Agad na tinawag ko si Gerald ng hindi ito mahagilap ng mga mata ko. "Sir? Andito po!" Tumatakbong lumalapit ito sa akin. "Ihanda mo ang kotse at ang private plane natin. Aalis tayo papuntang Palawan. Asap!" Mautoridad na utos ko at mabilis namang sinunod nito. Walang pang limang minuto. Nasa harapan ko na agad ang kotse at pinagbuksan ako ng isa sa mga tauhan ko. Nang makapasok ako sa loob. Niluwagan ko ang neck tie ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga at nasusufocate ako sa bigat na nararamdaman ko. Walang tanging laman ang isip ko ngayon kundi si Cielo. Gustong gusto ko ng makita agad ito. Pakiramdam ko, may dapat akong ipaliwanag sa kanya. Ayokong maramdaman niyang nag-iisa siya at mas lalong gusto Kong iparamdam sa kanya na importante siya para sa akin. "Gerald! Bilisan mo kaya!" Ihip na inip na utos ko. Sa kagustuhan kung makita ngayon si Cielo. Kahit napakabilis na ng takbo
Oliver's POV "Sir, umalis po si Ms. Ciela kaninang umaga. Hindi niyo po alam??" Nagulat ako sa sagot ni Yaya Cynthia sa tanong ko. "Anong umalis? Saan naman pumunta? At bakit umalis??" Sunod sunod na tanong ko. Kakauwi ko pa lang galing sa opisina ito na agad ang bungad ni Yaya Cynthia nang tanungin ko siya kung nasaan ang aking asawa? "Hi-hindi ko na naitanong sir. Nagkasagutan kasi sila ni Ma'am Clara kanina" Naikuyom ko ang kamao ko. Sa pagkakaalam ko, minsan ng nagpaalam si Cielo na pupuntahan nito ang mommy at daddy niya. Subalit hindi ko inaasahan na kayong araw na pala ito. "Nagkasagutan?" Takang tanong ko naikinatango naman ni Yaya Cynthia. Uminit agad ang ulo. Bakit may nangyari ng ganun kanina wala man lang tumawag sa akin para ipaalam na umalis pala ito. "Bullshit! Why don't you tell me!? Dapat tinawagan niyo ko!!" Malakas ang boses na sigaw ko. Nakita kong natakot si Yaya Cynthia at ang tatlong katulong na nasa likod nito. Hindi ko maiwasang isipin kung anon
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






