LOGINCielo's POV
"What??!?" Umalingawngaw ang malakas na boses ko sa loob ng apat na sulok ng kwrato ko. Parang binuhosan ako ng malamig na tubig ng mag-sink in sa utak ko ang sinabi ng taong nasa kabilang linya. "Yes, Ms. Cielo. Kailangan niyo pong umuwi as soon as possible para hanapin si Ms. Ciela at mailigtas ang mommy at daddy niyo" Dagdag pa na sabi nito, habang may takot ang tono. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman at gagawin ko? Naninigas ang buong katawan ko at bumigay agad ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Isa isa itong nagsisilaganan. Hanggang sa di ko namalayan na kusang nabitawan ng kamay ko ang cellphone at bumagsak ito sa sahig na sinundan ko. "God!! mom, dad??" Tumutulo ang luha ko habang nanginginig ang kamay na tinitingnan ang picture na pinadala sa akin. Nakita kong nakatali pareho ang mga ito na parang mga aso. Sobrang nakakaawang tingnan ang mga ito. Hindi ko lubos maisip, na mangyayari ito. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Kahapun lang nagtatawagan pa kami ni mommy at nagpupumilit itong umuwi ako sa kasal ng kakambal ko. Pero hindi man lang sinabi nito na may problema. "No...no.....I need to get home..." Natatarantang sabi ko sa sarili ko at tumayo mula sa sahig. Deretso sa closet ang tungo ko at wala ng pakialam na isa isang nilagay ang lahat ng mga damit ko. Matapos kong mailagay lahat ito sa maleta. Kinuha ko ang maliit na bag ko at lumabas ng kwarto. "Hey? Cielo? Are you okay? Where are you going? Bakit may maleta kang dala? Uuwi ka??" Bungad na sunod sunod na tanong ng kaibigan kong si lily. Nang marinig ko ang boses nito. Hindi ko alam, pero parang batang mabilis na yumakap ako dito at hamagulhol ng iyak sa balikat nito. Pinaghalong takot at awa ang nararamdaman ko ngayon havang paulit ulit na nagrereflect sa utak ko ang nakakaawang picture ng mga magulang ko. "Hey!!!?? What's wrong? Sabihin mo sa akin," Untag na sabi ni Lily. Hinagod hagod nito ang likod ko at inalalayan ako nitong umupo sa couch. Ni minsan hindi ako umiiyak sa harapan nito kaya alam kung nagtataka at naninibago ito sa akin. "Oh My God! anong nangyayari? bakit ka umiiyak Cielo??" Malakas ang boses na nag aalalang tanong ulit nito. "S-si mo-mommy at si-si daddy lily" Nauutal utal na ani ko habang umiiyak pa rin sa balikat nito. Hindi ko alam kung paano uumupisahan at sabihin ang sitwasyon ng mga ito. At mas lalong hindi ko alam paano e dedescribe ang picture ng mga ito na minaltrato ni Oliver Del Fuego. "Huh? Why? What happened to them???" "Ha-hawak sila ng mga Del Fuego. " Nanginginig ang boses na sabi ko sabay bigay dito ng cellphone na naglalaman ng kanilang litrato. "Diosko!!!!!!" Hiyaw ni lily ng makita ang picture ng daddy at mommy ko. "Tu-tumawag sa akin ka-kanina. Ang kanang kamay ni daddy. Sinabi nitong bigla nalang daw nawala ang kakambal kong si Ciela. Ngayong malapit na ang kasal nito kag Oliver Del Fuego" Panimulang sabi ko habang nakakuyom ang dalawang kamao. Hanggang ngayon,parang sinasakal pa rin ako ng matinding kaba at parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong dapat na gagawin ko? "Seriously? Si Oliver Del Fuego? Tinakbuhan ni Ciela???" Hindi makapaniwalang tanong ni lily sa akin. Tumango tango ako bilang sagot sa sinabi ni lily. Gaya ni lily, pati ako nagtataka at hindi rin makapaniwala sa ginawa ng Kakambal ko. Sa loob ng dalawang taon na andito ako Germany. Lahat ng laman ng balita sa pilipinas ay ang masayang relasyon ng kakambal ko Kay Oliver Del Fuego. Hindi ko man alam ang dahilan pero sigurado akong malalim ang rason nito. "Ka-kailangan kong umuwi lily. Limang araw lang ang palugit na binigay ng mga Del Fuego. Kapag hindi ko makikita ang kakambal ko. Manganganib ang buhay ng mga magulang ko" Kahit puno ng luha ang mga mata ko. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Pilit kong tinatatagan ang loob ko at sinubukang kumalma. Kilala ko ang mga Del Fuego. Sila ang pinakamasamang maging kalaban na kakantian ng kahit sino. "I-I need to go" Wala sa sariling sabi ko. Ngunit bigla akong napatigil ng muling tumunog ang cellphone ko. "He-hello??" Mabilis na sagot ko. Uamasa akong maayos na balita ito pero dismayadong napaupo ulit ako sa couch. "Ms. Cielo. Naibook ko na ang flight niyo pauwi ng pilipinas" Bungad na sagot sa akin ng taong nasa kabilang linya. Tumango tango ako at mabilis na pinatay ito. "God Cielo, Ano ba kasing nakain ng kakambal mo? Mahirap kalabanin ang mga Del Fuego. Makapangyarihan sila at kahit sino wala magtatangkang babanggain ang mga ito" Dahil sa sinabi ni lily. Mas lalong nadagdagan ang takot at kaba ko. Walang tanging laman ang isip ko ngayon kundi ang nakakaawang picture ng mga magulang ko, na nakita ko kanina.Cielo's POV "Ms.Ciela okay lang kayo ma'am?" Kasalukuyang lutang na naglalakad ako papasok sa loob ng mansion ng mga Del Fuego. Hanggang ngayon ang sakit sakit pa rin ng puso ko. "Ms. Ciela?" Naramdaman kong may humawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapatingin kung sino ito? "Ya-yaya Cynthia? ba-bakit po?" Nautal utal na tanong ko. Ikinalma ko ang sarili ko at humarap ng maayos dito. Nakita ko pang tumingin ito sa mga mugtong mugto na mga mata ko. "Ma'am, a-ang putla putla niyo po. O-okay lang ba kayo?? Masama ba ang pakiramdam niyo" Sunod sunod na tanong nito habang nag aalala ang tono. Napahawak ako bigla sa mukha ko. Kanina pa ako iyak ng iyak kaya siguro nawala ang make up ko at hindi natubanan nito ang natural na reaksyon ng mukha ko. "O-oo naman po, si-sige po aakyat na ako" Hindi ko alam pero parang babagsak na naman ulit ang mga luha ko. Naalala ko naman ang ang eksenang iyon kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat. Ako lang pala
Cielo's POV Bitbit ang medical certificate at sonogram picture ay lumabas ako na nanlalamig ang mga kamay sa isang hospital. Hindi nga ako nagkamali. Buntis ako at tatlong linggo na raw ito. "Diosko! bu-buntis ako?" Nanginginig ang mga labing sambit ko at sumandal sa gilid ng pader. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya mabilis akong humakbang para makaabot sa naghihilirang upuan sa labas ng building ng hospital. "Shit! What am I supposed to do now??" Gulong gulo na ang utak ko. Kanina bago ako pumasok ng hospital. Sinabi ko sa sarili kong tatanggapin ko ng buong buo kung ano man ang magiging resulta ng check up ko. But for now, parang hindi gumagana ang utak ko. Naghahalo ang iba't ibang emosyon na nararamdaman ko. "Magiging isang ina na ako?" Ulit na namang sabi ng kabilang bahagi ng utak at tinitigan ang maliit na sonogram picture ng baby ko. Bilang isang babae, masaya akong mabibiyaan ng ganitong blessings. Noon paman pinangarap ko na rin na magkaroon na ng anak. May paniniwala
Cielo's POV Bumabaliktad ang sikmurang nagising ako at mabilis na bumungon mula sa kama. Dali dali akong pumasok sa loob ng banyo at sumuka ng sumuka. Sobrang sama ng pakiramdam ko at parang gusto ko ng isuka ang lahat ng laman sa loob ng tiyan ko. "Ahh diosko" Puno ng luha ang mga matang naghilamos ako ng tubig sa mukha ko. "Shit" Nakaramdam na naman ako na parang masusuka kaya bumuling na naman ulit ako sa inidoro. Doon ako sumuka ng sumuka hanggang sa nanghihina na ako. "A-ano bang nangyayari sa akin??" Takang tanong ko sa utak ko at nagmumug ng tubig. Biglaan ito at wala naman akong nakain. Pag-uwi namin ni Oliver kagabi derestong natulog lang naman ako. Wala akong lakas ng loob na harapin siya matapos ng pag-aaway namin kaya hanggang sa nakatulog nalang ako. Wala ni isa amin ang sumubok na magsalita. "Hi-hindi kaya buntis ako??" Kinakabahan na tanong ko sa loob loob ko. Kagat labing napasandal ako sa pinto ng banyo. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang tiyan ko sa
Oliver's POV "Bullshit!" Ilang beses na akong napamura sa loob ng utak ko at hindi ko na alam kung paano ipapaliwang ngayon kay Cielo ang annulment na nakita nito. Naalala ko, dinala kasi ito ni Atty Miral sa bahay nong isang araw at sakto ding iyon din ang pag-uwi ni Cielo. At dahil busy ako nong araw na iyon. Hindi ko agad na itago ito at nasa ibabaw lang ng kama namin. "Hon, wait! Makinig ka muna sa akin pakiusap!" Nagmamakaawang sabi ko habang sinusundan ito. Takot na takot na ako ngayon dahil hindi man ito nakikinig sa akin. "Honey parang awa mo na. Mag usap muna tayo" Nagugulahan na talaga ako kung paano ako magpapaliwanang Kay Cielo. Na totoo ang annulment na iyon sa pagitan namin Ciela at labas siya roon. Kaya may annulment dahil papapirmahan ko iyon kay Ciela upang mapawalang bisa ang kasal namin at totoong mapakasalan ko si Cielo. "Fuck! Honey naman. Please....... " Nang maabutan ko ito. Niyakap ko ulit mula sa likuran niya. Pagkatapos pinaharap ko ito sa akin at
Cielo's POV Matapos kong makalayo kay Oliver. Sabay sabay ng nagsilaglagan ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan ang emosyon na bumabalot sa buong pagkatao ko. At the same parang pinipiga din ng sampung kamay sa sobrang sakit ang puso ko. Hamagulhul ako, pakiramdam ko mas maiibsan ang sakit kung iiyak ko ito ng sobrang lakas. "Ciela? Hon? Wait!" Rining kong sigaw ni Oliver habang nakasunod ito sa akin. Ayokong makita niya akong umiiyak ng ganito kaya binilisan ko ang paghakbang ko. Hanggang sa naging lakad takbo na ang ginagawa ko. "Ciela please. Mag-usap tayo ano bang nangyayari sayo??" Dahil nakaheels ako mahirap sa akin na malayoan agad si Oliver kahit ginawa ko na ang lahat. Naabotan pa rin ako nito at nahawakan ang kanang braso ko. "Hon? What's wrong??" Mahina ang boses na tanong nito habang puno ng pag aalala ang tono. Ikinalma ko ang sarili ko at pinahiran ang basang basa na pisngi ko. "Please sabihin mo naman sa akin oh! May nagawa ba ako? Sabihin mo sa akin? Ma
Cielo's POV "Hon? Saan ba tayo??" Tanong ko habang tinatakpan ni Oliver ng kanyang mga kamay ang dalawang mata ko. "Shhhh malapit na honey," Sagot nito at naglakad pa kami habang inaalalayan niya ako. Hindi ko inaasahan na may ganitong gimik pa siya. All I know is, kakain lang kami at pagkatapos okay na. "One...two...three open your eyes honey" Matapos sabihin iyon ni Oliver. Dahan dahan ko namang binuksan ang dalawang mata ko. Unang nakita ko ay mga nagagandahang ilaw sa paligid hanggang sa may nakita akong magandang set up ng table. "Wow" Iyon lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko habang tinitingnan ang nagagandahang paligid. Ngayon ko napansin na puno pala ng nag-iilaw na tulips flowers ang buong venue habang may nag-iisang romantic na table sa gitna. Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang ang dalawang mamahaling wine na pamaypay sa akin. "Nagustuhan mo ba hon??" Bulong na tanong ni Oliver sa ilalim ng tenga ko. Pinalibot niya ang kanyang dalawang kamay
Cielo's POV "Tumayo kana" Tipid na sabi ko. Nakita kong dahan dahan na umangat ito ng tingin sa akin. Nagulat ako ng makitang pulang pula ang mga mata nito. Subalit hindi ko pinakita ito sa kanya bagkus umiwas agad ako ng tingin sa mga mata niya. "Is he crying??" Tanong ko sa utak ko. Hindi ko
Cielo's POV "God!ang sarap talaga, walang pinagbago ang luto niyo mommy." Walang mapaglagyan ng kasiyahan sa puso ko ngayon habang dinadama ang masarap na sinigang na niluto ni mommy. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata dahil kahit konti wala man lang naiba sa lasa nito. "Alam ko kasing pabo
Cielo's POV "A-anak ko!" Hindi pa ako nakababa ng tuluyan sa sasakyan naririnig ko ang malakas na boses ni mommy. Nagsusumigaw ito at ramdan na ramdam ko ang tuwa at kagalakan na makita ako. "Mom!" Malalaki ang ngiti na sigaw ko. Mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa akin. Sa sobrang higpi
Oliver's POV Lugmok na lugmok na lumabas ako ng mansion matapos ang usapan namin ni mommy. Agad na tinawag ko si Gerald ng hindi ito mahagilap ng mga mata ko. "Sir? Andito po!" Tumatakbong lumalapit ito sa akin. "Ihanda mo ang kotse at ang private plane natin. Aalis tayo papuntang Palawan.







