Hindi pa rin nawala ang lagnat ko kahit na uminom n ako ng gamot, pero hindi na ako kasing init katulad kahapon, medyo sumasakit pa rin ang ulo ko, inuubo at sinisipon pa rin ako, pero ngayon ay maayos naman na akong nakakagalaw.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Napagdesisyunan kong pumasok, wala naman akong gagawin sa bahay, maboboring lang ako dito, 'saka kaya ko naman na ang sarili ko. Wala naman akong gagawin dito, tutunganga lang ako.
Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko ang ilang missed calls at ilang text ni Ariana sa'kin. Hindi ko nareplyan si Ariana kahapon dahil hirap akong makabangon, hindi rin ako makatayo dahil sa tuwing tumatayo ako ay umiikot ang paningin ko, pinilit ko na nga lang na gumalaw kahapon para makakain. Nireplyan ko siya na ayos lanh akong naka-uwi, mamaya na din ako magpapaliwanag sa kaniya ng buong nangyari.
Nagbaon ako ng gamot at pagkain. Pumara ako ng taxi para makadiretso na sa Academy.
Sana naman ay h'
“Alright,” pagkasabi niya non ay tumayo siya, inilapag niya sa side table ang tasa at 'saka humarap sa'kin, naubos ko ang binili niyang lugaw.Naka-tingin ako sa kaniya habang umiinom ng tubig.“Oh,” napababa ang tingin ko nang may ilapag siya sa side table. Ibinaba ko ang baso at nakita ko ang gamot don, “Inumin mo,” utos niya, tumango ako at kinuha ang gamot at 'saka ito ininom.“Bakit mo ginawa 'to?” I asked him. Hindi naman niya gagawin 'to sa'kin. We're enemy. We hate each other.“Don't get me wrong,” maangas na sabi niya, “It's a request,” dagdag niya.“From whom?” nakakunot ang noo kong tanong.“Ariana,” simpleng sagot niya.I knew it. Ngumiwi ako sa kaniya at humiga sa kama.“Hindi mo na dapat ginawa, kaya ko naman alagaan ang sarili ko,” pagdadahilan ko.“If you can take care of yoursel
“Bakit ba sobrang tigas ng ulo mo?” naiinis niyang tanong, ang kamay ay nasa bewang ko pa din.“Ano na namang ginawa ko?” naiinis ko din na tanong.“Balak mo bang magpa-ulan? Hindi ka pa nga ganong gumagaling,” panenermon niya, nanay ko ba 'to?“Wala akong choice. Wala akong dalang payong,” pagdadahilan ko.“Stupid reason,” aniya at pinisil ang bewang ko dahilan para mapapitlag ako. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.“Pwede ba bitawan mo 'yung bewang ko? Baka kung ano pang sabihon nila kapag may nakakita sa'tin dito,” bulong ko at luminga linga.“Wala akong pakialam,” mahinang bulong niya at ilang beses pinisil ang bewang ko. Malakas ko siyang hinampas sa braso at pilit tinanggal ang kamay niya sa bewang ko.“Ano pang ginagawa niyong dalawa dito?” narinig ko ang boses ni Ariana.Mabilis kaming napahiwalay ni Damon sa
Ibinalik ko ang litrato sa drawer, kinuha ko ang Laptop na nakapatong sa side table at mabilis na lumabas ng kwarto. Nakita ko ang tatlo sa sala na nanonood ng TV, napatingin ako kay Damon na seryosong naka-tingin sa TV, mukhang hindi naiintindihan ang pinapanood at parang may malalim na iniisip. Napakagat ako sa labi ko.Nang makababa ako ay pilit ko silang nginitian, "L-let's eat?" anyaya ko sa kanila at itinuro ang kusina."Let's go!" maligayang sabi ni Ariana at masayang pumunta sa kusina, sumunod sa kaniya si Marco at ang pang-huli ay si Damon.Tinignan ako ni Damon at inirapan 'saka dire-diretsong nagpunta sa kusina.Napasinghal ako, "Anong problema ng isang 'yon?" inis kong bulong sa sarili at 'saka sila sinundan.Kumuha ako ng apat na plato at nilagyan iyon ng carbona."Kain," masiglang sabi ko at 'saka umupo sa upuan, katabi si Ariana.Masayang kinuha ni Ariana ang tinidor at nagsimulang kumain. Tignan mo ang is
"Ang manhid mo.""W-what?" gulat na tanong ko at kinunutan siya ng nooNapa-nganga ako, eh?Parang may iba pa siyang ibig sabihin sa sinabi niyang iyon. Hindi ko lang matukoy kung ano, o baka naman naga-assume lang ako dahil wala naman talagang ibang ibig sabihin ang sinabi niya.Tumayo siya at kinuha ang t-shirt na suot niya kanina, ang t-shirt ng ex-boyfriend ko. Hinagis niya ito sa'kin na mabilis ko namang sinalo."I don't like that shirt," maarteng sabi niya, napairap ako.No one said you should like this shirt."Paki ko," mataray na sabi ko at humiga sa kama, hindi ko na maramdaman ang sakit sa paa ko."It's not that beautiful. It's not cool," ani niya, lumapit siya sa'kin at nagulat ako nang biglang siyang humiga sa tabi ko, "My shirt is more beautiful and cool," aniya at tumagilid 'saka ako tinignan.Nahugot ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit niya, "Are you wearing that?" mahinang bulong niya,
Tahimik lang akong naglalakad sa corridor nang marinig ko ang mga bulungan ng ibang estudyante.“Inalagaan daw ni Damon si Amber.”“Pano mo nasabi?”“Girl, may nakakita sa kanila sa clinic.”“Talaga? I'm so jealous, parang gusto ko ding magkasakit tapos magpa-alaga sa isang Damon allister? Ano kayang pakiramdam ng alagaan niya?”“Asa ka naman girl. Hindi ka aalagaan non.”Napa-irap ako. Sino naman kayang chismosa ang nagpakalat ng balitang 'yon? Panigurado ay may mga galit na naman sa'kin. Malamang ay sikat na 'ko sa buong campus. Tsk, I'm pretty sure na nag-aapoy na sa galit si Booby kung sakali mang nalaman niya 'yon.“Is it really true?” mataray na tanong ni Booby.Heto na nga ba ang sinasabi ko.“Ano?” mataray na tanong ko din sa kaniya. Lol, hindi ako magpapatalo noh.“Inalagaan ka ni Damon?” mataray
Nang mailapag ko ang bag ko sa sofa sa sala ay mabilis akong umakyat sa kwarto ko.Napa-buntong hininga ako, kung ano ano ang pinagagawa ko at kung saan saan ako pumunta maiwasan ko lang si Damon. Hirap na hirap akong umiwas dahil buong maghapon siyang nasa room.Pero hindi ko talaga yata siya maiiwasan ng tuluyan, tignan mo ngayon at kasama ko na naman siya, at nasa iisang bahay kaming dalawa.Pahirapan na naman ang pag-iisip ko kung paano ako iiwas sa kaniya.Sa tuwing umiiwas ako ay nandiyan naman siya sa paligid, pasulpot sulpot. Kung nasaan ako ay nandoon din siya. Hindi yata mabubuo ang araw ng isang 'yon kapag hindi ako nakita na naiinis o galit sa kaniya. Napaka-annoying.Umiling ako, gagawin ko na lang busy ang sarili ko para may dahilan ako para hindi siya kausapin ngayon.Mabilis akong nagpalit ng damit, kinuha ko ang laptop at dumiretso na pababa.Nakita ko sila sa sala na nanonood ng tv. I fake a cough. Buma
CHAPTER 17Natapos ang pag-uusap namin ni Damon na mabigat ang loob ko. Naguiguilty ako sa mga sinabi ko pero hindi ko naman na pwedeng bawiin 'yon, alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, pero wala na 'kong magagawa para bawiin pa 'yon. Kahit na anong gawin ko ay nangyari naman na, tapos na.Tumingala ako sa mga malalaking puno habang naka-upo sa damuhan. Nandito ako sa lugar na hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante. Napapikit ako, napakatahimik. I like this place.Siguro nga ay mabuti na rin na sinabi ko sa kaniya 'yon para tumigil na din siya sa panggugulo sa'kin. Tama rin naman siguro ang ginawa ko dahil ayoko na ng gulo. Ayoko nang madamay sa buhay ni Damon.Mabilis lang lumipas ang araw, pero para sa'kin ay napakatagal na ng isang araw. Biyernes na ngayon. Wala kaming klase dahil wala ang teacher kaya dito muna ako pumunta. This will be my favorite place from now on.Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Damon na
CHAPTER 18Halos mapapikit ako dahil sa lakas ng tugtog pagtungtong pa lang namin sa bahay ni Belle.Sa gate ay may mga bodyguard, kailangan pang magbigay ng invitation para makapasok.Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng lugar, malaki ang bahay nila Belle, moderno at maganda ang disenyo, sa gilid ng bahay nila ay may pool na puno ng dekorasyon. May mga pamilyar na mukha akong nakikita na nagsiswimming.May mga taong naka-party dress at mayroon ding nakaswim suit.Napabaling ang tingin ko kay Ariana na namamangha at ngiting ngiti habang tinitignan din ang kabuuan ng bahay, tignan mo ng isang ito, akala mo ngayon lang nakakita ng ganyang bahay, kumpara naman sa bahay nila at ni Belle ay tiyak na mas maganda ang bahay nila Ariana. Hindi din sinabi ng isang ito na pool party pala ito. Pero hindi ko na inintindi iyon dahil may mga naka-party dress din naman.Napakagat ang labi ko nang makakuha agad kami ng aten