Share

Chapter 10

Samo't sari ang pumapasok sa utak ko. Paano kong mabubuo ang bata sa sinapupunan ko? Ano ang gagawin ko? Paano ko haharapin ang mga magulang ko? Paano na ang pamilya ko na umaasa sa akin? Paano na ang mga pangarap ko? Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Bilang lang sa daliri ko ang mga araw na nagkita kami ng taong unang umangkin sa akin ngunit nagawa kong ipagkaloob kaagad dito ang sarili ko. Kahit apelyido nito hindi ko alam. Pinahidan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin?

Kinabukasan paggising ko masakit ang katawan ko lalo na ang ilalim ko. Hindi muna ako lumabas sa aking silid bagkus tinawagan ko ang kaibigan kong si Mira.

"Hay sa wakas... nagawa rin akong tawagan..." Tumawa pa ito. "Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo, kamahalan?" Pang-aasar pa nito sa kabilang linya.

"Kambs..." tawag ko rito na pilit kong pinipigilang mabasag ang boses ko.

"Bakit kambs... may pro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status