Share

Chapter 11

Bumalik ako sa boarding house at agad na ginawa ang resignation letter. Hindi na rin ako pumasok sa trabaho.

Kinabukasan pumunta ako sa station para maipasa ang resignation letter kay Sir Jake.

"Girl, kumusta ka na? Papasok ka ba ngayon?" tanong ni Jessa ng makalapit ito sa akin.

"Okay lang ako," sagot ko rito. "Nandito na ba si Sir Jake?"

"Oo, nasa office niya," sabi nito.

Iniwan ko muna ito at pumunta sa office ni Sir Jake. Kumatok ako ng tatlong beses bago nito binuksan.

"Good morning, sir," bati ko rito nang hindi nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Good morning, come in!" sabi naman nito. "Take a seat."

"Okay lang po sir, hindi naman po ako magtatagal, eh." Kinuha ko ang resignation letter sa bag ko at inabot dito.

Napatingin ito sa akin. "Ano ito?"

"Magre-resign na po kasi ako, sir," nahihiya kong wika.

"Dahil ba ito sa nangyari sa resort?" Lumapit ito sa akin. "Sorry, Ann."

"Hindi po sir, personal reason ko po iyan." Hindi ko masabi dito ang dahilan kung bakit ako magre-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status