Share

Chapter 3

Author: Ylle Elly
last update Huling Na-update: 2022-09-16 12:16:19

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Ano kaya kailangan ni Sir Jake?

Pagbukas ko ng gate nakita ko kaagad si Sir Jake nakatalikod ito at tila may kausap sa kaniyang cellphone. Pasimple kong pinagmasdan ang katawan nitong alaga sa gym. Nang matapos itong makipag-usap sa cellphone, agad akong tumikhim para hindi halata na pinagnanasaan ko siya, este pinagmamasdan pala.

"Good morning po Sir, may mali po ba sa report ko kaya kayo naparito?" agad na tanong ko.

Hindi pa naman ito nakasagot dinugtungan ko na kaagad. "Itinawag niyo na lang po sana Sir, para ako na po ang pupunta roon at nang hindi na kayo nag-abalang pumunta rito o di kaya'y ipinag-utos niyo na lang po."

"Hindi ako makasingit ah," nakangiti nitong saad. "Good morning!"

"Ay sorry po," nahiya kong sambit.

"No, it's okay. Actually hindi pa ako dumaan sa station.." tumikhim ito na parang tinatanggal ang bara sa kaniyang lalamunan.

Naghihintay rin ako sa sasabihin nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano kasi.." 

"Say it Sir!"

"Kuwan kasi..yayain sana kitang mag-almusal," mahinang bigkas nito sakto lang na maririnig ko. 

Kumunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Alam kong wala namang masama ang pagyaya niyang kumain, ngunit hindi lang ako sanay na bigla-bigla lang ito pupunta rito, not unless kung may iba pa itong pakay.

"Umamin nga po kayo Sir, nanliligaw po ba kayo?" diretsahang tanong ko sa kaniya.

Napakamot ito at ngumiti. "Sana."

Ngumiti rin ako. "Sir, pasensiya na po ha, didiretsahin ko na po kayo 'yong totoo po kasi hindi po ako tumatanggap ng manliligaw, madami pa po kasi akong obligasyon sa buhay kaya wala pa po talaga sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Sana maintindihan niyo po ako."

Dugtong ko pa. "At isa pa po sir, talagang inagahan niyo po ah mabuti at gising pa ako."

"Inagahan ko nga kaso bokya pala," bahagya itong ngumiti. "Okay lang naman, at least nag try ako. Sinadya talaga kita rito sa boarding house mo para pormal kitang ligawan. Gayon pa man naiintindihan kita. Please let me know kung ready ka na, I'm willing to wait. Liligawan ulit kita." 

"Aamin ko po Sir, may crush po ako sa inyo, pero hanggang doon lang po kasi 'yon," pag-amin ko sa kaniya.

Crush ko naman kasi talaga si Sir Jake kasi ang bango-bango niya at 'yong katawan niya pang malakasan.

"Sorry po talaga Sir, hindi ko rin po mapapaunlakan ang paanyaya niyong mag breakfast," hinging paumanhin ko sa kaniya. Nahiya rin naman akong yayain siya na pumasok sa loob ng bahay dahil hindi naman akin 'yong bahay at nakakahiya rin kay Nanay Cita. 

"Okay lang! Pasensiya ka na ha. Sige, hindi na kita aabalahin pa. Aalis na rin ako. Salamat!" nakuha pa nitong ngumiti kahit dismayado siya sa sagot ko.

Nahihiya ako ngunit wala akong magawa dahil wala naman akong nararamdaman sa kaniya hanggang crush lang talaga.

"Pasensiya rin po sir. Sige po, ingat po kayo!" 

Sumakay kaagad ito sa sasakyan niya saka pinaharurot. Napapailing na lamang ako.

Pumasok din kaagad ako sa gate ar isinarado ito. Napapaisip ako habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Seryoso ba siya? Kaya siguro madalas nasa labas ito kapag ako ang naka-duty sa umaga. Ayon naman kasi sa mga kasamahan ko, hindi naman daw talaga ugali ni sir Jake ang lumabas, palagi itong nasa loob ng office nito. At napapansin ko rin minsan ang lagkit ng tingin nito sa akin, hindi ko naman binibigyan ng kahulugan bagkus nginingitian ko na lang. Hay naku nga, ang awkward nito kapag nagpangita kami sa trabaho. Sana lang, hindi sumama ang loob niya sa pangba-basted ko sa kaniya. 

Napabuntong hininga na lang ako.

"Aray!" Bumangga ako sa haligi papasok ng kusina.

"Tumingin kasi sa dinadaanan hindi 'yong nakatingala ka. Ano ba ang tinitingnan mo riyan sa taas?" tanong ni Nanay Cita at napasilip din ito sa itaas.

"Po? W-wala po," nauutal kong sambit.

"Umupo ka na rito, saluhan mo ako. Saan na ang bisita mo?" 

"Umalis na po." Umupo ako sa tapat ni Nanay Cita.

"Hindi mo pinapasok?"

"Hindi na po, nagmamadali rin po kasi siya, may pasok pa po kasi si Sir, may sinabi lang po tungkol sa trabaho."

"Sinadya ka talaga ah." 

"Kaya nga po eh." 

Pagkatapos naming kumain, tumayo agad si Nanay Cita at lumabas papunta sa mga halaman niya. Naiwan ako sa kusina at naghugas ng pinagkainan namin. Muntik ko nang mabitawan ang platong sinasabon ko nang biglang tumabi sa akin si Josie, isa sa mga boarder ni Nanay Cita. Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot nito sa tabi ko. Isa siya sa dalawang teacher na boarders ni Nanay Cita. 

" 'Wag ka namang manggulat, paano kung nabitawan ko itong plato at nabasag? Mukhang mahal pa naman, wala akong pambayad," biro ko rito.

"Patingin ng gulat!" natatawa nitong sambit.

Ito lang din ang kasundo ko sa mga kasamahan kong boarders ni Nanay Cita. Wala rin kasi itong social life katulad ko. Pagkagaling nito sa school, uumuwi kaagad ito hindi katulad ng iba na may pinupuntahan pa kung saan-saan. Dahil sabado kaya nandito lang siya sa boarding house.

Tumawa na lang ako rito.

"May kailangan ka 'day?" tanong ko rito habang nilalagay ko sa lalagyan ang mga plato.

"Nahulaan mo kaagad ah." 

Hinarap ko ito. "Base kasi sa pagkakangiti mong iyan mukhang may gusto kang itanong. Tama ba ako o tama ako?"

Tumawa ito at humarap sa akin. "Girl, sino 'yong poging kausap mo kanina?" 

Sabi ko na nga ba at hindi ako nagkakamali. Hindi nga ito mahilig makipag sosyalan pero mahilig naman itong maki chismis lalo na kapag nakakita ng pogi.

"Type mo? Gusto mo ipakilala kita kay Sir Jake?" tanong ko rito.

"So, Jake pala his name?" ngumiti ito. "Infairness bagay sa kaniya ang name niya lalo na sa matipuno niyang katawan." 

"Day, puso mo nahulog. Ibigay ko na ba sa kaniya?" natatawa kong sambit.

"Sira! Dapat makilala muna namin ang isa't isa para ako na ang magbigay ng puso ko sa kaniya," kinikilig nitong saad.

"Push mo yan 'day, I got your back."

Ngumuso ito. "Kaso paano naman namin makikila ang isa't isa?" 

"Iyon lang. Try mo kaya siyang i-message?" Napapaisip din ako.

"Ayoko nga, kahit pa naman type ko siya binibining marikit pa rin ako."

Kinanta ko ang Binibining Marikit, aba ang loka sumayaw rin. Napasayaw na rin ako kahit paulit-ulit lang ang lyrics ng kanta ko, hindi ko kasi kabisado iyon.

Bigla namang pumasok si Nanay Cita at bigla rin kaming dalawa napatigil sa pagsasayaw. Nagulat pa kami ng sumayaw rin ito kahit walang tugtog kaya kumanta ulit ako ng paulit-ulit kahit iba na ang lyrics. Sinabayan na rin namin itong sumayaw hanggang sa napagod ako sa pagkanta at tumigil na rin kami sa pagsayaw.

"Ang galing niyo ro'n 'nay, ah!" hingal kong saad. 

Hingal din ito kaya umupo agad ito sa malapit na upuan. Millennials din talaga itong si Nanay Cita alam na alam ang kanta at ang stepping nito.

Pagkatapos ng dancing session naming tatlo nagsipasukan na rin kami sa aming mga silid at nagpahinga.

Medyo madilim na nang magising ako. Ito na yata ang pinakamahaba kong tulog na hindi nagigising sa kalagitnaan ng aking mahimbing na pagtulog. May tatlong oras pa ako para mag-ayos at makapagluto ng hapunan. Kapag ka ganoong gabi hindi ako naglalakad papunta sa trabaho ko, sumasakay ako ng tricycle o jeep. Kahit na may street lights at maliwanag ang daan hindi pa rin ako kampanteng maglakad ng mag-isa. Madami pa rin kasing mga siraulo ang naglipana kaya hindi safe ang maglakad ng mag-isa lalo na sa gabi.

Sumunod na araw palitan na ulit ng schedule at nagkataon na pay day pa kaya napag desisyunan kong mag grocery at bumili ng mga personal kong pangangailangan.

Pumunta ako sa mall, nag-ikot-ikot muna ako bago pumunta ng supermarket. Dumaan ako sa bilihan ng mga cellphone.

"Balang araw mabibili din kita," sambit ko sa aking sarili habang tinitingnan ko ang isang Android cellphone. Paano kasi makaluma pa rin ang cellphone ko, de keypad.

Lumapit sa akin ang isang sales lady.

"Good morning ma'am, maganda po ang cellphone na 'yan 128 gb ang internal memory at maganda rin ang camera kung mahilig kayong mag selfie..." hindi pa nito natapos ang sasabihin nito nang bigla kong pinutol.

Ngumiti ako rito. "Tumitingin pa lang po ako." 

Ngumiti rin ang sales lady ngunit hindi na umalis sa tabi ko. Sinusundan ako nito kung saan ako pupunta, iniisip yata nito magnanakaw ako. Gayon pa man naintindihan ko siya. Hindi nagtagal lumabas din ako sa bilihan ng mga cellphone.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Love You   Chapter 32

    Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will

  • Accidentally Love You   Chapter 31

    Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga

  • Accidentally Love You   Chapter 30

    PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki

  • Accidentally Love You   Chapter 29

    Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at

  • Accidentally Love You   Chapter 28

    Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal

  • Accidentally Love You   Chapter 27

    Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status