Papunta na ako sa supermarket nang mapansin ko ang mga tao nagsitakbuhan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sumunod din ako sa mga ito at tumakbo rin. Iniisip ko na baka may nagpapatayan o 'di kaya ay may sunog kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo rin, mahirap na baka ma-trap ako at hindi makalabas kawawa naman ang pamilya kong umaasa sa akin.
Ang ipinagtataka ko lang dapat sa exit ng mall ang labas ng mga 'to, eh, bakit lalong papasok? Pagkatapos kong tumakbo at sumunod sa kanila tumigil din ako dahil sa dami ng tao na halos hindi ko na makita kung ano ang nangyayari."Ate, anong mayro'n bakit nagtatakbuhan?" curious kong tanong sa katabi ko."Iyong sikat na si James Clifford kasi nandito." Pagkasabi niyang iyon sumigaw ito banggit ang pangalan ni James Clifford.Napangiwi na lang ako at tumalikod dito. Hindi naman kasi ako mahilig mag fangirling, imbes na makipagsiksikan mas mabuti nang mag grocery na lang ako baka mahuli pa ako ng pasok sa trabaho ko.Napapailing at napapangiti na lang ako sa sarili ko, ang tanga-tanga ko lang talaga puwede naman kasing magtanong, eh, talaga namang sumabay pa sa takbuhan hindi naman 'yon sugod bahay. Sayang tuloy ang oras ko.Bumalik ako sa supermarket at nag-umpisang maglagay ng pinamili ko sa cart. May dalawang oras pa ako bago pumasok sa trabaho. Binilisan ko ang pamimili para makapagbayad na kaagad.Habang nakapila ako sa kahera, kanina ko pa pinapakiramdaman na parang may mga matang nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali, dahil lalaking nasa kabilang kahera habang pumipila rin nahuli kong nakatingin sa akin. Ano kaya problema nito? May dumi ba ako sa mukha? Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pasimpleng pinunasan ko ang aking mukha.Nakita ng peripheral vision ko na ngumiti ito kung kaya't inirapan ko ito. Bahala nga siya sa buhay niya. Mayamaya pa ay lumipat ito at pumuwesto sa likuran ko saka pumila ulit. Iniwan nito ang pinipilahan niya para lang pumila ulit kahit na siya na ang susunod na magbabayad sa kahera.Parang tanga lang siya na ang kasunod umalis pa. "Hi miss, may I know your name?" Nagsalita ito sa likod ko ngunit hindi ko nilingon baka hindi naman ako ang kausap niya.Ilang saglit pa at naramdaman ko ang hininga nito sa punong tainga ko na nagpatayo ng mga balahibo ko."Miss, narinig mo ba ako?" muling tanong nito.Hindi ako nag-atubiling lingunin ito baka mamaya mamali ako ng lingon at kung saan pa tumama ang mukha ko."Ako po ba kausap ninyo?" mahina kong tanong rito habang ang tingin ko ay nasa harapan pa rin."Yes, I'm talking to you," mahina nitong wika.Dahil ako na ang susunod na magbabayad hindi ko na ito pinansin pa kahit na alam kong nasa likod ko lang din ito. Pagkatapos kong magbayad nagmadali akong umalis. Walang lingong likod at malalaki ang hakbang ko habang naglalakad. Nang mapansin kong wala namang sumusunod sa akin binagalan ko ang aking paglalakad. Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumabi sa akin."Nice boobs and butt, huh." Hindi ko na nilingon ang nagsalita dahil bigla ko na lang itong sinuntok gamit ang kabilang kamao ko. Ngunit hindi ko lang alam kung saan ito tinamaan sa mukha niya. Narinig kong napadaing ito sa sakit. Mabuti nga sa kaniya 'yan ang bastos kasi. Tila nagpupuyos sa galit ang dibdib ko at kailangan ko ng hangin. Parang mauubusan ako ng oxygen kaya nagmadali akong lumabas ng mall. Mabuti at hindi na rin ito sumunod pa sa akin. Agad akong nag-inhale exhale pagkalabas ko kahit puro usok ng sasakyan ang malalanghap ko. Tiningnan ko ang kamao kong ginamit ko sa pagsuntok dito dahil naramdan ko na medyo masakit iyon mukhang tumama sa buto.Sumakay agad ako ng tricycle at nagpahatid sa boarding house. Ang plano kong kumain sa fast food chain nakalimutan ko na, hindi rin ako nakapag take out. Nakakaasar kasi ang lalaking 'yon mukhang kulang pa nga ang ginawa kong pagsuntok sa kaniya, dapat binatukan ko rin pala at tinamaan ang mga balls niya. Naligo agad ako pagdating ko ng boarding house. Kaunting oras na lang ang natitira kaya nagmamadali akong kumilos baka ma-late ako ng pasok sa aking trabaho. Ilang araw na rin kasing mainit ang ulo ni Sir Jake. Mukhang kasalanan ko yata? Hindi ko na dapat iniisip 'yon, ang mahalaga ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Pagdating ko sa trabaho nasa labas ito at kausap ang mga kasamahan ko. Mukhang hindi mainit ang ulo niya dahil nakangiti siya. Lumapit kaagad ako sa kanila at saka binati ko sir. Tumango lang ito sa akin. "This coming Saturday wala tayong pasok bilang pasasalamat ito ng company sa atin dahil sa hardwork ninyong lahat. Sapagkat nakuha natin ang kutang volume sa buwan na ito. Ngayon sino ang gustong sumama sa outing?" Tumingin si Sir Jake sa amin na tila hinihintay nito ang aming mga sagot. "Don't worry sagot ng company ang entrance at cottage. About the food, mag-ambagan na lang tayo. What do you think guys?"Halos lahat nag-agree except sa akin. Kaya napatingin silang lahat sa akin."Ann, sumama ka na para masaya." Untag ni Jessa sa akin. "Sige na, 'wag na kasi kj, ah." Niyugyog pa nito ang braso ko.Ngumiti ako sa kanila. "Sige po, sama po ako."Tuwang-tuwa naman sila dahil sasama ako.Pinag-usapan namin kung anong pagkain ang aming lulutuin at babaunin. At hinding-hindi mawawala ang inihaw."Ahm, sir, puwede po bang magsama ng kaibigan?" Singit ko sa usapan namin. Naalala ko kasi ang boardmate kong teacher na si Josie, na may crush din kay sir Jake. Alam ko rin na para sa employee lang ang outing na 'to, nagbabakasakali lang na baka pumayag si sir. "Kung papayag po kayo sir, isali rin po natin siya sa ambagan at siyempre hindi rin po siya libre sa entrance fee." Tumingin ako kay Sir Jake na tila nag-iisip."Payag na kayo sir, mas maganda nga po yan sir, the more the merrier." Pangungumbinsi ng isa ko pang kasamahan kay Sir Jake."Babae ba siya o lalaki?" Parang nagsalpukan ang kilay ni sir sa tanong niya."Babae po sir, boardmate ko po." "Ano guys, okay lang ba sa inyo?" tanong nito sa mga kasamahan ko.Pumayag naman ang lahat na magsama ako ng kaibigan kaya kinagabihan pag-uwi ko ng boarding house nakita kong bukas pa ang ilaw sa kuwarto ni Josie kaya kinatok ko ito at agad namang binuksan nito.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko agad dito ang plano naming mag outing at gusto ko siyang isama. Nag-isip pa ang loka, pero no'ng binanggit kong nandoon din si Sir Jake aba'y mabilis pa sa alas kuwarto at pumayag kaagad ito.Lumabas din kaagad ako sa kuwarto niya pagkatapos kong masabi ang pakay ko.Sumunod na araw habang nasa trabaho ako, busy ang lahat sa pagkakarga. Dahil sa sobrang pagmamadali kong masuklian ang customer na paalis na sana, hindi ko naman napansin ang isang sasakyan na paparating dahil sa lakas ng pagbusina nito kung kaya't napasigaw ako sa gulat."Ay, p**i mo..." bulalas ko.Sa lakas ng boses ko napatingin ang lahat sa akin at tumawa pa ang iba pati na rin ang dalawa kong kasama.Nakakahiya. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.Lalo ko pang ikinagulat nang magsalita ang driver ng sasakyan na bumusina sa akin dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan nito."Miss, wala ako ng ganoon. For sure, ikaw mayro'n." Narinig ko pa ang pagtawa nito.Hindi ko siya matingnan ng diretso sa kaniyang mga mata kung kaya't tumingin ako sa ibang direksiyon dahil nakaramdam ako ng hiya."Namali lang po kayo ng dinig sir, pokemon po 'yon," sabi ko rito nang hindi pa rin nakatingin sa kaniya upang pagtakpan ang aking kahihiyan.Pero teka lang, parang familiar ang hitsura ng lalaki. Sandaling ipinikit ko ang aking mga mata upang alalahanin kung saan ko nga ba nakita ang lalaking ito. Pagdilat ng aking mga mata agad na napansin ko ang band aid sa bandang kanan ng kaniyang mukha. Nang magtama ang paningin naming dalawa, sabay rin kaming nagsalita."Ikaw?" bulalas naming dalawa.Ngumisi ito. "So, dito ka pala nagtatrabaho," sabi nitong may paghimas pa sa baba niya. "Akala ko hindi na kita makikita, miss big...." Hindi nito tinapos ang sinabi niya nang suntukin ko sana ulit ito ngunit mabilis nitong nakuha ang kamao ko at hinila niya ako palapit sa kaniya. Halos maduduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa dahil nakalabas ang ulo nito sa bintana ng kaniyang sasakyan.Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko na halos mabingi ako. 'Di kaya ay dahil sa hiya at inis? Bahala na, sapagkat hindi ko na inintindi iyon.Bago pa ito gumawa ng hindi maganda, dahan-dahan kong itinaas ang isa kong kamay at iniharang ang palad ko sa pagitan ng mukha naming dalawa saka ko itinulak ang mukha niya palayo sa akin. Akala niya yata maisahan niya ako.Never!Sinakop ng palad ko ang mukha niya at nilamukos ko ito hanggang sa mapadaing ito. Pasalamat siya at maiksi ang mga kuko ko, kung hindi kawawa siya dahil ibabaon ko talaga sa mukha niya ang mga kuko ko. Gigil niya si ako eh...Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga
PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki
Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at
Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal
Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami