Share

Chapter 29

"DADDY!" Sigaw ni Aicel na nagpalingon sa kanya.

    Nakita niyang binuhat nito si Aicel saka hinalikan sa pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga saka umiling ng mapatingin sa kanya si Sixto. Hindi naman niya dapat dadalhin sa opisina si Aicel ng araw na iyon kaso umalis ng walang paalam yung nakuha niyang nanny tangay pa ang ilang gamit sa kwarto ni Sixto. Wala na talaga siya mahanap na matinong nanny ngayon kaya mapipilitan siyang mag-resign na lang para maalagaan si Aicel. Iniisip palang niyang yung salitang resign parang gusto na niyang tingnan yung savings niya.

    Kaya ba niya na walang trabaho? Probably not and she doesn't want to depend on Sixto. Pride pa din ang pinaiiral niya at yung kasalanan nito sa kanya. Wala din naman kasi silang relasyon para dumepende siya dito. And even if they, she won't still depend on him. Nahinto siya sa iniisip. Bakit parang disappointed ang pakiramdam niya nang mabanggit niyang wala silang relasyong dalawa? What the hell was happening to her? 

    Parang nung isang linggo lang sinabi niya na kaya niyang wala ito at maiintindihan ni Aicel ang sitwasyon nila. O baka siya ang hindi maka-intindi sa sitwasyon nila. Baka kasi more what they have na ang gusto niya. Ang gulo ng isipan niya ngayon. 

    "Napa-blotter ko na yung nanny at pinalitan yung passcode ng unit mo. Tatlong relo mo yung nakuha niya," aniya dito.

    "It doesn't matter to me. Ang mahalaga safe kayong dalawa. Isang relo lang din ginagamit ko," wika nito. Napatingin siya sa suot nitong relo at nakikilala niya iyon. Iyon yung regalo niya dito nung nasa Paris sila. "Let's go to my office para makatrabaho na si mommy." Nadinig niyang sabi nito kay Aicel na sinang-ayunan ng anak niya.

    "Wait..." pigil niya. 

    "Hindi alam dito na anak mo si Aicel." Mahina niyang sabi sa binata.

    "Ngayon malalaman na nila."

    Tinalikuran siya nito at lumabas na sa opisina niya. Pabagsak siya naupo sa swivel chair niya at sinubukan mag-focus sa trabaho. Tambak iyon pero maya't maya siya natawag kay Cha para i-check si Aicel at yung magaling niyang ex. Nang sumapit ang lunch, agad siya umalis sa opisina niya at tumungo sa executive floor. Nasalubong pa niya sa hallway si Alfred at sa opisina ni Sixto ang punta.

    Pagpasok nila doon, naabutan nila si Aicel na nakain kasabay si Cha. Tatayo sana ito kaso pinigil ni Alfred at tinanong kung nasaan si Sixto. Pagkasagot ni Cha ay iniwan na sila nito doon at direchong pumasok sa kwartong kinaroroonan ni Sixto. Nilapitan niya ang anak saka naupo sa tabi nito at pinanood ito habang nakain. Napatingin siya kay Cha na kinakausap ng anak niya tungkol sa palabas na Tangled.

    "I'm sorry hindi mo na 'to trabaho," sambit niya.

    "No worries ma'am wala din gaano pinagawa si Sir. Saka ang daldal ni Aicel kaya nalibang ako." Pinahiran niya ang bibig ni Aicel na puno ng ketchup. "Nagulat ako nakain siya ng ganyan ma'am."

    "Lahat naman basta pork, beef at chicken kinakain niyan. Mag aaway lang kami pag gulay,"

    "I ate gulay na mommy. The one that daddy cooked for me." Naiiling niyang pinunasan ulit ang bibig nito.

    "Oo na at inagawan mo pa ng pagkain si Cha." aniya sa anak. Sa puntong iyon lumabas sina Alfred at Sixto sa opisina. "Bayaran mo lunch ng assistant mo kasi inagaw ni Aicel yung lunch niya."

    Hindi na tumanggi pa si Sixto at inaya na kumain sa labas si Cha. Dapat kasama silang mag-ina kaso tinatamad siya kaya nagpaiwan na lang sila doon sa opisina ni Sixto. Hinayaan niya maglaro si Aicel sa may couch habang siya nag-ikot ikot doon. Organize lahat ng gamit ng ex niya at gaya pa din ng dati ang itsura noon. Nahinto lang siya sa pag-iikot ng may kumatok na messenger galing sa Philpost. Siya na ang nag-received nung document na naka-address kay Sixto.

    Pinatong niya iyon sa working table nito at binalikan na si Aicel at pinatulog na ito. Sa gano'ng eksena sila naabutan ni Sixto and a smile etched on his face upon hearing him humming to a lullaby. Inirapan niya lang ito saka pinagpatuloy ang pagpapatulog kay Aicel.    Tumungo ito sa working table nito at nakita niyang binukas nito ang documents na tinanggap niya kanina. Sumunod na ginawa nito pagkabukas noon ay tawagin si Cha sa labas.

    Pagka-alis niya sa opisina nito, naisipan niyang i-corner si Cha sa comfort room para tanungin kung ano yung inutos ni Sixto. Nagkagulatan pala silang dalawa pero una siyang nakabawi. 

    "Anong pinagkaka-abalahan ni Sixto maliban sa trabaho niya dito?" Diretso niyang tanong kay Cha. 

    "Kayo ma'am saka si Aicel." Humalukipkip siya sa harap nito. "Eh ma'am si sir Sixto na lang po tanungin niyo. Sasagot naman po iyon sa inyo dahil may takot siya sa 'yo."

    "Impossible. Sa sabihin mo na sa 'kin -" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng tumunog ang cellphone niya. Hinayaan na niya lumabas si Cha at bumalik na siya sa opisina nila. Pagkatapos ng pakikipag-usap sa cellphone, bumalik na siya sa opisina nila. Inayos na niya ang natambak na trabaho at ibala ang sarili niya upang hindi maisip yung tinatago ni Sixto at Cha.

    Pag-uwi niya sa unit ni Sixto, mabilis siya nagpalit ng damit saka nagluto ng para sa dinner nila. Ilang minuto lang ay dumating na si Sixto at Aicel at may pinag-uusapan na naman ang mga ito tungkol sa birthday ng dalawa. Hindi pa pala niya napa-plano iyon at sa susunod na linggo na iyon mangyayari. Hindi pa din niya natatanong si Sixto kung tuloy sila sa Hongkong bilang iyon ang request ng anak nila.

    "Ako na dyan at ikaw daw maglinis kay Aicel," untag ni Sixto sa kanya. 

    "Bakit hindi na lang ikaw?" tanong niya dito. 

    "Bawal ko daw makita at si mommy lang ang pwede." sagot nito sa kanya. "At least she knows that not everyone can touch her,"

    "Of course I taught her that," aniya dito saka pinasa ang apron at tinungo  si Aicel sa living room.

    Habang pinaliliguan ang anak panay ang kwento nito tungkol sa mga sinabi ni Sixto dito tungkol sa kanya. Ilang beses daw sinabi ng daddy nito mahal siya nito kanina. Gusto niya batukan ang si Sixto dahil doon. Humanda talaga ito sa kanya mamaya dahil pinapaasa lang nito ang anak nila sa napaka-imposibleng bagay. Pagkatapos niya ito mapaliguan ay sabay sila lumabas at dinaluhan na si Sixto sa kusina.

    "Kung ano ano sinasabi mo sa anak mo," sambit niya dito. 

    "Ano 'yon? Wala naman ako sinasabi sa bata," tanggi nito sa kanya. 

    "Talaga? Wala? Ang dami niya kaya kinuwento kanina."

    "Ano ano naman 'yon?"

    "That you love me and nothing's changed."

    Natuptop niya agad ang bibig niya. Huli na para bawiin pa ang sinabi niya at daig pa niya ang na-budol. Right, mambubudol talaga si Sixto noon hanggang ngayon dahil parang sinadya nito na itanong kung ang sinabi ng anak nila kanina. Nag-iwas siya ng tingin dito saka iniwan na ito sa kusina. She picked up Aicel toys on the floor and put it on the side. Tulog na ang bata kaya silang dalawa nalang ni Sixto ang naiwan sa living room.

    "Totoo naman mga sinabi nung bata, Tanya. Nothing's changed and I still want you back," anito sa kanya ng masundan siya nito.

    "Ako yung nagbago Sixto. Wala na ako nararamdaman pa para sa 'yo. Ginagawa ko lang ang mga bagay 'to para kay Aicel,"

    "You're lying..." akusa nito sa kanya saka nilagpasan na siya nito. Direcho itong pumasok sa study room at hindi na muling lumabas. Bumagsak naman ang mga balikat niya bigla at piniling maupo sa couch. She texted Dessa to seek advice. Tingin naman niya ay may maibibigay bilang nasa loob na ito ng matinong relasyon ngayon. Buti pa ang kaibigan niya pero least priority na niya ngayon magkaroon ng karelasyon simula nung ipanganak niya si Aicel.

    From: Dessa ❤
    Baka pwedeng magstart kayo sa simula. As in more time to know each other. 

    She composed a reply and heaved a deep sigh before sending it. Sila ni Sixto magsisimula ulit? Para saan pa? Its like reopening past wounds that's already healing. Naghe-heal nga ba talaga? Sixto's accusations awhile ago hit her to the core. Hindi niya alam kung totoo pa ba siya sa sarili niya o nagsisinungaling na lang. 

    From: Dessa ❤
    Try to be friendly to Sixto. Pwede ding lagyan mo ng benefits yung frienship niyo 😋

    She rolled her eyes upon reading Dessa's reply. Friend's with benefits? Ano ba akala ng kaibigan niya sobrang rupok niya para sa gano'n? Nang bumukas ang study room, lumabas doon si Sixto na naka-topless lang at para bang wala siya doon kung umasta ito. Was he testing her? 

    Oh God, Tanya kasasabi mo lang na hindi ka marupok 'di ba? Ano 'yun joke time lang? Kastigo niya sa sarili. 

    She ignored Sixto and read Dessa's reply to her text message. 

    From: Dessa ❤
    Kahit sinong babae rurupok sa ex mo. Swerte ka kasi kasama mo siya sa iisang bahay. 

    Sunod sunod siya napailing saka tinapos na ang pakikipag-usap sa kaibigan niya. Akala niya matutulungan siya nito pero hindi din pala. Sinapo niya ang kanyang noo saka hinilot ang sentido ng makaramdam siya ng pananakit noon. Napalingon siya ng bumukas ang ulit ang banyo at lumabas doon si Sixto. Nakatapis naman ito ng tuwalya ngayon at doon napagtanto na talaga niyang sinusubok siya nito.

    Stop testing me God... bulong niya sa hangin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status